Bakitganun #28

bakit mahirap mahalin ang pangit
kasi nga pangit. pero merong magaganda na pangit naman ang ugali. merong pangit na matalino at mabuti ang kalooban. merong maganda na… maganda lang. pumili ka na lang.

ano ngang gamot dapat inumin para ndi lumambot ang ari pg nki2pgsex
viagra?

pak u ka gagu……sapakan?
asar?

paano mag palaglag
saan mo gusto malaglag? sa jeep, sa kama, sa puno?

mga masamang epekto pag nasobrahan kang kumain ng alimango
naku ang sarap nyan. tapos yung mataba, madaming aligi. tapos dinidilaan mo yung mga daliri ng kamay mo habang tumutulo yung mga katas nito. tapos may sukang maanghang at mainit na kanin. umuulan, nasa may kabukiran. tabi ng ilog. hmmm. ang problema pag nasobrahan ka sa pagkain nito, baka tumaas ang high blood mo. lol

panu magyaya ng sex sa syota mo?
tanungin mo kung gusto nyang pumunta sa tahimik na lugar

ano bang dapat kung gawin kung buong buhay ko siya ang buhay ko
magtira ng pagmamahal sa sarili.

bakit parang misteryoso ka?
hindi naman.

bakit pag lasing, mas mabilis mag-isip?
pero wala sa hulog ang pag-iisip

bakit bobo ang tao
kulang sa kaalaman. na kasing-kahulugan na rin ng tanga. kaya wag maging bobo. magtanong. hindi lahat ng nagtatanong ay bobo.

ano ang kahulugan ng pakikipagrelasyon
para sa akin ang pakikipag-relasyon ay pakikisama. madaming uri ng relasyon. relasyon sa pamilya, sa kaklase, sa katrabaho, sa kapaligiran, sa diyos at iba pa.

ano ang epekto ng pakikipagrelasyon sa kapwa kaklase
wala namang masyadong epekto kung kayo pa. mas matindi ang epekto pag hindi na kayo.

mabubuntis ba ang babae pag ng sex kayo na my mens siya
yuck.

totoo ba na magugunaw ang mundo sa 2012
sasagutin ko ‘to sa 2013… kung hindi magugunaw ang mundo.

paano manligaw ang babae sa lalaki?
pareho din kung paano manligaw ang lalaki sa babae. nagbibigay din sila ng “flower”. hehe

A cue stick hits a cue ball horizontally at distance x above the center of the ball. Find the value of x for which the cue ball will roll without slipping from the beginning. Express your answer in terms of the radius R of the ball.
tatanungin ko yan kay efren “bata” reyes o kaya kay django bustamante

parang nakita kita sa bamboo grande sa timog nung thursday hehe.. ikaw ba un?
hindi ako yun. bakit, kilala mo ba ako?

san ko ba ipuputok? sa loob o sa labas?
delikado magpaputok sa loob… ng bahay.

pano po ba matanggal ang pimples at blackheads.. bad3p..
pwede silang tirisin. try mo.

kaylan pa ba matututong lumipad ang ostrich
hindi na

dota
hindi ako marunong nyan.

ano sa tagalog ang toothpaste at screwdriver?
ang toothpaste ay pasimada o tutpeyst. nalaman ko yan kay kuya kim. ang screwdriver… uhmm… screwdriver na lang din.

pde ba mag sabay umihi at labasan?
hindi.

panu kung sa dalawang tao ako magkagusto?
pili ka lang ng isa. hindi pwedeng may reserba. ano yan gulong? paano kung may nagkagusto sayo, tapos nalaman mo na ikaw pala yung pamalit.

panu kung mahal mo ang isang lalaki tapos may nangyari at ayaw kong mabuntis pero gusto naman nya, mabubuntis ba ako?
walang kinalaman ang resulta na kung mabubuntis ka o hindi sa kung gusto nya at ayaw mo. gusto nya man at ayaw mo, tapos ay nagsex kayo, ay maaari kang mabuntis.

bakit ayaw niya mag reply?
walang load. pasahan mo.

Paano mapipigilan ang paggamit ng shabu
maghanap ng mas magandang mapaglilibangan. tulad ng pagbabasa sa bakitganun.com. lol

kailan natin malalaman na buntis ba ang isang babae?
kapag may tumutubong bata sa sinapupunan nya.

dahilan ng maagang paninigarilyo
impluwensya ng kapaligiran. ng tao, ng nababasa, napapanood at napapakinggan mo.

naghiwalay na kami ng bf ko na halos 4yrs kong ka-relasyon..ngayon, nagkabalikan kami ng ex ko for the 3rd time around. unang break up ang reason ay dahil masyado pang bata. 2nd breakup, dahil sabi ng tropa nya kasali daw sya sa gang rape..di ako naniwala nung sinabi nya na ndi sya kasali kaya nag-break kami..ngayong 3rd time na nagkabalikan kami,, panu ko ba mapaptunayan na totoo sya at hindi nagsisinungaling?na ako lang talaga at wala ng iba. actually, sya ang first kiss ko at ako din ang first kiss nya.
masakit man pero ito ang katotohanan. kelangan natin pumasok muna sa isang relasyon bago natin makilala ng lubos ang isang tao. pumapasok tayo sa isang relasyon para masubukan ang katatagan ng inyong pagsasama. hindi normal para sa mga ordinaryong tao na magpapa-imbestiga muna sya bago makipagrelasyon. dinaig mo pa nyan si gus abelgas. wala na ring kinalaman dito kung ikaw ang first kiss nya.

may facebook ka ba???
facebook ko

pano po ba yan halos pinapahiya at tinataboy ako ng pamilya ko samantalang pinakikitaan ko naman sila ng maganda nde ba mgandang tulungan ko alagaan ang lola ko at halos ako na ang bumuhay sa kanila pero ang kuya ko pa ding lasinggero ang mahal nila at ate ko pa din maagang nagkaanak ang gusto nila
ituloy mo lang ang ginagawa mo. darating ang panahon na maaapreciate nila ang mga ginawa mo.

pano mo malalaman kung mahal ka ng asawa mo?
yung tipong ang pangit-pangit mo pero di ka nya maiwan-iwan. yun! lol

SERYOSO:
sabi nga tuwing may kinakasal: “…to my lawful wedded Wife, to have and to hold from this day forward, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part…”

panu ko mamahalin ang taong malande?
sabi nga: “malandi ka, marupok ako. pinagtadhana tayo.”

Bakit kaya hndi nya q mahal?
dahil ayaw nya sayo. meron syang ibang gusto. hindi ka nya type. hindi mo kayang ibigay sa kanya ang gusto nya. wala sayo ang hinahanap nya. o ano, gusto mo pang masaktan?

paano mo masasabing naka-move na ang isang tao?
kapag wala ng bitterness kapag naiisip nya kung ano o sino man ang nakapagbigay sa kanya ng sakit na nararamdaman nya (dati)

ano ibig sabihin ng lalaydek sika mo ako?
mahal mo ako? hula ko lang yan.

pwede bang akyatan ang underpass?
pagbaba mo ng underpass pwede ka ng umakyat. gusto mo habambuhay ka sa ilallim?

panu mu sasabihin sa boyfriend mo na di na tayo pwede dahil kasal ka kahit pa hiwalay siya
sabihin mo sa kanya na kung seryoso talaga sya sayo e ayusin nya muna ang mga dapat nyang ayusin.

pano ako makakamove on ng hindi tinutulungan ang sarili! 🙂
paano ka makaka-move on kung hindi mo tutulungan ang sarili? mahirap na idadaan mo na lang na malipasan ng panahon.

pakikipagrelasyon sa kauri
kung yan ang makapagpapasaya sayo. lagi lang tandaan na may mga tao at relihiyon na hindi katanggap-tanggap sa kanila ang ganyang uri ng pakikipagrelasyon.

ano fb mo? add kita. haha
facebook ko

bakit? hindi niya ba ako gusto?
kung ayaw nya sayo, maghanap na lang ng iba.

anu ang kahalagahan pag-aaral tungkol sa maaring mangyari sa 2012
lahat ng pag-aaral tungkol sa mga susunod na panahon ay magbibigay sa atin ng kahandaan.

prutas
mangga. pakwan. mansanas. ubas. singkamas. bayabas. at sa paligid-ligid ay puno ng…

binili mo siya ng green, kinain mo ng red, dinura mo ng black .ano ito? 6 letter word sa tagalog.
pakwan.

2 thoughts on “Bakitganun #28

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.