Bakitganun #23

bakit hindi ako makapaglaro sa facebook?
sira/mabagal ang internet. kulang sa plug-ins/software. bi-nlock ng admin.

idol kita haha..
baka nabibigla ka lang. πŸ™‚ salamat po.

sinu kaya yung taong naghahabol sa akin ?? hahhaha lol..
di kaya aso yun?

nawawala ballpen ko, sinong kumuha?
bumili ka na lang ng bago. mahirap magbintang.

bkt nahihilig ang mga estudyante magpunta sa mga mall??
hindi lang ang mga estudyante ang nahihilig na pumunta sa mall. kahit sino. dahil siguro sa madami kang pwedeng mapaglibangan dito. kahit patingin-tingin lang… ng mabibili, ng sine, ng pagkain, ng boys at ng girls. at isa pa, libre ang aircon.

anung dahilan bakit hindi kmi nagkatuluyan
sa tingin ko ay meron syang nakitang mas “OK” pa sa’yo. ;p

anu ang napapaginipan ng mga taong bulag simula nung pagkabata??? may nakikita ba silang mga imahe sa panaginip nila o bulag din sila sa panaginip nila???
ayon sa isang eksperto:
Do people who were born blind see dreams? No, they wouldn’t. Visual stimulus is necessary for the wiring of the brain centers that process and interpret vision. The way the brain works is to develop, early in life, a huge number of neural synapses (connection points between neurons that are used in cell-to-cell signalling). As you grow and learn, these synapses are pared away to make the brain function efficiently, and that’s the central basis of long-term learning. However, if the brain or any part of it fails to get infromation from hard-wired inputs, then that part of the brain will atrophy (at best, fringe areas of a cortical region might be adopted by adjacent cortical regions for different processes). But the take-away message here is that the brain needs visual stimulus in order to devolp the cortical regions that process vision. In the use-it-or-lose-it sense, the brain will not waste energy building and maintaining processes that aren’t used. The optical cortex would never know how to function as an optical cortex in a person born blind.

gaano kahalaga ang isports sa kabataan
mahalaga. madami kang makukuhang physical at emotional benefits sa paglalaro ng sports lalo na sa mga team sports.
1. pakikisalamuha sa iba / pakikipag-kaibigan / kasiyahan
2. disiplina sa sarili
3. pantanggal ng stress
4. pagkakaroon ng goals at kung paano magagawa ito
5. patience and high self-esteem
6. teamwork / leadership
7. at marami pang iba

hello
hi! salamat sa pagdaan. πŸ˜‰

ano ang solusyon para hindi tamarin sa paghihiwalay ng basura
baguhin ang ugaling tamad.

saan ako pwede mag pasa ng tula at kwento para ma recheck kng pwede na ibenta??
subukan mong pumunta sa mga copy-readers at publishers.

ang judo ay para sa lalaki
pwede din sa babae. wag ka lang hahanap ng gf o asawa na marunong mag-judo.

what is therapeutic incompatibility? πŸ™‚
hindi magandang epekto ng isang gamot sa isang tao.

kailan pde mag sex ? para mabuo ang baby?
sa panahon na fertile ang babae.

ano po ba yong laro sa machine na parang karera ng kabayo na may numerong 1 to 6? at halimbawa ang taya mo ay 1-4 at ang nauna sa karera ay 1 at sumunod ang 4 ay panalo ka? ano po ba yon?
video karera?

tips para bumalik ang aking ex gf
1. magpayaman ka
2. bumili ka ng magarang tsikot
3. maligo ka araw-araw

ano bang koneksyon ng subject na filipno sa kursong civil engeneering??
wala.

pano malalaman kong nagtataksil ang iyong mahal
kapag nahuli mo sya sa “akto” (hmm…)

paanu nakakaapekto sa buhay ng mga kabataan ang maagang pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend?
maagang nabubuntis. napapabayaan ang pag-aaral.

anu ang suliranin ng usok?
meron syang hika?

bakit may mga taong maganda na mayaman pa, pangit na mahirap pa
yan ang ibig sabihin ng malas at swerte. kung maganda, mayaman at matalino pa — pinagpala na yan. kapag pangit, mahirap at tanga — sinumpa yan. LOL

paano mo mahihiwalayan ang bf na sa knya manggaling ang pakikipaghiwalay para safe k?
manlalaki ka.

bkit ako nagpapakatanga sa taong hindi q talaga mahal….
dahil tanga ka nga.

sa anong kadahilanan nakakaapekto ang kita sa demand?
malaki kita = madaming pambili = tataas ang demand

paano nakakaapekto sa ating pagiisip at paguugali kung tayo ay nasa oras ng kagipitan
may mga taong hindi na nakakapag-isip ng maayos at naapektuhan ang pagdedesisyon nila sa panahon ng kagipitan.

paano manggayuma ng babae
pumunta ka sa quiapo, may mga nabibiling mga panggayuma daw doon.

pampalaglag ba ang pito pito?
sa pagkaka-alam ko ay hindi. hindi siguro ito i-aadvice ni ka ernie baron kung nakakalaglag ito.

paano po ba gawin liligawan ang babae
yayain mong gumimik. order kayo ng madaming beer. pag lasing na, tanungin mo kung mahal ka nya. siguraduhin mo lang na mas malakas kang uminom sa kanya. lol

bakit sya ganun…??bigla na lang akong hindi pinapansin o kinakausap…?
sa tingin ko galit sya sayo. ;p

bakit ang ibon ay letter v kung lumipad
para mas mabilis. aerodynamics. hindi dahil nanonood din sila ng voltes v.

bakit may mga bagay na hanggang dun na lang?
resulta na rin yan siguro ng mga bagay na ginagawa natin at ng mga nakapaligid sa atin.

pwede ba akong magdonate para yumabong pa ang website mo?
haha! salamat. pero “hindi pa” ako tumatanggap ng donation.

halaman na nakakaalis ng tigyawat
punta ka dito.
try at your own risk

magkano benta sa inyo jan ng penoy?
di ako bumibili ng penoy e. yung balut nung huli akong bumili e Php12 na (May 2011 yun). mas mura ang penoy sa balut. penoy = less than Php12.

anung height mo?
di pang-basketball.

ala bang pumapansin sayo sa lugar mo? kaya ginawa mo itong site mo? di kaya un karamihan sa mga tanong dito eh ikaw din nag tatanong? hhehehe. parang rhetorics eh. scripted.
madaming pumapansin sakin. ginawa ko to dati dahil na-bored ako sa friendster. oo, yun pa ang uso nun. pag wala akong masyadong ginagawa, pinag-aaralan kong gumawa ng website. hindi ako nagsusubmit ng tanong na ako din ang sasagot. kung meron akong gustong isulat, dun ko sya nilalagay sa blogsite(s) ko, hindi dito. ang gumagawa ng script dito ay yung mga nagtatanong (tulad mo) at ang sumasagot (ako yun). rhetoric? cool. πŸ˜‰

bkit ako laging may kabag
siguro masyado kang madaldal. madami kang nakakaing hangin.

bkit ako
ikaw na!

bakit adik sa dota c ponk?
dahil hindi sya ang sarili nya. gets?

ano ang kahulugan ng pahiwatig?
according to google translate:
1.hint
2.implication
3.inkling
4.intimation
5.notification
6.soupcon
7.suspicion
8.insinuation

ano ang kahulugan ng mutation
pagbabago. (kailangan natin ng pagbabago. we need to mutate. lol)

pano mapatatagal ang isang relasyon?
see 1 Corinthians 13:4-8. sa bible yan. πŸ™‚

proof of converse of pythagorean theorem
syet, math.

paano maglagay ng music player sa fan page ng facebook
nakita ko dati yun sa forum sa facebook. pero kailangan yata “sayo” yung music. pero matagal ko ng nakita yun. madaming beses ng nag-update ang facebook ng mga codes nila. pwedeng DinIS-ABLE na din nila yun.

Kailan yung pwedeng makipagsex na Hindi gumagamit ng condom?
kahit kelan naman pwede. may batas na ba na nagbabawal gumamit ng condom on certain days?

pagkain nakakadagdag ng tigas ng ari ng lalaki
mani? lol

naalala ko tuloy tong joke na to:
Q: bakit matigas ang talong sa kare-kare?
A: dahil may mani.

bakit maraming kalbo sa ust
mas madami pa din ang may buhok

ano bang puwedeng mainom na gamot para maging negatibo kapag nag pa drug test ako
wag ka na lang mag-drugs. mas sigurado yun.

hey
ho!

Bakit gago ang boss ko?
wag kang mag-alala, di ka nag-iisa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.