Bakitganun #22

panu mu msususubukan ang fidelity ng karelasyon moh??
wag mo ng subukan.

anong sports ang nakakapagod pero hindi ka pagpapawisan?
chess? pagod utak mo dun.

bakit di dapat sisihin ang mga magulang sa maagang pagaasawa?
hindi naman sa dapat syang sisihin pero maaaring nakaapekto din ang mga magulang sa mga nagiging desisyon ng mga anak nila.kung napalaki ng maayos ang anak, maaaring maiwasan ang maagang pag-aasawa. pero sa huli, ang anak pa din ang magdedesisyon (kaya siguro sinabi na di dapat sisihin ang magulang).

sino ang katabi ko kanina
multo?

ano ang mga pagkaing mabilis makataba?
yung mga pagkaing mabilis makataba e yun din yata yung mga pagkaing mabilis makamatay.

pornograpiya noong panahon ni rizal
subukan mong pumunta sa bahay ni rizal. tingnan mo kung may nakatago sa ilalim ng kama nya.

kapag payat gusto tumaba
kapag mataba gusto mo pumayat. kapag mataba, sasabihin buntis. kapag mapayat, sasabihin nagda-drugs.

mahal ba nya aq kung cnaktan nya ako?
isang malutong na “HINDI!”

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs.Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.

pag after mo ba ng mens tapos nakipag sex ka mabubuntis kaba?
pwede.

eto ang mas teknikal na sagot ng isang eksperto:
It’s possible but not very likely.
Ovulation occurs around the middle of a woman’s cycle (specifically, in the middle third): If you have a 28-day cycle, for example, then you’ll usually ovulate on the 14th day, counting the first day of your period as the first day of your cycle. If your period lasts seven or eight days, by the time you finish menstruating you’re only five or six days away from ovulating. If you consider that sperm can live in the fallopian tube for two or three days, then you have a narrow window in which you could get pregnant if you ovulated a little earlier than normal. If you’re not actively trying to get pregnant, it’s always safer to use reliable contraception when you have sex, no matter when in it is during your cycle.

bakit ang mga kabataan mahilig sa korean style
maraming mga kabataan na mahilig sa kung ano ang uso.

sabi ng boyfriend ko “AKIN KA, PERO DI AKO SAYO.” anu masasabi mo sa taong ganito?
hanap ka na lang ng iba. yung magsasabi sayo ng “AKO’Y SAYO AT IKA’Y AKIN.”

may formspring ka ba?
meron pero di ko ginagamit. ginawa ko lang ang account na yun para di magamit ang pangalan na “bakitganun”. šŸ˜‰

Q: anong sabi ng bakitganun.com sa formspring?
A: gaya-gaya!
lol

bakitganun.com formspring

patay na ba si elvis presley?
matagal na.

pano maibabalik ang pag mamahal nya sayo
baka kulang sa lambing.

pagkakaroon ng kakaibang ispeling ng salita sa celfon
para dumali ang pagtetext na kabaligataran ng ginagawa ng mga jEjEm0nS.

paano matutulungan ang mga taong nakadaranas ng epekto ng pornograpiya?
merong mag rehab para dito. pumunta sa espesyalista.

paano ko malalaman kung sino ang ngsabi sa akin slut daw ako gamit ang chikka niya
kung tatanungin mo sya at kung magsasabi sya ng totoo.

magkano ang sweldo ng isang instructor na graduate ng masters degeree
depende kung ano tinuturo mo at kung saan ka magtatrabaho.

Kalagayan ng pagkababad sa computer.
masakit sa mata. masakit sa kamay. masakit sa likod. masakit sa pwet.

epekto ng cellphone,telebisyon at kompyuter sa study habit ng mga estudyante
bagsak. singko. fail. repeat.

bakit hindi nakakatamad gumawa ng pagsusuri sa assignatura naming filipino?
masipag at matiyaga kang bata na mahilig sa filipino subject.

ano ang kasingkahulugan ng masarap magmahal
delicious lover. lol

ano ang epekto ng sinunog na asin na may kasama na mga pangalan ng kaaway mo
sunog na asin.

love ba kita
oo? šŸ™‚

bakit pag ikaw nag bebenta gusto mu mahal pero pag ikaw bibili gusto mu mura bakit ganun?
sino ba ang gusto ng negosyong palugi? siguro yung nararapat lang na presyo. hindi sobra, hindi rin lugi.

bakit kailangang malaman ng isang ampon na siya ay ampon?
ang tanong e kailangan ba talaga?

bakit madalas makaranas ng paglindol ang pilipinas?
dahil tayo ay kasama sa mga bansa na nasa pacific ring of fire na kung saan nagkalat ang fault lines at mga aktibong bulkan.

ano ang sanhi ng prostitusyon
kahirapan.

gumawa ng batas na nagbabawal sa walang suot pang itaas
tanong ba yan o utos?

what is the maximum volume of olive oil that a person can drink
may balak ka bang uminom ng olive oil? anong akala mo sa bituka mo, salad?

totoo ba ang karma?
naniniwala ako dyan.

paano ko malalaman kung ginagawa lang akong tulay ng crush ko para mapalapit sya sa ate ko… crush nya kasi ate ko. tapos binasted sya.. ngayon,closefriend ko na sya kaya lang parang dahil lang kay ate kaya nya ko hinahatid sa bahay namin pagkatapos namin magsimba… help naman oh! ang sakit na kasi!!!! puro na lang si ate ang tinatanong nya kapag magkatxt kami!!!!!
kung bakit lagi ang ATE MO ang tinatanong nya, yun ay dahil yung ATE MO ang crush nya. HINDI IKAW. sabihin mo na ikaw na lang ang ligawan nya, kamukha mo naman siguro yung ate mo. LOL

ilang araw posible ma-delay ang isang babae pag nakipag sex at virgin pa?
sa tingin ko ay wala namang relasyon ang pakikipag-sex (virgin o hindi) sa pagka-“delay” ng isang babae maliban na lang kung mabubuntis sya.

pano manggayuma
punta ka sa quiapo, hanapin mo yung mga nagtitinda ng mga halamang gamot at agimat dun.

im rhiz… girl… eo bat ganun inlove aqo sa isang lesbian msama ba un? dna kme ngaun pero.. im still hoping. na sana 1 day shes bak? give nan pu kau advice?..
may mga religion na ipinagbabawal nila ang ganyang klase ng pakikipagrelasyon. pero kung ok lang sayo (kahit hindi ok sa religion mo), gawin mo kung saan ka magiging masaya.

bakit pagpinagsama ang ulan at sabon ay madulas
diba pag nabasa ang sabon madulas. nasubukan mo na bang gumamit ng sabon na kasing-gaspang ng hollow blocks at kasing-lagkit ng kulangot?

epekto ng online games sa mga kabataan
1. mahina ang katawan.
2. may sariling mundo.
3. madaming “virtual friends”, konte ang totoong friends.
4. napapabayaan ang pag-aaral.

Bakit madaming nagnenetworking dito sa metro manila?
1. Madaming walang pera.
2. Madaming gustong kumita ng pera ng mabilis.
3. Madaming manloloko.
4. Madaming nagpapaloko.

panu ba makuha loyalty ng guy when it comes to long distance relationship?
walang sigurado sa long distance relationship kahit araw-araw pa kayong magtawagan at mag-chat.

PAANO TANGALIN ANG KAPE SA DAMIT
eto: link ako

kelan ba malalaman na sya na ung right guy or girl for u?
sa diamond wedding anniversary nyo.

ano ba ang dahilan kung bakit ang isang lalake ay nagiging bakla? at bakit kadalasan ay mga Gwapo?
sabi ng iba, sa kinalakihan nilang environment o yung mga taong nakapaligid sa kanila. halimbawa, lahat ng kapatid nya ay babae. o kaya yung nanay nya sa kagustuhang magkaroon ng anak na babae ay dinadamitan nya ng pangbabae ang anak nya nung bata pa sya. ang epekto ay nagiging confused ang bata sa kasarian nya.

sabi naman ng iba, bakla na sila ng pinanganak sila. weh?

hindi naman kadalasang gwapo. nagkalat din ang chaka. lol
nadadaan lang siguro sa porma. mahilig kasi silang mag-ayos. kaya ang mga babae, dapat nag-iingat sa mga “well groomed” men. malaki ang chance na bading yun. mag-iingat din sila sa mga malalaki ang katawan. subukan mong pumunta ng gym, malamang may bading dun.

TANDAAN: ang tunay na lalake ay walang abs. LOL

bakit hindi ko makita ang pabulang “bakit itim ang uwak?” sa web???????
subukan mo naman ngayong pumunta ng library.

saan-saang parte ng katawan makikita ang mga pulso
ang pinaka-common na area ay ang sa pagitan ng kamay at braso na kung tawagin din natin ay pulso. sa may neck area. sa may pagitan ng balikat at siko kung saan nilalagay ang sphygmomanometer (oo, yun yung tawag sa device na ginagamit pag kinukuha ang BP mo). sa may bandang singit at sa may paa.

Isang pagkakataon lang ba ang binibigay ng buhay upang makasama natin ang ating minamahal?
ang ibig sabihin mo ba ay kung mamamatay tayo ay maaari pa nating makasama ang ating minamahal? hindi pa ako namamatay kaya hindi ko rin alam.

bakit may pasok
si noynoy kasi.

pinagkaiba ng bahay noon sa ngayon
bahay ba talaga ang tinatanong mo? nagkaka-iba ang mga bahay (o architecture as a whole) noon at ngayon sa materyales at design. merong mga materyales na madami noon na wala na o mahal na ngayon kaya hindi na sya nagagamit ngayon. masasabi naman na ang mga design noon ay mas “conservative” kung ico-compare sa mga design ngayon.

ano ang kahulugan ng pacific ring of fire
ito ay tumutukoy sa lugar na madalas magka-lindol at madalas na pagsabog ng mga bulkan. dito mo rin matatagpuan ang karamihan ng mga bulkan sa buong mundo.

pano ko malalaman kung sino kumuha o nagnakaw ng aking gamit?
punta ka sa quiapo, may mga manghuhula dun. iba-ibang klase. tawas, baraha, mahiwagang crystal. pili ka na lang.

may soulmate ba?
sabi sa nabasa ko dati, ang “soulmate” daw ay hindi lang naman ang iyong “significant other”. maari din syang isang kaibigan.

One thought on “Bakitganun #22

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.