Bakitganun #36

sawang kumain ng tao dito sa pilipinas
si Robinson, ang kalahating tao-kalahating ahas na kakambal ni Robina ng Gokongwei Family na pinapaniwalaang nakatago sa loob ng Robinsons Galleria.

10 Urban Legends That Drove Pinoys Crazy

bakit ang dami mong alam?
mas madami akong di alam 😉

paano ko malalaman kung may kabet ang boyfriend ko
tulad ng mga nauna kong sinabi, hindi yan aamin hangga’t hindi mo nahuhuli. yung iba nga nahuli mo na sa “akto” hindi pa rin aamin e. ano yun, natalisod tapos na-shoot?!

bakit ang pilipinas ay madalas makaranas ng pagputok ng bulkan
dahil meron tayong mga bulkan. kung wala tayong bulkan hindi tayo makakaranas ng madalas na pagputok nito. :p

Artikulo tungkol sa maagang pakikipagrelasyon, san ako mkkhanap? Tnx.
O eto, ang kulit mo e.
ayan at ayan pa

anong sakit ng aso ko, d makakita at pumayat sya?
dalhin mo sa veterinarian. kawawa naman.

anong madaling engineering course?
walang madaling kurso sa tamad mag-aral.

anong gagawin ko
pagkatapos mong magbasa ng bakitganun.com, kumuha ka ng walis at maglinis ka ng bahay. lagi ka na lang nasa harap ng computer.

pano manligaw ng babaeng di mo pa kilala?
ang unang step ay ang magpakilala ka muna. :p

masama ba sa batas ang pakikialam ng cellphone ng boyfriend ko?
wala pang batas na ganyan.

bkt nagsasalita ang tao?
para sa pakikipag-komunikasyon.

bakit maraming single guy na nahuhumaling ngayun sa hot momma?
uso ngayon yan. may syota ka na, may mommy ka pa. at mas masarap daw magmahal ang mga madami ng pinagdaanan sa buhay.

bakit ang gamot ng tao at gamot ng hayop ay magkaiba
isang example: hindi mo kasinlaki ang elepante para uminom sya ng isang kutsaritang gamot. iba ang pagkakagawa ng katawan ng gagamba sa tao. etc.

babae ka ba o lalake?
hulaan mo.

anong tawag sa ginagawa ko pa lang pero parang nagawa mo na. english word
deja vu: the experience of thinking that a new situation had occurred before

tula tungkol sa mga kabataang maagang mag-asawa
meron akong syota,
basketball ang hilig nya.
minsan lang maka-shoot,
nung naka-shoot, sakin pa!
eto ako ngayon, parang naka-lunok ng bola.

pano ginagawa ang uling gamit ang rice hull
ang alam ko lang ay kung paano magmumukhang uling ang sinaing na kanin :p

meron ako gf kaso nakikipag date sa ibang lalake ok lng b yun?
itanong mo sa kanya kung ok lang din ba na makipag-landian ka sa ibang babae.

crush ko best friend ko
madami ng mag-bestfriend ang nagkatuluyan. ayieee!

Bakit tau ginawa ng diyos?
may mga nagsasabing ang tao ay ginawa ng diyos at meron din namang nagsasabi na ang tao ay bunga ng mahabang ebolusyon.

ayon sa Colossians 1:16, basa…
For by Him all things were created that are in heaven and that are on earth, visible and invisible, whether thrones or dominions or principalities or powers. All things were created through Him and for Him

bakit mahaba ang baba ko
wag mong isiping ipinaglihi ka sa mangga o sandok.

bakit ka pangit?
huhulaan ko, nakaharap ka sa salamin ngayon. :p

ano bang nagagawa ng dota sa mag bf
madami ng relasyon ang winasak ng dota na yan. mag-ingat.

pwede mo ba akong samahan?
depende kung saan. saka basta lilibre mo ko e. 😉

pinag-bawalan ka makipag relasyon ng magulang mo ngunit sinunod mo ano ang gagawin mo
at dahil sa magulo ang tanong mo ay may sasabihin na lang ako sayo tungkol sa mga magulang.

minsan iniisip natin na kaya tayo pinagbabawalan ng mga magulang natin ay dahil sa gusto lang nila tayong higpitan o parusahan. lahat (o halos lahat) ng mga magulang ay hangad ang ikabubuti ng anak. meron silang mga malilinis na intensyon kaya nila ginagawa ang mga ito.

panu mu ssbihin sa bf mo na tapos na tau
ganito sabihin mo: “break na tayo. wag kang mabibigla.” :p

panu gumawa ng lathalain
kelangan mo ng masusing pagre-research. dapat alam mo kung ano ang isinusulat mo.

paano ko ba maiiwasan ang paghahanga ko sa kanya
wala namang masama sa paghanga. crush lang yun. pag may malisya, iba na.
“ang tunay na pag-ibig, nagsisimula sa malisya”

masarap ba magkaron ng bf/gf?
merong mga taong minamalas sa kanilang nagiging bf/gf, kaya hindi laging masarap.

kasingkahulagan ng sungit
mainisin, bugnot(?), ill-tempered, short-tempered, irritable

kapag ba tinitikis ka ng boyfriend mo ibig sabihin ba nun hinde ka nya mahal
at ni-research ko pa ang meaning ng tinitikis

kung babasahin mo ang link na ito, under example number 2, which is “tinitikis mo pa ba ako hanggang ngayon (Are you still chastising me?)”, ang masasabi ko ay malamang na hindi ka na mahal ng boyfriend mo.

halimbawa ng taong biktima ng prostitusyon
punta ka ng quezon avenue. madaming mga nagniningningang clubs dun ng mga “nagsasayaw” na mga babae sa saliw ng mapang-akit na musika. at kung didiretso ka ng Elliptical Road, merong mga lalaki at babaeng nag-aabang sa dilim sa mga parokyanong hayok sa laman.

halimbawa ng taong biktima ng kahirapan
pumunta ka sa squatters’ area. merong mga biktima ng kahirapan dahil na rin sa kanilang katamaran. tamad mag-aral. tamad magtrabaho. tamad mangarap. paano ka aasenso nyan? aasa ka na lang na swertehin ka sa lotto? at minsan, hindi sapat ang masipag lang. kelangan mo din ng ambisyon.

ginagawa naman ng bf ko ang lahat para matanggap sya ng pamilya ko..pero sa tuwing magkikita kami, sex palagi ang hiningi..mahal nya ba talaga ako?
kung sex ang palaging hinihingi nya, malamang ay hindi ka nya mahal. wag mo munang isusuko ang “Bataan”. mag-ingat sa manloloko.

buisit ka ba?
dapat cool ka lang lagi. maaga kang tatanda pag lagi kang nabwi-bwisit.

bakit mahirap mgmahal ng tao na di ka nmn kya paglaban, pero sinasabi nya mahal ka nya?
paano mo mapapatunayang mahal ka nya kung hindi ka nya kayang ipaglaban. iyon yun.

bakit di dapat magkarelasyon ng maaga
baka hindi ka pa handa emotionally at intellectually.

Baket mahilig magsponsor ang mga companies
a-d-v-e-r-t-i-s-e-m-e-n-t

anong mga strategies ang pwedeng gawin kung palugi na ang isang negosyo
reinvent. gumawa ng mga bagong gimik.

ano parte ng kotse ang nakakapag pa sexy?
mag-exercise ka kung gusto mong sume-sexy.

ano ang laging gusto ng lalaki sa parte ng katawan ng babae?
ito ang lagi kong nadidinig na tinatanong sa mga lalaki:
anong gusto mo, malaki boobs o malaki puwet?

Ano ang kulay na ayaw at gusto ng isang lamok?
sinasabing attracted daw ang lamok sa mga dark colors. read this

pano matatanggal ang pigsa ko sa pwet?
lagyan mo ng hot compress. kung malala, kumonsulta sa doktor. yung iba ay pinapainom ng antibiotics.

pakikipagganun
mag-iingat ka sa pakikipagganun. baka ma-ano ka.

mag kaano ano tau kung ang pamangkin mo ay pinsan ko? mag kamag anak ba?
depende. pwedeng pamangkin din kita o kaya ay “pamangkin-pamangkinan” lang. sample: yung pinsan mo ay anak ng kapatid ko at ikaw naman ay anak ng kapatid ng asawa ng kapatid ko. na-gets mo ba? 🙂

bakit ung mga naging ex, tlgang hndi cla makalimutan?
pwedeng hindi mo sya makalimutan pero hindi nangangahulugan na mahal mo pa rin sya. may pinagsamahan din naman kayo kahit papaano. dadating din yung araw na halos hindi na sya papasok sa isipan mo.

bakit pag nabuntis ng d kasal masama na tingin ng lipunan? dahil ba sa pre-marital sex? eh bakit halos lahat nmn ng mgsyota ginagawa n un, wla lang nabubuo, bakit cla nde hinuhusgahan?
sa pagkaka-alam ko, tanggap na ngayon ng lipunan ang nabubuntis ng hindi naman kasal. may ilang mga tao na lang talaga ngayon na naiwanan na ng panahon ang pag-iisip.

bakit nahuhumaling ang mga kabataan sa cellphone?
sabi nga ng slogan ng isang telephone company: “keeping you in touch”
at hindi lang yan, nakakalibang din ito. pwede ka mag-games, mag-internet at kung anu-ano pang mga applications.

bakit nagiging mabait ang isang lalaki sa isang babae? gusto nya ba ung babae?
baka naman mabait talaga yung tao. wag ka masyado mag-assume, feelingera.

bakit lagi kong napapanaginipan na may ibang babae ang asawa ko?
wala kang dapat ipag-alala kung naniniwala ka na kabaligtaran sa totoong buhay ang panaginip.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.