POP QUIZ (Tito and Tita Edition)

(2018 ngayon, kung ikaw ay 18 years old or below, malamang mahirapan kang sagutin ang mga tanong dito)

dati, hindi pa uso ang cable. wala pang dvd at vcd. wala pang may access sa internet. sa katunayan, iilan pa lang ang may computer noon sa pilipinas. ang uso pang laruan ay ang game & watch. iilan pa lang ang channel sa tv. sikat pa ang channel 4 dahil sa pba. naglalabasan ang mga tao kapag brownout at naglalaro ng taguan. uso rin yung text dati, yung text na maliit na baraha na ginawang komiks ng mga paborito mong pelikula. sikat pa ang cartimar. wala pang ukay-ukay. kulay dilaw pa ang taxi at ang r&e ang pinakasikat. chocolate boys pa ang tawag sa mga pulis. ang tubig na iniinom ay yung galing sa gripo. meron pang red phone. rotary ang pag-dial. uso ang partyline. nagta-type ka sa makinilya (typewriter). uso pa ang telegrama. pebble washout ang labas ng bahay at marmol ang sahig. jalousy ang bintana. mongol ang lapis at rabbit ang eraser. panda ang ballpen (scented and unscented). pwede ka pang manghingi ng patis sa kapitbahay. uso ang topsider na sapatos at acidwashed na pantalon. sikat ang betamax at cassette tapes. adik ka daw pag long hair ka. madami pang nagtitinda ng sweepstakes sa quiapo. uso pa ang malalaking audio component system na kung ilang patong (equalizer, tuner, amplifier, cassette deck, etc). mura pa ang storck. kung inabutan mo ang panahon na ‘to, siguro alam mo ang ilan sa mga sagot sa mga tanong sa ibaba. goodluck!

Continue reading

Starbucks Syndrome

– Jojo Robles

Mayroon ka bang Starbucks Syndrome?

Ito ay isang nakakahawang sakit na nagpapataas ng paa (madalas dalawang paa) ng biktima sa upuan habang humihigop ng mamahaling kape at naglulustay ng napakaraming oras sa loob ng isang coffee shop.

Wala pa namang naiulat na namatay dahil sa nasabing karamdaman, bagama’t marami nang nagreklamong mga magulang, mga bisor at maging mga may-ari ng mga establisyementong hindi kapihan dahil sa mga masamang epekto ng Syndrome na ito.

Continue reading

The Starbucks Principle

by Nick Garcia

Haven’t you noticed how Starbucks has taken the place of Megamall, Enchanted Kingdom and Jollibee? Today, Starbucks spells gimmick. Suddenly everyone is mad about coffee, and is willing to spend a whopping hundred bucks for “one tall mocha frappe please!” or “I’ll have one grande iced coffee please!” Everyone claims it’s different, it’s something else and it’s to die for. Instead of catching a nice flick at the cinema, the Filipinos’ new idea of fun is to voluntarily park their buns at the café and gulp all the caffeine they can.

Continue reading

Bakit ‘Di Ka Crush ng Crush Mo?

According to Ramon Bautista, may sampung posibleng dahilan kung bakit.

  1. Panget ka.
  2. Masama ugali mo.
  3. May syota siya.
  4. May syota ka.
  5. Bakla/Tomboy siya.
  6. ‘Di kayo match sa horoscope.
  7. Okay ka naman pero siniraan ka ng mga friends niya.
  8. High maintenance ka.
  9. Trip mo yung mga ayaw niyang TV show.
  10. Wala ka sa radar A.K.A. hindi ka niya napapansin.

Puno’t Dulo ng Pag-ibig

Lumang post sa dating blog.

– Anonymous –

Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. Ang labo diba? Pero ang linaw. Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?! May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only for stupid people.” Nakakatawa kasi loud ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Continue reading

Page 1 of 1212345...Last »