Bakitganun #20

bakit nagagalit ang boss ko? hindi nya ba alam na baguhan lang ako?
baka naman hindi mo pinagbubuti ang ginagawa mo. minsan hindi dahilan na baguhan ka pa lang para hindi mo magawa ng maayos ang trabaho mo.

tama bang nakikipagrelasyon ang isang tao habang nag-aaral?
depende kung ilang taon ka na. kung grade 2 ka pa lang, wag muna. kung sa tingin mo ay nasa tamang edad ka na, wala namang masama dito kung hindi ito nakakasagabal sa pag-aaral at sa iba pang responsibilidad mo.

ILANG DAYS BGO MLMAN NA BUNTIS ANG ISANG BABAE
hintayin mo na lang lumobo ang tiyan.

paano hindi na maging praning pa?
basahin mo itong LINK. kung malala na yang pagka-praning mo, dapat ka ng kumunsulta sa isang espesyalista.

bakit masarap magjakul?
sige. enjoy ka lang.

ilan ang pimples mo?
hindi na ako tinutubuan ng pimples.

pwede bang magtanong dito tungkol sa assignment ko sa integral calculus? ang hirap e..
eto gawin mo. maaga kang pumasok, tapos mangopya ka na lang sa classmate mo. ;p

anu ang pinaka malaking ulo?
yung ulo ng mayayabang na tao.

bakit hnd mawala ang shabu sa bansa?
dahil madaming nagbabato.

natakasan o nalimutan mo na ba ang nakaraan mong pag-ibig?
sa tingin ko ay hindi naman ito dapat takasan o kalimutan. dapat syang harapin at tanggapin.

binili mo siya ng green, kinain mo ng red, dinura mo ng black .ano ito? 6 letter word sa tagalog.
pakwan kayo dyan.

bakit ang yaman ni villar?
sipag at tiyaga. yan ang sabi nya.

bakit ang pangit ko?
kung sa tingin mo ay pangit ka, dapat ay wag kang masungit. lalo ka lang papangit.

naano ka na ba ng ano?
hindi pa, pero yung kwan ng ano na kwan na ako.

may pag asa paba kahit puro singko
Kung may tyaga, may nilaga.

anung dapat gawin pra hindi mabuntis?
wag makipag-sex.

pwede bang magtanong?
pwede na din yang isama sa Frequently Asked Questions.

sagot sa pasma sa paa
sabi ng mga matatanda kapag inihian mo daw ang paa mo ay mawawala ang iyong pasma. ang pasma ay isang matandang kaugalian o pamahiin lang. walang anumang pag-aaral ang nagbabanggit sa “sakit” na ito.

bakit may lalaking madaling labasan habang nakikipagtalik?
excited.

anu po ba ang rason kung bakit mas madaling makakahanap ng trabaho ang mga lalaki kaysa sa mga babae
merong mga lugar na mas madaling makahanap ng trabaho ang mga babae kesa sa mga lalaki

anong gamot ang pampahilo?
humanap ka ng taong may anghit.

san n ba ung lugar ni ernie
hindi ba taga-sesamie street yun

sino kaya magreregalo sa kin? bday ko bukas! haha xD
hindi ako yun.

anu-ano yung mga nadagdag na salitang tagalog na hango sa hiram na salitang kastila
silya-silla
mesa-mesa
lapis-lapiz
kuwarderno-cuaderno
papel-papel
guapo/a-guapo/a
kabayo-caballo
karne-carne
sige-sigue
baka-vaca
kalye-calle
kalsada-calsada
tonto/a-tonto/a
****-****
kuba-cuba
pisara-pizarra
tisa-tisa
pulgas-fulgas
kotse-coche
panyo-pano (ene ang spelling)
palabra de honor
cargo de conciencia
amor propio
atras-atras
para-para (for)
para-para (when stopping the car)
pero-pero (because)
medyo-medio
kumusta-como esta
bueno-bueno
aber-aver (let’s see)
adios-adios
mano-mano (hand)
kuwelyo-cuello (neck)
pitso-pecho (breast)
menudo
adobo
caldereta
bintana-ventana
puerta-puerta (door)
labi-labio
kamiseta
calzoncillo
sapatos-zapatos

saang lugar na pinaka madami mango
ang largest producer ng mango ay ang india. pero nakatikim na ako ng mangga galing sa india, hindi naman kasarapan. mas masarap pa din ang mangga sa pinas. kahit si princess diana of wales ay na-inlove sa tamis ng guimaras mangoes.

aw?
aso ka?

Bakit ang ganda ko???!!!???!!!
weh?

April Boy Regino
di ko kayang tanggapin.

Paano mo malalaman kung plastic ang isang kaibigan?
kung mabubuko mo sya.

ask ko lang panu mapapatagal labasan pag nakikipag sex? start pa lang kasi nilalabasan na ako? except sa mag-isip na ibang activities while you perform sex?
practice.

paano nakakaimpluwensya ang kaibigan sa maagang pag-aasawa
sa pamamagitan ng peer pressure.

what is happiness?
dahil napaka-broad ng sagot sa tanong mo… eto ang sabi sa wikipedia:

Happiness is a state of mind or feeling characterized by contentment, love, satisfaction, pleasure, or joy. A variety of biological, psychological, religious, and philosophical approaches have striven to define happiness and identify its sources.

maganda ring basahin ito: what is happiness?

totoo bang magugunaw na ang mundo sa 2012?
sasagutin ko yan sa 2013… yan ay kung hindi magugunaw ang mundo sa 2012.

ano ang magandang gamot sa kuliti?
abangan ang sagot sa Frequently Asked Questions (kung magkakaroon)

pano makakalimutan ang taong mahal na mahal mo?
“time heals”, sabi nila. diversion.

paano mo malalaman na virgin pa ang isang babae
kung tatanungin mo sya at kung magsasabi sya sayo ng totoo.

panu mo malalaman kung ang lalaki ay may crush sayo?
1. mahilig magpa-cute
2. mahilig mang-asar
3. mahilig magbigay ng regalo
4. nangingindat (lol)
5. mahilig magpasikat
6. mahilig magpapansin
7. yung iba naman ay nagiging mahiyain tuwing kasama ang crush nila
8. sobrang bait na too good to be true

paano ba mkalimutan ang isang taong minahal mo ng sobra kahit my bago ng nagmamahal sayo
ang masasabi ko lang ay nagiging unfair ka sa bagong nagmamahal sayo kung hindi mo maibibigay sa kanya ang buong puso mong pagmamahal. mas mabuti pang wag ka na lang munang pumasok sa isang relasyon kung hindi mo pa kayang kalimutan ang dati mong mahal. para sa akin, hindi magandang pumasok sa isang relasyon kung ang iyong primary purpose ay para makalimutan ang iyong previous relationship.

gusto ko lang sana itanong kung ano ang halamang epektibo pampalaglag? sorry 4 this kind of question,di lang kasi pareho ang ugali ng parents ko sa iba, cgurado palalayasin ako at sasaktan
kailangan mong kausapin ang magulang mo kahit ano pa ang sabihin nila.

bakit maagang nakikipag-relasyon ang kabataan?
1. dahil cool daw ang may “syota”
2. para ma-“in”
3. sobrang panonood ng telenobela
4. sobrang pagbabasa ng romance pocketbooks
5. pressure sa barkada
6. madaling mabola
7. naghahanap ng atensyon sa iba na hindi nakukuha sa pamilya

ano ako?
ipis ka dati. pero naging mabait kang ipis kaya tao ka na ngayon. kung naniniwala ka sa reincarnation.

ano ang sex ed?
ang sex education ay pag-aaral tungkol sa human sexual anatomy, sexual reproduction, sexual intercourse, reproductive health, emotional relations, reproductive rights and responsibilities, abstinence, contraception, at iba pang aspeto ng pag-uugali may kauganayan sa sekswalidad ng isang tao. (salamat sa google, ang hirap kasing isipin sa tagalog)

epekto ng pakikipag relasyon sa edukasyon ng kabataan.
THE GOOD: nagiging inspirasyon para magsumikap, magtyaga at magsipag sa pag-aral.
THE BAD: kabaligtaran ng the good.
THE UGLY: masamang bisyo, maagang pagbubuntis, maagang pag-aasawa at paghihiwalay… at dahil dito, hindi nakatapos ng pag-aaral. walang trabaho. tambay. nagnakaw. nakulong. at nakita mo ang sarili mo sa tvpatrol habang hinihimas-himas ang malamig na bakal ng selda. sabay lalapitan ka ng mayor (ng selda) at ibubulong na “hinding-hindi ka na malulungkot dito” sabay himas sa malambot mong buhok pababa.

bakit ba ganito nararamdaman ko? may ka-on ako pero cool off kami pero bakit ganun sya makipagharutan sa iba? tapos sa harap ko pa.. TOToo kaya ung nararamdaman nya para sa kin?
baka sinusubukan nya ang pasensya mo. o baka naman na likas na maharot sya.

may sahod ba bukas?
kung kasama kita sa trabaho, wala.

Anong gagawin ko kung ako lang pala nagmamahal sa kanya?
humanap ng iba.

Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng guliti?
hintayin mong maglabas ako ng Frequently Asked Questions. sigurado andun yung tanong na ito.

anu ang kasingkahulugan ng masungit?
mataray? maldita?

kaano-ano mo si bob ong?
hindi ko kaano-ano si bob ong. at hindi din ako si bob ong.

TRIVIA:
nung simulan ko ang “bakitganun” ay hindi ko pa kilala si bob ong. merong mga nagco-comment na para daw si bob ong ang mga sagot ko at itinatanong nila kung ako daw ba si bob ong, o kung kaanu-ano ko daw ba sya. doon ako nagsimulang maging curious kay “bob ong”. hinanap at binasa ko ang mga libro nya. natuwa ako sa mga ito at nagustuhan ko ang style ng pagsulat nya. ngayon ay isa na rin akong bob ong fan at natutuwa akong ikinu-compare sa kanya.

isa sa nakaapekto sa akin sa ganitong uri ng pagsulat ay ang labis na pakikinig ng Radioactive Sago Project.

magbigay ng sampung paraan upang mabawasan ang stage fright
sampu?! demanding ka ah! eto ang isa: kapalan ang mukha.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.