Bakitganun #34

paano ko sasabihin sa babaeng katabi ko na mabaho sya na hindi ko sya magagalit?
hiritan mo ng pickup lines. kunyari:
taga-paombong ka ba? amoy suka ka kasi.
tanghali na ba? amoy araw ka kasi.

paano mo masasabing nahanap mo na ang tamang trabaho para sa iyong tinapos na kurso?
kung may kinalaman sa natapos mong kurso at masaya ka sa trabaho mo. kahit gaano pa kalaki ang sweldo mo kung hindi ka naman masaya sa ginagawa mo, hindi ito ang tamang trabahong hinahanap mo.

saan ba makakita ng gintong itlog
hanapin mo muna yung golden duck. wag yug silver swan, toyo yun.

gusto ko manghingi nang sorry sayo
ano ba ang kasalanan mo? kung ano man yan e pinapatawad na kita. πŸ™‚

bakit may amoy ang pekpek
hindi naghugas.

ang mga bakla ba may pag-asang mag-bago?
kung ang tinutukoy mo ay kung may pag-asa pa syang maging “tunay na lalake” ulit, ayon nga sa mga nakatatanda: “habang humihinga, may pag-asa”

sexy daw ang mga lalaking architect?
uhmmm…

kapag nag sex kayu katapos ng mens ng gf mo tapos kunti lng lumabas na sperm sa bf nya sa labas ng ari ng babae mabubuntis ba ito???
bawasan mo na ang kakapanood mo ng porn ha.

ok lng ba d2 magtanong about sa sex?
kung mapapansin mo, nagkalat na ang tanong dito tungkol sa sex. matatapakan mo na.

magbigay ng istorya ng babaeng inapi
i-google mo ang istorya ng mga comfort women.

bakit gumagamit ng belo sa kasal
ayon sa isang kwento, gumagamit daw ng belo ang ikakasal para itago sa demonyo at iba pang masasamang elemento. at ang bridesmaid, sya ang ginagawang decoy sa pamamagitan ng pagsusuot din ng maganda gaya ng bride, ngunit walang belo.

bakit ang DAGA ay Paboritong kainin ng PUSA?
base sa aking masusing obserbasyon, hindi naman kinakain ng pusa ang daga. pinaglalaruan nya lang ito.

ano ba ang gamot sa shabu?
rehab.

bkit mapait ang ari ng lalaki?
baka di naligo.

bakit naiihi ako sa tuwing pagkatapos ko mkipag sex
kasi napipigil ang ihi mo kapag nakikipag-sex ka.

bakit kailangan magpapicture sa starbucks o sikat na establishment?
sa panahon ngayon, lahat pinipicturan na. mga biniling damit, pinuntahang lugar pati mga kinain at ininom. pagkatapos ay ipo-post sa facebook, iti-tweet sa twitter o i-i-instagram. isama mo na dyan ang bawat galaw. nagluto, naglaba, naglinis ng bahay, naligo, tumae. ang tanong e kelangan ba nating malaman ang bawat detalye ng ginagawa ng isang tao. kanya-kanyang trip yan. malas mo lang kung di mo trip ang trip nya.

“eat it, don’t tweet it”

bakit ang ganda ko?
post mo picture mo sa fan page o sa twitter ng bakitganun, tapos sasabihin namin kung maganda ka nga o hindi. πŸ™‚

nakkalsing b ang vetsin
nakaka-antok daw sya.

magiging kme ba ni evander?
ay hindi.

buntis ba pag palage gutom
meron akong kakilala. lagi syang gutom. hindi naman sya buntis.

bakit may buhok sa bawat parte ng katawan?
ang buhok ay nagbibigay sa tao ng iba’t-ibang klase ng proteksyon. proteksyon sa init, sa lamig, sa dumi at marami pang iba.

bakit matamis ang gusto ng langgam
dahil ang matatamis ay nagbibigay ng instant energy. at sa sobrang sipag nila, kelangan nila ng matatamis na pagkain. tingnan mo, lagi silang hyper ;p

bakit kya malakas ang kaba q???
bawasan mo ang pag-inom ng kape.

ano ang itatanong kapag gusto mong manligaw?
e kung gamitan mo ng pickup line
bangin ka ba? nahulog na yata ako sayo.
baril ka ba? tinamaan na yata ako sayo.
drugs ka ba? ang lakas ng tama ko sayo.

tanong lang boss πŸ˜€ sumasakit ba tyan ng babae isang araw pag tapos mag sex?
oo at hindi. πŸ™‚

paano magsabi ng sorry sa boyfriend?
madali lang kausap ang mga lalaki. konting landi lambing lang.

nakakailang ba manligaw kapag matagal kayong naging friends ng girl?
nakakailang man o hindi, e anong magagawa mo? nadevelop e. sundan mo ang puso mo dahil yan ang makakapagpasaya sayo.

nag-away ang kaibigan mo, anong gagawin mo para masulusyunan ang gera sa mindanao?
magbabasa ako ng bakitganun.com

hindi ko na makita crush ko
sa tingin ko nung nalaman nyang crush mo sya e pinagtaguan ka na nya. dalawa ibig sabihin nun. nahihiya sya sayo o di ka nya type.

gago ba si khershey?
sige na nga. gago na.

boss un ilong problema ko kc na jajahe na kc ako. ala na pimples sa nose pero my iniwan namn mga lubak lubak T_+T
tanong mo sa mayor nyo kung nagpapagawa din sya ng lubak-lubak na mukha. baka kelangan mo ng tulong ni vicky belo.

bakit mag kakaiba ang phallus size ng different males in different country?
mas maganda kasing tingnan pag proportion sa katawan.

bakit kaya ayaw nia akong tawagin na ate?
gusto mo ako na lang tatawag sayo ng ate para di ka na masyado malungkot. ate, ate, ate, ‘te, ‘te!

bakit ang mga lalaking may ginawang kalokohan malambing sa asawa
syempre pag may kasalanan ka, dapat may pambawi. mahirap ng ma-outside the kulambo. malamok.

4 thoughts on “Bakitganun #34

  1. Naka2tawa nman tong site nyo.aksidente lang nakarating ako d2 sa bkit ganun?hnahanap ko kc kanina yung pinakamaanghang na sili..iba nman pumasok,naligaw ata ako.hehe

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.