Bakitganun #18

bakit wala paring scandal si aling dionisia?
ang pagpasok nyang modelo at artista ay isang malaking iskandalo.

Why do birds suddenly appear? Mukha ba siyang puno???
mukha syang uod.

Dahil aco ay pasaway, hindi aco magtatanong. Cool ng website na to. 🙂
salamat! cool din yung mga bumabasa nito. lol 🙂

paano tinatanim ang seedless grapes?
kwento: ang seedless grapes daw ay resulta ng isang mutation noong mga sinaunang panahon pa. at kung paano itinatanim ang seedless grapes ay sa pamamagitan ng pagkuha ng kanilang buds, canes or cuttings at ito ang itinatanim o sa pamamagitan ng grafting.

kaibahan ng pakikinig sa pandinig?
isa ay verb at isa ay noun?

paano kung alam mong napipilitan lang sya na pakasalan ka dahil buntis ka? ikaw ba mismo ang kusang aatras sa kasal kahit na mahal na mahal mo sya?
sa tingin ko ay hindi naman laging kasal ang solusyon sa mga ganyang pangyayari. minsan dinadagdagan mo lang ang problema mo pag pinilit mo ang tao na ayaw naman sayo.

bakit itim ang uwak?
hindi lahat ng specie ng uwak ay pure black. ang iba ay merong batik na puti na madaling marecognized ng kapwa nila uwak. at dahil nga ibon sila, ang kulay ay isa sa kanilang mga paraan para malaman ang mga kauri nila, ang mga predators at mga prey. at ako ang inyong kuya kim, dito sa… MATANG LAWIN!!!

bakit Poland ang sinugod ni Hitler at hindi ang Israel gayong mas maraming hudyo sa Israel kesa sa Poland?
madaming opinyon kung bakit sinugod ni hitler ang poland at sinasabing ang isa dito ay ang pagtalikod ng poland sa isang kasunduan na magbibigay ng access sa germany sa isa sa kanilang mga lupain. may kasunduan din sila na kailangang ibigay ng germany ang ilang parte ng kanilang lupain sa poland. karamihan ng dumalo sa kasunduang ito ay mga jews.

Bakit kailangan ganito kahirap ang sitwasyon ko?
umpisahan mo sa pag-iisip ng isang SIMPLENG solusyon tungkol dyan sa sitwasyon mo. one step at a time. yung simple muna.

hindi ka ba naligo? oo o hindi??
hindi, naligo ako.

Bakla ba si mikko?
mikko the happy bear?
kung: happy = gay,
and: gay = bakla,
then: mikko = bakla.

bakit ang dali lang basta itanong ang ‘bakit ganun’?
madali ang magtanong. mahirap ang sumagot.

bkit ang pogi ko
hindi po ako ang nagtanong nito.

Bakit puro non-sense nababasa ko dito?
minsan mas masaya pag nonsense ang kwentuhan.

si bob ong ka ba?
hindi po. ;p

bakit blue ang profille mo
at bakit naman hindi?

ano ang kalagayan ni tata selo sa kwento?
sya ay isang magsasaka na naka-taga sa nagmamay-ari ng kanyang lupa.

bakit hindi aq magaling sa chemistry hindi aq makasunod sa lesson namin :c
lahat naman siguro ng tao ay may kanya-kanyang forte… may magaling sa math, may magaling sa physics, may magaling sa history. at ikaw, hindi ka magaling sa chemistry.

anu pwedeng gawin pag delay ka ng 2 weeks
maghintay.

cnu ka?
tulad ng mga sinabi ko dati. (hanapin mo sa baba)

sino ang anak ng tatay mo pero di mo kapatid?
ako?

lalaydek sika
ahhh…

anu ano ang kinakain ni homo erectus
siguro ang kinakain nila noon ay sari-saring halaman na daig pa ang sa kantang Bahay Kubo at kung anu-anong mga hayop at insekto na nasa paligid nila.

ano ang lasa ng tunay na cyto
hindi ako kumakain nun!

100% pampatalino
books.

guys have u heard lamb skin condom, san keya mkakabili dito sa manila..?
haven’t heard it yet. what’s the difference?

bakit may namimikot?
dahil sa tingin nila ay iyon ang taong makapagpapaligaya at ang iba naman ay makakapagpaginhawa sa kanila na malamang naman ay mauwi din sa hiwalayan.

bakit may malanding babae
dahil may mga gwapong lalake. lol

bakit may martir?
dahil sa pagmamahal.
sa bayan: rizal, bonifacio, aquino
sa religion: gomez, burgos, zamora
sa minamahal: romeo, juliet

bakit may babae masyadong papansin sa lalaki?
maaaring dahil type nila yung lalaki. pwede ding feeling nila e cute o maganda sila. o baka naman feeling mo lang na nagpapapansin sila.

paano mo malalaman na tapat sayo ang bf mo?
kung tatanungin mo sya at kung magsasabi sya sayo ng totoo.

sino ka ba?
isang taong pakialamero na sagot ng sagot sa mga taong tanong ng tanong.

panu mag register mga pare
saan? voter’s registration? tapos na.

bakit ba parang walang kwenta ang gobyerno natin?
lagi nating iniisip na walang kwenta ang gobyerno natin (kahit ako ay naiisip ko din yan), pero ano ba ang ginagawa natin para makatulong sa gobyerno? may kwenta ka ba sa bayan natin? nagbabayad ka ba ng tax? hindi ka ba nagkakalat ng basura. sumusunod ka ba sa batas trapiko? hindi ka ba nangungurakot? sinusumbong mo ba ang mga nangungurakot? at kung anu-ano pa. TANDAAN: kung hindi tayo nakakatulong sa bayan natin ay huwag na tayong maging pabigat.

huwag na nating iasa ang kung ano ang maibibigay ng gobyerno. asahan natin ang mga sarili natin. ang isa’t-isa. isipin natin kung ano ang maibibigay natin sa bayan. ngayon na!

“you are the change that you dream as I am the change that I dream and collectively we are the change that this world needs to be.” — efren penaflorida (cnn hero of the year 2009)

Anung gagawin mu kung my gf ka na suicidal at hindi mu xa maiwan dahil ganun xa khit di mu na xa mahal???
mabuti siguro kung makipag-usap ka ng maayos sa kanya at kung maaari ay kausapin o kunsultahin mo ang mga taong close sa kanya tulad ng kanyang pamilya at mga kaibigan. kailangan nya ng isang maayos na support system.

Bakit triangle and lalagyan ng round na pizza?
maaring isang strategy para ma-atract ang mga tao.

bakit maraming pilipino ngayon ang walang trabaho? dahil ba ito sa kahirapan o mismo sa katamaran?
pareho. hindi naman lahat ng mahihirap ay tamad. at hindi din naman lahat ng tamad ay mahihirap. madaming pilipino ang walang trabaho dahil sa kakulangan sa kaalaman at sa kakulangan na din sa trabaho na inaalok sa pilipinas o sa labas ng bansa na naaangkop sa ating kakayahan. ngayong taon lamang ay madami ng mga nawalan ng trabaho, matataas man ang pinag-aralan o hindi, dahil sa nangyaring world financial crisis.

and sabi mo sa akin last sem maghanap ako ng inspirasyon, pano ba maghanap ng inspirasyon?
tumigin sa kaliwa, lumingon sa kanan. uminom ng kape, lumaklak ng alak. pumunta sa bukid, maglakbay sa dagat. umakyat ng bundok, bumaba ng syudad. manood ng tv, magbasa ng aklat. tumahimik sandali, maghanap ng kausap.

emo ka ba?
kung yung sinasabi mong emo ay yung mga taong nakatakip na yung mga buhok nila sa mukha nila na mahilig maglaslas ng pulso at mahihilig magsuot ng hood kahit tirik na tirik ang sikat ng araw sa ngalan ng pagporma… hindi ako emo.

panget ka no ?
kilala mo ba si piolo pascual? hindi ko sya kamukha.

my childhood frnd po aq…kazo nging kmi,2bezes po kmi ngbreak dhil d prin sya nagbbgo, bbaero prin xa..nganun po,humihiling xa zkin uli ng 3rd chance,nangangako po xa..pgbbgyan q pa po ba?
uulitin ko yung sinabi ni william wallace, “fool me once, shame on you. fool me twice, shame on me”

what is friendship?
yun yung tipong masakit yung tyan mo tapos aabutan ka nya ng tissue.

makakatulong ba satin ang mga heograpiya sa Pilipinas
oo naman.

Uso pa ba ang harana?
marahil ikaw ay nagtataka. sino ba ‘tong mukang gago nagkandarapa sa pagkanta. at nasisintunado sa kaba.

mahal mo ba?
mahal ko.

paano mang-hack sa friendster?
wag mo ng subukan.

ano ang mga sangkap ng paggawa ng gravy
1/2 tablespoons beef, chicken, or pork soup base
1 tablespoon fresh or 1/2 as much dry parsley
1/4 teaspoon black pepper
2 tablespoons Wondra flour
1-2 tablespoons butter
1/2 tablespoon olive oil (or meat drippings)
1/2 teaspoon onion powder (or onion soup mix)
1/4 teaspoon garlic powder (or 2 cloves minced garlic)
1 1/2 cups cold broth or water
1/4 onion, thinly sliced or minced

yan, pinulot ko lang yan sa isang cook book.

kmusta nman? bkit dk p nag-asawa? kung ano2 gingawa mo? hehehehe.
ok naman. hindi pa nya ako nakikita. kung anu-ano nga ang ginagawa ko.

kamusta na kyo ni _ _ _?
sa tingin ko ay okay naman sya. lagi kaming hindi magkasama saka lagi kaming hindi nagkikita. lagi din kaming hindi nag-uusap.

ano ang fubu
for us, by us. 😉

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.