Bakitganun #2

makulay ba tlga ang buhai s sinabawang gulaY!?=p
ayon sa aking ginawang pag-aaral, 1 out of 1 na bata ang nagsasabi na hindi daw makulay ang buhay kahit sabawan pa ang gulay. tinanong ko sya kung bakit, ang sagot nya ay “basta!”. pero ang lucky lucky me with the family, ang sarap kung sama-sama. haha! kung curious kayong malaman kung sino ang aking tinanong ay yun ay ang pamangkin ko. =)

ilan taon kna?
ako ay nasa tamang edad na. pwede ng mag-inom, pwede ng manood ng for adults only. haha!

bakit po kayo gumawa ng ganito? =)
ako ay gumawa nito para meron akong mapaglibangan. at kayo ang napili kong paglibangan. at sana nalilibang din kayo sa ginagawa ko. gusto ko rin malaman kung ano ang mga naglalaro sa inyong isipan at gusto ko ring malaman nyo ang mga nasa isip ko. ang maganda dito, hindi nyo kailangang magpakilala para makapagtanong.

anu itatanong ko?
sige bibigyan pa kita ng one week para isipin mo yung itatanong mo. wag mong masyadong dibdibin baka makadagdag pa ‘ko sa mga problema mo. kung gusto mo, ako na lang magtatanong sa ‘yo.

cnong crush mu? ahaha.. sLamnote.
haha! interested talaga kayong malaman ang crush ko ah. hindi ko (lang) sya crush! mahal ko na sya. wahaha! sige, i-scroll down mo na lang kasi may nagtanong na sakin nito. iyon din naman ang isasagot ko sa ‘yo e. o gusto mo pa ng dagdag na clue? hehe.. pilitin mo ko. =)

busy ka ba?no new posts na..hahah..i’m after your comments..hahahaha
oo, medyo busy nga ako. pasensya na kung hindi ko na-uupdate agad ito. may mga inaasikaso din kasi ako sa trabaho. isinisingit ko lang ito pag may time. pero sigurado i-uupdate ko rin sya at least once a week, saka basta ba madaming dumarating na questions kaya ipamalita mo na sya sa mga friends mo para madami akong sasagutin na tanong. salamat din sa iyong pagtangkilik sa aking mga ginagawa.

bakit wala kang kwenta
sigurado ka ba dyan? baka pareho lang tayo. sabagay, sino pa ba ang magkaka-amuyan kundi yung magkaka-uri. siguro nga wala akong kwenta pero madami naman akong kwento. puro nga lang walang kwenta. haha! =)

who’s ur crush? haha.. sLamnote e2! =D
uzi ka ah… baka hindi mo rin naman sya kilala kahit sabihin ko. sandali, kilala mo ba ‘ko at tinatanong mo ‘ko ng ganyan. kung titingin ka sa aking mga mata, makikita mo kung sino sya. kung papakinggan mo ang aking puso, maririnig mo ang pangalan nya… wahaha! pasensya na, umiral na naman ang aking kakornihan. sige, sasabihin ko na. ang name nya ay nagsisimula sa capital letter. ang name nya ay may 8 letters, minsan 4 lang. pero ang tawag ko sa kanya ay wanwan. dun sya nakatira malapit sa watertank. nahulaan mo na ba? sating dalawa lang yan ha… wag mo ipagsasabi. lagot kasi ako sa mommy nya! haha! =)

bakit kaya everyman shud know how to eat oreo cookies!??=p
wag ka maniwala dun… pauso lang nila yun… syempre gusto nila madaming bumili ng product nila. isa ka ba sa mga naloko nila? ako, ang ginagamit ko dati, yung fita o kaya yung m.y. san biscuits. alam mo ba yun? iyon yung sini-serve sa mga lamay sa patay kasama ng mapait na kape o kaya matabang na pineapple juice… wahaha! mahirap lang kasi kami, wala kaming pambili ng oreo cookies. tapos isinasawsaw ko sya sa malamig na tubig hanggang lumambot na sya. grabe, ang sarap! =)

panung gagawin mo kung may classmate ka na nakasamaan mo ng loob dahil nabusted mo xa?tapos ngayon bad na trato nya sayo..kaso classmates parin kayo
wala. wala kang dapat gawin. dapat hindi mo na pinoproblema yung mga ganyang klase ng tao. buti pala binasted mo sya… ngayon, alam mo na totoo nyang ugali.

ano mas maganda, IT or IM/IS sa uste?
mas maganda kung susundin mo kung ano ang gusto mo. hindi ko pa nabalitaang nag-excel sila dyan o baka hindi lang narerecognize pero tulad ng sabi ko… mas ok siguro kung susundin mo kung ano ang gusto mo. sa tingin ko dyan din papunta ang tanong mo… =)

bakit kung ikaw na nga yung tipong nagseseryoso, ikaw pa yung sasabhing manloloko – flooding the space between yu n d gal wid doubts?
siguro may reputation ka na ganun ka… kaya kung ako sa ‘yo, galingan mo pa ang pambobola mo… i mean galingan mo pa ang diskarte mo. hindi naman pwedeng ako pa ang dumiskarte para sa ‘yo. i-prove mo sa kanya na sinscere ka… actually, wala ka namang dapat i-prove (gulo ko ‘no?)… kung ano ka, yun yung ipakita mo… kung ayaw nyang maniwala e wala ka ng magagawa dun.

naku.. bakit ba ang ganda q? haha..
weh?! hindi nga? magbuhat ba ng sariling bangko. baka naman ikaw lang ang nagsasabi nyan. o kaya yung nanay mo. o kaya yung nanay ng nanay mo. sabagay, makakatulong sa ‘yo yan. pampalakas ng loob… wahaha! kung talagang maganda ka pwede mo akong i-text… wahaha! kung totoo ang sinasabi mo e ibigay mo nga friendster mo… dare? wag ka mag-alala hindi ko sasabihin sa kanila… haha! =)

maganda ba ang kursong advertising arts sa uste?
baka sabihin mo na biased ako pag sinabi kong oo. kilala mo ba ang TEAM MANILA at ELECTROLYCHEE (at madami pang iba), alam ko dyan sila galing. sige na nga, bias na kung bias… magaling adver ng USTe!!!

SALAMAT PO SA LAHAT NG NAG-THANK YOU!

kung hihingiin ku ba ang ang codes ng cbox viewer sa acc mu s frnster ay ibibigay mU??? ( nde kc ang wowork ung codes ku eh)
ayoko nga. haha! pero pwede kitang tulungan. click mo instructions. pati pala dito may magtatanong ng ganun. haha.

bakit?
yan ay dahil… kaya nga merong… kasi, kung hindi nya… dapat talaga e laging… sana ay… kung meron ka pang… hindi naman talaga pwedeng… pero kung pipiliting… sana ay hindi ka naman nabitin sa sagot ko.

sino po ba ang unang nakapagtext at kanino niya ito sinend?
ang unang nagsend ng text message o sms ay si Neil Papwort para kay Richard Jarvis at ang unang text message ay “Merry Christmas”. napanood ko yan sa “game ka na ba?” pero hindi ko alam kung kanino nanggaling kaya ni-research ko pa para sa ‘yo.

Bakit may mga pilipinong naglalagay ng letrang h sa mga pangalan nila samantalang hindi naman ‘to binabasa at nababasa? Halimbawa na nito ang bhoy, jhun at mharie. Saka bakit may mga salitang ‘di binabasa ang letrang h kahit na ito ang simulang letra ng salita? Tulad ng herb, hola at havainas? (Alam kong pwede rin itong bigkasin na may kasamang h.) ‘Yan din ba ang history kung bakit may nagtetext ng “elow” sa cellphone? Sana ay matulungan niyo ako. Lol.
un na nga ang dahilan, hindi naman ito binabasa at nababasa kaya sige lang sila sa paglalagay ng h. yung iba naman ay dahil maikli lang ang kanilang pangalan kaya dinadagdagan nila ng h. sabi naman ng iba ay para unique (daw) ang dating. at ang iba naman, ibig sabihin daw ng h e happiness… kaya yun, sige dagdag. e naging happy naman kaya sila.

ang mga salita naman na nagsisismula sa letrang h ngunit hindi binabasa ay dahil dati, karamihan sa English words na nagmula sa salitang French ay hindi binibigkas ang letrang h tulad na lang ng herb at honor. pero unti-unti na rin itong nababago sa ngayon.

meron din naman tayong mga kababayang kapampangan na nilalagyan ng h ang walang h at nawawala ang h ng dapat ay may h. pag tinanong ka ng “hanong ina-anap mo?”, ang ibig sabihin nun ay “anong hinahanap mo?” =)

sa mga ngttxt nmn, nde lang nmn ung h ung nwwla, mdami pang ibang lttrs. kya mas mbuting wag mo ng prblemahin un. cge, gtg. w8 p me ng fwendz q. bb. mwah mwah! =)

bakit ala pang banner at footer?
-ito ay dahil:
a. tinatamad pa ako
b. tinatamad pa ulit ako
c. wala pang time gumawa
d. wala pang maisip na ilalagay
e. all of the above

pagtyagaan na lang muna ang kasalukuyang layout ng page. pag madami na akong time, aayusin ko. pwamiz! =)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.