Bakitganun #4

totoo ba talaga si santa claus?
mula nung bata ako hanggang ngayon e hinihintay ko na sya… yaan mo, pag nagkita na kami e babalitaan kita. haha!

kung bibigyan ka ng pagkakataon, anong hugis ng mundo ang gusto mo?
ok na sakin ang bilog pero kung hindi bilog, siguro e hugis puso na lang… tapos malambot sya na parang marshmallow na pink. tapos nakatusok sya sa dulo ng stick na may hotdog. tapos yung stick nakatusok sa ulo ni charles manson, jr… hehe…

Bakit baliktad na ngaun, karamihan na sa mga girls ang lumalapit sa mga lalaki? at todo pa cute
onga, hirap pa naman umiwas… wahaha… hindi naman siguro. baka masyado ka lang gwapo… pa-kiss nga! wahaha. baka mali ka lang ng interpretation. o baka naman “feeling” ka lang. madami kasing girls dyan na talagang friendly lang at minsan nami-misinterpret yung mga ginagawa nila. akala ng iba na nagpapa-cute pero normal lang sa kanila yun. isipin mo din, iba na ang panahon ngayon. lahat ng bagay nagbabago. kung nagpapa-cute man sila, wala ba silang karapatang gawin yun? tayo nga nagpapa-cute din e. lalake lang ba ang may karapatan? magagalit mga kaibigan natin sa Gabriela nyan.

bakit pag gf moh sinasabi mo nah siya ang pinakamagandang babae pero sa loob-loob mo ay marami pang mas maganda sa kanya?
siguro pinaka-maganda in other sense. hindi lang physically kundi yung buong pagkatao nya. pag nagmahal ka hindi lang yung magagandang katangian yung minamahal mo, pati yung mga imperfections nya ay dapat mong tanggapin. hindi lang naman yung physical aspect ang nagpapaganda sa isang tao. pero kung physical aspect lang yung titingnan mo, baka araw-araw magpalit ka ng girlfriend.

:: the heart sees what is invisible to the eye ::

bakit cute ako ikaw hindi?
yan ang akala mo… lagi ka bang kinukurot sa pisngi? ako lagi akong kinukurot sa pisngi. minsan sampal pa nga e. haha!

nag dodota ka bah? sinu fav. mung hero?
dota, hindi… toma, oo… wahaha… fave kong hero sa dota? wala… naalala ko tuloy nung bata ako… pinagsusuot ako ng nanay ko ng costume ni batman at superman. e hindi ko pa naman sila masyadong kilala nun kasi nga bata pa ako. sabi ko tuloy sa sarili ko — ano ba ‘tong pinapasuot nila sakin, ang sikip-sikip naman… yung isa may sungay pa…

bugtong: ikaw ang unang nanakit tapos iiyak iyak kah! (corny bah?)huh?!
ok ka lang ba? hindi ko alam kung matatawa o ma-iiyak ako sa sinasabi mo… grabe, ang lalim… alam mo namang mababaw lang ako…

bakit ganun?
talagang ganun. wala ka ng magagawa. kelangan mo na lang tanggapin. kung hindi ka sang-ayon, mag-protesta ka sa mendiola o kaya sa EDSA.

bakit pag nabasa ka daw sa ulan eh magkakasakit ka? eh bakit pag naliligo ka na galing sa gripo ang tubig eh hinde ka naman nagkakasakit?
hehe… ganun talaga yung mga matatanda dati. pag nagpa-ulan ka magkakasakit ka. pag nagpa-araw ka magkakasakit ka din, magkakakuto ka pa tapos liliparin ka sa may kawayanan. pag nagkasugat ka lalabasan naman daw ng tren. tapos pag makulit ka isusumbong ka sa pulis. tapos pag ayaw ka nilang isama sa pupuntahan nila sasabihin sayo e pupunta sila ng doktor. buti na lang at naitanong mo yan para mabuksan ang isip natin at maitigil na ang ganyang klaseng pananakot.

bakit minsan kahit alam mo nang ayaw niya sayo, pinagpipilitan mo parin sarili mo?
ahh… chi, ikaw ba yan? ouch! haha… ganun lang siguro talaga pag sobra mong mahal yung isang tao. minsan gagawin mong lahat, kahit ilang ulit pa para lang mapatunayan mo sa kanya kung gaano mo sya kagusto.ganito na lang ang i-aadvice ko: kung meron kayong mahal pero ayaw nya sa inyo, i-try nyo naman yung kapatid. magka-mukha naman sila e. haha! malas mo lang kung walang kapatid o kaya magkaiba sila ng sex ng kapatid nya… haha!

kung ikaw papipiliin maging isang manyakis or taong grasa?
ayoko kasi ng madumi kaya manyakis na lang… wahaha!

(kahit dito ako nag-aaral) bakit ang hina ng BASKETBALL TEAM A NG USTE?
simula pa lang ng season, wag kang mawalan ng pag-asa… pero wag ka ring masyadong umasa. pana-panahon lang yan. siguro hindi masyadong magaling ang USTe magrecruit ng mga magagaling na players. hindi kasi kasing yaman ng DLSU at ADMU ang USTe. madami silang inuubos na pera para makakuha ng mga magagaling na players. tandaan mo rin na hindi lang basketball ang UAAP, madami pang sports ang involved dito. suportahan nyo din ang ibang sports.

sino kaya ang ngpauso ng math?
nung pinanganak ako uso na yan. kung inabutan ko kung sino nagpauso nyan, isa na ako sa mag-uumpisa ng mga protesta at boycott sa klase… sama ka?

natuwa ako sa sagot mo.. ehh eto.. bkit kailangan ng pythagorean thoerem.. xet!. šŸ™‚
xet talaga! salamat naman at natuwa ka sa sagot ko. grabe ka naman! nung naka-graduate ako tuwang-tuwa ako kasi hindi na ako gagawa ng mga assignments tapos ngayon tatanungin mo ko ng ganyan. spelling pa nga lang ang hirap na eh… kita mo, pati ikaw nagkamali sa spelling. mag-aral ka na lang ng mabuti. malay mo sa susunod na maghati ka ng cake magamit mo yan. haha!

ano ang kahalagahan/kaugnayan ng heograpiya ng Pilipinas sa Kasaysayan nito???
bakit naman pati homework mo e sakin mo pinapasa. sayang naman yung ginagastos ng magulang mo para mapag-aral ka lang. hindi ka na ba naawa sa kanila? gusto ka nilang matutong tumayo sa sarili mong paa. sige na, naka-online ka na lang rin e mag-research ka na rin. wag puro friendster at youtube ang inaasikaso mo. wahaha! =)

ano po tagalog ng clue? tagal tagal ko n pinagiisipan d ko alam… haha.. buti nand2 tong site n to pra mkpgtanong ako… i luv this site… ^_^
tulad ng sagot ko dati, hindi lahat ng english word ay may katumbas na tagalog word. kaya tayo nagkakaroon ng mga salitang tinatawag na salitang hiram. pero meron akong naisip na tagalog word ng clue pero hindi sya ganung ka-eksaktong kasing-kahulugan. siguro depende na rin sa pagkakagamit nito. ito ay ang salitang “pahiwatig”.

idol mo ba si kim chiu? =]
ahh… hindi eh. kelangan ko bang i-explain kung bakit? wag na lang siguro. tulad ng lagi kong sinasabi… kanya-kanya lang ng trip yan. bakit mo naman naitanong?

(celfone number here)
sa nagbigay ng cel number nya e sana ibinigay mo na din yung name mo. ano ba maitutulong ko sayo? sige, hintayin mo na lang yung text ko.

anong english ng santol ? šŸ™‚
it is called saint with an L… wahaha!

kung ikaw magiging phil. pres. natin in 1 day anu gagawin mo?
pag ako naging presidente sa loob ng isang araw, kailangan maging masaya tayong lahat kaya sagot ko na ang inuman! wahaha… tapos ang mga kalsada nyo — ipapasemento ko. tapos bibigyan ko lahat kayo ng trabaho. tapos yung mga basura nyo — itatapon ko. tapos mura ang lahat ng bilihin tulad ng bigas, sibuyas, kamatis, mais, kamote… tapos ipo-promote ko ang world peace at tourism. tapos libre ang text buong araw. tapos sa gabi may libreng concert. tapos sabay-sabay tayong magka-kape sa starbucks. tapos bawal ang maangas. wahaha… “sige, kuha lang ng pulutan…” tapos walang uuwi ng bahay hanggang hindi tayo gumugulong sa kalasingan… tapos sabay-sabay tayong makakatulog. tapos magigising tayong lahat na parang walang nangyari. masasabi mo sa sarili mo na “isang napakagandang panaginip.” tapos, tapos na. isang araw na pala ang lumipas. balik tayo sa realidad. traffic… baha… walang pera… walang makain… maiingay na kapitbahay… may ebak ng aso sa daan… unahan sa fx… masikip na mrt… manok na walang gravy… haaayyy… pupunta na lang ako ng esem…

bakit may mga taong walang magawa sa mundo?
ang ibig sabihin mo ba ay yung literal na walang magawa o yung walang magawang matino? sa tingin ko ang tinutukoy mo ay yung taong walang magawang matino. hindi kasi lahat ng tao ay katulad mo. wag mong i-compare ang sarili mo sa iba dahil siguradong madi-disappoint ka lang. may ganda sa pagkakaiba. ikaw, alam mo ba kung ano ang tingin sa ‘yo ng iba? baka ang tingin din nila sa ‘yo ay taong walang magawa. o pwede ding pakialamero.

bakit kaya nung minsan ng madulas ako, di man lang ako natumba? pero sumakit ang ulo ko
grabe, kahit binasa ko lang ang napakasaklap mong karanasan e sumakit na din ang ulo ko… baka walang laman kaya madaling naaalog… wahaha! na-eexperience ko din kasi yan e. kaya nga hindi ako masyadong nagtatatakbo. ikaw, wag kang masyadong tatalon.

bkit kailangan pang pag-aralan ung algebra.. haha.. like phytagorian theorem.. mgagamit mo ba ito sa everyday life mo?.. pag tatawid ka ba ng kalsada ay magcocompute ka muna bago tumawid?
nagagamit natin ito pero hindi lang natin napapansin. nagagamit natin ito subconsciously pero hindi na natin kailangang magcompute. kung tatawid ka sa isang intersection, alam natin na ang pinaka-maigsing daan from point A to point B ay kung tatawid ka diagonally… pero wag kang papahuli sa pulis o sa MMDA kasi kakasuhan ka nya ng jaywalking… haha! tama ba sagot ko? sandali, hindi nga pala ako magaling sa math!