Bakitganun #19

mahirap ba talaga ang mathematics?
depende sa tao. meron akong mga kaibigang intsik na ginagawang hobby ang pag-solve ng math problems.

tanga ka ba?
minsan. minsan madalas.

pano malalaman kung mahal mo nga ang isang tao?
kapag lagi mo syang naaalala. kapag hinahanap-hanap mo sya. kapag pinoproblema mo ang problema nya. kapag masaya ka kung masaya sya. kapag hindi mo na kayang i-explain ang nararamdaman mo.

Anu ba ang kasing-kahulugan ng pahiwatig
maari mo sigurong gamitin ang paramdam. ex: nagpahiwatig/nagparamdam sya na sya ay aalis. wala na akong ibang ma-isip pa.

virgin ka pa ba?
sa panahon ngayon…

Papaano ko masasabi sa aking magulang na ayaw ko na mag-aral?
kailangan mo lang ng lakas ng loob, tigas ng mukha at konteng katangahan.

anong sports ang maganda para sa nagpapapayat?
yung sport na pagpawisan ka ng matindi… tulad ng chess. siguro kung may makakalaban kang magagaling sa chess e pagpapawisan ka ng malapot kakaisip sa susunod mong move. at hindi ka lang pagpapawisan, malamang may kasama pa yang sakit ng ulo.

may pasok b bukas?
punta ka sa maypasokba.com?

anung mga vitamins ang makikita sa kalachuchi
at anong susunod mong pag-tripan? gumamela, santan, bougainvillea?

long hair din ako, hehe. kso parang kailangan ko ng magpagupit, baka ma-memohan sa office. hehe (feedback lang)
hindi na ako long hair.

bakit ako malungkot?
1. natalo ang paborito mong team
2. wala ka ng load
3. walang nagtetext o tumatawag sayo
4. napuputol ang internet connection mo at di ka makapaglaro sa facebook ng maayos
5. kulang sa asukal
6. iniwan ka ng bf/gf mo
7. nasermonan ka ng magulang mo
8. napagalitan ka ng boss mo
9. bagsak ang grades mo
10. wala kang pera

pwede ba akong sumagot sa mga nagtatanong dito?
pwede kang pumunta sa facebook fan page at doon mo isulat ang comment mo.

(not really a question) i’m jst shocked at reading some people asking about cytotec. i jst heard it recently and it seems it has already been used underground… nice site, keep it up, some seriousness are embeded here…
ako rin nagulat. paulit-ulit. hindi ko na nga sinasagot e.

tao kaya ako?
ipis ka dati. pero naging mabait kang ipis kaya tao ka na ngayon.

baket nakakamatay ang Lason..?
dahil ito ay may masamang epekto sa sistema ng isang nabubuhay na bagay.

bakit kapag cute ang isang tao, cute tlga sya?
at kapag panget e panget talaga sya… Lol

bakit pinoproblema ng mga kaibigan ko ang pagiging NBSB ko eh ako nga wala namang pakialam?
bakit mo ba pinoproblema yung problema ng mga kaibigan mo e wala ka naman palang pakialam.

gwapo ba ako?
sabi ba yan ng nanay mo? wag kang maniwala sa kanya.

gusto mo ba?
sawa na ako!

bakit di ako nagshift nung second year?
meron pa namang 3rd year. o gusto mo sa 4th year.

bakit di ko matapos yung thesis namin?
tigilan mo muna ang kaka-facebook.

Have you heard of Death Note? Alam mo ba na may plans for its hollywood remake? Sinong gusto mong maging L at Light?
ang alam ko lang ay red card at yellow card.

…. anu ung nsa likod mo?
bungang araw.

is it love or just infatuation?
maghintay ka ng 10 years, tapos isipin mo kung is it love or just infatuation. =)

eh bakit ang daming bitch? na sa lahat na lang nagpapacute at nagpapansin? hindi nmn maganda.. nagmamaganda lang…
iyan ay isa sa katangian ng mga hayop pati na rin ng mga tao — maganda, gwapo man o panget. ang mga hayop ay kailangan nilang “magpa-cute” para sa kanilang survival. ang mga tao ay kailangan din nilang “lumandi” para sa kanila ring “survival”. survive emotionally, physically (hmm…), spiritually at pwede ring financially.

bakit ako’y gutom?
dahil hindi ka pa kumakain.

bakit hirap akong mag-aral
1. dahil ikaw ay tamad
2. dahil ikaw ay adik na sa facebook
3. dahil mas gusto mo pang manood ng tv kesa magbasa ng libro
4. dahil mas gusto mo pang tumambay sa mall kesa pumasok sa school
5. dahil mas gusto mong mag-aral sa starbucks kesa sa library

bakit wala pa yung dreamboy ko?
maghintay-hintay ka lang. pero kung naiinip ka na… wag mo ng hintayin. hanapin mo na. wag na masyado pihikan. =)

bakit ang laki ng gastos ni GMA sa dinner niya?
hindi naman daw sya ang nagbayad nun. na-invite lang.

If you are a cactus, why?
if i am a cactus, no.

Baket ang bading madaming galet? :)) Ang lesbian wala? :))
kanya-kanyang trip yan. mas malakas lang siguro ang dating ng mga bading kasi mas maiingay sila.

panu ba mag palaglag?
depende kung saan mo gusto malaglag.

Bakit parang orgasm kapag lumalabas ang tae?
hindi ganon ang nafi-feel ko.

ikaw ba ay nagmamayari ng DSLR cam?
hinde. haha!

Pano ilagay ang resultset ng sql sa Jtable ng Java?
hindi ako magaling sa ganyan.

pano maglagay ng picture dun s slideshow sa taas?
kailangan mong i-edit ang xml file tulad ng paggawa ng xml playlist.

bakit masama magmura?
at mabuting magmahal.

Anong pangalan ko?
ang pangalan mo ay nagsisimula sa capital letter.

emo ako, anong gagawin ko?
steady ka lang. wag kang maglalaslas ng pulso ha… please. messy.

BAKIT!?! BAKIT!?!? SAGUTIN MO KO BAKIT?!?! BAKIT NGA BA!?!? HA?!!? ANOH?!?! BHAKIHT?!
DAHIL! DAHIL! DAHIL! SINASAGOT KITA DAHIL! DAHIL NGA BA?!? HA! DHAHIHL!

babae ka ba?
what you think?

taga UST ka ba?
opo. 😉

Bakit pinanganak ang hinayupak na iyon?
ganyan din ang kanyang tinatanong tungkol sayo.

saan nakatira si arthur waley?
hindi pa kami nagmi-meet.

nice website more power and galing mo sumagot ng tanong.. btw…, what course ang kinuha mo?
salamat po! ako po ay kumuha ng kursong arkitektura. =)

mananalo kaya akoh?
ilang buwan na rin simula ng itanong mo ito… nanalo ka na ba?

pede b ilagay ang center table s side?
pwede mo na syang tawaging side table

bakit tayu may buhok sa ilong
para hindi dire-diretsong tumulo ang sipon. LoL

Bkt my bobo?
hindi lahat ng nagtatanong ay bobo.

saan makakahanap ng NGO na tumutulong sa mga maysakit. yung wala silang gagastusin pang paospital?
Ikaw ang kanlungan ng nangangailangan
Ikaw ang pag-asa at kinabukasan
Haplos mo ay lunas sa bawat pagal
Salamat sa iyong dampi ng pagmamahal
PCSO… PCSO.. PCSO.

subukan mo sa PCSO.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.