Bakitganun #27

bobo ba si jack?
kapag hindi alam bobo na agad, pwede bang tanga muna?

bakit ang ganda koh? bkit ang pangit nla?
maihahambing ko ang fighting spirit mo kay manny pacquiao

what if one tym savhn sau ng gf mo n ayaw n muna nya ng sex?
lagi kong sinasabi na wag pilitin kung ayaw. o kaya pakitaan mo ng abs, bibigay din yun. kung wala kang mala-derek ramsay na abs, sorry ka na lang. daanin mo na lang sa dasal.

mabubuntis ba ang babae pag habang nireregla sya ay pinutok sa loob?
ayokong isipin na ginagawa nyo ‘to habang meron ang babae para makaiwas lang sa pagbubuntis. kung natatakot kayong mabuntis o makabuntis, gumamit na lang ng proteksyon. eew, dugo.

may mhal akoh lage xya sw8 xken lge ako tinatbhan sa upuan sa xkul nmen tpos pag break na cnusubuan nya kuh. bkt gnun nagpapakita dn xsa ng motibo n mhal nya kuh pero may syota n xya
hindi porket sweet ang isang tao ay nangangahulugang may gusto sya sayo. may mga taong likas na sweet. baka mamis-interpret mo. sabi nga ng iba, huwag “feelingera”. hintayin mo na lang na magsabi sya sayo. kung hindi ka makapaghintay at sigurado ka sa motibo nya, bakit di mo na lang sya tanungin. at isa pa, kung may syota na sya e wag ka ng makisawsaw pa. sakit lang ng ulo ang aabutin mo.

Sino po ba tlga si bob ong?
Bob Ong

sinaunang kanta
naniniwala ako na ang mga sinaunag kanta ay binubuo ng mga humming sounds.

bakit virgin pa ako?
madali lang ang solusyon dyan. pero, mas dapat mong pag-isipan ito:
ang virginity/purity ay nasa isip, kalooban at puso. wala sa integrity ng hymen

bigyan niyo po ako ng tanong ayon sa epekto ng maagang pagbubuntis
ano ang epekto ng maagang pagbubuntis? (ok na ba yung tanong na yan?)

lotto
ayon sa iyong kapalaran, hindi ka tatama sa lotto kung hindi ka tumataya. kung tataya ka, hindi ka rin mananalo.

pano ba malalaman kung ilang days ka nang buntis?
malalaman mo lang kung pupunta ka sa doctor.

ano ang nagiging epekto ng madalas umutot?
maruming kapaligiran. pwede kang makulong dahil sa paglabag sa Republic Act 8749 o mas kilala sa tawag na Clean Air Act of 1999. ;p

anung dapat gawin kung buntis gf muh?
panagutan mo. hindi nangangahulugan na kapag nabuntis mo ang isang babae ay dapat mo syang pakasalan. kung di ka/sya ready, wag. kung ayaw mo o ayaw nya, wag. ang importante ay wag takbuhan ang pananagutan mo.

kasingkahulugan ng silbi
hain, lingkod, serbisyo. (ex. mag silbi/lingkod/serbisyo sa bayan)
ibig sabihin pag sinabing “wala kang silbi”, nangangahulagan na hindi ka makapaglingkod o makapagbigay serbisyo.

bakit po tayo nakikipag flag ceremony
para maipaalala sa bawat sulok ng utak at bawat espasyo ng puso natin ang pagmamahal sa bayan.

paano nakakaapekto ang jejemon sa pagbasa
sa aking personal experience, nai-stretch ang utak ko pag nagbabasa ako ng jejewords. feeling ko nagdedecipher ako ng hieroglyphics.

ano ang possible cause ng black ang kulay ng dumi
madami kang ininom na coke. ;p

may posibilidad bng mbnts ang gurl pg nkpgtlk s bf nia 5 deiz bgo xah reglhn
meron. hala, lagot ka….
kung ayaw mabuntis o makabuntis, gumamit ng protekson. o wag na lang makipag-sex.

paano hindi umibig sa iba
maging tapat sa iyong minamahal.

paanu aq masigurado na hnd na mangbabae ang asawa q? kz bago pa kami kinasal nagkaroon siya na ibang babae maliban sa akin kz magkalayo kaming dalawa? sana paliwanag mu aq?
walang kasiguraduhan. hindi mo mapipigil ang iniisip at nararamdaman ng tao. ipakita mo na lang ang iyong pagiging mabuting asawa. maaaring hindi na sya mambabae kung mararamdaman nya ito. ganun din naman ang ibang tao sayo, hindi nila mapipigil ang iniisip at nararamdaman mo.

bakit walang ham ang hamburger pero ang hamsandwich meron
pero wala din namang sand ang ham sandwich.

paano malalaman kung virgin ang babae
subukan mong tanungin. may posibilidad na sagutin ka ng mag-asawang sampal.

paano mo malaman na sex lang ang habol ng lalaki sayo
kapag binigyan ka nya ng tip pagkatapos nyong magsex.

dapat bang maging karelasyon ng studyante ang kanyang guro
hindi ko alam kung ipinagbabawal sa mga schools ito pero kung gusto mong umiwas sa mga chismoso at chismosa ay wag na lang makipag-relasyon. kung ikaw ang estudyante, mag-aral ka na lang muna. kung ikaw yung guro, maghintay ka na lang muna.

astig iyong barkada ko kapag kumain ng saging kasama pati balat! hindi naman daw mapait, hindi din makunat. anong saging kaya ang kinakain niya?
kahit anong saging pwede mong kainin ang balat. wala namang batas na nagbabawal dito. kanya-kanyang trip yan.

gusto ko mgtinda sa labas ng bahay… pahingi ng suggestion na pwede itinda.. tnx
depende sa panahon. sa tag-init, pwede kang magtinda ng mga pampalamig tulad ng halo-halo, sago at gulaman, ice buko, ice candy, ice cream. sa taglamig naman ay goto, mami o sopas. kung magpapasko ay bibingka at puto bungbong. at syempre yung mga walang pinipiling panahon tulad ng fish ball, squid ball, kikiam, siomai, day old, kwek-kwek at madami pang iba. wag ka lang pepwesto sa labas ng bahay nyo at ibebenta ang sarili.

san pwedeng mag-download ng mga pinikulang tagalog?
magatanong ka na lang sa iyong suking pirated dvd vendor. may 10 in 1, 16 in 1, o 20 in 1. napag-alaman ko din na madalas ay itinatago nila ang mga tagalog movies ngunit kung magtatanong ka ay bibigyan ka nila ng hinahanap mo. ang iba ay nagbibigay pa ng kanilang contact number para makapag-request o makapagtanong ka muna sa kanila bago mo sila puntahan. pero mas ok pa din kung bibili ka ng orig. 🙂

bakit nga ba kadalasan sa mga lalaki ay salawahan?
men are born polygamous, yan ay ayon sa isang kasabihan. ayoko sanang paniwalaan yan.

masama ba mahalin ang kaibigan? wee
marami ng pagmamahalan ang nag-umpisa sa
pagkaka-ibigan. nasubukan ko na yan. sinasabi nga ng iba na mas maganda na ang pagmamahal ay nagsisimula sa pagkaka-ibigan. ngunit minsan hindi maganda ang nagiging epekto nito kung hindi naging “kayo” o naging “hindi na kayo”.

نيك نار
nick fire, ayon sa google translate. hindi ko alam kung ano ibig mong sabihin.

anung mgandang epekto ng maning nilaga sa katawan
ang pagkain ng mani ay maganda para sa kalusugan ng ating puso. sinasabi ding nakakatuong ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng alzheimer’s disease. ngunit lahat ng sobra ay nakakasama.

bakit pag nagsesex kami ng bf ko ay nasasaktan ako
dapat mong sabihin sa kanya kung ano man ang nararamdaman mo para maiwasan ito.

mahal ko pa ba si Rachela?
ang tanong e mahal ka pa ba nya?

mahal pa ba ako ng ex ko?
mahal ka pa nya kung makikipagbalikan sya sayo. o sadyang tanga sya. :p

matutuloy ba yung swimming namin?
ayon sa pag-asa, makaranas ng manaka-nakang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat. wag ka ng tumuloy kung takot ka sa kulog at kidlat.

how to say i love you?
in:
French – Je t’aime, Je t’adore
Spanish – Te quiero / Te amo
Italian – Ti amo
Cantonese Chinese – Ngo oiy ney a
Japanese – Aishiteru
Korean – Sarang Heyo
German – Ich liebe dich
Hawaiian – Aloha wau ia oi

more love here

May Top Ba Ako Sa 4th grading?
sana meron para matuwa naman ang magulang mo at hindi lang pagfa-facebook ang alam mo.

ano ang gamot sa kabag pag buntis
i-utot mo lang. wag mo lang ipapa-amoy sa iba.

One thought on “Bakitganun #27

  1. Pwede bang buntis ako kasi may nagalaw sa loob ng tiyan ko ..pinutok nya sa loob ng maraming ulit .pero nagkaregla naman ako pero may nagalaw parin sa tiyan ko ..pero parang pawala na ang regla ko agad

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.