Bakitganun #37

paano kakasuhan ang lalaki na nagyaya sa babae na kahit saan sila mag punta anong republic act sa pilipinas ang pwedeng ikaso dito sa lalaki? pls. reply naman po kailangan namin dahil pambabastos ang ginagawa ng lalaking ito sa babae na may asawa na
REPUBLIC ACT NO. 9262
an act defining violence against women and their children, providing for protective measures for victims, prescribing penalties therefore, and for other purposes.

REPUBLIC ACT NO. 7877
an act declaring sexual harassment unlawful in the employment, education or training environment, and for other purposes.

pwede na bang makipagsex kahit 17 years lang?
lagi kong sinsabi na maging responsable ka kung gagawin mo ito. na dapat ay nasa wastong edad at tamang pag-iisisp.

ngayon, para maiba naman, ipapayo ko na mag-aral ka na lang muna kesa puro sex ang laman ng utak mo. sabi nga:

“pag pinairal ang kalibugan, sira ang kinabukasan”

dahilan at sanhi ng maagang pakikipagrelasyon
kapaligiran. mga napapanood, nababasa at nadidinig. peer pressure, lahat sa barkada meron na kaya feeling mo dapat magkaroon ka na rin. yung iba, maaga lang talaga lumandi.

ano ang isagot pag tinanong ka na anong kaibahan namin ng ex mo?
sasabihin ko na ayoko syang i-compare kahit kanino dahil iba ka. naiiba ka. at yung ex ko, iba din sya.

paano mo malalaman kung ang boyfriend mo ay nakikipagsex or blow sa gay?
hindi mo malalaman kung hindi mo mahuhuli.

bakit hindi dapat iasa ang kabuhayan sa pamahiin
walang siyentipikong pagpapatunay sa mga pamahiin. at kung hindi ka naniniwala sa pamahiin, bakit mo iaasa ang buhay mo sa bagay na hindi mo pinaniniwalaan.

ano ang mga bundok ng zambalez
galing sa Wikipedia

The Zambales Mountains is a mountain range located on western Luzon island in the Philippines. The mountains separate Luzon’s central plain from the South China Sea. Its most prominent section is known as the Cabusilan Mountain Range composed of Mt. Pinatubo, Mount Negron and Mount Cuadrado, which are believed to be remnants of the ancestral Pinatubo peak. The highest elevation in the mountain range is Mount Tapulao, also known as High Peak, in Zambales province which rises to 2,037 metres (6,683 ft).

pano mag stay ng matagal sa akin katulong ko… lahat umaabuso kapag sobrang bait ka
minsan hindi natin nakikita ang sarili natin. baka naman na sayo ang problema. meron akong kakilala, palipat-lipat sya ng trabaho. di nya daw makasundo mga nakakatrabaho nya. kapag nakakausap ko naman yung mga nakatrabaho nya, sya naman ang hindi nila nakakasundo. minsan, tingnan din natin ang sarili natin.

bakit hindi ako nilalabasan pag nakikipag sex
baka hindi ka nag-eenjoy.

kasalanan bang lumigaya sa piling ng iba?
kung meron ka na at hahanap ka pa ng iba. kung hindi mo na mahal yung isa, hiwalayan mo na.

ano ang ibig sabihin ng GOOD QUALITY OF PORK
punta ka dito

nakakamatay ba ang vetsin?
depende kung gaano kadami. kung mga isang sako, malamang mamatay ka.

kapag ang lamok ba nilagay sa tubig mamatay
subukan momg lunurin, malamang mamatay yan.

posible bang lesbian ako?
kung hindi ka sigurado, malamang lesbian ka nga at ngayon ay ikaw ay nasa bicurious stage.

anu ang nagiging sanhi na pagpasok ng tubig sa ari ng babae
kung uminom ka ng tubig, may lalabas na tubig.

sino ang mas magaling magsalita, ang lalake o babae at bakit
pareho lang silang magaling magsalita. sinasabing mas vocal ang mga babae sa mga nararamdaman nila.

safe ba makipagsex sa buntis
e buntis na nga e. safe ka na hindi ka makakabuntis pero hindi ka safe sa sakit.

nabubuntis ba kapag nka damit?
haha! natawa naman ako dito. naka-damit o hindi, basta ma-i-shoot, yun na.

bakit baraha ang madalas gamitin ng mga nag-mamagic
mahirap kasi kapag sungka.

anu sa tingin mo sa taong ayaw mgbigay ng number
madamot. di ka nya type. meron na sya at hindi sya interesado sayo.

possible ba mabuntis kahit 40ys old na with 1st pregnancy
posible pero habang tumatanda daw ay mas mahirap ng mabuntis at mas delikdao ang pagbubuntis.

patay na ba si michael jackson
buhay pa ang kanyang mga alaala.

panu mabuo ang isang bata
ganito yan eh… kapag pinasok yung ___ sa ___. tapos may ___ na ___ sa ___. magmi-meet yung egg at sperm cells at doon na nabubuo ang bata. 😛

paano ako gagaling sa accounting?
pagbutihin mo ang pag-aaral mo. sikap. sipag. tiyaga. ambisyon.

naiinis na ako sa hipag ko. siguro dahil dito siya sa amin kumukuha ng allowance sa school. panu ko ba maiwasang mainis at magalit sa kanya?
isipin mo na lang na tinutulungan mo sya. sabi ko nga sa sarili ko, mas ok na na ako ang nagbibigay kesa sa ako ang nanghihingi.

naghahanap
sana ay nakita mo na.

kailan kaya ako magiging matalino?
umpisahan mo nang mag-aral.

bakit tinutubuan ng tigyawat sa braso?
lahat yata ng parte ng katawan ay tinutubuan ng tigyawat. nagkaroon nako ng tigyawat sa may bandang tenga at sa likod.

bakit takot sa tubig ang pusa?
nampusa o. depende yan sa pusa. yung mga pusa daw na lumaki sa maiinit na lugar ay mahilig magpalamig sa tubig at kabaligtaran naman sa mga pusa na lumaki sa malalamig na lugar.

bakit di ko alam yung mga soundtrip mo?
ganyan talaga. kanya-kanyang trip yan. sana ay nagustuhan mo.

anu-ano ang mga masasamang epekto ng pre-marital sex?
kung wala ka pa sa tamang edad o frame of mind, maaari kang mabuntis o makabuntis ng wala sa panahon. kung nasa tamang edad at pag-iisip ka na, gawin ito responsibly. meron din namang mga religion na itinuturing na “kasalanan” ang pakikipag-sex ng hindi pa ikinakasal.

ano ang mga sintomas ng pagkatapos ng unang pagtatalik?
yung iba ay nanakit ang…

ano ang gamot sa nakulong tiyan
baka kelangan mo lang maglabas ng “sama ng loob”

pano nga ba mag two timer?
wag mo ng subukan. sakit ng ulo lang ang papasukan mo. maniwala ka sakin.

bkit ang panget mo?
naku… kung alam mo lang. :p

bakit nakaapekto ang pinag-aralan sa pakikinig
may iba’t-ibang klase ng tao. merong mas natatandaan nila kung ano ang nababasa nila, yung iba naman ay yung napapanood nila. at meron din namang mas magaling sa pakikinig.

bakit minsan ang nag kakatuluyan ehh ung mag bestfriend kesa sa nililigawan nya
yan yung pagkakaibigan na nagka-malisya. minsan kapag sa malayo ka nakatingin, hindi mo na napapansin yung mga nasa malapit sayo. dumating yung time na wala ka masyadong makita sa malayo, bigla mong napansin si bestfriend. ayun!

bakit makati ang ibang babae?
yung iba ortigas, pasay, quezon ave, mandaluyong… corny!

bakit feeling ko mahal pa din ng boyfriend ko ang ex-girlfriend niya?
sabi malalakas daw ang mga instincts ng kababaihan. baka tama ang nararamdaman mo.

bakit dapat magkasintahan ang kabataan?
di naman sya requirement. tatanda ka pa rin naman kahit di magkakasintahan nung kabataan mo.

ano ka? chicks?
ano ako, manok? :p

ano ba itatanong ko?
ang tanong mo ay ang sagot sa tanong mo.

ano ang gagawin para di ma bored bilang housekeeping
yung mga nakaayos, guluhin mo para meron ka uling aayusin.

Total amount of consumer purchases of a particular product in a specific market over a specific period of time within a specific marketing environment under clearly defined levels of marketing expenditure and effort. paki tagalog salamat
Kabuuang halaga ng mga pagbili ng mga mamimili ng isang partikular na produkto sa isang tiyak na merkado sa loob ng isang tiyak na tagal ng panahon sa loob ng isang tiyak na kapaligiran marketing sa ilalim ng malinaw na tinukoy na antas ng gastos ng pagmemerkado at pagsisikap.

saan parte ng mall ang paboritong puntahan ng mga matatanda?
yung nanay ng asawa ng tita ko, ang paborito nyang puntahang part ng mall ay ang BINGO-han.

saan kaba nakatira?
depende kung anong araw.

paano nakakatulong ang laptop sa ating bansa?
makakatulong ‘to kung gagamitin ng maayos sa trabaho, sa pag-aaral, sa communication at sa iba pang paraan upang maging productive. pero kung gagawin mo lang na pang “facebook” maghapon at panonood ng porn e wala ring mangyayaring pagbabago.

nakakaaliw. nakakapagpaisip. bakit di ka magsulat ng libro so i could attend your book launch!
haha, salamat! gusto ko rin yan. malay mo. 😉

bakit nya ako iniwan dahil sa problema nya ndi naman aqo ang dhilan pro iniwan nya ko
baka ayaw ka nyang madamay sa problema nya. pwede ring mas mabibigyan nya ng pansin ang problema nya kung lalayo muna sya sayo.

bakit masarap makipagsex
parang chocolate yan. kapag kinain mo, tini-trigger nya ang pleasure center ng brain.

2 thoughts on “Bakitganun #37

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.