Bakitganun #17

hu u? Sino ka ba?
ang inyong lingkod.

nikon or canon?
nikon.

anu ba ibig sabihin nang kapalarang yumaman?
iyan yung mga nakaka-jackpot sa lotto.

d40
d90

BOBO
hindi lahat ng nagtatanong ay bobo.

ano ang mabisang gamot sa kuliti
nasagot na ang tanong na ‘to. mag-scroll sa baba o pumunta sa archive.

anu ba talaga meaning ng FUBU..? pakielaborate nmn poh,..
ang fubu ay ang sinasabi nilang f*ck buddy at sinasang-kahulugan sa friends with benefits. ang friends with benefits ay isang klase ng pagkakaibigan na maaring humantong sa sexual relationship na wala namang inaasahang pormal o tradisyunal na pakikipagrelasyon.

may tula ba para sa mga biktima ng rape
napakasakit na tula naman yan. wala na lang sana pero malamang meron.

ano ang herbal na gamot sa kuliti
subukan mo lang ito kung matapang ka, hindi ako sigurado dito. pwede mo daw ilagay ang wet tea bags sa ibabaw ng iyong mata sa loob ng 8-10 minuto. pwede rin daw na ipanghugas ng mata ang pinagkuluan ng coriander seeds.pwede din daw gawing compress ang pinagkulaan ng dahon ng acacia.

ano ang kahalagahan ng heograpiya. paano naaapektuhan ng heograpiya ang uri ng pamumuhay ng mga tao

download mo ito — importance of geography

ipi-print mo na lang yan. hindi ka na magta-type. para ka ng nagpagawa sa recto nyan.

bleach or naruto?
sinubukan kong manood ng naruto pero parang masyado syang pambata. hindi pa ako nakakapanood ng bleach.

pano pag bestfriend moh naiinggit sau kac ung krux nia close sau?
nakakainggit talaga yun. sabihin mo na lang kaya sa kanya na hindi mo sya tataluhin. ang kay pedro ay kay pedro.

philippines.clubhombre.com/
bisitahin kita minsan.

ipaliwanag bakit laging may bagyo at lindol sa pilipinas
lagi tayong binabagyo dahil tayo ay isang tropikal na bansa na napapaligiran ng karagatan. lagi naman tayong nililindol dahil tayo ay kabilang sa mga bansa na kasama sa pacific ring of fire na mayroong daan-daang bulkan, oceanic trenches at iba pa.

bakit kulay orange ang day-old?
kailangan nya kasi ng atensyon. malakas makakuha ng atensyon ang kulay orange, kaya nga tinatanong mo sya ngayon e.

why 1320 and 370 are the same?? – yes daw, joke ‘to e, tresebente, and tres’seventy.. ayun ang sabe sken.. anyway, nabasa mo na ba yung kapitan sino? anu masasabe mo?
ahh.. ok. hindi ko pa po nababasa ang kapitan sino kaya wala pa akong masasabi.

gaano kadalas ang minsan? >XD
hindi sya ganung kadalas

bkit di naman bobo,hirap padin mkaintindi ng english?takot pa silang sumagot sa prof. kapg recitation?
nakakatakot talagang sumagot kapag hindi mo alam ang isasagot mo. isa lang ang solusyon pag hindi mo alam ang sagot — ang magkamot ng ulo.

anong dahon ang nakatabon sa ari ng lalaki sa oblation?
ang tawag daw sa dahon na yun ay fig.
alam mo ba na pag tinanggal mo ang dahon na yun sa oblation ay makikita mo ang bunga? lol

bakit ako iniwan ng boyfriend ko? maganda naman ako, mabait at matalino?
baka ang gusto nya ay mas maganda, mas mabait at mas matalino.

nalalaman mo ba kung sino nagtatanong ng mga tanong dito?
hindi. ang nalalaman ko lang ay kung saang bansa galing ang mga nagtatanong at nagbabasa sa site na ito. yun lang, kaya walang dapat ikatakot sa pagtatanong. =)

nalulungkot ako kasi dapat 4 years lang ako kaso 5 years na dahil delayed.. gusto ko man gawan ng paraan ayaw naman ng mga pwedeng tumulong sakin ayun… wala lang sad eh..bakit kea me mga gusto pang delayed ahmpf
hindi ko naintindihan yung tanong mo pero sana wag ka ng malungkot. =)

ano ang kaugnayan ng heograpiya at kasaysayan? haha
na naman? sige, hanapin mo na lang dyan o kaya sa archive.

Bakit may bumbay sa pilipinas
dahil madaming pilipino na walang pera at naghahanap ng mauutangang 5-6.

bakit ang hilig mag-bigay ng assignment ng teachers? cla dn nmn ang sumsagot nun kinabukasan ahh..?
ayaw mo nun, hindi ka na kakabahan kung ikaw yung tatawagin para sumagot ng mga assignments nyo.

ano ang mga mabisang pamparegla?
wala ka ng mabibiling pamparegla dahil hinuli na sila ng mga bata ni mayor lim. at wag mo na ding subukang bumili.

bakit ipinagbabawal ang pakikipag sex kapag hindi kasal?
bawal ba? shet! siguro kalahati ng tao sa mundo mapupunta sa impyerno.

ano ang ibig sabihin ng neo clasical economist?
hindi ko naging paboritong subject ang economics nung high school dahil masungit yung teacher naming matandang dalaga.

basahin mo na lang ito –> neoclassical economics

paano nauuri ang mapa
– climate maps
– economic or resource maps
– environmental maps
– political maps
– topographic maps

madami pang ibang klase ng mga mapa, ilan lang yan.

paano mo malalaman kung ang isang lalaki ay bading o hindi?
kapag pumipilantik yung mga kamay nya.

kasama po ba ang graffiti bombing sa eksena?
eksena manila ba ang tinutukoy mo? matagal na akong hindi nakabisita sa eksena manila kaya hindi ko alam kung ano ang bagong gimik ngayon.

duduguin kaba pag 1 sex mo?
para sa babae: hindi lahat.
para sa lalake: hindi.

bakit maraming galit sa jews?
kasi nangangain sila ng tao. ay! jaws pala yun!

kung ang isang tao first time nah basted, anong dapat gawin?
tanggapin mo lang. masasanay ka din.

elements of geography
bakit tuwing magpapasukan ay may nagtatanong sakin tungkol sa geography?

7 years kming nagsama nong girl, parang mag asawa n kmi. ngaun nalibang aq sa iba kaya naloko q sya. dumating sa point na nahuli nya aq nang ilang beses pero hindi aq nag lubay. tapos marami syang nlaman na nangyari n below d belt n tlga. ngaun iniwan n nya aq. hindi n tlaga sya nag paramdam skin, 3 months n kming hndi nag kkita. nong nwala sya dun q na-realize kung gano q sya kmahal. sobrng guilty aq sa mga ngawa q. sobra q syang mahal, hndi q alm bkit q ngawang lokohin sya pero sya yung tlagang mahal q. pano b dapat qng gawin? payuhan mo naman aq.
shet, telenobela! kung gagawa ka ng kalokohan, siguraduhin mong wag kang magpapahuli. ay mali!

(take 2)
kung gagawa ka ng kalokohan, dapat alam mo kung ano ang mga maaaring maging consequences nito. at dapat handa ka ring harapin to. ang maaari mo lang gawin ay ang humingi ng sorry pero wag ka ng umasang magkakabalikan pa kayo.

alam ba talaga ng aso kung kumakain ng aso ang isang tao?
tinanong ko yung aso ng pinsan ko, ang nasabi nya lang sakin ay “aw! aw!”

anong gagawin mo if ung friend mo ang gusto ng crush mo?
pabayaan mo na lang. friend mo naman yun e. tanong mo na lang sa crush mo kung meron pa syang kapatid. yun na lang sayo. kamukha nya naman siguro yun. =)

Ano ang mas maganda Chemical Eng’g o Mechanical Eng’g? 🙂
ayoko sa kanila pareho.

anu ang sagot sa sagot na ito?
ito ang sagot sa tanong na yan.

pag nakipag sex ba pag sa labas pinutok cguradong d mabubuntis
(PG)
yan ay kung masisiguro mong sa labas nga talaga lumabas lahat. na kahit konte ay walang lumabas sa loob.

astig ung mga songs!!! san mu nakuha ung mga un?? 🙂
nakuha ko yan sa isang music warehouse. yan yung mga hindi pinapansin sa mga record bars (sa pilipinas) kaya ibinabalik sa warehouse at kanilang sini-sale.

may sh0ta kna ba? Pwedeng mag apply?
submit m0 na lang resume m0.

panu mu malalaman if bestfriend mu yung isang tao?
mafi-feel mo na lang bigla yun.

panu mu malalaman kung bakla yun isang tao?
pag mahilig sya sa lalake.

panu masasabi sa crush mu na crush mu siya?
para sigurado kang makakarating sa kanya, sabihin mo sa kanya ng harap-harapan. kung medyo shy ka pwede mong i-txt, tumawag, mag-email, sumulat o ipasabi sa kaibigan mo o kaibigan nya. kung medyo galante ka ay bigyan mo ng regalo.

panu maging maingay?
magsalita ng malakas. sumigaw. magpatugtog ng malakas. mangalampag ng kaldero.

panu mu malalaman kung siya ay isang baklerz?
naka-shave ang kilay nya. =)

pano manggayuma ng babae
ayon sa mga napapanood ko dati sa mga pelikulang tagalog, ang pinakamadalas kong nakikitang ginagawa nila ay ang paghalo ng kung anong kemikal sa pagkain o inumin ng taong balak nilang gayumahin. yung iba naman ay may kinukuha silang gamit o kaya ay buhok ng kanilang gagayumahin at saka nila ito dadasalan. bakit di mo na lang daanin sa pagpapa-cute? =)

bakit ayaw nya ilagay ung status nya sa friendster na ‘in a relationship’? nasasaktan ako e.. dinaan ko sa sweet comment para di masyadong “mean” pero dinelete nya.. pano gagawin ko? bakit ganun..
baka merong itinatago. baka meron pa syang ibang “gimmick”. ilagay mo na lang din sa status mo na single ka para quits lang.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.