Bakitganun #14

Ung kapitbahay namin prosti ata, tapos tingin ng tingin sakin. Tatanggalin ko ba ang sintas ng sapatos ko o manood nalang ng cartoons?
bakit di mo tanggalin ang sapatos mo habang nanonood ka ng cartoons at sabayan mo na rin ng pagtingin sa kapitbahay mong mukhang prosti.

bakit inlove si nika????
dahil may kinalolokahan syang isang tao.

bakit naiihi lagi tayo pag umuulan
mas madali tayong maihi pag malamig. nasubukan mo na bang umihi habang naliligo sa ulan? ang init ‘no?! haha!

(my name here), ang tagal ng sagot? bakitganun?
wag mo ‘kong tawagin sa pangalan ko! wahaha! andyan na sagot sa ibang tanong. πŸ˜‰

shoktong
masama yan! hik!

ang bi pareho lang ba sa bakla?
sa aking pagkakaalam, ang trip ng bakla ay lalake. samantalang ang natitripan ng bi ay maaring lalake o babae.

baka bf u nag bgay s aknya pwede makipag friend\
huh?!? ano ulit yun?

anu ano ba ang mga usong produkto ngayon sa mga kabataan?
uso lagi ang yosi, beer at kape. uso din ang ipod, laptop, at psp.

anu po ba meaning nito, ang hiram na damit kung di maluwag ay masikip?
ibig sabihin lang nyan ay wag ka ng manghihiram ng damit. baka mahawa ka pa ng amoy ;p

bakit ba ganun yung boss ko, napa2god nako sa ka2gawa at kasu2bmit ng bids nla pag nag bidding di ako binibigyan ng insentives? Kuripot tlaga!
naku! wag ka ng umasa pa. mahirap makahanap ng mabait at galanteng boss ngayon. ganun din ang boss ko pero galante sya pag kasama nya ang mga socialite nyang friends. ayon yan sa ka-opisina ko.

paano gumawa ng hugis pusa na gawa sa beads
maghanap ka muna ng pusa. yung mga nasagasaan sa daan, yung namatay dahil binuhusan ng mainit na tubig ng kapitbahay nyong sadista. yung mga napagtripan ng lasing. tapos patuyuin mo muna. siguraduhin mo munang matigas na matigas na sya bago mo sya dikitan ng beads. kung medyo madami kang extrang pera, punta ka ng toys “r” us tapos hanapin mo si garfield. TANDAAN: hindi kelangan na pumatay ka ng pusa para maisagawa ang project na ito. una, siyam ang buhay nila. nakakapagod. LoL! pangalawa, madaming magagalit na animal rights activists sa iyo.

kailan nakakasama ang pinagbabawal na gamot?
kung ito ay nakakasira sa iyong katawan at nakakaapekto sa takbo ng iyong pag-iisip. meron din namang “ipinagbabawal” na gamot kahit na meron silang medical use dahil ito ay nangangailangan ng kontroladong paggamit.

mabubuntis kaba kung after ng mens mo makikipag sex kana kaagad
wag i-try kung hindi sigurado.

ano ang nasa dako paroon?
bunga ng malikot na pag-iisip… nanonood ka ng pinoy thriller dati noh? hehe.

mahirap b ang civil engineering
kung hindi ka siguro mahilig sa math, hindi ka mag-eenjoy dun. buti na lang hindi ako nag-civil engineering.

bakit gnawa ang syt n to??
woohoo! dami nyo ng nagtanong nyan. pahanap na lang dyan sa bandang ibaba. πŸ˜‰

bat ang pangit pangit mo
hindi pa kasi sikat si piolo pascual nung naglilihi yung nanay ko. haha!

If life is too short, you just cant find the thngs that can make you happy, then what is your favorite color and why?
if life is too short… my favourite color is green. and black. and yellow. and white. and red. and blue. and more!

totoo bang red means love at hindi war?
sabi ng iba, nakikipagdigmaan sila dahil sa pagmamahal. kaya pwede sigurong maging love o war ang red.

anu bang pagkain na pampalaglag
kain ka ng siling labuyo, laglag ang sipon mo.

ano ang unit ng cell phone mo?
hindi ako mahilig sa bagay na alam kong madaming gumagamit. hindi ako mahilig sa uso. ayoko ng madaming kapareho.

ilang taon na ang UST ngayon?
malapit na syang mag-400!!!

pagkakaiba ng nanunulot sa nanliligaw
ang nanunulot ay nanliligaw din naman. kaya lang ang nanunulot ay kung ang nililigawan nya ay “meron na.”

tangerine green and purple psychedelic.. may insomia ka ba?
haha! meron nga.

bakit ka nga ba tinawag na perez ng isang yumaong propesor samantalang walang namang ka-perez-perez sa pangalan mo?
tulad mo at ng lahat ng classmates ko, ako rin ay nagtataka. πŸ˜‰

pamparegla
pinaghuhuli na sila ng mga pulis dun sa quiapo.

paano mag glitch sa sf
nakita ko sa youtube kelangan mong mag-download ng mga plug-ins (xfire, fraps, etc…).

gumamit aq ng cytotec at nag ka mens aq ngaun nag try aq mag pt pro positive sya
dapat ay hindi mo yan ginawa.

ano new year’s resolution mo?
iiwasan kong mag-paapekto sa mga bagay na hindi ko kontrolado. na lagi lang akong magiging masaya (sana), walang galit, walang inis, walang hinanakit sa dibdib. at ang pinakamahirap sa lahat… papasok ako ng maaga.

NOTE: yan ang huling tanong ng 2008. dec. 31, 2008. 10.07pm.

ano nang kwento?^-^
madami na.

saan makakabili ng cytotec
sa ace hardware?

presyo ng cortal
sa susunod na pagpunta ko sa mercury drug, kung sakaling maalala ko ang tanong mo, itatanong ko sa tindera dun.

will u be my fubu? πŸ˜›
ang ibig sabihin ba ng fubu ay gamitin mo ako at gagamitin din kita? πŸ˜‰

BKIT AYAW MKI PAG SEX SA AKIN ANG G.F KO??
wag pilitin kung ayaw. mahirap ipasok… ang sarili sa sitwasyon na mahirap labasan.

kailan namatay si joe pring?
dec 12 1994, sa may nagtahan.

do i look like a slut? wala kasing guy na sumeseryoso sa kin.
hindi ko masasabi kung mukha ka ngang slut dahil hindi pa kita nakikita… hehe. hindi naman ibig sabihin na isa kang slut kung walang guy na sumeseryoso sayo. siguro ay hindi pa lang dumarating ang iyong ka-match. baka naman madalas kang dumidisplay sa q-ave kaya napagkakamalan kang slut. =)

baket wala akong maisip sa design ko?
minsan, dumadating talaga sa mga tao, sa mga artists na walang dumadating na magandang idea sa kanila. yung iba ay tumatagal pa ng mahabang panahon. at minsan ay bigla na lang darating ang mga magagandang idea na ito. hindi lang isa, madami sila. at sa dami nila ay hindi mo alam kung ano ang uunahin at susundin mo.

maghanap ng inspirasyon.

sino ako??
si inday badiday ka din ba?

bakit mo ginawa tong site?
hindi ka nag-iisa na nagtanong sakin nyan. hanapin mo na lang sa bandang baba yung sagot ko. πŸ˜‰

mgiging hokage kya c naruto?
para wala ng mahabang paliwanag, hindi na lang.

virgin ka pa ba? yung totoo ha!
sa panahon ngayon, hindi na yata importante kung virgin o hindi ang isang tao.

bakit di ko na maalala yung tinanong ko dati?
memory gap? kumain ng saging.

bakit ang guapo ko?
weh?!

ANONG KANTA TO?
alam mo na ba? click mo na lang yung player sa baba. nakalagay na dun kung anong mga kanta yun.

galit pa rin?
ang alin?

asan yung tanung ko? jusko. wala naman dito, recent lang yun, 1 week ago!
nakita mo na ba?

totoo bang nakaka-alis ng stress ang stress ball? πŸ™‚
depende kung paano mo sya gagamitin. kung ipambabato mo sya sa boss mo e pwedeng mawala nga ang stress mo. pero pwede ka ring mawalan ng trabaho.

bakit ang tagal ng mga answers? πŸ™
madami kasi ginagawa eh…

ano ba ang pinaka the best na online game?
hindi ako masyadong nahilig sa mga online games… ang nilalaro ko lang na online games ay poker at pool. wahaha! ayon sa napanood ko sa PROBE, ang mga kabataan daw ngayon ay wala ng masasabing mga kababata dahil sa sobrang pagkahilig at pagkababad sa PC. ang mga kabataan din daw ngayon ay konti na lang ang mga kaibigan, pero madami silang ka-chat, ka-text at ka-friendster. mga kaibigang “virtual”. wala din silang masyadong mai-i-share na magagandang alaala sa mga susunod na generation. mas maganda nga namang i-share kung gaano ka kagaling sa basketball o kung ilang kalaro mo ang napaiyak mo dahil dinaya mo sila sa tumbang preso kesa sa kung paano mo pinagpapatay yung mga kalaban mo sa nilalaro mong games sa PC. kaya ang payo ko sa mga masyadong naaadik sa PC, lumabas kayo ng bahay at makihalubilo sa mga kapitbahay.

Amm nahihiya talaga akong itanong to eh pero kakayanin ko… Ano ba talaga ang paibig?
madaming ibig sabihin ang pag-ibig. iba-iba din ang definiton nito depende sa taong tatanungin mo. basahin mo sa link na ito ang definition ng pag-ibig ayon sa mga bata.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.