Bakitganun #26

ano ang maaring maging epekto kung mas madami ang bilang ng mga lalaki kaysa sa mga babae sa isang klase
maraming pagpipilian ang mga chicks. mag-aagawan sa girls ang mga boys. yung ibang boys, boys na din yung gusto.

paano ko sya bibigyan ng chance kung di pa ko handa magmahal uli
sabihin mo kung sincere sya at kung gusto nya talaga ng chance e maghintay sya. wag mong i-pressure ang sarili mo. minsan hindi tayo nakakapag-decide ng maayos kapag under pressure.

bakit may mga taong salawahan?
pwedeng ang dahilan ay meron silang nakita na hindi nila nahanap sa isa. may mas matindi pa dyan, yung tatluhan, apatan… 🙂

kailan ang tamang panahon sa pakikipag relasyon? -age dapat sagot ah.
papayag ka ba kung sabihin kong 50? baka pati nanay mo e magalit sayo :p

6yrs na kami nagsasama ng pangalawa kong asawa. binata sya pero kasal ako sa una nung 2004 pa, pwede ba kmi mgpakasal ng pangalawa kong asawa
sa batas sa pilipinas, hindi ka pwedeng mag-asawa kung buhay pa at wala pang annulment ang iyong kasal sa unang asawa. uhm, yan ang pagkaka-alam ko.

totoo ba na mabubuntis ka habang meron kang menstruation?
posible pero di karaniwang nangyayari.

pano ba malalaman na may aswang sa paligid
hindi pa ako nakakakita ng aswang kaya hindi ako naniniwala dito

Paano mo malalaman kung nagsisinungaling ang Pari??
humahaba ang ilong?

pwede pa bang makipagsex ang menopause?
sa tingin ko ay pwede naman. ang tanong e kung meron pa silang drive. bakit, menopause ka na?

bakit ang kulit ng anak ko?
mana sa magulang.

dahilan ng maagang pakikipg talik
mga environmental factors. mga nababasa, napapanood, barkada at iba pang nakapaligid sayo. curiousity.

ano ang epekto ng protitusyon?
ang isang epekto ng prostitusyon ay ang paglaganap ng mga sexually transmitted diseases. kaya kung iniisip mo yung iniisip ko, mag-iingat ka lagi.

hass ikky
tao ba yan? bagay? lugar? hayop? pwede!

bakit may brush sa escalator?
kung nakasapatos ka, pwede syang panilinis nito. pwede mo ring subukan na ipang-kamot sa nangangati mong paa. try mo. wag na pala, nakakita ako ng picture ng bata na naipit ang paa sa escalator.

anong bagay ang di kayang tumbasan ng pera??
sabi nga nila lennon at maccartney, “money can’t buy me love”

update k agd h..waitingness akech..hehe..babae aq,d aq bding..ganito lng tlg q..haha..enwei i like ur site..binasa q toh s ofiz..aun nhuli akez kc bawal mgbrowse ng non related s business..ok lng..lol ^.^
salamat sa pagbabasa mo. iwasan mo na lang magpahuli sa boss mo, baka mawalan ka ng trabaho. 😉 wag kakalimutang i-like ang facebook page at i-follow ang twitter account para makakuha ng updates.

matagal n qng d ngjojowa dhil s npurnadang love story q dti..ngaun my crush aq..kso my sbet..crush lng nmn so no harm, kso d aq mthimik..”super crush” yta toh..pnu b toh maaalis?? wachutink??
kung may sabit, siguro wag na lang. wag mong gagawin ang mga bagay na ayaw mong gawin din sayo. wag gumawa ng bagay na maaari mong pagsisihan sa huli. baka ikaw din ang mas masaktan.

kahulugan ng ugali ng uwak
wala akong nakaka-chikahang uwak kaya hindi ko alam ang ugali nila. itatanong ko kay kuya kim atienza.

bakit hindi mo na ginagalaw ang site na ito?
gingalaw na.

after akong maloko at iwan ng magaling n pudrabel ng anak ko,d n ko ulit ngjowa s tkot n maloko nnman..may gamot b s ganitong klase ng trauma??
ang makakagamot dyan ay pagmamahal din. hindi ibig sabihin na kailangan mong magmahal ng bagong jowa. mahalin mo ang sarili mo, ang mga taong nakapaligid at nagmamahal sayo. at kung merong jowang darating na tunay na magmamahal sayo, nantokwa, bakit hindi. keribels mo yan sister. gusto mo ba na nagmumukmok at nagti-titig ka na lang sa pader habang nagsasaya na ang ex mo.

makakabuti rin kung kokunsulta ka sa isang psychiatrist.

sinu-sino ang naapektuhan ng dota?
ang mga estudyanteng nag-aaral, ang mga magulang na naghihirap sa pagpapa-aral, ang mga gurong pinoproblema ang mga estudyante nila kung paano papasa at ako na naiingayan sa mga nakakasabay sa sasakyan na malakas na nagpapayabangan sa pagkwekwentuhan tungkol sa kanilang mga virtual encounters.

herbal
alagaw, banaba, bayabas, pandan, damong maria, hierba buena, lagundi, makahiya, makawalanghiya, makabuhay, makapatay, sambong, tanglad. gagawa ka ba ng pito-pito?

bakit tanga yung mahal ko?
dahil ikaw ang pinili nya o dahil kahit anong pagpapa-cute mo e hindi ka nya pinapansin?

BAKIT BA ANG TOMBOY MADALI MAGMAHAL
hindi naman lahat siguro. tulad din sila ng mga straight.

ano ang mga epekto ng lindol?
kung mahina lang, wala naman masyado. konting hilo lang.

sex hot
ice cold

gamot sa insomia?
alam ko yan dati pero nakalimutan ko na.

PANO BA NASASARAPAN ANG BABAE
nasasarapan ang babae pag minamahal mo sya. inaalagaan. inaaalala. hindi binabastos.

paano mo po malalaman kung mahal ka ng isang tao?
maraming klase ng pagmamahal at maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal. ang simple at sincere na pangungumusta ay isang form ng pagmamahal. ang pag-aalala. ang pag-invest ng time. at minsan, ang pangungulit ay pagpapakita din ng pagmamahal.

pwede ka bang yayain mag date?
perahin mo na lang. lol

masarap bang mahalin si jigsaw?
wala akong kakilala na nagmamahal kay jigsaw kaya wala akong mapagtatanungan.

ano ang kasal
ang kasal ay isang kasulatan/okasyon na nagpapatibay ng inyong pagmamahalan. ngunit hindi nangangahulugan na kung hindi kayo kasal ay hindi kayo nagmamahalan o kung kasal kayo e nagmamahalan talaga kayo. marami ng kasal ang nauwi sa sakalan.

Pano ko ma-oovercome ung depression ko sa pagbagsak ng ACET?
isipin mo na lang na mas marami pang tao na mas mabigat pa ang problema kesa sayo. walang makain, walang matirahan. pagbutihin mo na lang sa susunod na pagkuha mo ng ACET.

pano ko ba malalaman kung buntis ako
pag lumobo ang tyan mo at magsilang ka ng bata.

ano ang epekto ng pakikipagrelasyon sa bakla
ang pumapatol daw sa bakla ay bakla din. ano ang epekto? may mga taong hindi makakaintindi sa sitwasyon mo.

BAKIT GANUN ANG PANGIT MO
tulad ng nasabi ko dati, hindi pa artista si piolo pascual nung pinagbubuntis ako ng nanay ko.

bakit po ang ganda ko
ikaw na!

bakit my dugo ang ihi ko
kailangan mong magpatingin sa doktor.

bakit ganon? kung kelan nakita ko na siya . bigla nmang nawala ..at ang masakit pa doon ay di na xa babalik 🙁 ?
saklap diba? may mga bagay na hindi talaga para sayo. try mo yung kapatid, magkamukha naman siguro sila… lol

pag-aaral kay kim atienza
kuya kim

bakit near miss ang tawag pag muntik magbanggaan?
dahil daw sa aviation field, kailangan ang mga eroplanong lumilipad ay laging miss o hindi nagbabanggaan sa isa’t-isa. kaya kung “muntik” (o near) na silang “hindi magbanggaan” (o miss), tinatawag nila itong near miss. magulo diba? ang iba ngayon ay gumagamit na lang ng term na near collision.

papano tinatanim ang prutas na walang buto
may mga prutas na tulad ng saging na pwedeng itanim gamit ang mga ugat nito. ang mga piña naman ay maaaring itanim gamit ang kanyang crown. may iba pang paraan ng pagtatanim na hindi ginagamitan ng buto tulad ng grafting at cutting.

One thought on “Bakitganun #26

  1. bakit ba hnd naiiwasan ng tao ang magmahal pa sa iba kahit pa sa kasalukuyan ay may minamahal na..
    bakit din maraming mga lalaki ang nanloloko. matapos hulihin ang loob mo..

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.