Bakitganun #25

bakit ba ako tanga?
ang dahilan ng pagkatanga ay ang kakulangan sa kaalaman at impormasyon. mag-aral, alamin ang balita, magbasa, magtanong upang maiwasan ang pagiging tanga. mahirap maging tanga.

paano gayumahin ang mister
sapat na pagmamahal 😉

ang galing galing mong sumagot ng mga tanong. idol na kita. keepit up 🙂
salamat. wag sanang magsawa sa pagsubaybay.

kung uumpisahan mo ng maghanap at manligaw ng chick na matitipuhan mo. wag umasa na babae ang manligaw kung di naman ka-gwapuhan.
sabi nga ni Lourd, “umasal lang ng naaayon sa kagandahan (o kagwapuhan).”

san makakabili ng gay porn?
ang alam ko lang ay madami nyan sa net.

lumulubog ba ang buwan?
hindi. nakalutang sya sa kalawakan.

bakit sa gabi sumisikat ang buwan?
minsan ay makikita rin natin sya sa araw (umaga, tanghali). ang buwan ay nagre-reflect lang ng ilaw na nanggagaling sa araw wether it is nightime or daytime. madalas lang na ang lugar na kinalalagyan natin ay nakatalikod sa araw tuwing nakikita natin ang buwan.

mabubuntis kaba kapag nakipagtalik ka sa partner mo pero di ka niya nilalabasan sa loob kung maglalabas naman siya eh sa tiyan ko niya ilalagay?
hardcore ka. sabihin mo sa partner mo na bawasan nya ang panonood ng porn. lol. sigurado ka ba naman na walang “lumabas” sa “loob”? kahit konte lang kasi ay pwede ka ng mabuntis. ganyan katulis ang mga nagwawalang semilya na yan.

baket maaarte ang ilang mga babae..?
sa tingin ko ay isa yan sa mga natural na katangian ng mga kababaihan. hindi na nila kelangang mag-effort pa.

i olready read it ol..natuwa aq..cool ka din, cool din ang mga nagbabasa nito so it meanz cool dn aq…????hmmm..
tama! salamat. abangan pa ang mga susunod na tanong at sagot at i-LIKE ang Facebook fan page at i-FOLLOW ang twitter account para makakuha ng mga updates.

bakit ngayon ko lang nadiskubre tong site mo na to? XD (cool. ang galing. fan din ako ni Bob Ong, at ngayon fan mo na ako.^_^)
salamat. mabuhay ka! cool ka din.

mabubuntis ba ang virgin kahit sa labas pinutok
virgin or not, kung hindi sa loob inilabas e hindi mabubuntis.

pag naka-pikit ang lalaki habang ang babae ay nakikipag-sex sayo
ini-enjoy nya siguro ang mga sandali

kapag binuhat ba kita at binuhat mo ako ng sabay lulutang b tau?
subukan mo munang buhatin yung sarili mo. parehas lang ang sagot nyan sa tanong mo.

bakit ba gusto kong makipagsex sa kapwa ko lalaki? bakit ba takot ako sa tito kong bakla. bakit ba palihim akong bakla?
isa-isa lang. sa unang tanong, yun ay dahil bakla ka. pangalawang tanong, dahil natatakot kang malaman nya na magkakulay kayo ng dugo. iisang pederasyon ang sinasalihan nyo. pangatlong tanong, lumabas ka na ng aparador. lalo ka lang mahihirapan kung itatago mo, mabubuking ka lang din naman.

bakla ka daw sabi ng nanay mo. 22o ba un?
masasabi kong hindi mo ako kilala. sa tingin ko, hindi nanay ko ang napagtanungan mo. :p

bakit ganun tingin mo sa sarili mo pangit pero ung iba sabi hnd nman daw.. >.< hnd kya dahil sa kulang sa confidence???
maaari. pero pwede ding niloloko ka lang nila. sinasabi nilang maganda ka naman dahil ayaw nilang masaktan ka. lol

saan na ba ang kapams.tk dati
baka sarado na sya.

murit ka cguru neh?
nano?

سكس
ayon sa google translate, ang ibig sabihin nyan ay SEX.

Bakit naka fix yung hight ng Richtextbox ko?
baka may kulang na code

bakit nahihilig ang mga estudyante sa softdrinks
hindi lang mga estudyante ang nahihilig sa softdrinks maging ang mga nakatatanda rin. siguro dahil karamihan naman ng mga tao ay nagca-crave sa matamis.

bakit nakahubad ang lalaki sa oblation run?
sumisimbolo sya ng pag-aalay ng sarili ng buong-buo

magandang epekto ng pakikinig ng musika habang nag-aaral
ayon sa pag-aaral, may type ng music na mas nakaka-enhance ng ating pag-iisip habang tayo ay nag-aaral at iyan ay ang classical music.

nakakalabo ba ng mata ang celfone
hindi naman siguro nakakalabo ng mata yung pagtawag sa telepono.

history kung bakit sobra sobra ang pagdami ng populasyon sa pilipinas
hindi ito history pero eto ang alam kong dahilan kung bakit sobra-sobra ang populasyon sa pilipinas. ito ay ang kulang sa sapat na kaalaman tungkol sa pagpaplano ng pamilya at kaalaman tungkol sa reproductive health.

ano ba mas masarap na 3-in-1 na kape sa dalawang ‘to (KOPIKO o’ NESCAFE)?
iba-iba ang taste ng tao. pwedeng masarap sa panalasa ko ay hindi naman masarap sayo. mas madalas kong inumin ang nescafe pero hindi yung 3-in-1. hindi ko pa natitikman ang kopiko.

ano ang magandang sagot sa babae sa tanong na: ano ang dapat gawin pag iniwan ka sa ere ng iyong mahal
wag mo na syang pag-aksayahan ng panahon. humanap na lang ng gawaing kapaki-pakinabang

ano ang pinagka-iba ng bolang puti sa bolang tri-color
siguro yung bolang puti e isa lang ang kulay samantalang ang tri-color ay tatlo. lol

nakailang syota ka na?
wag ng magbilangan. :p

bakit hindi niya ako mahal?
dahil meron syang ibang type.

tips pano magkaroon ng BOYFRIEND
TANDAAN: Daig ng malandi ang maganda.

pano mapapansin ng lalaking torpe ang babae?
medyo naguluhan ako sa tanong mo. haha. bakit naman hindi kung maganda at mabait naman ito.

saan aabot ang 20 pesos mo?
tugstugstugs.

eto ang magagawa ko sa 20 pesos (or less).
1. makakasakay ako ng mrt from taft to north avenue
2. makakabili ako ng balut
3. makakabili ako ng taho
4. meron akong isang extra rice
5. isang saging sa mini-stop

pano malalaman pag virgin ang babae
importante pa ba yun sa panahon ngayon?

BAKIT MAHAL MO PARIN SIYA KAHIT MAY ANAK NA
dahil nanay ko sya! lol

ano ang pagkakaiba ng nabasted sa pinaasa
ang pagkakaiba, pag nabasted ka, pwedeng umpisa pa lang binasted ka na. ang pinaasa, kala mo kayo na, di naman pala. ang tagal mong naghintay, papunta pala sa wala. kung nabasted ka man o pinaasa ka, ang ending, hindi naging kayo.

paano ba matatanggal yung bungang araw ku 10 years old
merong pulbos na ipinapahid para sa bungang-araw.

paano maibalik ang pagmamahal ng isang tao
ipakita mong karapat-dapat kang mahalin.

nagbibilang ba ng regla?
ako hindi.

english word for guliti
sty, stall, cowshed

sex lang
no emotional attachment?

cnu gumawa nito?
kung ang website na ito ang tinatanong mo, ako po. haha

Mary Aimee
hi!

ano bang gamot sa an-an?
magtanong sa pinakamalapit na mercury drug

ano ang opinyon mu sa polusyon sa pilipinas?
malala na ang kalagayan ng polusyon sa pilipinas. dapat na nating tanggalin ang mga nagiging sanhi ng polusyon. kailangang ipatupad at magdagdag ng mga batas na mangangalaga sa ating kalikasan. kailangan ng magbago ng mga tao.

ano ba ang mga dahilan ng mga kabataan kung bakit sila gumagamit ng droga
1. iba’t ibang klase ng problema
2. pressure sa kaibigan
3. curiousity and experimentation
4. impluwensya ng kapaligiran

tamang hinala ang bf ko ano sasabihin ko sa kanya
tigilan na ang pagda-drugs. lol

sagot sa kahirapan isalaysay
sabi ni ai-ai de las alas ay japan japan, sagot sa kahirapan. maaari nga. pero hindi nating kelangang pumunta ng japan. yan ay kung gagayahin siguro natin ang ugali ng mga hapon. masipag, may disiplina, malaki ang pagmamalasakit sa bansa, at hindi mapanlamang.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.