Bakitganun #10

san nakakabili ng ballpen?
sa iyong suking tindahan.

paano mo malalaman kung babae o tomboy
siguro kung trip nya ay babae din, tomboy sya. pero kung lalake ang gusto nya, siguro ay babae sya.

why do we wash bath toweLs? aren’t we clean when we use them?
kung ayaw mong labahan ang bath towels mo, okay lang sakin. ikaw naman ang gumagamit nyan. wala namang pumipigil sayo.

gamot sa kuliti?
bakit, may kuliti ka rin? nagbigay na ako ng reseta dati dyan. pakihanap na lang sa baba.

kelan nagsimula ang himagsikan? LOL =)
bago pa magkaroon ng edsa. šŸ˜‰

anong gagawin pag masungit ang girlfriend mo?
depende kung gaano kasungit. siguro kung sobrang sobrang sobrang sungit, baka hindi ko sya naging gf. kung sungit na malambing, ok lang yun. kung sungit dahil sa may nagawa kang kasalanan, tanggapin mo na lang. ganyan talaga.

anu sa bagiuo ang laylaydek sika
kahit sa maynila ay hindi ko alam ang laylaydek sika.

wag ipilit ang ayaw
hindi ko naman pinipilit. nanahimik na nga ako. maghihintay. tungkol san ba ito? hmm…

may anung uri ng populasyon ang pilipinas
hindi ko alam kung anong uri ng populasyon meron ang pilipinas. ang alam ko lang ay over populated na ang pinas.

kakaibang kwento mula sa kuto
ang alam ko ay malalakas silang tumalon at nagdudulot sila ng pangangati sa ulo. lisa ang tawag sa mga anak nila. wala akong maikwekwentong kakaiba mula sa kuto.

bakit importante ang heograpiya?
hindi ka na naman nag-aral ng assignment mo kaya sakin mo tinatanong yan no? ishi-share ko lang ang sinabi sa akin ng ka-opisina ko. geography is history. kapag hindi ka umaalis sa kinalalagyan mo, hindi ka nag-iiwan ng history.

bakit may tao sa mundo
para may mag-alaga sa kanya. kaya lang hindi alam ng tao yun. yan, alam mo na. sabihin mo din sa mga kakilala mo.

magandang ugali na ngsisimula sa letra i
independence, integrity, industry, impartiality… hmm, ano pa ba…

aside from intuituion, how would you know na may kinalolokohan ang bf/gf mo?
first step, kung mahuhuli mo sya. second step, kung mapapaamin mo sya. yung pangalawang step yung mahirap dyan. minsan kahit nahuli mo na, todo tanggi pa rin.

paano nauuri ang heograpiya
assignment na naman! ayon sa aking nabasa… there are 2 elements of geography, physical and human geography. under physical geography are: rocks and minerals, landforms, soils, animals, plants, water, atmosphere, rivers and other water bodies, environment, climate and weather, and oceans. under human geography are: population, settlements, economic activities, transportation, recreational activities, religion, political systems, social traditions, human migration, agricultural systems, and human systems.

yan, pinag-research pa kita. sana iyan ang sagot sa tanong mo. hindi din ako sigurado. at sana umabot ka sa deadline mo. at isulit mo din ang binabayad nyo sa internet nyo. magresearch ka, wag puro friendster at youtube yang pinupuntahan mo. haha!

bkit tanga k bobo
sige, ikaw na ang magaling.

anu ano ang struktura ng mundo
payo ko sayo, mag-aral kang mabuti. wag mong i-asa sa akin ang homework mo. sa panahon na masagot ko yan e baka tapos na ang deadline ng teacher mo. sisihin mo pa ako pag napagalitan ka. :p

love ba ang mga kasagutan sa problema ng tao?
madaming problema ang nasasagot ng pag-ibig pero hindi lahat. pag-ibig sa kapwa, pag-ibig sa sarili at pag-ibig sa bayan. yan pa lang ay madami-dami ng problemang masasagot yan.

BAKIT MAS MARAMI ANG MGA BABAE KAYSA LALAKE?
yan ay para mas masaya ang mga lalake. šŸ˜‰

sd
tini-test mo ba kung gumagana ang submit button?

ilan ang populasyon ng 2008 ng mga lalaki
sabi nila mas madami daw yung mga babae. at madami pa ngayong mga lalake ang bumabalimbing, nagiging babae na din sila. at nagkalat sila.

bakit nagkakaroon ng immoralidad?
ngayon pa ba tayo magsisisihan. andyan na yan e.

ilan ang tao noong 2008
madami na. seryoso ako, madami na talaga.

bakit gwapo si gerald anderson?
kanya-kanyang trip yan. feeling mo naman ikaw si kim chui? haha!

sino gumawa ng site na to?
ang inyong lingkod, bow.

bakit nakakabingi ang ingay?
nakakabingi din ang sobrang katahimikan.

sino pipiliin ko: the one who loves me or the one i love?
saang telenobela mo naman napanood yan? hehe… kung saan ka magiging masaya, dun ka. šŸ˜‰

paano mo mapapalungkot ang mukha ni smiley?
likas na masayahing nilalang si smiley. wag mo na syang i-try na palungkutin dahil mahihirapan ka lang. gusto mo, hanapin mo na lang yung kaibigan nya… si frowney. šŸ™

kamusta ka na?
okay pero hindi talaga. gising pero inaantok. nag-iisip pero wala sa sarili. madaming kasama pero nag-iisa. salamat sa pangungumusta. šŸ˜‰

why can’t we walk above water?
dahil hindi tayo diyos?

bakit may tao sa ibabaw ng mundo?
meron din sa ilalim. hindi lang sila nahuhulog kasi hinihila sila ng gravity. šŸ™‚

bakit masakit ang ulo ko ngayon?
sabi ni ka ernie, ang dahilan daw ng pagsakit ng ulo ay ang kakulangan ng oxygen sa ating utak.

pano kung M.U kayo tapos masyado na sya malapit sayo tapos isang araw mawawala na lang sya sa kin.. Ung biglang mawawalan ng comunikasyon.. ansakit kc nun ngayon para sakin kaso nahihiya naman ako magtanong kc wala naman kaming relasyon.. pano gagawin ko?
diba sabi mo e M.U. naman kayo. dapat hindi ka na nahihiyang magtanong sa kanya. itatanong mo lang naman kung bakit hindi na sya nagpaparamdam. kumustahin mo rin muna sya. baka meron lang syang mga sariling dahilan kung bakit hindi sya nakapagpaparamdam.

saan maganda mag honeymoon?
kung dito sa pinas, i-try mo yung amanpulo. kung sa labas ng bansa, sabi nila romantic daw sa italy or france. dun daw sa venice (italy), pag sumakay ka daw sa mga gondolas, sa sobrang romantic ng lugar, dun mo na gustong gawin sa gondola yung… yun na nga! kung adventurous ka, baka gusto mong gawin sa mga bundok. yung tipong magmomountain climbing muna kayo tapos sa taas ng bundok e merong hotel. o kaya kahit sa tent na lang pwede na. haha! kung madami kayong pera, mag-rent ka ng yacht tapos sa gitna ng kung saang dagat man yan, dun kayo magcelebrate ng inyong honeymoon. gusto mo naman e sa beach, underwater epek. isipin mo na lang na mga sirena at syokoy kayo.

anong meron ang cheese na wala ang keso?
keso o cheese man, love ka yan pareho kung meron man silang pagkakaiba.

peyborit mo ba color violet?
hindi e. pero okay syang tingnan. medyo kakaiba. medyo shocking. parang kadiri na masarap kainin.

bakit may nga taong tanung ng tanung khit alam nman nila ang sagot?
dahil masarap magtanong at masarap ding makinig ng sagot. masarap malaman ang nilalaman ng isip ng mga tao.

pwede ka bang maging ka-date?
wow, aggressive! ;p

payag ka ba kung yayain kita mag-date?
ahh… uhmm… wala akong pera eh! wahaha!

may girlfriend ka na ba?
sa ngayon ay wala. im accepting applications. submit your resume together with your pictures. 1 close-up and 1 whole body. and please specify your talent. wahaha! diba ganun yung hinihingi sa mga nag-aaply sa japan? haha! LoL! šŸ˜‰

P.S.
wag pong seryosohin. pero kung ayaw nyong papigil… bahala kayo! LoL!

gano n kaya karami ang taong nbuhay sa mundo?
ayon sa aking masusing pag-aaral…

madami na!

pano mo ba malalaman pag nagsisinungaling na syota mo sayo? pilit syang nagdedeny.
pano mo nalamang nagdedeny sya kung hindi mo alam kung totoo o hindi ang sinasabi nya. tulad ng sagot ko sa isang tanong dito, may mga kinikilos ang tao na taliwas sa sinsabi. pero kesa sa nagpapakiramdaman kayo, mas maganda na daanin na lang sa usapan kung ano man ang mga isyu nyo.

alam mo ba kung panu sasabihin sa gobyerno lahat ng hinaing ng tao o kaya email add ni gloria.. takte naiinis na ko ehhehe… world peace
kung alam ko ang email add ni gloria malamang madami na din akong na-send sa kanyang email. malamang nakalagay na din ang pangalan ko sa kanyang spam folder.

anung meron at ginawa mo ang site na ito?
wala namang meron pero marami ding wala kaya ayun, lumitaw ito. (basahin ang sagot sa tanong sa baba nito, medyo related ang sagot)

cnu c superxienah? magkaanuanu cla ni superman?
si xienah ay isang babaeng laging pinagtatanungan… yan, kaya naisipan kong gumawa ng site na pwedeng pagtanungan. mapagtatanungan na parang isang kaibigan. at tulad ng isang kaibigan, hindi nangangahulugan na lahat ng maibibigay kong sagot ay tama. pwedeng tama, pwedeng mali. pwedeng seryoso, pwedeng kalokohan.

P.S.
hindi ko nga pala alam kung kaanu-ano nya si superman.

ikaw na lang kulang?
ako na lang ang kulang? siguro kulang-kulang. loko-loko. sintu-sinto.

sana ay mapunan din ang aking kakulangan dahil… i want to be complete. yan! pang commercial yan ha.

dapat nilagay mo: updated on random days. haha
panalo ka dyan. haha! minsan kapag madaming ginagawa, hindi ko na malaman kung kelan ang monday… sige, pagbibigyan kita. šŸ˜‰

paano ko maiimprove ang aking learning skils kasi hirap na hirap talaga ako matuto eh!!!Thanks!!!?
siguro, dagdagan pa ng tiyaga. at madami pang tiyaga. magconcentrate, magrelax at bawasan ang distractions.

eto pa dagdag. sabi ito ng isang kaibigan. itago na lang natin sya sa kanyang tunay na pangalang darlene. šŸ˜‰
— know the key points of where the person is strong, then work on it. some are visualy inclined, some are not. some learn better w/ a team, small group or solo. use positive reinforcements.. even to urself.

friendly ka ba sa bading? may bading na ba nagkagusto sau? panu kung isang araw, may bading na magsasabi sa u ” I like you, your nice” ano gawin mo? Sasapakin mo ba sya or dedmahin lang!
friendly ako kahit kanino. straight man o liku-liko. wala pa yatang bading na nagkagusto saken. mukha lang syang lalake pero hindi sya bading… haha! ang type kasi ng mga bading yung mga macho, e hindi naman ako macho… cute lang, kaya ayaw nila saken. bwahaha! sa totoo lang, kung meron mang nagkagusto saken na bading, wala na akong balak alamin. haha. pero lilinawin ko lang, hindi ako galit sa mga bading. basta disente at matino. ok lang siguro na sabihan nya ako ng “i like you” because i am nice. hindi naman ako nanapak kaagad. o depende din siguro sa pagkakasabi. dapat friendly yung pagkakasabi. dapat walang malisya. walang nakatagong motibo. yung parang gusto kang i-take home. kadirdir! (natutunan ko yang word na yan sa pamangkin ko… hehe!)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.