Bakitganun #31

anong ibig sabihin ng ninakawan ako ng halik ng ex-bf ko sa panaginip?
ibig sabihin ng halik ay otso. ang nakaw ay trese. tayaan mo yung trese-otso sa jueteng. yan ang ibig sabihin ng panaginip mo. wahaha.

ano ang simbolo ng heograpiya?
madaming simbolo na ginagamit sa geography. i-google mo na lang. tinamad ka na naman gumawa ng assignment.

paano maiwasan ang manlolokong tindero o tindera
maging smart sa pagbili o pakikipag-transaksyon. maging mapagmasid at mapag-obserba. talasan ang pakiramdam.

bakit ganun pag sa ibang lenguahe ang dali sabihin sa taong mahal mo
hindi mahalaga kung anong lenguahe ang gagamitin mo, ang mahalaga ay ang intensyon mo.

paano narereflect ang gitara sa buhay ng tao?
ang buhay ay parang gitara. minsan ay maganda ang tunog at nasa tono, minsan naman ay sintonado. at nasa kamay mo kung anong tunog ang gusto mong mapakinggan.

bakit kailangang magparaya kung mahal mo naman yung guy? kahit alam mo namang pangalawa ka lang?
dahil madaming tao ang nagiging tanga pagdating sa pag-ibig. nasasayo na yan kung gusto mong magpakatanga at manatiling tanga.

bakit ako bobo?
hindi lahat ng nagtatanong ay bobo. sa panahon ngayon, madami ng paraan para mapunan ng kaalaman ang iyong isipan. nasa paligid mo lang ang kaalaman. kelangan mo lang madiscover ang mga ito.

anong gagawin mo pag narealize mong mahal mo na siya?
GO! hindi maganda na nagsisisi ka dahil may mga bagay na hindi mo ginawa.

anong gamot o herbal ang makakaalis ng mga darkspots sa mukha?
tawag ka dito: 819-BELO

paano mo ba malalaman ang isang tao ay tapat sau??
malalaman mo lang yan pagkatapos ng mahabang panahon ng pagsasama.

mahal nya ba ako?
pwedeng ginagamit ka lang nya. kahit ang mga nagpapakasal ay hindi nangangahulugang nagmamahalan sila. merong mga kinakasal ngayon na dala lang ng sitwasyon.

pag kinukuha ba yung number ko ibig sabihin may gusto sakin yun?
hindi lahat ng nanghihingi ng number e may gusto na. yung iba may kelangan lang.

Sabi nya sakin lng sya bakit sya sumasama sa iba?
lahat ng nagmamahal (at nambobola) ay sasabihin yan. siguro may isang panahon na totoo yang sinabi nya sayo. pero dumating na din ang punto na meron na syang nakitang iba. lahat ay dumadaan sa pagbabago. sabi nga “only fools don’t change their minds”

paano malalaman na may relasyon pa asawa ko sa kabit nya
malalaman mo lang kung mahuhuli mo. kung tatanungin mo sya, sigurado namang hindi sya aamin.

Bakit ang gwapo ko?
sinong binola mo?

Anung Gagawin mo kung pumunta ka sa isang Party ang suot mo ay gown ang hindi mo alam POOL PARTY pla yun . ANUNG pinaka -da best na gagawin mong dahilan? ako pipili nang DA BEST NA ANSWER 😀
pupunitin ko yung gown. yung mukha na syang damit ng mga tao sa isang nag-crash na eroplano sa isang malayong island.

paano ko malalaman kung nasagot muna ung tanong ko
kapag nabasa mo na sya dito

bkit ganun pag nkikipag sex ako sa bf ko hndi ako nilalabasan
baka di ka nag-eenjoy. hindi ka nag-iisa. ayon sa mga pag-aaral, madami sa mga kababaihan ay hindi nakakaranas ng orgasm sa kanilang pakikipag-sex. dapat tulungan mo ang sarili mo at ang ka-partner mo para pareho kayong mag-enjoy. minsan kelangan na ikaw ang mag take control, dalhin mo sya sa situation na ikaw ay mag-eenjoy.

sidenote: masyadong redundunt ang pagkakasabi ko ng “enjoy”. medyo malaswa kasi ang dating pagsinabi kong “nasasarapan”. haha.

bakit pag gusto ako ng babae ayaw ko sa kanya at pag ako nman ang may gusto sa isang babae ayaw nya nman sakin
tawag dyan, MALAS.

3 thoughts on “Bakitganun #31

  1. Galing nman,,tanong ko pano malalaman ang isang lalaki na hindi nakikipagtalik ng matagal kesa nkikipagtalik ng regular ano po kaibahan sa ari o meron bang pagbabago gaya ng kulay ng itlog o ari?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.