Bakitganun #12

muzta na
muzta na naman… ito kaya, sino naman ito… ayuss lang ako. kaw muzta?

yung ibang gustong mangamusta, kung alam nyo email ko, pwede nyo kong i-email. kung alam nyo yung address ng bahay o opisina ko, pwede nyo kong sulatan o puntahan. kung alam nyo number ko, pwede kayong mag-text o tumawag. kung alam nyo multiply o friendster account ko (edit: hindi pa uso ang facebook at twitter ng mga panahong ito), pwede kayong mag-message. kung alam nyo kung saan ako madalas dumaan, pwede nyo kong abangan. sa mga hindi nakaka-alam… sige, kahit dito na lang. =)

ahahaahaha
hindi ko alam kung bakit ka tumatawa pero… sige tawa lang.

aysos , ibig bang sabihin nyan e mas bigtime ka na ? mag-coke araw araw šŸ™‚ may future kaaaa ..
sabi ng tita ko, nagka-diabetes daw sya dahil sa pagco-coke araw-araw.

kelan maayos to?
ayuss na po! =)

bt ang gnda qho?
talaga? eto nga pala number ko: 09193_3_7_4. haha!

did rock music originated from the blacks? only taken by the white people?
nung high school ako, history of rock music dapat ang gagawin kong term paper pero sabi ng teacher ko ay wala daw kwenta yun. ayon sa aking pagkaka-research dati, ang rock music ay hinango sa iba-ibang genre tulad ng rhythm and blues, folk at gospel music na alam naman natin na mas associated at pinasikat ng mga blacks. at dahil dito, maaari nga nating sabihin na nag-originate ang rock music sa mga blacks.

bk8 my mga taong mhrp intndhn?
ano kamo? meron ding mga taong hindi marunong umintindi. meron din akong kilalang taong mahirap intindihin. kahit anong pilit kong isipin. bomalabs. wla sa hulog. magkaiba lang siguro kami ng mga pananaw. o baka hindi lang ako marunong umintindi?

did he just use me for sex?
ako ba talaga ang dapat sumagot nyan? uhmm… yes? sige, no na lang. isipin mo na lang na sa mga panahon na nagse-sex kayo ay mahal ka nya.

ilan ang EMO sa Pilipinas..
ang dami nila!!!

how are you? what’s up?
hmm… sino kaya ‘tong nangungumusta na ‘to. ang madalas kong sabihin pag kinukumusta ako ay “ayuss lang”. ayuss lang naman ako. medyo busy kaya madalas late ang pag-uupdate ko ng site. kaw, kumusta? what’s up?

bkit maliwanag ang araw?
ikaw man ang mag-liyab ng ganung katindi, siguradong mag-go-glow ka!

bakit bilog ang butas ng pwet
para swabe… ang pag-tae! =)

kelan safe makipag-sex sa partner mo na hinde cya mabubuntis? ung di gumagamit ng comdom!
komplikado yan… mag-condom ka na lang. kahit doblehin mo pa.

lakas ng tama ko sa kanya eh (hanggang ngayon)… w/o knowing na malakas din pala ang tama nya (hindi nga lang sa akin) bakit ganun?
haha, problema nga yan! tinamaan ka ng magaleng! e alam naman ba nya na may tama ka sa kanya? kung hindi, dapat siguro ay ipaalam o iparamdam mo sa kanya. at kung alam nya na may tama ka sa kanya… nasa sayo na ang desisyon. maghihintay ka ba o maghahanap ka ng iba? o kaya, maghanap ka ng iba habang naghihintay ka. ayuss ba?

bakit ako kulot? bakit sya straight? ang daya-daya db?
okay lang yan. wag kang maniwala sa “kulot salot”.

ano magandang gamot sa pimpol?
sabi ng iba, saging daw. kaya daw walang unggoy na may pimples. sabi naman ng iba, mahusay daw ang seven-up. pagkatapos mo daw inumin yung seven-up, ikaskas mo daw sa mukha mo yung tansan. old school ba? šŸ™‚

bat andaming galit saken?
baka naman inaaway mo sila. o baka inggit sila sayo.

salik ng masining na pagsasalita
sa sobrang tagal kong hindi nakapag-update, siguradong hindi na rin aabot sa submission ng assignment mo ito.

kailan ko sya maaangkin?
malapit na. manalig ka. (san ko ba nadinig ito)

bakit ang mga babae papayag magpaligaw pero ibubusted ka lang? šŸ™ mas magandang di na sila pumayag dahil pinaasa ka lang diba, at saka ano pa ang sense ng pagpapaligaw ng di ka sasagutin?? :\
para sa tanong na ito, nanghingi ako ng opinion ng aking mga kaibigan. at ito ang sagot ayon kay wilson at darlene:

HE SAID:
Kung nauuso man ang mga instant sa panahon ngayon, di mo yan pedeng gawin sa ligawan at sa pag-kakarooon ng girlfriend. Sa aking pagkakaalam, 3 klase lang yan ng sitwasyon pag nanliligaw ka. (1) Gusto ka ng babae, magpapaligaw sya sayo, niligawan mo sya at ikaw yung sasagutin nya. (2) Di ka gusto ng babae, ayaw nyang magpaligaw, niligawan mo, nagtyaga ka naman, bumigay yung babae at napasagot mo sya. (3) Di ka gusto ng babae, ayaw nyang magpaligaw, niligawan mo, ayun “BASTED” ka ngayon, “that’s life”. Iba na kasi ang mga babae ngayon. kahit na gusto ka ng babae, di mo naman sya nililigawan, magsasawa din yan sayo. Kung gusto mo ng walang ligawan at instant kang magkaka-GF, malamang mag bi-break din kayo nyan. Magandang pundasyon kasi sa isang relasyon ang panliligaw. Malamang nakita mo na ang mga magulang mo na masayang napag-uusapan noong mga panahon na nanliligaw pa lang ang tatay mo sa nanay mo. Napapagod ka na sigurong manligaw dahil ba Basted ka lagi? Ok lang yan, may matitisod ka din dyan.

SHE SAID:
the sense of courtship is to impress the girl and to make her love you, maybe the reason why the girl turned down a guy is primarily because she was not impressed at all and well she cant find any reason to love you.

I SAID:
sana ay naliwanagan ka ng konte. šŸ™‚

bat nya ko binusted?!?!?!?!?! huhuhu
baka ayaw nya sayo. hindi ka nya trip. may trip syang iba kaya iba na lang ang pagtripan mo.

baket nde na vanjuLet en whyt eung kuLay netUh? ka’mizs ..
ahkei lhang yeon, para mAibAh nHaman… dati nghahanap kau ng iba, ngaun hnahanap neo eung dati. haha! medyo kalapit nya naman yung kulay e.

bakit di ko na mahanap yung tanong ko dati? o baka naman wala ka pang sagot. Hmpft
baka naman hindi ka dito nagtanong. kung sa pulis ka nagtanong, malabong masagot yun. o baka naman sumakit na ang mata mo kahahanap kaya hindi mo na nakita. ano ba yung tanong mo? itanong mo na lang ulit.

What is your favorite meal of these four? bat may ganun pa???? eh wala naman akong gusto kahit isa dun
wag kang pumili. buhay mo yan.

ano ang paborito mong bulaklak?
kalachuchi? ^_* haha!

^_+
^_^ <-- cheese! ^_* <-- xian! bat 28 mins and 50 seconds pa ung dinadownload ko?? antagal! yes 10 mins nalang!!! woot!!!! (NOTE: these questions were edited. paulit-ulit lang. sayang ang webspace.)
patience is a virtue.

bat natotorpe ung isang nagtanong?? bat bawal itago ang nararamdaman?? bat daw nagpalit ng anyo oh! bat di makapaghintay ung isang nagtanong? bakit daw wala pa xang boyfriend? pano daw ba manalo sa contest na “ex back” ? un lang…. bakit un lang??
natotorpe sya kasi mahiyain siguro sya. hindi dapat itago ang nararamdaman kasi baka magkasikit ka tapos ako pa sisihin. mahirap na. hindi nga nagpalit ng anyo e, umigsi lang ang buhok. pero mahaba na rin ngayon. baka pihikan sya kaya wala pa syang boyfriend. walang contest na ex back. yun lang.

bakitganun.com??
TAMA!

bat wala taung medal sa olympics?!?!?!?!?!?! waaaaaaaaaaah!!!
kasi hindi tayo nanalo. yung nanalo lang ay yung mga taong kumikickback sa pondo ng sports development ng pilipinas.

bakit ang haba ng woooooot ko?? bakit ko tinatanung to?
dahil na-busted ka at wala kang magawa.

bakit dito magtatanong di nalang dun??
pwede din naman dun kung gusto mo. meron ba namang sasagot syo dun?

bat ang chode ng tugtog dito?
chode? ngayon ko lang nadinig yang salitang yan.

what do you think of UST-ITHM students?
mababait naman sila. saka wala akong kakilalang taga-ITHM. bahala ka na kung maniniwala ka sakin.

may hangganan ba ang outer space??
kung merong dulo ang walang hanggan, meron din siguro ang outer space.

abs-cbn o gma 7?
nung andun ako sa isang malayong lugar, laging sa TFC nanonood yung nanay ko kaya masasabi kong mas naging familiar ako sa mga palabas, artista, news anchors, etc, ng abs-cbn. kung wala kang magawa, pakinggan mo ang kantang ito.

ano po ba ang pag kakaiba sa dinampot at sa pinulot?
halos wala silang pinagkaiba. pareho lang silang kinuha pero magkaiba ang dating sa pandinig. mas magandang pakinggan yung “dinampot sya ng pulis” kesa sa “pinulot sya ng pulis”. mas ok din sa pandinig yung “pinulot ka lang sa lupa” kesa sa “dinampot ka lang sa lupa”. piliin mo na lang kung ano ang mas babagay.

bakit ba ngtatrabaho ang tao? bakit may bwisit at mabait na amo? at bakit may taong walang trabaho? meron nmn trabaho ng trabaho? bakeettt???
wow, tanong combo yan ah!
nagtatrabaho ang tao para kumita ng pera para may makain sya at ang pamilya nya. sa madaling salita, nagtatrabaho ang tao para mabuhay. pero minsan, trabaho tayo ng trabaho. halos mamatay ka na sa katatrabaho. pinapatay natin ang katawan natin para mabuhay. kung bakit may bwisit na amo, isipin mo na lang na nasa isang pelikula ka at ikaw ang bida. yung amo mo, sya yung kontrabida. yung mabait na amo, sya yung laging nagpapayo sa bida. parang si yoda ng star wars, si gandalf ng lord of the rings, si tata selo ng panday o kaya si charo santos ng maalaala mo kaya. may mga taong walang trabaho dahil walang job openings, kulang sa karanasan, pensionado at may mga sadyang tamad lang.

panu cia mappasakin???
cia ba? mapapasayo din yan. wag kang mag-alala. kung naiinip ka na at hindi ka na makapaghintay, pumunta ka sa quiapo, dun sa paligid ng simbahan. may mga nagtitinda dun ng mga panggayuma (daw). meron ding nabibiling mga anting-anting dun. iba-ibang klase. may para hindi ka tablan ng bala, ng saksak, ng kulog at kidlat at mga panlaban sa usog at kabag. madami ring mga herbal medicines dun. mga pinatuyong dahon ng gabi, ng saging, ng bayabas, ng kangkong at balat ng sibuyas. eto pa! meron din dung mga kandila na para kung saan-saan. may kahalong dasal daw yun. yung pula para swertehin sa pag-ibig. yung green para maging lapitin ng pera. yung blue para gumaan ang pamumuhay at yung itim, yung pinakamatindi… yung pangkulam. meron din dung mga manang na nag-aalok ng dasal. bibigyan mo sila ng pera para ipagdasal ka nila. kung nawawalan ka naman ng gamit, alahas, pera o syota, meron ding mga manghuhula dun. kanya-kanya sila ng style. merong gumagamit ng bolang kristal, ng baraha at yung iba ay sa pamamagitan lang ng iyong palad. sana ay nasagot ko ang tanong mo.

ang cheese po ba na iniibig nyo sa katagang “i luv cheese” eh si chi’?
pass. next question please.

bakit mahirap mag-concentrate kapag pagkain ang nasa harapan mo?
kanya-kanya ng weaknesses yan e. yung mga taong hirap magconcentrate sa harap ng pagkain ay kadalasang mahahalata mo sa kanilang pangangatawan. šŸ˜‰

anu pong title ng song dito? ganda ee..
yung tagalog ay takipsilim at yung english ay carousel ng bandang paramita. šŸ˜‰ (edit: hindi na kasama ang kantang yan sa playlist ngayon)

do you believe in God and the bible? kc khit nniniwla nmn aq eh minsn i tend not to, kc my mga nppnood tyo s TV (especially on cable channels) and nbbsa n may proof kung pano ngwa or nangyari ang isang bgay… ano b tlga? hirap mag-isip ha… lito n me… d2 n me, where n u? joke!
sabi ni sister Dal:
“That’s where faith comes in.. No matter what we hear or see, we still believe that there is God & the bible preaching exists. TV shows like that can be taken as a challenge of faith.”

sabi ko:
yan, nood ka ng nood kasi ng tv. kung anu-ano tuloy yang nasasagap mo.

bakit kaya kailangan pang magmahal?
isipin mo kung gaano kagulo ang mundo kung walang pagmamahal.

anong skul mo? kung taga-UST ka…may next question pa ko…kung hindi, meron pa rin akong next question…
kung taga USTe ako, anong next question mo? at kung hindi naman, ano ang next question mo?

pano manulot ng babaeng me syota?
wag mo ng subukan. malaking gulo yan! hindi ako nagbibiro.

mahal po ba talaga ako ng bf kung si john mark o hndi?
ahh… mahal. umm… hindi pala! sige na nga mahal na lang.

seryoso po ba talaga si john mark sa akin o nangloloko lang po ba sya?
hindi ako sigurado kay john mark. pero kung si john matthew yung itinanong mo, isang babae lang yung sineryoso nyan. at kung si markman naman, kahit kelan hindi naging seryoso yan.

“di lahat ng seryoso, malalim…” — markman

Ang cortal ba pedeng pampalaglag
ano ba problema ng mga tao ngayon at lagi gamot na pampalaglag yung tinatanong nila… hayyy… wag ganyan.

ano pinagkaiba ng general hospital sa medical hospital?
ito ay ayon sa aking sariling interpretasyon. ang general hospital ay isang medical hospital pero ang medical hospital ay maaaring hindi isang general hospital. maaaring ang isang medical hospital ay nagcacater lang sa isang specialized area ng medicine (pediatric, obstetrics, orthophedic, lung, heart, etc, etc…) samantalang sa general hospital ay maaaring nagcacater sa karamihan ng mga specialized area ng medicine.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.