Bakitganun #3

Rate yourself from 1 to 10 and why do you think so?
i-rate ko ang sarili ko? in what sense? hindi ko naman siguro kailangang gawin ‘yun. baka pag sinabi kong 10 e baka mahulog ka sa kinauupuan mo. haha… sa totoo nyan, hindi ko talaga alam kung paano ko ire-rate ang sarili ko. kung ano man ang i-rate sakin ng ibang tao e ok lang sakin dahil ibig sabihin ay iyon ang nag-rereflect sa aking personality. wala naman akong dapat i-prove kahit kanino.

bakit ayaw ng karamihan sa bandang “cueshe”?
isama mo na ako dyan… haha… ito ang masasabi ko dyan, iba-iba ng trip ang bawat tao. hindi pwede yung gusto mo e gusto rin ng iba at hindi rin pwede na yung gusto ng iba ay gusto mo din. iyan nga ang nakapagpapakulay sa buhay natin… yung pagkakaiba. dapat lang buksan natin ang ating isipan at irespeto natin ang pananaw ng isa’t isa.basahin mo din ito.

bkit ganun ang love.. yung iba madamot?
mali siguro ang interpretasyon mo. sa pagkaka-alam ko, hindi madamot ang love. ang love ay mapagbigay. so kung ang sinasabi mong love na yan ay madamot, hindi siguro love yan.

anong course mo at yr..pwede ka bang i-meet or cellnumber man lang?
ako ay kumuha ng kursong arkitektura at ako ay nakatapos ng mag-aral kaya ako naman ay masayang masaya. i-mimeet mo ko? sigurado ka ba dyan sa mga pinagsasasabi mo. baka naman nabibigla ka lang. saka bakit naman gusto mo kong ma-meet? kung may gusto kang sabihin pwede mo namang sabihin dito. pwede mo rin iwan ang contact info mo, hindi naman ako nagpupublish ng contact info dito kaya wala kang dapat ipag-alala.

bakit kulay orange ang kwek kwek?
madali kasing mapansin ang orange. either maasar ka o magustuhan mo ang kulay orange. parang traffic light yan e, malayo pa lang pansin mo na.

ano mas maganda,.UP,.UST,.or SLU (Baguio)????
ayokong sabihing UST ang pinakamaganda… haha! biased ba? syempre depende yan sa kung anong kukunin mong course. kung gusto mong mag-pari, sa UST ka. kung gusto mong maging aktibista, sa UP ka. hindi ako familiar sa specialty ng SLU pero kung gusto mong mag-shopping ng ukay-ukay at magpalamig, dun ka. haha!

(my name here) kelan pa? kelan mo pa alam na gusto mo siya?:D
kelan lang. haha! gusto mo sasabihin ko na lang sayo… wag na nating ipagkalat dito. haha… basahin mo na lang yung blog ko… meron kang makikitang clue dun. clue na obvious. ikaw, kelan pa? ;)sa mga hindi naka-gets ng pinag-uusapan namin… pasensya na po. personal kasi ang tanong nya. =)

totoo ba ang kasabihang…”kung ano ang nasa puso mo, sundin mo’? kahit mali ito?
hindi ko masasabing totoo o hindi totoo ang kasabihan na yan. depende yan sa pananaw ng tao. sa aking opinon, tama siguro ang sundin natin ang nasa puso natin pero may limitations din ito. kung alam mo ng mali bakit mo pa susundin. pero isipin mo din kung bakit nasabing mali ito. kasi sa aking palagay, meron tayong mga kaugaliang nakasanayan na natin na akala nating mali dahil ito ang nakalakihan nating tradisyon o kultura. pero kung iisipin nating mabuti, hindi naman pala talaga mali ito. minsan mahirap talagang mamili sa kung ano ang makapagpapasaya sa atin at sa kung ano ang dapat nating gawin. sana kung ano man ang gawin mong desisyon ay hindi mo ito pagsisihan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.