Bakitganun #15

pano gngwa to?! astiggg
😉

ang hirap makipagrelasyon sa taong hindi mo mahal
ano ang point ng pakikipagrelasyon sa taong hindi mo naman mahal. sex? ayaw mong mag-isa? maaari kang maging masaya kahit ikaw ay nag-iisa.

Bakit nd ako pwedeng magmahal
pwedeng-pwede kang magmahal.

anu ba ang totoo..? sili ba o babae ang nkkpag painit.??
nakakapagpainit sila sa kanilang mga sari-sariling paraan.

possible ba sa isang lalaki na iwan ang babaeng mahal na mahal niya dahil nasaktan siya ng sobra ng babaeng yun?
kahit na mahal na mahal mo ang isang tao, dapat mo ring mahalin ang sarili mo.

applause lang reaksyon neto. la na. 🙁
yahoo!

kunyari my twin brother/sister k..anu ggwin mo pg na inlove k sknya?
eewww.

aaaaaaaaaaaaaargh! bakit di mgiging hokage c naruto!
hula ko lang yun… naniwala ka naman… 😉

ano ang aswang
tulad ng nasa likod mo ngayon!!!

pwede po ba mgtanong?
hindi ka nag-iisa..

edad pa rin ba ang basis ng pag galang kahit di naman kagalang galang ang isang tao? imean dapat pa rin bang galangin ang isang tao dahil matanda siya pero di naman kagalang galang?
meron talagang mga taong matatanda na hindi naman kagalang-galang pero dapat galangin mo na lang din sila kahit man lang dahil sa kanilang edad.

pano ko ba ulit mababalik ung twla nia
yan ang isa sa mga mahirap maibalik. magpakatotoo. maging sincere. pero hindi ka pa rin nakakasigurado dyan. hindi mo na hawak ang alas.

sinong mas magaling samin magdota ni sean, ako ba?? fuck u kung hindi ako??
si sean.

sinong bobo, albert o kenzlher?
mas bobo si bobocop at si bobofett.

babalikan pa ba ako ni steff..??
hula ko hindi na.

bakit nahihilig manood ng xrated movies ang mga kabataan
dahil curious sila. dahil masarap daw ang bawal.

ano ang tandang pananong
???????? <---ayan pano mapipigilan ang pimples
matulog ng maaga. kumain ng prutas at gulay. uminom ng vitamins. lumayo sa polusyon. wag magpa-stress. kumunsulta kay calayan o kay belo.

kung ika’y babae, isalaysay kung paano mo sinubok o susubukin ang katapatan ng iyong manliligaw?
ayon kay Dal (isang psycho):
masusubok ang katapatan ng isang manliligaw kung makakapaghintay siya ng tamang oras para maging kayo, kung handa na ung babae na sagutin siya. no questions like “kelan ba magiging tayo” o “may pagasa ba ako” o “bat ba hindi mo pa ako sinasagot”

para sakin (si Dal yun), hindi naman masusubukan ang katapatan with a “test”, but by his virtue to pursue you.

para sakin (ako yun), hindi naman dapat subukan ang katapatan ng mga nanliligaw. yun ay pinapakiramdaman.

bakit dilaw ang kulay na suot noong edsa revolution
dahil dilaw ang kulay ng araw. ang simbolo ng liwanag. ng bagong pag-asa. ng manggang hinog (manggang hinog?!? bakit ba, paborito ko yun e!)

ano ang pwedeng gawin sa balat ng saging
pwede mo itong itapon sa basurahan pagkatapos mong makain yung laman nito.

ikaw ba ay si (my name here)?
tama ka.

ano po ba ang ibig sabihin ng poser?
nagpapanggap. isa lang yan sa mga ibig sabihin ng poser pero sa tingin ko ay yan ang tinutukoy mo. eto ang definition nya according sa www.thefreedictionary.com:
poser – a person who habitually pretends to be something he is not

nakakaalis nga ba ng problema ang paninigarilyo
nakakadagdag sya ng problema sa mga hindi naninigarilyo.

ano ang kaibahan ng pakikinig sa pandinig
ang isa ay verb at ang isa ay noun (yata). hulaan mo na lang kung ano sa dalawa ang verb at ang noun.

ano ang mga epekto at salik ng maagang pakikipagrelasyon
salik… lintek, ang lalim. ang salik o sanhi ng maagang pakikipagrelasyon ay ang madalas na panonood ng telenobela. maaari din itong ma-mana (di ba?). ang epekto naman ng maagang pakikipag-relasyon ay ang maagang pag-aasawa at maagang pagkaka-anak.

maganda ba c k-anne?
magagalit sakin yun pag sinabi kong hindi. 😉 saka maganda talaga yun, diba juan?

cno kba
ako ang inyong lingkod. ang taga-sagot ng tanong. ang taga-payo. ang tagapakinig. ang taga-asar. ang kasama sa lakaran, kainan at lasingan. ang manggagawa. ang estudyante. ang tao sa kalye. ang kapitbahay. ang kaibigan. ang kaaway. ang tulad mo.

anu ang pamparegla
a.k.a. pampalaglag

malaki b _ _ _ _ mo??
sabi nila yung mga taong hindi masyadong matangkad, malaki naman ang…




… puso. 😉

magaling ba ang Haluskein Band?
hindi ko pa sila nadidinig.

bakit ang pogi pogi ni eleazar
isa lang yung kilala kong eleazar sa buong buhay ko. yung kapitbahay namin dati na lagi kong kasamang maglaro. yung tatay nya merong air gun, pinapagamit kami dati pag naabutan naming nagtatarget shooting dun sa likod ng bahay nila. kung gusto mong malaman kung pogi sya… kulot sya. haha. 🙂

edsa dos sa puso namin(tula)
nasa puso mo ba talaga?

bakit tumataas at bumababa ang presyo ng gasolina
dahil sa pagtaas at pagbaba ng supply at demand. ayuss ba? turo yan ng teacher ko sa ekonomiks na ubod ng sungit nung high school ako.

bakit mas mahirap gumawa ng plano kapag maliit ang lote? ang sakit sa ulo eh
masaya yun… mas challenging.

ano ang mabisang gamot sa kuliti?
nasagot na ito! pakihanap sa baba o kaya sa archive. 😉

kahulugan ng pilter
yan ba yung pansala ng mga dumi?

bakit may bakit???
dahil may dahil

ano ang average size ng “ano”?
depende sa breed. huh?!? 🙂

ano ba ang kaibahan sa mga panliligaw noon sa ngayon ?
NOON:
lalake lang ang nanliligaw
NGAYON:
kahit babae nanliligaw na rin

NOON:
gagawa ng love letter, ime-mail o kaya ipapa-abot sa kaibigan
NGAYON:
txt-txt nlang.

NOON:
aakyat ng ligaw sa bahay
NGAYON:
magmi-meet sa mall

NOON:
kapag hindi mo inuwi ang babae sa bahay nila sa loob ng isang gabi, sa kasalan na ang tuloy
NGAYON:
buntis na, kahit walang kasal-kasal.

NOON:
tawag mo sa magulang nya at tawag nya sa magulang mo ay aling (as in aling coring) at mang (as in mang dolfo)
NGAYON:
tawag nyo sa mga magulang nyo ay tito at tita (as in tito rudy at tita cors)

NOON:
ang hinahanap ng babae — tall, dark, and handsome
NGAYON:
rich (hahaha, peace!)

NOON:
naka-jeans o naka-dress ang babae pag nakikipag-date
NGAYON:
naka-“pekpek” shorts

NOON:
softdrinks o juice ang ino-order pag nagde-date
NGAYON:
isang bucket ng sanmig light, please!

NOON:
pagkatapos mag-date, ihahatid diretso sa bahay
NGAYON:
pagkatapos mag-date, kung saan-saan ihahatid. liliko dito, liliko dun… hmm?

mga halimbawa ng kabag
merong kabag na masakit. may kabag na nagdudulot ng polusyon sa hangin. may kabag na hindi mailabas-labas.

saan na ang sagot? Huh?
yan na…

bakit mahirap pansinin ang isang EX?
dahil meron kayong mga pinagsamahan. may mga alaalang matamis, mapait, masakit. may mga sikretong itinago at ibinunyag. may mga pusong nasaktan. at higit sa lahat, may mga pusong sumaya.

bakit ba mahirap ma in love sa dating friend ko tsaka ang hirap kumawala y??
mahirap talaga. (haha, bakit yun lang nasabi ko?!)

maaring maging bunga ng maagang pag-aasawa
maagang paghihiwalay.

Di ba ang kape nakaka nerbyos? at ang gatas ay nakalalakas. Pano kung parehas akong umiinom ng kape at gatas, Nagpapalakas ba ng Nerbyos un?
siguro lalakas at nenerbyosin ka pero hindi lalakas ang nerbyos mo.

happy birthday!!! mwuaahhh!! (san ang party?)
wah! sino ka? sana nagpakilala ka, na-invite sana kita. haha! salamat sa pagbati!

tao ka ba?
arf arf arf!

pano ako magkakapera ng mabilis? tips para manghingi ng xtra allowance mula sa magulang?
1. sabihin mo meron kang project sa school
2. sabihin mo kulang yung binigay nyang pera para sa project mo sa school
3. sabihin mo may babayaran ka sa school
4. sabihin mo kulang yung binigay nya sayong pera para sa babayaran mo sa school
5. kung inutusan kang bumili ng kung ano, wag mong ibabalik ang sukli hanggang hindi nya hinihingi
6. sabihin mo meron kayong fund raising
7. sabihin mo ikaw maglilinis ng bahay, banyo, pinggan, kotse, etc… pero may bayad
8. sabihin mo na nagtaas na ng presyo ng mga tinda sa canteen nyo

IBA PANG TIPS
1. magbenta ng dyaryo, bote, lumang gamit at damit. wag ibebenta ang sarili
2. mag-isip ng sideline. yung mga produkto na pwede mong ibenta sa mga classmates, kapitbahay, kaibigan at iba pang kakilala
3. sumali sa contest. sa radyo, tv, dyaryo, mall, school, trabaho o kahit mga fiesta sa barangay
4. tumaya sa lotto, karera ng kabayo, jueteng o ending. siguraduhin mo lang na tatama ka! ;P

bakit hndi ka makapagsalita?? bakit di mo sinasabi ang totoo??
kung hindi ako makapagsalita, paano mo nalamang hindi ako nagsasabi ng totoo? mukha ba akong sinungaling?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.