Bakitganun #13

kilala mo ba ko?
inday badiday?

bkit ang hirap makahanap ng taong pwedeng mahalin?
ang sabi ng iba, hindi hinahanap ang pag-ibig. yan ay kusang darating.

bakit malaki tiyan ni pads
siguro mahilig syang mag-inom.

ano ba ung mga 12 social encyclicals?
kahit isa nga wala akong alam e, 12 pa!

anu mas gusto mo? leche flan na lasang tae o tae na lasang leche flan? hmm..
leche flan na lasang tae na lang. at least hindi sya tae. pero hindi pa ako nakakatikim ng tae, paano ko malalaman na lasang tae sya…

JOKETIME
friend 1: pare, tingnan mo. may tsoklate sa daan o!
friend 2: pare, hindi tsoklate yan.
friend 1: pare, tsoklate yan!
friend 2: tikman mo nga.
friend 1: (tinikman…) pare, hindi nga tsoklate. tae pala!
friend 2: buti na lang hindi natin natapakan!

alam ko na po number mo. haha. šŸ™‚ TRIVIA: makikita ito sa site na ito. nakumpleto ko din! parang collection lang ng keychain ng Ferrari. :))
(applause)

may balak ka rin bang lumipat sa ibang kumpanya?
lahat ng bagay ay may panahon. ikaw, lilipat ka ba? o nakalipat ka na? šŸ˜‰

mahal ba ni john si ruth?
ang alam kong mahal ni john ay si marsha.

ano ka
ako ay

kung gagawin ko ba yung gusto ko pero ayaw ng magulang ko magiging masaya ba ko?
lagi kong sinasabi sa site na ito, gawin mo kung ano sa tingin mo ang makapagpapasaya sayo. pero magiging masaya ka ba kung hindi masaya ang magulang mo?

bakit di ka din mag-share ng story sa maymomoo.tk?
hindi pa ako nakakakita ng multo, white lady, tikbalang, manananggal, tiktik at kung anu-ano pang maligno.

bakit di kaya magquit sa smoking ng friend ko? ang name nya is…clue: 3 firstnames and 1 surname = 7 syllables
mahirap tanggalin sa sistema ang mga bagay na nakasanayan mo na. meron din akong mga kaibigang hindi pa nagqui-quit ng smoking. masaya ako pag meron akong kakilalang tumitigil na sa paninigarilyo. hindi kaya yung friend mo e yung friend ko din? mahaba din yung pangalan nya at ang month ng birthday nya ay nasa pangalan nya. šŸ™‚

kung mamatay kana bukas?….. bakit hindi pa ngayon?
para kung may nakalimutan kang sabihin ngayon, pwede mo pang ihabol bukas.

do you miss me?
uhm… madami akong mga nami-miss ngayon. malay mo baka isa ka sa mga nami-miss ko.

totoo bang pwede ako malason ng carbon monoxide kung nasa isang closed bedroom ako at nakabukas ang aircon at may nakasindi ako na scented candles sa kwarto ko
madaming klase ng usok na nakakalason at isa na dyan ang carbon monoxide. maaari ka nga dyang mamatay at kung hindi man, maaari kang magka-brain damage.

pano mo iaapply ang calculus sa pang araw araw na buhay? pakipaliwanag
shet! math!

bati naba kayo ni v…. anu nga ba pangalan nun?? kung bibigyan ka ng pagkakataon at bakit?
ako rin, wala akong maalalang ganung pangalan. next question please!

bat ang tagal mo mag update!?
busy po… pasensya na.

paano ko ma-unblock ang website dito sa school?
wag mo ng subukan. baka mapa-trouble ka lang dyan sa school nyo. lagot ka sa nanay mo.

pano ba magtanong?
ganyang-ganyan.

bakit may brush sa gilid ng escalator?
pinagawa yun ni mr. quickie.

Bakit kaya nung bata tayo, nagpaparamihan tayo ng beads sa tali ng ID?
ako hindi. gusto ko lagi yung naiiba. kahit na pangit sya basta kakaiba sya. ayoko kasi ng madaming kapareho.

slamnote na maraming tanong
nung elementary at high school ako ay uso samin yan. pero ayokong pinapasagot ako ng mga ganyan. tipong “define love”, “who is your crush/bestfriend/first kiss?”, “favourite subject, colour, song, etc.”, “what is your motto?”, “what is your most embarassing moment?” at ang dedication. hindi ko alam kung bakit ngayon ay nagustuhan kong magsagot ng mga tanong nyo. pero… ano ba talaga ang tinatanong mo? šŸ˜‰

kapag ang kaliwang kamay ang nangati, ibig bang sabihin nito ay pera? katulad ng pangangati ng kanang kamay? šŸ™‚
lintek! nangati na yung kaliwa at kanang kamay at paa ko, wala namang dumadating na pera.

bat maraming malilibog ngayon
isa sa mga dahilan ay ang ating kapaligiran. ang mga tao sa paligid, ang media na nababasa at napapanood.

asan ung sagot sa tanong ko? hindi ko na makita ang haba na nito.. pakihanap nga..
ganito gawin mo. kung may nakababata kang kapatid, tawagin mo sya. tapos ipabasa mo isa-isa yung mga tanong. kung wala kang mas batang kapatid, try mo sa bestfriend mo, bestfriends naman kayo diba? dyan masusubukan ang pagkakaibigan nyo. at kung hindi mo naman sila napapayag, i-try mo ito: “CTRL+F”. ayus?

bakit kaya hindi ko mahanap ung usb cable ko? 2 araw ko n hinahaloghog ung buong bahay wla pdin(note: sure akong nsa bahay lng un kc never ko un dnadala s labas), di kaya kinuha ng katulong namen un? pero anu namang gagawin nya s usb cable ko?
sa tagal kong hindi nasagot yung mga tanong dito, kung hindi mo pa rin nakikita yung usb cable mo, mas ok siguro kung bumili ka na lang ng bago. pero subukan mo ding itanong sa katulong nyo, baka ginawa nyang sampayan.

bakit mo naisipang gumawa ng gantong klaseng website?
nasagot ko na ito. mga tatlong beses na… pa scan na lang sa baba. šŸ˜‰

bakit kinaiinisan ang math?? at bat ko naman nagustuhan to, naiiba ko, che!
hindi kaya may lahi kang intsik. mahilig kasing magkwenta ang mga chinese. ako, hanggang kwento lang.

kuwentohan mo nga ko.. ung mahaba ahh..
i-click mo yung archive dun sa gilid… may ilang mga kwento dun.

bat mo in-edit ung tanong ko!! ansaya na nun ee..
yan, in-edit ko ulit tanong mo. sabi sayo na bawal na yung paulit-ulit at masyadong malalaswang salita e.

musta nmn puh lovelife mo?
sa ngayon, kung itatanong mo ang lovelife ko… ako ay… loveless. šŸ˜‰

nalalaman mo ba ip address ng mga nagtatanong dito?
oo. wag kang mag-alala, hanggang dun lang naman ang nalalaman ko. para malaman lang kung saan-saang bansa nanggagaling yung mga bumibisita at nagtatanong dito. wala akong balak na i-trace lahat ng mga pumupunta dito. šŸ˜‰

picture nakahubad na lalaki
magpapalaki muna ako ng…….. muscle.

sinong mas ok? ung taong mahal ka o mahal mo?
pinaka-ok yung mahal ka ng taong mahal mo. nakapanood na ako sa movie nyan. šŸ˜‰

bakit mahilig ako sa tomboy?
sabi nila, ang pumapatol sa gay ay gay din… hmm… hindi kaya tomboy ka din?

bakit ang hirap mag move on sa past? lalu n kung ndi maganda ung nanyari?
mahirap ding mag move on kung masyadong maganda yung mga nangyari.

bakit tuwing rereview ako, sumasakit bigla ang ulo ko?
baka masyado na syang na-sstretch. lagi mo kasing gagamitin para masanay.

kailangan kong yumaman.. saan ko ba matatagpuan ang titulo ng mundo?
kung alam ko hindi ko sasabihin sayo.

lalaki po ba kayo o babae?
meron akong ano.

aba bakit di na purple site mo iba na ba favorite color mo?
haha. hindi naman purple favorite color ko e. baka sa susunod na maisipan kong magpalit ng layout, baka ibang kulay naman ulit. =)

kapuso o kapamilya? baket kelangan bang lagi may dibisyon ang pinoy? kaya hindi umuunlad ang pilipinas eh.
punta ka ng EDSA. samahan mo ko. magsuot ka ng dilaw.
okay lang na may dibisyon sa ibang mga bagay dahil sa tingin ko ay may ganda sa pagkakaiba. pero sa mga usaping pangkaunlaran, pangkapayapaan o pangsambayanan (naks, lalim), dapat tayong magkaisa. walang siraan. walang hilahan.

Bakit ambababaw ng mga sagot dito?
sadyang mababaw ang site na ‘to dahil ang may-ari ng site na ‘to ay mababaw din. kung sa tingin mo ay malalim ka, baka nagkamali ka ng pinuntahan. inuulit ko, ang site na ito ay mababaw, korny, at minsan ay nakakapikon.

AMERICAN MUSIC or EUROPEAN MUSIC? AT BAKIT???
siguro ay naging malaking impluwensya ang The Beatles saken kaya nahilig ako sa european music (especially UK). pero kahit anong music naman ay pinapakinggan ko kahit saang bansa pa ito nagmula basta naangkop sya sa aking panlasa. madami din naman akong mga paboritong artists na galing tate. para saken, parang may kakaibang feel yung mga european music na wala sa american music. hindi ko alam kung tama ang aking obserbasyon na pag may style of music na sumikat sa UK, ginagaya ito sa america. at kung may sumisikat naman na style of music sa america, hindi naman ito ginagaya ng mga brits. maaaring mali ako.

Magkakamag-anak ba sina Kim Chiu, Chris tiu, at Pika-Tiu? Kung mag kamaganak sila, Tatay po ba nila si Doraemon? Paki sagot naman plsss…….wink! wink! mwah.!!!
bakit may mwah pa? =) sa tingin ko ay hindi sila magkakapatid. nagkataon lang na magkaka-apelyido sila. at hindi din sila magkakamukha. si kim ay mukhang korean. si chris ay kamukha ni manny paquiao. mukha pala syang chinese. si pikachu ay japanese. si doraemon naman ay bola na tinubuan ng mata.

Exam ka ba?? -gustong gusto na kasi kitang i-take home eh!
hindi ako pwede i-take home. i-take out pwede pa. =)

Sa tingin at pananaw mu ba men ang lahat ba ng kanta/music ay “EMO”?” ano ang masasabi mo sa “EMO” sa pananamit/itchura,sa music,sa paglaslas sa sarili,pag gawa ng suicide letter at pag-iisip na napaka UNFAIR ng MUNDO?
kung ibi-base mo ang EMO sa definition na ito ay mga kanta na galing sa emosyon, siguro lahat nga ng kanta ay EMO. lahat naman siguro ng kanta ay galing sa emosyon. masaya o malungkot, emosyon pa rin. ang masasabi ko naman sa mga EMO artists, sana kasing astig ng porma nila yung musika nila. kaya lang minsan hanggang porma lang pala. sa mga followers naman ng mga EMO artist na ito, sana ay alam nila ang kanilang mga ginagawa. hindi nakikisunod lang sa agos. hindi kung ano ang uso, doon sila. dahil ang uso, nawawala… nalalaos… lumilipas. dapat laging nasa puso, mapaglipasan man ng panahon. meron akong mga kilalang mga punk and new wave enthusiasts na hanggang ngayon ay mga followers pa rin ng genre/era/scene na yun kahit wala na sa uso. yun ang astig! hindi dahil nakisunod sila sa uso noon. dahil minahal nila ang scene na yun noon at hanggang ngayon. sa isip. sa salita. sa porma. at sa gawa. amen!

yung tungkol sa paglalaslas sa sarili at paggawa ng suicide notes… wag silang masyadong maniniwala sa kung ano mang napapakinggan nila.

yung tungkol sa UNFAIR ang MUNDO… unfair talaga ang mundo. haha! yan, emo na ba ako?

bakit yung mga customer e request ng request tapos di man lang marunong magbigay ng tip!! hmmpp!! inis.. bakit ganun.
kung nasa pilipinas ka, hindi masyadong sanay ang mga tao sa pagbibigay ng tip. at may mga customer talaga na sobrang demanding na kelangan ay perfect ang serbisyo mo sa kanila para makatikim ka ng tip. mas maganda na rin siguro na wag kang umasa na may magbibigay sayo ng tip. pagbutihin mo na lang ang trabaho mo at pag may natuwa sayo ay baka maabutan ka pa ng tip.

si merry grace bah ay mataba??
big boned lang sya.

mahal bah aqoh ni marc leo
may sinabi ba sya sayo na “i love you” o “mahal kita”? kung wala pa, hindi ka nya mahal. kung sinabi nya na sayo, binobola ka lang nya.

One thought on “Bakitganun #13

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.