Bakitganun #30

bakit ang mga tao nasasanay magtapon sa kalsada. at di sa basurahan?
hindi sila naturuan ng disiplina. wala silang paki-alam sa kalikasan at sa mga taong nakapaligid sa kanila. sila yung mga taong makasarili. sila yung mga taong nakasentro ang mundo sa sarili nila. sila yung mga taong nagkulang sa kaalaman. sila yung mga taong naniniwala na kung pwedeng gawin ng iba ay pwede nya ding gawin. sila yung mga taong walang pagkukusa. sila yung mga taong kelangan pang bantayan para sumunod. sila yung mga taong matitigas ang ulo at hindi nag-iisip. sila yung mga taong walang pakikiasama.

hello! hindi lang kayo ang tao sa mundo. ang mundo mo ay mundo ko rin at mundo ng mga susunod na henerasyon.

NOTE: hindi lang ito tumutukoy sa pagtatapon ng basura sa kalsada. tumutukoy ang sagot na ito sa madami pang bagay. sa kawalan ng disiplina. sa di pagpapahalaga sa kalikasan. sa corruption. sa kulturang GSM (ganid, sakim, makasarili). at madami pang iba.

anu dapat gawin kung nagalit sayo ang gf mo?
lahat ng bagay ay nakukuha sa magandang usapan. ng hindi kelangang mag-sigawan. ng mahinahon. kung maaari ay walang sisihin at sumbatan.

anu ba ang gamot sa buntis na may kabag?
i-utot mo na lang.

anong ibig sabihin pag nangati ang mata?
magkaka-sore eyes. madumi ang mata. kinagat ng ipis.

pwede na ba pag aralin ang 3yr old na bata khit d pa sya gaanu marunong mag salita?
pwede naman siguro ipasok yun sa pre-school. baka mas matuto syang magsalita dun.

buntis ba pag palaging umiihi?
pag giniginaw ako lagi akong umiihi. hindi naman pwedeng buntis ako.

pano ba paraan ng makakaalis ng nerbyos, tulad sa mga exams
mababawasan ang nerbyos mo kung nag-aaral kang mabuti. dapat parang boy scout, laging handa.

paano ba mangulam?.. kukulamin Q sNa “ex” Q..
lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon at lakas ang mga taong wala namang importansya sa buhay ko.

pwede bang mgmahalan ang dalawang di pa nagkikita khit sa cam?
walang imposible sa pagmamahal.

pano malalaman kung virgin pa ang girl?
kung tatanungin mo sya. (ilang beses ng nasagot ‘to, last na yan)

may gf poh ako kaso # 2 lng ako. sinasabi nya d na nya mahal ang isa kaso d nya maiwan kc takot cya baka magpaka matay at siya ang sisihin nang pamilya. mahal nya din ako na ramdaman ko nmn kaso ang hirap tlg. anu gagawin ko d ko kya mawala cya eh.
binobola ka lang nun, pumayag ka naman. pag mahal ka ng isang tao, dapat kaya ka nyang ipaglaban at panindigan.

kapag ninakawan ka ng isang taong kleptomaniac, paano mo mapapaamin ito?
dalin mo sa isang kwartong walang bintana. wala ding mga kagamitan maliban sa isang lamesa na mukhang tagayan ng mga nag-iinuman sa kanto at isang upuang malapit ng bumigay. ang tanging liwanag lang ay nanggagaling sa malamlam na ilaw ng pendant light na nagsi-swing pakanan-pakaliwa. maaari ding maglagay ng isang malaking drum na puno ng tubig. kapag nakita nya ang mga yan, sigurado aamin na yun. tried & tested na yan sa mga napanood kong pelikula.

How much wood woould a wouldchuck chuck if a woodchuck would chuck Chaka Doll?
pitumputpitongputingputa.

bakit pag may bagyo nagiiba ugali ng hayop.
nag-aadapt sila sa sitwasyon tulad din ng mga tao.

anu buh meron d2
kasiyahan.

anong tagalog sa typical?
tipikal. kauri.

pwede bang gamiting panghugas ang tawas sa pekpek upang sumikip?
ngayon ko lang nadinig yan. di ba yung tawas e pampaputi at pampawala ng amoy ng kili-kili?

paano malalaman kng may ibang babae ang lalaki?
kung gagawin nating basehan ang mga napanood ko sa pelikula, ang isang lalaki ay may ibang babae kung:

  • laging ginagabi umuwi
  • amoy pabango ng babae
  • walang “gana” pag “niyaya” ng babae
  • may bakat ng lipistik sa kwelyo ng lalaki (take note, sa kwelyo dapat)
  • at kung mahuhuli mo sya sa akto.

nagbabrown out ba sa meralco?
sa maliliit na offices siguro nila ay nagbo-brownout pero yung andun sa may ortigas avenue ay hindi ko sigurado.

me utak ka ba?
kinakain ba yan?

may chix ka ba? penge naman
pimp na ‘ba ko ngayon. kala ko margie holmes-joe d mango-kim atienza lang e. wahaha.

mahal niya kaya ako talaga?
ayon nga kay “Big Brother”, malalaman mo yan sa takdang panahon.

bakit ang sexy ko?
sinungaling!

paanu kung malaman mo na bukas na pala ang huling sandali ng boyfriend mo? anu ang gagawin mo?
ubusin mo ang panahon mo sa mga huling oras nya.

paano nagiging seedless ang grapes
sa pamamagitan ng genetic modification

ano ang simbolo ng saging?
sa hawaii daw, ang saging ay sumisimbolo sa great god Kanaloa

bakit sinungaling ang babae
hindi lahat. sinungaling din ang mga lalaki, pero hindi din lahat.

bakit nauso pa ang tanong na bakit ganun?
dahil may mga bagay na naghahanap ng kasagutan. iniisip ko lang kung anong title ng site no ‘to kung walang salitang “bakit ganun”.

itim daw ako. Makikita mo ako sa gatas. Minsan sa asin pero wala sa kape lalo na sa timpladong kape. Pwede akong tikman pero di ako malalasahan. pwede lang hiramin pero di ako nahihinge. Nakikita mo ako madalas sa ulap! ano ba ako?! ” CLUE : sa tagalog 6 letter word!! _ t _ _ _ o sa English 4 letters..
matapos ang matagal na pagtatanong, napag-alaman ko na ang sagot sa tanong na yan ay u _ o u t _ .

bakit ayaw magkwento ng BF ko tungkol sa mga classmates niya? ok lang ba reunion unahin niya kesa makita ako?
minsan meron din akong mga bagay na hindi ko kinikwento sa iba. ikaw din siguro ay may mga bagay na ayaw mong mapag-usapan pa. baka ganun lang yun. tungkol sa reunion, minsan lang naman siguro yun. pagbigyan mo na. pero kung madalas syang makipag-reunion kesa makipagkita sayo, e lokohan na yun!

bat hindi nila sinasabi na nagseselos na ang mga lalaki?
baka kelangan mo lang maging mas sensitive.

bakit paligi aku umi-ihi?
madami kang nainom na liquid. maginaw.

bakit hindi ginagamit ang 100ohm’s sa circuit?
bakit di mo subukan para malaman mo.

“everyday the dreamers die
to see what’s on the other side”
– U2

ano dapat inumin pra mkapagtagal sa pkikipagtalik
kain ka ng balut, pampalakas daw yun ng tuhod.

POSIBLE BA NA MABUNTIS AFTER 8 DAYS NG MENSTRUATION?
para hindi ka mahirapang magbilang, isipin mo na lang na laging merong posibilidad na mabuntis kung kayo ay nag unprotected sex.

pede bang makipag-sex sa kapinsan ko? Pag tinanong ko ba siya mag susumbong ba siya?
ayon sa batas ay hindi pwede.

why is dale shittin on alvin?
hindi ko alam pero magkamukha lang sila. (chip n dale and alvin & the chipmunks)

Paan0 malu2nasan ang hairfall
madaming advertisement nyan sa dyaryo. meron ding mga shampoo na nagke-claim na anti-hairfall. subukan mo kung desperado ka na.

totoo bang si hitler ay anak ni rizal?
may nabasa ako tungkol dyan. eto: jose & adolf

bakit hindi kaagad namamatay ang ipis
ang ipis ay maaaring mabuhay ng ilang linggo kahit wala na ang ulo nito. ang ipis ay humihinga sa pamamagitan ng katawan nito kaya kahit maputol ang ulo ay nabubuhay pa din sila. sinasabi din na hindi ang utak ng ipis ang nagcocontrol ng kanyang paghinga. kaya kung papatayin mo ang ipis, siguraduhin mong pisain ito ng mabuti, yung lumalabas na ang mga lamang loob kung ayaw mong makakita ng mga flying headless ipis.

anong gagawin pag hindi pa handa ang girl mag boyfriend
kung ikaw yung boy, kung may tiyaga ka, maghintay ka. kung mainipin ka, umikot ng umikot at humanap ng iba. kung ikaw yung girl, e di wag.

manny pacman jokes
INRITS YUR BOCABOLARY: by Manny Pacquiao

TACTICS – tunog ng orasan
PAYT – laban para sa Pinoy
TAYTOL – pamagat ng laban
JENGKEH – name ng dyowa nya?!
NO PEER – sponsor nya
MOTOR KID – pag-ikot nya sa Manila
CHECK IN – manok sa McDo
CHECK IN JOY – manok sa jollibee
CORRUPT – pagsara ng mata
MURA LESS – nakalaban nya
WIT – timbang
WAWAWEH – noontime show
DUET – gawin mo
L.A. – Leto Attyinsah!
QUOTES – tawag nya kay Freddie Roach!

what if yung ex mo eh sinusubaybayan ka pa din until now? ano mafefeel mo? or naiisip ka p din nya? after so many years? bgyan mo sya ng chance ba? or move on ka pa din? 🙁
wag mong pigilan ang sarili mo. kung mahal mo pa sya bakit hindi. kung ginago ka nya ng todo at handa kang magpakatanga at makipagbalikan pa ulit sa kanya, bakit din hindi. hanapin mo ang mga bagay na makapagpapasaya sayo.

anong parte ng itlog ang masarap?
kahit ano wag lang balat.

paano tangalin ang pasma sa kamay?
ihian mo. ayon yan sa pamahiin ng mga matatanda. kung gusto mong subukan, balitaan mo na lang ako sa magiging resulta.

bakit ako pangit?
di ka naman pangit kung tatanungin mo yung nanay mo. walang pangit na anak sa sinungaling na magulang.

anu bang dapat gawin kung napagalitan ka ng boss mo at dumagdag pa ang mga kaibigan mo na inindian ka sa trip nyo?
galingan mo pa sa trabaho o kaya ay matuto kang sumakay sa trip ng boss mo. may mga boss na nadadaan sa konting bola. maniwala ka. at sa mga “kaibigan” mong ng indian, baka naman meron silang mga reason kung bakit di sila pumunta. pwede din namang napag-tripan ka lang.

anong english ng bakit kahit masaya may nalulungkot pa rin sa pakiramdam ko
in english: i’m confused. wahaha.

paano ba maiiwasan ang masamang bisyo??
ugaliing magbasa ng bakitganun.com. wahaha. maghanap ng matinong mapaglilibangan. pumili ng kaibigan.

normal lang ba sa babae na huli ng isang buwan ang regla nya?
hindi sya normal maliban na lang kung buntis ka.

may gusto po aq itanung, kc may mahal po aqng isang lalaki kaso di kami pwede mag sama dahil sa may ka live in po xia. ang problema ala cla anak. gusto ko lang po malaman qng panu gagawin q upang xia na mag disisyon na mag sama na kami ng walang kinakatakutan.
kung gusto nyo ng walang kinatatakutan, dapat ay magdesisyon sya kung sino sa inyong dalawa ang pipiliin nya. hindi pwedeng dalawa. kung talagang mahal ka nya, ayusin nya muna ang relasyon nya sa ka live-in nya. at kung hindi nya kayang ayusin yun, sa tingin ko ay hindi ka nya mahal. maghanap ka na lang ng iba.

ang pagkakaroon ng anak ay nakakapagpatibay nga ng relasyon pero hindi nangangahulugan na kung wala silang anak ay wala na ring pagmamahal na namamagitan sa kanilang dalawa.

paano ako makaka-move on sa isang taong mahal na mahal ko kahit na hindi ko pa sya kilala at sa fb ko lang nakita ung face nya at na love at first sight na ako.. paano kaya yun????
isipin mo na lang na mukha nya lang ang maganda at masama ang ugali nya. mas madali sigurong mag move on sa taong hindi mo pa nami-meet kesa sa taong lagi mong nakakasama.

bkt ganun?? pag meron kang pera marami ang sumasama sau, pag wala ka ng pera para ka nang basura!!
nadinig mo na ba ang salitang “MANGGAGAMIT” at “OPORTUNISTA”?

bakit maganda ang babaeng malaki ang panga
hindi lahat. may kanya-kanyang taste ang tao. iba ang trip mo sa trip ko sa trip nya. wala lang basagan ng trip para lahat tayo good trip.

ano ang mga senyales kapag ang lalaki ay nag sex?
pagod, nanghihina, pero may glow sa kanyang mga mata. ahaha

ano ang ibig sabihin ng nagpapangap
maaring nagtatago sa hindi nya tunay na pagkatao. kunyari ako nagpapangap na pangit, pero hindi naman talaga. wahaha!

bakit lumilipad ang ibon?
sayang naman yung pakpak nya kung di nya gagamitin.

anu kulay na mata ng isang buntis?
kung pinoy, malamang black yan.

2 thoughts on “Bakitganun #30

  1. Ang saya ko nkahanap ako ng ganitong page. . Sana pag may katanungan ako ay mkuha kudin ang tamang kasagutan; ) more power po.godbless

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.