Bakitganun #16

ha?
gulat ka no?

anong mas maganda camera nikon o canon?
mas gusto ko ang nikon.

panu mu sasabihin sa crush mu na gusto mu siya kahit na may gusto siya sa iba?…
pwede mong daanin sa biro… kunyari i-greet mo sya: “hi crush!”

anung magandang gimmick kung panu mu sasabihin na may gusto ka sa kanya kahit na may gusto siyang iba? ^^
subukan mong mag beautiful eyes. 😉

bakit hindi lumilipad ang manok?
lumilipad din sila. hindi nga lang kasing taas ng mga nakikita mo tulad ng mga ordinaryong ibon. pasalamat na rin tayo at hindi sila matataas lumipad dahil kung nakakalipad sila ng mataas, ang mahal siguro ng presyo ng manok. kung gusto mo silang makitang lumilipad, subukan mo silang habulin.

e2 daw link nila http://imeem.com/haluskein
yan daw yung link ng haluskein band.

masaya ba laban ni pacquiao nitong linggo?
masaya yung mga nanalo sa pustahan.

mahilig kaba sa photography?
oo.

bakit ayaw ipalunok ang t—-
yung iba gusto

bakit ako iniwanan ng boyfriend ko?
a. ayaw nya na sayo dahil meron na syang iba
b. ayaw nya na sayo dahil hindi nya matiis ang ugali mo
c. ayaw nya na sayo dahil na-realized nya na lalake din ang hanap nya
d. ayaw nya na sayo dahil babae ang hanap nya

magaling kaba gumiling? sample naman
ehem. lol

pwede po bang bumahing ng nkadilat?
pwede kang mag-attempt na gawin yan para sa guinness book of world records. goodluck!

bakit maganda ang anak
baka “may-itsura” yung asawa mo.

my iba p bang paraan pra reglahin?
kung bata ka pa, hintayin mong magdalaga ka. kung menopause ka na… uhmm, mukang wala na.

pede mtan0ng???
yan ang isa sa mga tanong na madalas kong natatanggap. =)

pano ko ma-unblocked yung na blocked na litrato ko sa friendster
sa tingin ko ay ma-uunblocked lang yun kung irerequest mo sa friendster team na i-unblock yung picture mo.

may martial art ka ba?
wala akong martial art.

Kumag, Bakit halatang puro gaya lang si kim atienza kay ERNIE BARON? kitang-kita na sa weather report, sa educational program (mayroon rin si KA ERNIE at mas ASTIG ), at nag- eendorso rin ng gamot( kay kim Memo plus gold, kay KA ERNIE pito-pito).
idol nya siguro si ka ernie. diba pag meron tayong hinahangaan e ginagaya natin ito. ginagaya natin pati buhok, ilong, mata, kulay ng balat, damit na sinusuot, yung kinakain, yung shampoo at sabon na ginagamit, yung iniinom na gamot, yung musika, at madami pang iba. minsan pati yung ugali ay ginagaya din. gusto mo sa gusto nila, ayaw mo sa ayaw nila.

para makagawa ng beads na hugis pusa, bumili ka ng libro sa national bookstore. yung hapon yung language. (hindi ito tanong)
salamat.

totoo bang kids don’t lie?
nadinig ko minsan sa kapitbahay namin, eto ang sabi nya:
“tingnan mo yung baby ko, marunong ng magsinungaling”

kung iyon ang pagbabasehan natin, ibig sabihin ay baby pa lang tayo ay nagsisinungaling na tayo.

ang lungkot 🙁
may mga ibon, na lumilipad…

bakit ang ibang tao walang pakiramdam?
pareho ng sagot sa bakit may mga taong manhid.

BAKIT SA UNA LANG MASAYA….? SERYOSO AKO! SAGUTIN MO TANONG KO HA, BAKIT LAGING SA UNA LANG…? 🙁
wag kang sisigaw. hindi naman lahat. nasa nagdadala yan.

Thanks sa pasagot sa tanong ko..Hoy alam mo binigyan nako ng boss ko..pinambili ko ng sapatos..heheh..
salamat sa boss.

Marami ng naapektuhan ng recession sa mundo, empleyadong na le-lay-off sa mga opisina, ang tanong kelan ba ung flag ceremony at bat ang tagal ng lunch, parati na lang ba recess-ion? E ung mga nalay-off kelan sila ma lay-on? pag na lay-off ba naka stand-on o naka sit-on?
ang flag ceremony ay kadalasang ginagawa sa umaga bandang alas-syete hanggang alas-nuebe. matagal talaga ang lunch lalo na at katatapos pa lang ng flag ceremony. medyo allergic ako sa word na layoff. kelan lang e madaming na layoff samin.

taga-sang college or faculty ka?
CAFA

ano ang immoralidad
yan yung madalas i-preach ng mga taong nagmamalinis.

anong pagkakaiba ng hubo sa hubad?
sa pagkakaalam ko, ang hubo ay kung walang suot na pang-ibaba at ang hubad naman ay maaring walang suot na pang-ibaba o pang-itaas.

paano bubuksan ang third eye
pag binuksan ‘to ay hindi mo na ‘to pwedeng tanggalin ulit. lumapit ka kay mr. lichauco ng spirit questors. kung magkakaroon ka ng third eye, saan mo ito gusto ilagay? haha!

bkt may ibang lalake mtagal labasan?.. bkt aq mabilis?.. nsa edad b yn?.. 19 n aq.. gs2 ko ung pang bold eh.. mga isang oras mahigit d prn aq lbasan.. pno b un?..
wala sa edad yan. baka excited ka lang masyado. relax. pero yung isang oras… masyado yatang matagal yun. saka meron ding mga take 1 – take 2 at cuts sa mga porn films. (uhmm, sabi yan ng kaibigan ko. pero hindi sya pornstar)

bkit may mga taong manhid??
merong mga tao na hindi naman talaga manhid, ayaw lang nilang harapin ang katotohanan. yung iba deadma lang. yung iba naman ay talagang hindi lang sensitibo sa mga isyu, tao o bagay-bagay sa paligid nila.

pornograpiya sanhi ng prostitusyon
kahirapan ang sanhi ng prostitusyon.

pano mag glitch?
hindi ako naggi-glitch. nakikita ko lang sya sa commercial sa espnstar sports.

what is love?
sabi sa kanta ng joy division — “love will tear us apart”.

sabi naman ni john lennon:
Love is real, real is love,
Love is feeling, feeling love,
Love is wanting to be loved.
Love is touch, touch is love,
Love is reaching, reaching love,
Love is asking to be loved.
Love is you,
You and me,
Love is knowing,
We can be.
Love is free, free is love,
Love is living, living love,
Love is needing to be loved.

sabi naman ng mga bata: click mo ito

Dapat makipagrelasyon habang nag-aaral?
depende yan sa tao. siguraduhin lang na hindi makakasagabal sa pag-aaral ang iyong pakikipag-relasyon. pero kung nasa grade 2 ka pa lang, mas ok siguro kung wag muna. 🙂

do you play DotA? Pangit ba sa isang girl na maadik sa larong to? =)
hindi ako naglalaro ng dota. hindi naman siguro isyu ang gender ng isang tao para sabihing maganda o pangit para sa kanya ang isang laro.

why 1320 and 370 are the same??
hindi ako magaling sa math!

Virginity: basehan ba ng pag-aasawa
HINDI.

pde ba kita tulungan sa pagdevelop ng website mo?
wag ka mag-alala ok pa naman ako. magpaparamdam ako pag kelangan ko na ng tulong.

nasubukan mo na ba ang judo? may martial art ka bang alam? ano ang tingin mo sa ufc?
hindi ko pa nasusubukan ang judo o ang ma-judo. wala akong alam na martial art maliban sa sayonatsi. ang tingin ko sa UFC ay isang laro para sa mga naghahanap ng sakit ng katawan.

dsmln,mgsn
puzzle ba yan?

gano nah kadami ang gumagamit ng cellphone sa buong mundo
madaming madami na sila. baka mas madami pa sa may landlines.

paanu gumawa ng baked macaroni
eto number ng pizza hut: 8-mcdo
ay mali. eto pala: 911-11-11

saan ka nakatira??
dun sa tabi ng kapitbahay namin.

bakit di ko siya makalimutan? namimiss ko ba siya??
dapat yata tinatanong ko din yan. haha! kung namimiss mo sya, sa tingin ko ay oo.

kelangan ba kumain bago inumin ang cytotec?
haha. natawa naman ako sa tanong mo. parang may pagka-ironic.

saan ba makakahanap ng magandang scholarly journal at madaling intindihin ung kanyang theoretical framework, at madali iclassify ung references na ginamit ng author pra mabuo ung scholarly journal?
wala ba nyan sa recto? 😉

bakit kaya may kaibigang nangtatalo ng friend kunyari TULAY ??? pkisagot mo nman
minsan hindi naman sinasadya ng TULAY. kasi minsan, yung TULAY yung madalas na kasama. yung TULAY yung madalas na kausap. yung TULAY yung nambobola. yung TULAY yung laging gumagawa ng paraan. ayun, nadevelop. natuluyan!

pano malalaman kung virgin pa ang babae
kung tatanungin mo sya at kung magsasabi sya sayo ng totoo. 😉

penumbraunorte.tk
pinuntahan ko ito. wala naman akong nakita.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.