Bakitganun #32

excited ka sa pag hhntay sa girlfriend mo kc my i-ikwento ka.. tapos tinwagan mo. mllaman mo sinundo sya ng bestfriend nya na ex nya. ano mafe-feel mo at ano mggng reaction mo kinabukasan or later on na mg usap n kau ng girlfriend mo?
uupo ako sa gilid ng kama, tititig sa pader at magmumukmok. kapag nag-usap na kayo sabihin mo foul yun, may technical pa… sa susunod ma-o-out of the game ka na!

anong division ng malaki sa labas kesa sa loob
math ba yan? next question… ;p

ano masasabi mo sa marijuana? drugs ba to para sayo?
sya ay halamang gamot na may mabuti at masamang epekto sa katawan o pag-iisip kung hindi magagamit ng maayos.

pde m bng ituro skn kng panu ndi masaktan s love??
kahit ano pang tips ang sabihin ko siguradong pagdadaanan mo pa rin ang masaktan sa love. 😉

pano ko ba makukuha ang lalaking mahal ko sa ibang babae?
baka kulang ka pa sa landi. laging tandaan: daig ng malandi ang maganda.

paano ko malaman kung may gusto siya sa akin?
kapag tumitingin sya sayo ay may kasamang paglabas ng dila. at may kasama pang kindat minsan.

ano ang pwedeng itanung sa bf?
bukod sakin, sino pa?

sampung paraan upang mabawasan ang stage fright
hindi mo kelangan ng sampu, isa lang ayos na. kapalan mo na lang mukha mo.

pag iniiwasan ka ba ng crush mo pero alam mong crush ka rin nia ano ibig sabihin nun??
ibig sabihin nyan, kayo ay mag-crushintahan na nag-iiwasan.

dapat pabang bigyan ng isa pang chance yung bf kung minsan niloko ka na nya?
ang tanong ay kung mahal mo pa ba sya? kaya mo pa ba syang patawarin kahit niloko ka nya? handa ka bang magpaka-tanga? wag mong panghinayangan ang pinagsamahan nyo kung wala ka na namang nararamdaman sa kanya. pero kung sinaktan ka nya ng pisikal, wag na… tama na. isipin mo na lang kung ano ang maaari pa nyang gawin.

bakit tumitigas ang nipple ng babae kapag nalilibugan
may ilang dahilan kung bakit tumitigas ang nipple ng babae man o lalaki. isa na dyan ay kung naa-arouse. minsan ay dahil sa malamig na panahon. at sa mga ibang mas sensitive ay pag naru-rub sa mga bagay tulad ng damit. sa ibang bansa, kapag medyo malamig, sinasabi nila na — its a “nippy” weather.

bakit maraming nagtatanong ng walang connect sa “bakitbaganun”?
okay lang yun. kung dun sila magiging masaya.

babae ka ba??
kung mababasa mo siguro lahat ng mga tanong at sagot dito ay magkakaroon ka ng hint kung lalake ba o babae ba ako

Anung mangyayari Kung ang Tao ay may asawa na
kung babae ka, subukan mo ng praktisin ang bago mong pirma. kung lalaki ka, i-surrender mo na ang mga ATM mo kay misis. 🙂

ayon sa aking kaibigan na itago natin sa pangalang Mateo, mag-iiba na daw ang mga priorities mo pag nag-asawa ka. hindi na pwedeng sarili mo lang lagi ang iniisip mo. meron ka na ring ibang pinaghahandaan.

ang ganda moh!! bakit ganun?
may pinagmanahan.

ung lahat ng pinsan mo ay may tita pero ikaw di mo siya tita.. pano nangyari yun
pwede yun kung iyon ay tita nila sa side ng tatay o nanay nila na hindi kapatid ng tatay o nanay mo. nakakalito diba?

bakit ako ganito
dahil yan ang pinili mo.

panu mo malalaman na niloloko ka lang ng isang lalaki
madaming mga lalaki ang magaling magtago ng kanilang mga “kalokohan”. trust your instincts na lang. goodluck!

anu b ang gusto ng isang llaki sa isang babae
alam mo naman kung ano “hanap” ng lalaki sa babae e. :p

MEDYO SERYOSO:
iba-iba ang hanap ng lalaki sa babae. pwedeng ang type mo ay hindi naman type ng iba. eto ang ilang kasinungalingang sinasabi ng mga lalake:
1. kahit hindi maganda basta mabait
2. kahit hindi sexy basta thoughtful
3. kahit hindi matalino basta maunawain
4. kahit maliit ang boobs basta matalino

ano ba ang pwedi kong gawin.. ngka sipon kasi ang baby ko 2 weeks old xah hirap kasi xah huminga lalo ng pag gabi.. i need ur Help. please..
dalhin mo na sya sa doctor.

ano ang gamot sa kulit ng bata edad 1 taon
palo. joke lang po. wag paluin ang bata. pagsabihan na lang ng maayos.

paano manligaw kung ikaw ay natotorpe at hindi gwapo
merong tinatawag na kapal ng mukha. gwapo o pangit ka man, kelangan mo yan. o kaya yayain mo ng inuman (o kahit ikaw lang ang mag-inom basta siguraduhin mo lang na amoy alak ka). tapos, saka mo sabihin sa kanya yung nararamdaman mo. pag nabasted ka, sabihin mo na lasing ka at di alam ang sinasabi mo. okay din kung i-deny mo na lang na may sinabi ka sa kanya. 🙂

Kapag ng boyfriend/girlfriend, pangit tapos yung partner niya, pogi. Ang tawag tunay na pagmamahal! Kapag pareho silang pangit, Kapwa ko mahal ko. e ano kapag pareho silang pogi at maganda? :))
ako at ang mahal ko. walang kokontra! 🙂

bakit patay na buhok ang tumutubo sa ari ng tao?
para hindi agaw attention sa nag-iisang buhay. wahaha! mas gusto mo bang unang mapansin yung buhok kesa sa… 🙂

anong gamot sa peklat?
sabi ng friend kong si maricar reyes, “contractubex!”

halaman na nakakaalis ng tigyawat
try mo yung pakiling leaves (hihihi)

before mt. everest was discovered, wat was the highest mountain in the world?
mt. everest pa din. hindi pa nga lang sya nadidiscover. :p

Bakit ganun? Lahat na lang ng mga nagiging crush ko bading?
iwasan mo siguro yung mga lalakeng masyadong balidoso (vain) sa sarili. yung sobrang maayos magdamit at mahilig tumambay sa gym. 🙂

ano gagawin mo pag nasasaktan ka?
nire-relax ang sarili para makapag-isip ng tama. minsan pag nasasaktan tayo ay hindi tayo nakakapag-desisyon ng maayos. walang masama kung iiyak pero wag magmukmok na lang habambuhay. makakatulong din kung may mapagsasabihan ka ng nararamdaman mo.

pero kung ang nararamdaman mong sakit ay yung tipong tumama yung alulod (shin) mo sa isang matigas na bagay, okay lang ang sumigaw, maluha at mapamura. nakaka-relate ako sayo.

ano b ang isasagot ko sa asawa ko n babaero ang laging sinsabi gods gift to men
sabihan mo sya ng: “utot mo!”

san ako pwedeng magtrabaho na pagawaan ng sabon
panlaba ba o pampaligo? 🙂

paano mo massabing mahal mo na ang isang tao?
kapag hindi mo na kayang ipaliwanag sa pamamagitan ng salita ang nararamdaman mo.

dapat ba nating gawin ang isang desisyon kahit napipilitan na tau?
ayokong gawin ang mga bagay na mabigat sa aking kalooban. pero… (eto na naman ang pero) may mga bagay na kailangan nating gawin dahil iyon ang tama at makabubuti.

bawal ba ang menudo sa may diabetes
kung lalagyan ng madaming asukal 😉

ang 4 days na delay maari na bang buntis ito?
hindi kamahalan ang pregnancy test.

paano swertehin sa sugal
kaya sya tinawag na sugal. aasa ka sa swerte. dalawa lang naman ang kalalabasan mo, panalo at talo. mas gawin mo ang mga bagay na hindi mo aasahan ang swerte.

nakakasama ba ang cellphone sa kabataan?
kung sa cellphone na umiikot ang mundo nya. kung nagiging dahilan ang cellphone na hindi nya na magawa ang mga dapat nyang gawin. lahat ng sobra ay masama. kailangan ng disiplina.

may manhid bang tao kung usapan ay pag-ibig
hindi siguro manhid. mas pinili lang nila na iwasan ito. pwedeng dahil nasaktan na sila before at ayaw o natatakot silang humarap ulit sa ganung sitwasyon at pwede din namang hindi pa sila handa para dito. at syempre, pwede ding hindi lang nila gusto yung tao na nag-ooffer ng pag-ibig sa kanya. kaya hindi ako naniniwalang manhid, meron lang tayong kanya-kanyang reasons. hindi mawawala ang pag-ibig sa ating puso, kahit sa pinakamasamang kriminal.

bkit ako nagkakagusto sa isang babae at sa isang lalaki???
ikaw ay bi-curious. 😉

bakit ang isang tao mahilig mamboso sa babae habang naliligo at nagbibihis
ang pamboboso hindi lang pagnaliligo at nagbibihis. walang pinipiling oras ‘to kaya laging mag-ingat.

possible bang magkaroon ng feelings sayo ang isang taong nasa malayo na lge mong ka msg sa fb as in araw araw?
madaming pagmamahalan ang nag-umpisa sa penpal, phonepal, textmate, chatrooms, online games at siguradong meron na din sa facebook. ingat-ingat lang lalo kung hindi mo naman talaga sya kakilala. madami na ding mga krimen na nangyari na nag-umpisa sa mga nabanggit ko kanina.

Paano umiwas sa taong mahal mo dahil hindi pwede dahil parehas kaming babae
at tulad ng lagi kong sinasabi, gawin mo ang bagay na magpapasaya sayo.

pero kung mas nangingbabaw sayo ang paniniwala mo na masama, bawal, o kasalanan ang pakikipag-relasyon sa kapwa babae (o lalaki), mas mabuti nga siguro na iwasan mo na lang sya kesa habang-buhay na may nararamdaman kang guilt sa iyong sarili. at sa tanong mo kung paano mo iiwasan, pwede mong sabihin at ipaintindi sa kanya na ganito ang nararamdaman ko pero ito ang paniniwala ko. hindi naman talaga kelangang umiwas, pwede mong sabihing hanggang friendzone lang kayo. pero kung sa tingin mo ay kelangan mong umiwas, gawin mo.

paano malalaman kung mahal ka ng lesbian
kapag niligawan ka nya.

kailangan pa ba magsabi ng liligiwan kita sa babae para malaman nyang nililigawan mo sya
merong mga babae na mas gusto nila na sinasabi sa kanila na liligawan mo sya lalo na kung hindi naman tumatalab yung mga pagpapa-cute at pagpapa-ramdam mo sa kanya. ang ibang babae naman ay iniisip na ganyan naman sya sa lahat ng babae kaya iisipin nyang hindi mo sya nililigawan. ang iba naman ay naka-safe mode, ayaw nilang masabihan na feelingera.

at tungkol sa safe mode, pwede mo din itong gamitin sa kanila. panindigan mo na hindi mo sasabihin sa kanya na nililigawan mo sya. siguraduhin mo lang na mararamdaman nya ang presence mo at isipin nya na type mo sya at nanliligaw ka sa kanya. kapag na-inlab sya sayo — success. at pag binasted at na-friendzone ka naman, pwede mong hiritan sya na “feelingera” sya. 😉

bakit masamang magboyfriend ng lesbian?
depende yan sa paniniwala mo. tulad ng nasabi ko, karamihan sa mga relihiyon ay hindi sang-ayon dito.

bakit masakit puson ko parati kapag nakiki-pagtalik?
kung lagi mo yang nararamdaman, dapat ka ng kumonsulta sa doktor. ayon sa aking nabasa, maaaring ikaw ay may cyst o kaya ay side effect ng birth control pills. ilan lang yan sa maaaring dahilan.

bakit ganun hindi ako kayang intindihin ng mahal ko
may mga bagay na mahirap ipa-intindi sa kapwa. ang iba naman ay sinasadyang hindi nila intindihin. maaring dahil sa pride o kaya ay hindi sang-ayon sa kanilang prinsipyo o paniniwala. ang iba naman ay sadyang makitid lang ang isip.

bakit ako nagmahal ng kapwa ko babae
isa kang lesbiana. wag mahiya… labas na.

ano ang kalalabasan ng violet at red pag pinag sama.
natatandaan ko meron ako dating crayola crayons, meron dung color na red violet at meron ding violet red.

ano ang bob0
yung kulang sa kaalaman na halos kasing-kahulugan ng tanga.

bawal ba ang sex sa nd mo ka relasyon
karamihan, kung hindi lahat, ng relihiyon ay hindi sang-ayon dito. depende na yan kung gusto mo silang paniwalaan o kaya ay payag kang magkasala paminsan-minsan.

pano pagpalaki ng +-+-?
buksan mo email mo, tingnan mo yung spam folder mo… sigurado meron dun ng tungkol sa hinahanap mo. mas madaming spam na ganyan kung yahoo mail ang gamit mo.

napapansin ko lang ah.. hindi mo sinasagot ang mga tanong ko..
sinasagot ko ang mga tanong maliban na lang kung:
1. nasagot na at ilang beses ng nasagot ito
2. may kinalaman sa pagpapalaglag o abortion
3. masyadong malaswa ang mga ginamit na salita (ayoko sanang i-censor o i-edit ang mga tanong nyo pero minsan ay ginagawa ko dahil masyadong malaswa at minsan kung hindi ko na alam kung paano ko pa sya gagawing “less-malaswa” sa pandinig ay napipilitan akong i-skip ang mga ito. pasensya na.)
4. halos kapareho lang ng sagot sa mga nauna ng tanong.

paano alisin ang galit, sama ng loob sa mga taong nanakit sayo nilait na buong pagkatao mo at lahat na ata ng masakit na salita ay nasabi na sayo ang mahirap pa nun kapaitd pa ng asawa mo.
may mga pagkakataon minsan na wala ka namang dapat gawin. pabayaan mo lang. minsan habang pinapatulan mo, lalong hindi ka titigilan. isipin mo na lang na mas kilala mo ang sarili mo kesa sa pagkakakilala nya sayo.

“anger is a sign of weakness and tolerance a sign of strength”

“the ultimate source of peace and comfort is within ourselves”

pano tangalin ang init ng kamay dahil sa sili
dilaan mo. hihihi. 🙂

pano ba mag mahal ng tapat
dapat yung galing sa puso, hindi yung galing sa may bandang puson.

baket ba kailangan mag timer
para maging aware ka sa ginagawa mo.

bakit napanis yung kanin namen?
1. mainit ang panahon at hindi mo inilagay sa ref
2. masyadong malata ang pagkakaluto kaya madaling napanis
3. isang linggo na sya mula nung isinaing
4. kinamay?

paano manggayuma ng babae
may binebenta dun sa gilid ng simbahan ng quiapo na sinasabing mga panggayuma, anting-anting, pampa-meron, pampa-wala, mga kandilang pula at itim at kung anu-ano pang mga halamang pinatuyo. hindi ako naniniwala sa gayuma. kung gusto mong subukan, ikaw ang bahala.

ang lalaki ba na madaling labasan ay may babae? kahit na 1 week na kayong walang sex?
walang kinalaman kung may babae o wala ang bilis o tagal ng “performance” ng lalaki

3 thoughts on “Bakitganun #32

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.