Bakitganun #24

ano yung sasabihin ko sa boyfriend ko nung naghinala sya pero hindi naman totoo
sabihin mo na kung wala syang tiwala sayo e dapat ay maghiwalay na lang kayo dahil walang pupuntahan ang relasyon ng walang trust sa isa’t isa.

ano ang kasingkahulugan ng sumasakit ang kanyang ulo? ito ay filipino subject
walang laman ang utak.

pano tanggalin ang pasma sa kamay?
ihian mo. yan ay kung naniniwala ka sa mga sinasabi ng mga matatanda.

bakit ganun?
ganyan talaga ang buhay

pano mo malalaman na may crush sya sayo
kapag panay ang pa-cute at papansin nya sayo.

kung ang hinahalo sa fruit salad ay kaong… ano ang apelyido ni madonna?
cicone. nadinig mo na ba ang bandang cicone youth? galing yun sa pangalan ni madonna.

ano maganda? dito o doon?
doon.

Panu malalaman pag inlove bestfriend mo sayo
kapag niligawan ka nya

paano malalaman kung seryoso ang iyong boyfriend magkalayo man kayo
kung kayo pa rin kapag nagkita ulit kayo

bakit bawal mag puyat?
hindi ka magigising ng maaga. male-late ka sa trabaho o sa school. babawasan ka ng grade o sweldo ng teacher o boss mo. papagalitan ka ng nanay o asawa mo. lol. hindi naman sya bawal pero lahat ng sobra ay masama

paano gayumahin ang lalaking mahal mo??
mas masarap ang pagmamahal kung hindi galing sa gayuma. wala pa rin naman akong naririnig na istorya ng tao na nasabing nagayuma.

bakit kakahiwalay lang namin may iba na agad xa ipinalit, and worst nag-asawa na agad xa?? bakit? 4yrs kmi pero pingpalit nya ako sa isang babae na isang linggo pa lang nya nakikilala?? minahal ba nya talaga ako??
merong mga taong madaling maka-move on. 4 years, sa tingin ko minahal ka naman nya. mag move on ka na din. 🙂

anong lugar ang sinalanta ng bagyong juan?
mag-text ka sa PAGASA

ano ang english ng bobo?
pwedeng stupid, bonehead, moron

safe ba makipagsex kahit 7 days fertile?
pag fertile, hindi safe

anong gagawin mo kapag na inlove ka sa crush mo pero may kasintahan ka?
ibig sabihin nyan ay kelangan mo ng magpalit ng girlfriend o boyfriend.

papano ba nanligaw?
kaibiganin mo yung friends nya. kapag naging ok ka sa friends nya, mas malaki na ang chance mo na mapasagot mo sya. kung gusto mo, kaibiganin mo pati magulang nya.

bakit mahalagang makinig sa pangaral ng magulang kapag maagang nakikipagrelasyon?
sabi nga e “been there, done that”

bakit ang dameng OFW ang nagloloko
malayo sa pamilya. malungkot sa ibang lugar. walang bantay.

san makakabili ng sapatos para sa mga magsasaka
subukan mo sa farmers plaza

kailan kya ako yayaman…
tinatanong ko din yan sa sarili ko

paano mang gayuma?
magtanong ka dun sa mga nakatambay sa gilid ng simbahan ng quiapo

bakit kaylangan manloko ng babae
sa tingin nila cool/macho sila

dapat ko bang kausapin ang bf ko habang cool off kmi o wait ko nlng xa ang mag-initiate ng conversation?
kung gusto mong magkabalikan kayo, kausapin mo sya. may mga taong di naniniwala sa cool off.

Panu mapigilan ang excited sa sex
sanaying mag-relax

panu nakikipag sex ang tomboy
punta ka ng quiapo, itanong mo sa mga nagtitinda ng mga pirated na dvd dun.

pano kapag nahuli ka ng crush mo nagpapansin?
diba nagpapansin naman talaga tayo sa crush natin 😉

ano ang nagiging epekto ng syota sa ating pag aaral
ang mabuti, pwede kang ma-inspire at lalo kang ganahan sa pag-aaral. ang masama, mapabayaan mo ang pag-aaral mo at puro pagso-syota na lang ang ginagawa mo.

adbentahe ng maagang pakikipagrelasyon
madaming “experience”

bakit palaging lupa ang pinupuntahan ng bagyo??
galing na sya sa tubig, lupa na lang ang maaari nyang puntahan.

bakit ba feeling ko ansama kong kaibigan?
may ginawa kang masama sa kaibigan mo kaya nagi-guilty ka

ano ang dapat gawin sa lalaking walang paninindigan sa mga salitang binitawan
wag pag-aksayahan ng panahon. sayang ang energy.

kailan nkakasama ang gamot?
kapag hindi ka nito nagagamot

mga paraan kung paano maiiwasan ang maagang pag-aasawa
pumasok ka sa seminaryo o kumbento

bakit kailangan ko pang mgtanong?
para marami kang malaman

eh anu ang tawag sa pakikipagrelasyon ng parehas babae?
leslies

bakit dinideny ng bstfriend ko nung high school na magbestfriend kami?
baka naman hindi talaga ikaw ang bestfriend nya. malas mo.

ano ang adiksyon sa pagbabasa ng pocketbooks
no life. natutulog kong mundo syndrome.

maaari bang mabuntis ang babae kung lageng pagod sya?
bakit naman hindi. pinapagod mo din naman sya pag nagsesex kayo. lol

epekto ng panonood ng telenobela
ma-dramang buhay

author ng maagang pag-aasawa
hindi ako yun

ano ang masasabi mo about sa maagang pagpapakasal?
mahirap gumising. maagang makakain sa reception. lol

anung dapat gawin pra hindi mabuntis?
gumamit ng proteksyon o wag makipag-sex

ano nga ba ang kadalasang dahilan ng maagang paghihiwalay ng mgulang?
merong “iba”

panu maging gasolina ang joy
pag sinagot ko kung paano magiging gasolina ang joy ay magtataas na din ito ng presyo. baka sa susunod e pati panghugas ng pinggan ay problemahin na din natin

sino kaya susundin ko? puso ko o ang magulang at mga kaibigan ko?
lagi kong sinasabi na sundin mo kung ano ang makakapagpasaya sayo. pero hindi ibig sabihin nito ay isasantabi mo na ang kagustuhan o payo ng magulang at mga kaibigan mo

ang maagang pag aasawa ba ay nauuwi sa maagang paghihiwalay? bakit?
madaming instances na ang maagang pag-aasawa ay nauuwi sa maagang paghihiwalay. ang kadalasang dahilan ng mga ito ay ang pagiging hindi handa emotionally o financially sa ganitong klase ng pamumuhay

bakit kailangang hindi iasa ang kabuhayan sa pamahiin?
dahil karamihan o lahat yata ng pamahiin ay wala namang matibay na basehan o pag-aaral

kmusta nman boss? 🙂
ikaw ba yan? may gusto sana akong sabihin sa’yo…

bakit madalas mangati ang aking ilong?
buni yan.

5 thoughts on “Bakitganun #24

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.