Puno’t Dulo ng Pag-ibig

Lumang post sa dating blog.

– Anonymous –

Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. Ang labo diba? Pero ang linaw. Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?! May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only for stupid people.” Nakakatawa kasi loud ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Continue reading

Bakitganun #48

paano ba maging malapit ka sa crush mo?
may ibang dinadaan sa biro. ang iba ay dinadaan sa pang-aasar. meron din namang dinadaan sa lambing. pero laging tatandaan na wag sosobrahan, baka ma-creepy-han sya.

Pano masasabing hacker ang isang tao?
sa ngayon, mas madalas na nating i-associate ang hackers sa mga taong gumagamit ng computer para makapambiktima ng mga korporasyon o indibidwal para mapagkakitaan o kung ano mang masama nilang balak. meron din namang tinatawag na mga ethical hackers. ito naman ang mga taong ginagamit ang kanilang hacking skills upang mapag-aralan, mapalakas at gawing safe ang mga computers, computer networks, cyberspace at kung anu-ano pang may kinalaman sa “cyberlandia”.

pang pasikip bA ang tawas?
hindi. pampaputi sya ng kili-kili o damit.

bakit ganun sabi sakin ni catherine d nya ako gusto pero natyempuhan ko lagi syang tingin ng tingin?
wag kang masyadong assuming, masasaktan ka lang.

15 rason para hindi magalit ang girlfriend mo

  • wag mambababae. (kung mambababae, wag magpapahuli. joke lang!)
  • wag susundan ng tingin kung may mapapadaan na ibang babae tuwing kasama mo sya
  • lagi mo syang dadalahan ng pagkain
  • habaan ang pasensya kung kasama mo sya sa pagsho-shopping
  • wag mong kakalimutan ang mga importanteng dates tulad ng birthday nya, anniversary nyo, birthday ng aso nya at iba pa
  • wag sasabihing tumataba na sya. kung hindi maiiwasan, ihanda ang sarili
  • samahan syang manood ng mga romcom, drama at romance films sa sinehan
  • wag itago sa pamilya o barkada unless may usapan kayo tungkol dito
  • ibigay ang celphone kung hinihiram nya. patunay ito na wala kang itinatago
  • pag sinabi nyang “oo”, “sige”, “enjoy” o “ok lang”, magdalawang isip ka. minsan, kabaligtaran ito ng gusto nya
  • kung may ipinangako ka, tuparin mo (kaya wag ipangako na ibibigay ang araw, buwan at mga bituin)
  • laging papakinggan ang mga sinasabi nya at tandaan ang mga importanteng detalye. kung kelangan mo ng ballpen at papel para isulat ito, gawin mo
  • wag mo syang sasaktan. may mga pagkakataong hindi naiiwasan na masaktan mo sya o magkasakitan kayo emotionally, pero wag na wag mo syang gagawan mg pisikal na pananakit. bad yun!
  • mag-aral ng mabuti, work hard, lumayo sa mga bisyo para maging proud sya sayo
  • etong huli ay bahala ka na. kelangan e mag-effort ka rin minsan 😀

Continue reading

What is Life?

Quote

“Life isn’t about keeping score. It’s not about how many people call you and it’s not about who you’ve dated, are dating, or haven’t dated at all. It isn’t about who you’ve kissed, what sport you play, or which guy or girl likes you. It’s not about your shoes or your hair or the color of your skin or where you live or go to school. In fact, it’s not about your grades, money, clothes, or colleges that accept you or not. Life isn’t about if you have lots of friends, or if you are alone, and it’s not about how accepted or unaccepted you are. Life isn’t just about that. But life is about who you love and who you hurt. It’s about how you feel about yourself. It’s about trust, happiness, and compassion. It’s about sticking up for your friends and replacing inner hate with love. Life is about avoiding jealousy, overcoming ignorance, and building confidence. It’s about what you say and what you mean. It’s about seeing people for who they are and not what they have. Most of all, it is about choosing to use your life to touch someone else’s in a way that could never have been achieved otherwise. These choices are what life is about.”

Pogi Rock

Reposting this blog article by Tutuli sa Tenga ni Tabachoi which I first reposted on my Friendster blog some years ago.

Hindi na sya sekreto. Gamit na gamit na yung term sa iba’t-ibang blog. Narinig na natin kay KC Montero sa MTV Pilipinas 2005 nung inintroduce nya yung Cueshe tsaka Hale. Ang bagong genre sa pinoy music… POGI ROCK.

Saan at paano nagsimula ang genre na ito?
Continue reading

Bakitganun #47

Bakit sumasakit puson ko pag umiihi?
isa sa pinaka-common na sanhi nito ay ang pagkakaroon ng urinary tract infection. makabubuting kumunsulta sa doctor kung patuloy itong nararamdaman.

masama bang magmahal ng kapareho ang kasarian
depende sa kung ano ang pinaniniwalaan mo. iba-iba ang pananaw ng mga tao tungkol dito.

ano gagawin ko kasi cool off na kami ng gf ko
hindi ako naniniwala sa cool off. kung gusto mo ng space, mag-astronaut ka.

bakit ang tao ay makasalanan? 
dahil tayo’y mga tao lamang na madaling matukso. at ito ang susukat sa ating katatagan, mga paniniwala at prinsipyo.

kapag ba daan ng daan ang babae sa harap mo, may gusto na agad sayo?
assuming ka masyado. baka naman kelangan nya lang talagang dumaan dun.

Continue reading

Page 1 of 1112345...Last »