Bakitganun #29

pano magamot ang anghit
maligo araw-araw. magpalit ng damit kung napawisan. makakatulong din ang deodorant. at please, umiwas sa mga gawaing nakakapagod.

paano ko ba mapapapayag ang gf ko na makipag sex sakin?
wag mong pilitin kung ayaw. kelangan mong irespeto ang desisyon nya kung mahal mo talaga sya. sex lang ba ang habol mo?

bkit masarap ang bawal na pagibig
kaya may kasabihang masarap ang bawal. kasi hindi kadalasang nangyayari ang bawal. pero hindi lang sya puro sarap. kakambal nya din ang hirap.

tama bang balikan ang past mo dahil mahal mo pa siya at hihiwalayan ang bf mo ngayon? advice please 🙁
kawawa naman ang bf mo ngayon, hindi pala sya ang mahal mo. gawin mo ang makapagpapasaya sayo. at maawa ka sa boyfriend mo.

ng nagsimulang mag kwento si ruthie ng history niya. which is? 😀
hindi ko alam ang history ni ruthie. pero maganda pakinggan yung rhyme. ruthie history, ruthy historie…

pnu mu mlalaman kung may gusto sau ang babae.. pnu mu rin mlalaman kung ayaw n man sau..
yung pa-cute ng pa-cute. tawag ng tawag. text ng text. message ng message. at iba pang mga inu-ulit-ulit na salita.

Pede ba kita maging sponsor ko????? Sa aking pag aaral
ano kapalit? haha. wala pala akong ganung kadaming pera.

e0w pFouhz
e0w dHiNzZ… kHuMuZztAh

bakit madami ang hindi nakatapos ng pag aaral
madaming dahilan.
1. kulang sa pera
2. bisyo
3. barkada
4. tamad
5. walang ambisyon
6. kelangang tumulong sa pamilya
at madami pang iba

bakit ang pangit ng gf ng crush ko?
at least alam mo na ngayon ang taste nya. susunod na magkita kayo, wag ka na magpapaganda. iba-iba tayo ng batayan ng ganda. pwedeng ang pangit sayo e maganda sa kanya. at hindi ganda lang ang batayan sa pagpili ng karelasyon.

tips para balikan pa ng asawa
magpakatino.

pwede bang hindi bakla pero nakipagsex na minsan sa lalake?
bading lang ang alam ko na gagawa nun.

paano mo malalaman kung sino ang kumuha ng cellphone mo??
punta ka sa quiapo, may mga manghuhula dun.

Paano niya makaka-usap ang taong un kung palaging kasama nun ay mga KABARKADA niya?
kung ayaw may dahilan, kung gusto laging merong paraan.

nkakabuntis ba ang minsan na pagsex?
kahit isang beses lang. kahit kalahating beses lang.

nasaan ang facebook fan page mo?
may link dun sa taas ^^^

nakita na kita, ang ganda mo ha, nakaka in lab ka, haba ng hair ng lola
talaga? mahaba talaga hair ko ngayon. :p

lalake ka ba o babae? bading o bakla? o walang kasarian? o all of the above?
ano sa tingin mo?

kelan po ba mawawala ang mga kurakot sa gobyerno? May pag-asa pa bang mawala cla???
ikaw ang simula ng pagbabago!

ako tao, e ikaw?
animal. sabi nila sakin: “animal ka, hayop ka!”

bakit ganun, pag may gusto kang bilhin sa mall agad namang nauubos
dapat bininili mo na agad kapag nakita mo para hindi ka na manghinayang. hindi lang naman ikaw ang tao sa mall. o kaya lumipat ka ng ibang mall.

kailan ako pwede makipag sex para hindi mabuntis
kapag nagpa-vasectomy o tubal ligation kayo.

bakit nag kakaroon ng yellow mens at nagiging brown
parang ilog sa china yan ah.

magcha-champ ba ulit ang lakers
ayon sa PAGASA, hindi pa sa nalalapit na panahon. laging magdala ng payong.

pwede bang mabuntis ang babae kahit hindi nakikipag-sex sa lalaki
pwede, kung ikaw ay isang manok.

paano ba paiinitin ang isang lalake sa pamamgitan ng halik?
basain mo ng laway. haha

nong makipag sex ako di ako nakaramdam ng sakit at di rin nagdurugo. anong ibig sabihin? virgin parin ba ako hanggang ngayon?
hindi naman lahat nagdurugo. ang virginity/purity ay nasa isip, kalooban at puso. wala sa integrity ng hymen

kailan nagsisimulang labasan ang lalaki
kapag well developed na ang reproductive system nya?

bakit nagiging delay ang menstruation?
filipino time?

bakit may brush sa tabi ng escalator?
ayon kay kuya kim, spacer daw yun para hindi dumikit ang paa sa gilid ng escalator para maiwasan ang aksidente.

paano po ba galangin ung Gf?
dapat pinapakinggan, dapat nirerespeto, dapat inuunawa, dapat inaalagan.

makaka buntis ba ang 9 o 10 years old na batang lalaki?
di tiyak. depende siguro yan sa bata. baka merong mga bata na mabilis mag-mature ang kanilang mga reproductive system.

di ba sumasakit ang ulo mu sa kaka isip ng problema ng ibang tao
hindi naman. masaya nga e. ok din naman ang ma-i-share ko sa inyo ang mga walang kwenta kong opinion at nalalaman.

bakit hnd sya maalis sa isip ko? kahit ala nkong feelings for him ..AKO NGA PO PALA SI MARIAN =))
sigurado ka bang wala ka ng feelings for him? hindi sa palagay ko.

BAKIT AKO NASAKTAN NG MAGMAHAL AKO?
hindi maiiwasan ang masaktan pag nagmamahal. parte yan ng proseso ng buhay. at ang mga pagsubok na yan ang magpapatatag sayo.

ano bang pangalan mo?
clue: nag-uumpisa sa Capital letter.

sino-sino ang mga artista na may tunay na facebook
wala akong idea.

Sino mananalo heat o lakers
bulls. idol ko si michael jordan. may picture ako katabi ng rebulto nya. 🙂

Sana naging Boy
tanggapin mo na kahit maging boy o girl

magpapatira ba si momay
pag tanda nya

kapag ba sa labas pinutok siguradong hindi mabubuntis ang babae
kung nakasiguro kang sa labas lahat.

bakit tamad si juan?
kaya dapat na wag gayahin

bakit malibog ka?
sex tayo.

bakit di pa rin umuunlad ang pilipinas?
madaming dahilan.
1. kulang sa edukasyon
2. sobra-sobrang populasyon para sa umuunti ng likas na yaman
3. walang didiplina
4. ugaling GSM (ganid, sakim, makasarili)
5. maling pagpapalakad ng gobyerno
at madami pang iba.

ano ba ang paraan para lalung mahalin ng lalaki ang karelasyong bakla or bisexsual? ano ang mga hakbang para magtagal ang relasyon.
kaching kaching… hahaha

tulad din siguro ng pagmamahal ng mga straight.

mensahe sa mga nanunulot ng syota
ang buhay ay isang malaking quiapo, madaming snatcher. wag mo na syang pakialaman. ang syota mo na lang ang pakialaman mo. mas pagbutihin mo ang pagmamahal sa kanya. kung talagang mahal ka nya, kahit gaano kadami pa ang magtangkang mang-snatch ng syota mo, ikaw pa rin ang pipiliin nya.

dapat gawin para mas mahumaling sakin ang bf ko
pakainin mo ng kwek-kwek. ayon sa pag-aaral, mas nahuhumaling ang lalake sa babae pag madalas makakain ng kwek-kwek. kwek-kwek sa umaga, kwek-kwek sa tanghali at kwek-kwek sa gabi. ;p

weak ba ako?
kung iisipin mo na weak ka.

paano mang gayuma ng mahal mo
tulad ng nasabi ko, mas masarap ang tunay na pagmamahal. wag ng paniwalaan ang gayuma.

maganda ba si danine
cute sya.

hindi ka naman ganun ka perfect pra saqn.. pero bkit aq gs2 mo qng maging super perfect pra sau..??? unfair!
hindi dapat tayo humahanap ng perpekto. dapat ay magcompliment tayo sa kakulangan ng isa’t-isa. at dun ay para na din kayong perfect. in mathematics: 1/2 + 1/2 = 1 😉

bakit ba ang hirap gumawa ng tama?
mahirap din namang gumawa ng mali.

paano maging matapang?
kung kaya mong panindigan ang mga sinasabi mo. kung kaya mong ipaglaban ang mga prinsipyo mo. ang pakikipag-away (suntukan, buntalan, atbp) ay hindi nangangahulugan ng katapangan.

ano ang hitsura ng ____ pag hindi na virgin
hindi naman pare-pareho ang hitsura nila. minsan mukhang virgin pa pero hindi na. sandali, yung mukha ba yung tinatanong mo? wahaha!

malalaman po ba ng isang taong binolocked ko sa facebook ano yung sign?? thanks
hindi nya malalaman.

english ng tanggalin ang dry skin sa kuko
manicure/pedicure ;p

panu ingatan ang dslr
ibalik mo sa box tapos itago mo sa cabinet saka mo takpan ng kumot tapos matuto kang mamaluktot.

paano ba mag sex na hindi ka mabubuntis?
gumamit ng proteksyon.

ilang beses na ako nagpahilot bakit d ako nabubuntis
hindi ko alam kung nakukuha sa hilot ang mga ganyan. mas ok kung kokunsulta ka sa esperitista… sa espesyalista pala.

bakit madalas labasan ang lalaki kesa babae
mas madalas labasan ang babae. mas mabilis lang labasan ang lalake.

tama bang makipagrelasyon sa kapatid ng ex mo?
wala namang masama dun. e kung magkamukha pa sila, e di okay. parang yung ex mo na din yung magiging girlfriend mo. sabi nga: kung binasted ka, i-try mo naman yung kapatid… malamang kamukha nya naman yun.

bakit may mga babae madaling labasan ng mens pag nakikipagtalik
bakit ka kasi nakikipagtalik pag may mens.

One thought on “Bakitganun #29

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.