Bakitganun #33

paano ko aalamin na may ibang babae ang boy friend ko?
kahit tanungin mo yan, hindi yan aamin. galingan mong manghuli.

paano makikita kung sino sino ang bumibisita sa facebook mo..
hindi mo makikita ang mga bumibisita sa facebook mo. wag kang mag-assume na binibisita ng crush mo ang facebook mo :p

sang ayon ka ba sa ban sa paninigarilyo sa pampublikong lugar? kung sakaling hindi ano dahilan mo?
sang-ayon ako kahit ipagbawal na nila ng todo ang paninigarilyo. pampublikong lugar man o hindi. bakit natin pinapabayaan ang alam naman nating nakakasama.

anong panahon ang hindi fertile ang babae?
kapag dry season.

ganu kadalas umihi ang babae?
depende sa dami ng na-take nilang liquid. hindi lang ang na-inom, meron ding mga pagkain na naglalaman ng madaming tubig.

bakit lagi akong may kabag?
madalas kang kumain ng hangin.

bakit ganun ang makakalimutin ko?
ilang beses mong sinend ang tanong na ‘to. ang bilis mong makalimot.

bakit ang daming babaero
naniniwala pa rin ako na mas madami ang mga tapat sa pag-ibig. malas ka lang siguro.

pwede bang mabuntis kahit may uti?
ang hula ko ay oo. ๐Ÿ™‚

pano ba ienjoy ang life sa tamang pamamaraan
paligiran mo ang sarili mo ng mga “tamang” tao. enjoy simple pleasures. celebrate small victories. reward yourself.

paano malalaman kung boy o girl ang umiihi sa cr
pakinggan mo yung tunog ng pagbagsak ng ihi sa tubig sa toilet bowl. kapag parang gripo na bumabagsak sa timba ng tubig, lalaki yun. kapag parang inipit na hose ng tubig, babae yun.

bakit ang mabilis na relationship ay mabilis ding mawala or matapos. pls give me some info about this?
sabi kasi ng iba na ang mga nagtatagal na relationships daw ay yung magaganda ang foundation. ibig sabihin, nagkakilala sila, naging magkaibigan siguro ng mahabang panahon, nakilala nila yung isa’t-isa ng mabuti, nagkaligiwan at naging sila. kaya yung iba na bigla na lang na naging sila ay bigla na lang din natatapos dahil hindi muna nila nakilala ng mabuti ang isa’t-isa.

ano bang definisyon ng binigyan mo ng pagkain at tubig
tumulong ka sa nangangailangan.

ano ang side effect kapag ang virgin nakipag sex ng araw araw
yung unang beses nyang pakikipag-sex e nawala na ang pagka-virgin nya. kaya yung mga susunod e like a virgin na lang.

saan makakakita (basically makapitas ng libre) ng gumamela dito sa QC?
maglakad-lakad ka lang sa lugar na madaming bahay, pag nakakita ka na, pitasin mo. wag ka lang papahuli. o kaya subukan mo sa QCMC, wag ka ding papahuli.

pano matanggal ang stress sa break up
paligiran mo ang sarili mo ng mga mahal mo sa buhay. pamilya, kamag-anak at mga kaibigan.

pan0 p0 maging masaya ng b0ngga?????
tawa ka ng malakas tapos with matching talon-talon.

pag hinawakan ng babae ang kamay ng lalaki ay
ay ano? wala yun… malisyoso ka lang.

paano mang ligaw
uso pa ba yan? pwede namang COCOL, HOHOL, at MOMOL na lang.

COCOL – Coffe Coffee Lang
HOHOL – Hang-Out Hang-Out Lang
MOMOL – Make-Out Make-Out Lang

pag may na-develop, ayus! apir!

bakit ang lalaki pag-iniwan ng knilang asawa tumataba
kasi nawawalan sila ng sakit ng ulo?

4x squared
16x squared

pano pag may nagkagusto sayong bakla anong gagawin mo
kung lalaki ka, kapag pumatol ka daw sa bakla ay bakla ka din. bakla ka din ba?

kung babae ka, kung mahal mo sya bakit naman hindi. madami ng bading ang nakapag-asawa ng babae.

paano mag facebook
kung ikaw ay isang 86 years old na lolo o lola na nakatira sa kweba ay paniniwalaan kita.

bakit may stage fright ang tao?
may mga taong hindi sanay humarap sa maraming tao. kung balak mong pumasok ng pulitika, siguraduhin mong wala kang stage fright dahil kekelanganin mo ng tatlong volume ng britannica encylopedia na kapal ng mukha.

bakit kailangan nating kumain
subukan mong wag kumain, malalaman mo ang dahilan kung bakit.

paano ang calendar method ng isang 30days cycle?
kalendoryong pang sex

masamang epekto ng panonood ng pornograpik movie sa mga kabataan
naaapektuhan ang pag-iisip mo na hindi mo na kayang kontrolin ito.

anung gagawin mu kapag sinabe sau ng crush mu na pumunta ka sa kasal niya?
pumunta ka sa kasal nya. makikain ka na lang ng makabawi-bawi ka naman sa kanya kahit papaano. tanungin mo na din kung pwedeng magpabalot.

anong position mas nasasarapan ang babae?
hindi masamang tanungin ang babae kung anong position ang gusto nya. baka mas ma-appreciate pa nya ang pagtatanong mo.

ano gamot sa init kasi ung ilog sa tabi ng puno nagllaro ci jawo
kumuha ka ng 3 pirasong kalamansi, haluin mo yung sinangag tapos lumangoy ka na parang isda.

sang ayon ka ba na ipatupad ang sex education?
oo, sang-ayon ako. alam naman siguro ng gagawa ng curriculam para dyan kung ano at hanggang saan lang ang dapat nilang ituro ayon sa edad ng mag-aaral.

reaksyon tungkol sa PAG-ASA O WEATHER FORECAST sa hindi maayos na pagbabalita
kelangan nating bumili ng mas high-tech na equipments para sa pag-predict ng panahon.

paano pag hindi ka type ng crush mo ano ang gagawin mo?
hanap ka ng ibang crush. crush lang naman. pero kung gusto mong maging more than crush, kung lalake ka — ligawan mo. kung babae ka — landiin mo.

anung kulay ng sperm ng babae
walang sperm ang babae. ang sperm cells ay sa lalaki at ang egg cells ay sa babae. ๐Ÿ™‚

minsan ba pag may nagtatanong sayo, ini-iba mo yung tanong at binabalik mo ito para makaiwas ka lang?
hindi ko iniiba ang tanong. minsan ay may pinapalitan lang ako na mga salita na medyo bastos. ๐Ÿ˜‰ minsan ay may mga inaayos din ako na mga salita para mas maintindihan ng mga magbabasa. pero kadalasan ay wala akong binabago, mapa-jejemon pa ang pagkakasulat nyan o yung mga salitang shinort-cut pa o kahit mga maling spelling. dati ay hindi ko rin binabago kahit mga naka-ALL CAPS pero ngayon ay ini-edit ko na din ito para mas maayos tingnan. walang nababago sa message na gustong iparating ng nagtanong. ๐Ÿ™‚

ano ibig sabihin ng nanunulot?
yung meron ng nakakuha tapos inagaw mo pa. parang ganun. parang snatcher sa quiapo.

ano ang epekto ng speling sa pilipinas
sa tingin ko e wala namang epekto. parang ngayon, mali ang speLLing ng speLing mo..

pano ba magmahal?
hindi mo ‘to kelangang pag-aralan. matutunan at mararamdaman mo na lang yan.

paano mo ibabalik sa gitna ung web page?
try mo ctrl + w (hihihi)

okey lang ba inumin ang tamod ng babae
hindi naman sya nakakalason.

anu po latest na technology na sikat ngayon??
si simsimi ang latest technology ngayon. hahaha.

anong pinaka magandang paraan para mapalapit ka sa crush mo
tabihan mo. siguradong magiging close kayo.

virgin pa ba pag isang beses ka lang nakuha kunting dugo lang ang lumabas?
sa kasamaang palad, hindi na.

panu maagaw ang babae na mahal ko sa bf niyang.. pinapaiyak lng siya!??
kung matapang ka at may konteng kapal ng mukha, bakit di mo subukang sulutin ligawan sya.

paano translate sa ingless ang sentence na ito: “Pang ilan ka sa inyong magkakapatid?”
In what order of succession are you in your family?

paano mo malalaman kung nakikipagtalik sa iba ang asawa mo
kung sya ay nanghihina pero may kislap sa mga mata.

kapag kunti lang ang dugo na lumabas nung nakuha ka, virgin pa ba din yun? 2 yrs na ang nakalipas
congrats, hindi na. ;p

bkit mga lalaki lamang kasali noon sa olympic games
baka makatulong sayo ‘to: link!

bakit merong bestfriend na ayaw na sayo?
siguro ay may nagawa kang masama. baka hindi ka naman nya talaga bestfriend.

bakit hinde ako kayang tawagin sa pangalan ng mahal ko?
baka sobrang haba ang pangalan mo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.