Bakitganun #11

paano mo maitatago ang nararamdaman mo?
wag.

pano ako mapapalapit sa kaklase kong irreg? na crush ko? natotorpe ako. help meh
kung wala kayong seating arrangement, unahan mo syang pumasok sa class nyo tapos umupo ka sa tabi kung saan madalas syang umupo. o kaya magpa-late ka, siguraduhin mo lang na hindi sya mas late sayo. tapos dun ka umupo sa tabi nya. pero kung mala-bombshell ang crush mo, malamang may nauna na sayo sa tabi nya. pag may quiz naman, pakokopyahin mo sya. siguraduhin mo lang na tama yung pinapakopya mo dahil kung puro sablay yung pinakopya mo, hinding-hindi na sya tatabi sayo at lalong hindi na kayo magiging close. wahaha! pag magkatabi na kayo ng upuan, habang nagkaklase, daldalin mo sya. pero kung sya yung nerdy-nerdy type, malamang ma-turn off sya sayo. kung gusto mo talagang maging super close kayo, yung tipong lagi mo syang makakasama… ibagsak mo yung ibang subjects mo ngayon, e di pareho na kayong irreg next sem. kita-kits! haha!

nice…nagpalit anyo ka ah…^_^
siguro yung site lang na ito. pero ako, wala pa ring nagbabago. yung mga pinapakinggan ko, yung mga pinapanood ko, yung mga pinapaniwalaan ko, yung suot ko yun pa rin. hindi pa nga ako naliligo e. wahaha! yung mga kinaiinisan ko, yung mga minamahal ko ^_^, yung mga nararamdaman ko… walang nagbago. umigsi lang yung buhok ko. ^_^

Bakit di pa nasasagot yung tanong ko?
yan, meron na?

kaya ba sumikat si sadako kasi lumabas sya sa tv ?
siguro mas sumikat sya kung sinabayan nya pa ng pagsising and dance ang paglabas nya sa tv. siguradong walang sinabi si marianne rivera(?) at kim chiu sa kanya. 🙂

how will you stop loving someone? masyado na masakit at mahirap ung sitwasyon.
dapat yata itanong ko rin yan minsan sa sarili ko. kung ako, hindi ko pipigilan na mahalin sya. hihintayin ko na lang mawala ang nararamdaman. pero ang problema dyan, kung hanggang kelan.

bakit mo na naisipan na lagyan ng banner ito?
madaming dahilan.
1. napagalitan kami ng aming boss = malungkot
2. maagang nag-uwian mga superiors = walang mapagtanungan
3. nakakita ng magandang picture = uy! pwede sa banner
4. nagta-trial and error ng css = uy! pwede sa layout
5. nakakita ng bagong webhost dahil nauubusan na ako ng bandwidth sa aking lumang webhost = dahil ba ito sa pagdami ng readers ng site na ito? hmm… 😉
6. dahil laging may nagtatanong kung bakit hindi pa ako nagpapalit ng banner na matagal ko ng sinabi na papalitan ko.
98. friday nun, walang pasok kinabukasan = pwede magpuyat (kelan ba ako hindi nagpuyat?)
99. walang nagyayang gumimik = wala na kaming mga pera (wahaha!)
100. kumain ako ng baked macaroni = madaming cheese

biglaan ang mga pangyayari. hindi ko rin inaasahan na matatapos sya agad (11pm-4am).

bakit wala pa akong boyfriend?
kailangang-kailangan na ba?

wag mag-alala, darating din ang para sayo. lucky number: kung hindi 37, baka 42. lucky color: brown na may shade ng yellow. kadirdir! parang tae.

how can i win an ex back?
kung paano mo sya nakuha dati. sa tingin mo ba e mahal ka pa nya o karapat-dapat ba talaga syang balikan. kung sa tingin mo ay dapat talagang ipaglaban mo yung nararamdamn mo sa kanya, sige, balikan mo sya. tataya ako sayo.

SIDE NOTE
mahirap bigyan ng sobrang halaga ang isang tao pero balewala ka naman sa kanya. (ouch!)

hindi ba expected na kung paano ka magperform sa recorded albums e dapat ganun din sa live?
depende sa tao. ako hindi na ako nag-eexpect ng ganun. iyon sana ang ideal, pero ang buhay ay malayo sa pagiging ideal. pag nag-expect ka lagi ng ganun, malamang ma-disappoint ka lagi. (pero kung mahal yung ibinayad ko, dapat galingan nila… wahaha! hindi naman kelangang perfect.) siguro dalasan mo pa yung panonood ng mga live shows para masanay ka. 😉

bat ang sexy ni keely hazell
baka nagda-diet. o baka kumakain sya ng bulate. sabi dati merong mga model daw na kumakain ng bulate para hindi sila tumaba. hmmm…

anong masasabi mo sa pagkabaliw ko sa lalaking 9 years ang tanda sa akin? gustong gusto ko siya pero parang hindi siya seryoso sa akin. 21 ako at 30 siya. 4th year college na ako tapos may stable job na siya. pareho kami ng mga hilig sa music, paniniwala, takbo ng isip, etc. gusto ko paggrad ko sa college ako ang pakasalan niya kaso mukhang malabo yun dahil babaero at sinungaling siya. huhuhu… 🙁 ayaw sa kanya ng mga kaklase at kaibigan ko kasi daw he’s up to no good. ayoko talaga siyang tigilan, parang ako pa ang habol ng habol sa kanya. anong dapat kong gawin para hindi na ako mabaliw sa kanya?
sabihin mo ng tanga o gago o isang sirang romantiko ako… pero ito lang ang maipapayo ko sayo… kung ano ang sa tingin mong makapagpapaligaya sayo, iyon ang sundin mo. pag-isipan mong mabuti. tapos itanong mo sa sarili mo kung magiging masaya ka ba. kung sa bandang huli ay na-realize mong nagkamali ka ng desisyon, at least lumigaya ka nung mga panahon na yon.

ito ang higit mong dapat pag-isipan… sigurado ka bang pag-graduate mo ay gusto mo na agad mag-asawa? 😉

ba’t ang sungit mo sken?
kung ikaw yung taong iniisip ko, wala naman akong dahilan para magsungit sayo. kung hindi naman ikaw yung taong nasa isip ko, ang masasabi ko lang ay: huh?!?

pukengina mo ulol tangina mo buwakangina mo nanay mu ni rape-ni pekto gagu!!!!
kung iyan ang makapagpapagaan ng iyong kalooban, sige lang.

ayaw ko sanang i-sensor ang mga tanong at messages nyo pero ayoko rin namang maging masyadong malaswa ang site na ito. siguro ay huli na yan sa mga ganyang klase ng mga mensahe. kung ako lang ay ok lang sa akin ang mga ganyang klase ng mga mensahe dahil tulad nga ng sabi mo, gagu ako. gago talaga ako. pero hindi lahat ng pumupunta sa site na ito ay mga katulad kong gago.

babalik ulit ako sa lagi kong sinasabi sa sarili ko. ang buhay ay isang malaking mind game. kapag naasar ka, talo ka. :p

bakit laging huli dumating ang mga pulis sa pelikula at sa totoong buhay kapag nagkakaroon ng riot?
sa pelikula, ano pa ang silbi ng bida kung mauunang dumating ang pulis. sa totoong buhay, kung naunang dumating yung pulis, baka wala ng riot.

bakit ang babae ang hilig mag fasting at mag diet tapos pag depressed naman e lamon ng lamon..(hakhak) kain lang pala (sory girls!)
iyon kasi ang nagiging coping mechanism ng iba pag nadedepress, hindi lang sa mga babae. yung nagda-diet, marami na ring kalalakihan ang gumagawa nito kaya nga hit na hit ngayon ang ibat-ibang uri ng pagda-diet (southbeach diet, etc,etc…). madami na din ngayon ang nagsulputang mga gym. at hindi lang pangmayaman ang mga naglabasang gym dahil kahit sa mga kanto-kanto ngayon ay may makikita kang mga gym. siguro dahil mas health conscious na ang mga tao ngayon. mas aware na tayo ngayon sa kung anu-anong mga sakit. at syempre, andyan pa rin yung pagpapa-cute at pagpapa-impress sa opposite sex.

how can we make friendships last?
sabi sa isang kanta: R-E-S-P-E-C-T
tulad ng iba pang mga relationships, para sa akin ay mahalaga ang respeto. dapat ding i-respect mo yung mga taong pinapahalagahan nya. siguro minsan ay may tampuhan pero natural lang ito sa kahit ano mang relasyon.

SIDE NOTE
minsan nagkakalayo man ang magkakaibigan ng mahabang panahon at ng malayong lugar, hindi nangangahulugang nawala na ang pagkakaibigan. dahil minsan, iyon ang tawag ng pagkakataon. may mga kaibigan akong matagal ko ng hindi nakikita at yung iba ay kung nasaang lupalop na ng mundo, pero nananatili pa rin ang pakikipagkaibigan ko sa kanila. andito lang naman lagi ako sa tabi-tabi diba? ^_^

“you know my name, you got the number” — j.lennon

about live performances and recording. bakit mas pangit ang tunog kapag ang isang song ay tinutugtog ng live? kumpara sa recorded albums?
isang dahilan ay dahil kapag live performance, 1 take lang. pag mali ka, wala ka ng magagawa. kapag sa studio, ilang beses nilang inuulit-ulit-ulit at ulit pa ang mga ito at minsan ay minamanipulate pa ng kung anu-anong mga machines para lang lumabas ang desired nilang tunog at ang ibang mga machines na ito ay hindi naman laging available sa mga live performances. at kung bumibili ka ng mga live bootleg albums, mapapansin mo na mas inferior ang quality nito kesa sa mga official release live abums. dahil ang mga official releases ay kinukuha nila mismo sa source ng sound ang mga tunog. isa pa sigurong dahilan ay meron talagang mga artists na sadyang hindi kahusayan kapag nagpeperform ng live. at dapat din ay magagaling ang mga sound engineers mo.

san pwedeng magjakul?
kahit saan na pwede mong i-lock. nakakahiya pag nahuli ka ng nanay mo.

bakit may magaglit?
yan yung sinabi nya sakin dati nung niyaya ko syang manood ng concert. baka daw may magalit. ^_^

pano ako makaka-move on sa isang breakup? tas classmate ko pa sya, araw-araw kaming magkikita. ang sakit pa on my part kung bat nakipagbreak sya sakin. tas she wants us to be friends. e hindi ko kaya.
mahirap talaga yan. mahirap makipagrelasyon sa classmate mo o sa ka-officemate mo dahil pati yung pag-aaral mo o yung trabaho mo naaapektuhan. sabi ng iba, time heals… pero kung hindi mo na kayang hintayin ang time na yun at sa tingin mo ay nakakasama na talaga sa pag-aaral mo yung araw-araw nyong pagkikita, siguro ay lumipat ka na lang ng ibang section o magpalit ng schedule. pero kung hindi pa rin pwede yun… hayyy… mahirap man, masakit man… kelangan mo na lang talagang harapin.

payag ka ba na ikaw ang pinaka mayamang tao sa mundo pero kamuka mo si mahal ? NYAHAHA LOL
ok na ako sa itsura ko. 😉

pwede mo bang iboto ang A? http://katbarrion.multiply.com/journal/item/11
pasensya na. C ang binoto ko e. para sayo naman yun. C as in Kat. pero kung gusto mo… boboto ulit ako. B naman. B as in Barrion. diba kumpleto na. 😉

nakikita mo pala yung tanong kaso di mo agad sinasagot! haha
ahh… oo.

anong mas cute?girl o boy angels?
sabi ng kaibigan ko, wala daw babaeng angel. pero meron akong kakilalang angel na maganda. sabi naman ng iba wala naman daw gender ang mga angels. kaya siguro yung mga nabibiling figurine ng mga angels e hindi mo malaman kung lalake o babae sila.

pogi ba ko?? tang’na mo kung hindi…
sabi ba yan ng nanay mo? lahat ng nanay, gwapo at magaganda ang lagi nilang sinasabi sa kanilang mga anak. hindi lahat ng pagsisinungaling ay masama.

oi ano bah!!! tanong ko kung pano manligaw di kelan manliligaw sussagutin mo na kc!!
eto kasi yung classic… pupunta ka sa bahay, bibigyan mo ng regalo, ihahatid mo, susunduin mo. minsan pati magulang liligawan mo. pero mas ok sakin yung pa-hang-out hang-out lang kayo. kung ano yung madevelop.. e di yun… pero syempre ipa-feel mo sa kanya na special sya sayo. ok din naman yung magbigay ng gifts pero wag mo namang daanin lahat sa regalo, baka mapagkamalan kang DOM. saka wag mong itatanong kung gusto nya ba ng pang-load. wahaha!

tangina mo gagu!!
KWENTO: lagi kong naiisip… ang buhay ay isang MTV. kapag nag-iisa na kasi ako (at kahit minsan na may kasama), madalas na merong tumatakbong musika sa isip ko. ako naman, ang feeling ko ay ako ang nasa music video.

madalas ko ding sinasabi sa sarili ko na ang buhay ay isang malaking mind game. pag naasar ka, talo ka.

pano ba malaman kung niloloko ka na ng bf mo?
kapag nalaman mong meron syang iba tapos kayo pa rin. 😉

kuwentuhan mo naman ako oh hu hu hu my mom hates me…
hindi dahil katakut-takot na sermon ang inaabot mo sa magulang mo ay nangangahulugang hate ka ng magulang mo. minsan, nasa atin din ang kakulangan. in-assess mo na ba ang sarili mo? inisip mo ba kung bakit nagkakaganun ang magulang mo? kung sa tingin mo ay mali at walang basehan ang ginagawa nya, siguro ay kelangan nyong mag-usap muna.

d2 po ba magtatanong?? lolzz
anong pakiramdam?

oi bilis mo mag-update ngaun ah ano meron lasing ka?
mabilis na ba yung after 2 weeks? ayuss!

oi bili mo ko ng psp’s ha tatlo….
pag naka-jackpot ako sa lotto ibibili kita ng anim.

kmusta?bkit parang di kna namamansin? ^_^
ayokong may magalit sakin. sya… sila… lalo na ikaw.

(baka isulat ko na lang ang iba sa blog. bahala na.)

paano pu ba mangligaw haha tanung lang kasi di pa ako ngkakarun ng gf eh 16 na ko hehe
wag kang magmadali. darating din yan. wag kang papasok sa isang relasyon para lang magka-gf. (wow, bait ko ngayon.)

alam mo bang magaling kang sumagot ng mga tanong? kahit yung mga tanong na walang sense… kagaya nito.
salamat po. ginagawa ko lang ang makakaya ko. basta tungkol sa walang kwenta, maaasahan mo ko dyan. 😉

ANONG PANGALAN MO?
tulad ng pangalan mo, nag-uumpisa din ang pangalan ko sa capital letter.

x9+10y=0 change in general and y-axis form
ahh… ehh… ganito yan e… wala yata ako nung tinuro yan ng teacher ko.

kayo na ba?
😐

saan nkakabili ng cytotec sa batangas area
hindi ba ipinagbabawal ang gamot na yan. hindi yata nabibili ang gamot na yan over-the-counter. kung may paggagamitan ka nyan na hindi kanais-nais, wag mo ng ituloy.

bakit ka gumawa ng ganitong site? kung site man itong matatawag.
kasasagot ko lang nito. scroll mo ng konte sa baba. konte lang ha. gumawa na kaya ako sa susunod ng FAQs. hmm…

hinde po ako makapag scroll sa PSP ko ano kaya sa tingin nyo ang problema nito tHanks po.
technician na rin pala ako ng psp ngayon. kung tatanungin mo ako kung ano ang problema nyan, sa tingin ko ay may sira yan.

ano ang pagkakaiba ng tao sa ibang likha
tayo ay may konsensya. parang sabon na safeguard.

bakit ka malungkot?
dumadating talaga ang panahon na sobrang lungkot. minsan hindi na maipaliwanag. minsan hindi na alam kung talagang madrama lang. hindi naman ako mahilig manood ng telenobela.

ano yung title nung tagalog version ng “Umbrella”?
hindi ba payong?

pano na?
tiis na lang. ganun talaga weh. mahirap ang buhay.

anong pangalan ko?
nagsisimula sya sa capital letter.

pakiramdam ng in love
hindi maipaliwanag. parang special na halo-halo.

paano nagmula ang edsa revolution?
iyan ay dahil sa isang presidenteng diktador na naghari sa matagal na panahon. at dahil sa mga hindi makatao nyang ginagawa ay namuo ang galit ng mga tao na nauwi sa matitinding pag-aaklas.

ba’t di mo pa lagyan ng banner at footer, kay tagal tagal tagal na nyan eh.
sorry po. tamad lang. isama mo pa ang santambak na ginagawa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.