Bakitganun #40

pano mo malalaman kung ang babae nagpapakipot lang o ayaw ka nya lang talaga
sa pagkaka-alam ko, magkaiba ang signs na ipinapakita ng babaeng nagpapakipot sa babaeng ayaw talaga sayo. makiramdam ka ng mabuti. kung hindi mo mapakiramdaman, tanungin mo na. doon din naman ang uwi nyan.

paano mo malalaman na loyal sayo ang GF mo?
magtiwala ka lang. yan lang ang magandang sagot dyan. 😉

Bakit may mga taong nagsasabi ng Luv is blind? at kalimitan ay girl ang ngsasabi nito.
nakakita ka na ba ng mag-syotang pangit ang lalake at maganda ang babae? yun, di ba love is blind. haha!

basahin mo na lang ‘to para mas maliwanagan ka pa: Ang Puno at Dulo ng Pag-ibig

bakit hindi ka na sumasagot? active pa ba tong site na toh?
active pa. mag-Like sa Facebook Page at i-Follow sa Twitter para sa mga update.

anong ibig sabihin kapag ang ex bf mo ngttxt pa sayo kahit almost 3yrs na kayong wala at may asawa na sya???
baka nagsisisi na sya na hindi ikaw ang nakatuluyan nya. nagpaparamdam sya sayo. at ikaw naman, wag kang magpaka-tanga. wag ka ng makihalo sa buhay nya. sakit lang ng ulo yan.

o baka naman friendly lang talaga.

iba ang FRIENDLY sa MALANDI

abstract or realistic paintings?
pareho kong gusto.

dapat pa bang balikan ang ex na?
kung sa tingin mo ay may reason ka pa para balikan sya, bakit hindi.

may nagsasabi din na: don’t chase, replace.

pwede ba ma-in love sa textmate na ang first meeting ay sa kwarto at rumble kaagad? mabait naman yung guy I met him three months ago and now kilala ko na siya pati pamilya niya. Ala prob sakin yung pagtatalik at first meeting tutal hindi lang naman ako pinanganak kahapon. I just wanna know kung posible ba xa ma-inlove kc sb nya he loves me daw. I’m worried how would he think bout me…
ngayon ka pa nag-worry, isinuko mo na ang bataan. pakiramdaman mo ang sarili mo. ikaw lang ang makakapagsabi kung mahal ka nga nya.

bakit kaylangan humingi ng space sa isang relasyon
kapag nasasakal ka na. at kapag sawa ka na, freedom na ang hihingin mo.

ano ang pinakamagandang drumset company? naghahanap kc po ako eh.
depende yan sa kung anong hanap mo. iba-iba ang taste ng tao. depende rin kung beginner o pro ba. electronic o hindi. basahin mo na lang ito: Best Drumset Brands

panu malalaman ang isang tao ay nagnakaw
siguradong hindi sya aamin kung ikaw ang magtatanong sa kanya. try mong komunsulta sa may manghuhula sa quiapo kung nainiwala ka sa hula. marami na sigurong napagbintangan dahil sa hula.

bakit noon ang ganda kong mgdrawing tapos ngayon ang pangit na? 😀
baka hindi mo pina-practice. practice lang ulit.

bakit na-iinggit ang hipag ng mama ng mama sa mama ko
wag mo ng problemahin kung naiinggit yung mama ng mama sa mama mo. mas malaking problema ay yung ikaw ang naiinggit sa iba.

bakit may mga pilipinong walang trabaho
1. walang job opportunity para sa kanyang kakayahan
2. kulang sa kaalaman
3. TAMAD

Paano po natin maiiwasan Ang Maagang Pag-aasawa?
huwag munang lumandi/mang-landi

bakit po yung crush ko payag maging bestfriend kaklase ko pero pag ako ayaw nya?
hindi pinipilit ang pagiging bestfriend. tulad ng respect, kailangan mo din itong i-earn.

Bakit maanghang ang sile? Bat maalat ang asin?
dahil ito sa isang compound na ang tawag ay capsaicin (according to kuya kim atienza). sinsabi rin na ang capsaicin ay makikita lang sa sili. at kung bakit maalat ang asin, at ang asin ay nanggagalin sa dagat, basahin mo ito: ASIN

paano tatakasan ang tikbalang
gumising ka. nananaginip ka lang.

Paano pag nainlove ka sa taong ni hindi ka nga kilala, at comitted ka pa???
sigurado bang inlove ka nga? baka naman humahanga ka lang. meron yang pagkakaiba. at kung inlove ka nga, may gagawin ka ba tungkol dyan sa nararamdaman mo? ipu-pursue mo ba o hahayaan mo na lang mawala yung nararamdaman mo (kung mawawala nga). at paano naman yung ka-relasyon mo? kung sa tingin mong iba na ang gusto mo, sabihin mo sa kanya. huwag yung susubukan mo kung sasagutin ka muna nung isa saka mo hihiwalayan yung ka-relasyon mo.

baket hindi ramdam ng gf ko ang orgasm?
dahil baka hindi sya nag-orgasm. ayon sa isang pag-aaral, about 70% ng kababaihan ay hindi nag-oorgasm sa kanilang pakikipag-sex.

paano tataba in one week?
problema ko din yan.

nandito aq sa saudi at ayaw maniwala ang asawa ko na wala akong ginawang kalukohan, dahil kahit anong paliwanag ko ayaw nya maniwala eh!
isa sa foundation ng isang relationship ay tiwala. minsan, kapag nawala ang tiwala, nawawala na din ang lahat.

bakit pag lalong tumatagal relasyon lalong lumalamig ? bakit sa una lang sila sweet?
yan ang mga pagsubok na dadaanan ng isang relasyon. at ang dapat mong isipin ay kung paano mo malalagpasan o maiiwasan ang mga ito.

“as all things must surely have to end
and great loves/lovers will one day have to part”

ano ba ang ibig sabihin kapag nagtanong ang crush mo kung kailan ang birthday mo
kung umaasa kang may gusto din sya sayo at bibigyan ka nya ng regalo, nagkakamali ka. ;P

paano mag-lagay ng pangalan ng bahay sa google earth
lahat ng nilalagay sa google earth/maps ay kailangang i-approve ng google at sa tingin ko ay hindi i-aaprove ng google ang paglalagay ng isang private residence. madami ng nagreklamo sa google dahil sa privacy issue. merong mga website na pwede kang maglagay ng kung ano mang gusto mong lugar, pero sa tingin ko ay ito ay naka-overlay lang sa kung sino mang map provider ang kanilang ginagamit.

nalilito na ako sa bf ko, hindi ko alam kong totoong may asawa na xa
itanong mo sa kanya, sa mga kaibigan nya, sa kamag-anak at sa magulang nya.

may tao bang malas sa negosyo?
kung maniniwala ka sa malas. mas paniwalaan mo ang sipag, tiyaga at ambisyon.

lahat ba ng nabuntis na e nakipag sex
si virgin mary daw hindi

bakit kinakamot ang b@y@g?
makati?

ano gagawin kapag gusto mo nang iwan si lalake pero ayaw pa nia? sinasabi nia palagi na wag muna ngayon… pero sa tuwing sinasabi ko na ayaw ko na, paulit ulit lang nangyayari ang lahat na magmamaka awa sya para hindi ko iwan.. need help!! thanks..
maigsi lang. kung ayaw na ng isa, tama na.

Bakit Bahay Kubo?
dahil iyan ang tahanan ng mga unang pinoy na ang hanap buhay ay magsaka.

bakit ang boyfriend ko bilis mag-init ng ulo??
merong mga taong ganyan. hindi makontrol ang sarili. lagi kong iniisip na ang buhay ay isang malaking mind game. pag na-inis ka, talo ka. kino-consider kong mahihina ang mga taong hindi makontrol ang kanilang sarili.

“In general I think that anger is a sign of weakness and tolerance a sign of strength.” – dalai lama

anong pwedeng gawin para maging virgin ulit?
ang virginity/purity ay nasa isip, kalooban at puso. wala sa integrity ng hymen

virgin pa ba ang 1 babae kung ang ginamit nang lalaki ay ang kanyang kamay
sa kasamaang palad, hindi na.

pag tapos mag cum ng lalake (withdrawal) tapos ipinasok nya agad eto sa ano ng babae may chance na mabuntis?
nasabi ko na ‘to pero uulitin ko: para hindi kayo maguluhan, lagi nyo na lang isipin na kapag nakipag-sex kayo, with or without protection, maaari kayong mabuntis, makabuntis, magkasakit o makahawa ng sakit. entiendes?

sino ang mas tamad? ang nag-utos o ang inuutusan?
depende sa sutwasyon. may mga bagay na hindi mo na kayang gawin kaya inuutos mo sa iba. meron namang mga bagay na dapat ay nagawa mo na pero hindi mo pa rin ginagawa kaya kailangan pang i-utos pa sayo.

paano ba ako mapapansin ng crush ko kung ndi nya nman ako kilala..
isang tip lang ang ibibigay ko sayo at ito ang pinaka-mahalaga. magpakilala o magpapansin ka muna.

bakit nakakabingi pagumakyat ka ng bundok sa loob ng sasakyan?
dahil mass less ang air pressure habang tumataas ang altitude at nagre-react ang tenga/katawan mo na ma-equalize nya ang current atmosphere ng location o altitude mo.

anong gamot na prutas sa pimples
basa: The Best Fruit and Vegetables to Prevent Acne

paano dapat tanggapin ng isang anak ang pangaral ng magulang
sabi nila, walang magulang na naghahangad ng masama sa kanilang anak. kung may sinasabi sila sayo na hindi mo nagugustuhan, siguro bunga iyon ng kanilang pagmamahal at ang gusto nila ay ang ikabubuti mo.

may kasabihan din naman na “mahirap magpalaki ng magulang”. minsan may mga sinsabi din naman ang mga magulang na hindi na napapanahon at minsan ay baluktot pa nga. dahil siguro iyon ang nakalakihan nila.

ang maganda mo sigurong gawin ay balansehin ang payo ng iyong magulang at kung ano ang sa tingin mo ay tama.

bakit gusto ng mga gay ang sperm ng lalaki
kanya-kanyang trip ang mga tao.

paraan para madaling mabuntis
tulad ng nasabi ko na dati, meron daw yang timing.

Papaano kung may gusto ka sa babae na may kasintahan ngunit mahal ka rin nung babae ano po gagawin ko?
ano yan lokohan? kung hindi nya mahal yung kasintahan nya, dapat ay hiwalayan nya na ito. at saka ka na lang umeksena.

bakit may mga lalaking nilalabasan na kahit nakikipaghalikan palang?
na-e-excite.

ano gagawin mo kapag may isang babae na nag request na kissan mo sya?
kung “ok” naman sya, bakit hindi.

Paano po ba pumayat ng mabilis???
proper diet and exercise. kung gusto mong i-try yung mga nabibiling gamot, tsaa, lotion, damit, at kung anu-anong mga gadget ay dagdagan ang ingat.

bakit naiilang ang babae sa lalake
natural lang yon pero hindi lahat. siguro epekto na din yun kung anong kultura ang nakalakihan mo.

inlove ako sa txtm8 ko. we are 2 years na. but unfortunately noong anniversarry nmin, nagtapat xea skin. sbi nya d daw xea lalaki kundi TOMBOY xea. noh po gagawin ko? im SOOOOO iNLOVE WiTH HER. ! pro ayoko po sa tomboy. im so confused. pls help me. :'(
kung hindi ka ready sa ganyang relasyon, wag mong pilitin ang sarili mo. baka pareho lang kayong masaktan. mas mabuti lagi na nakikita o nakakasama mo ng personal ang taong balak mong maka-relasyon.

bakit madali labasan asawa ko
may mga bagay na mahirap pigilan.

ano ang sasabihin mu sa crush mu pag inimbitahan ka niyang mag usap kayo
yan ang mga pagkakataong hindi na pinapalagpas. hihindi ka pa ba? go na.

paano mawawala ang pagkabadtrip?
kung magbabasa ka dito sa bakitganun.com, pwedeng mawala ang badtrip mo o kaya ay ma-badtrip ka lalo.

  1. sama ka sa pamilya/kamag-anak/kaibigan mo
  2. makinig ng music
  3. manood ng tv/movie
  4. share mo sa iba kung bakit ka badtrip
  5. isipin mo na maigsi lang ang buhay para ma-badtrip lang ng ma-badtrip

sabi nga sa movie na American History X:

“Life’s too short to be pissed off all the time.”

paano ko maitatago sa magulang ko na may boyfriend na ako?
wag mo ng itago. mabubuko ka lang din naman. mas mabuti na sayo na manggaling. sundin mo din ang mga payo nila.

sino sino ang maaring lapitan ng mga batang maagang nabubuntis
ang una mong dapat lapitan ay ang mga magulang mo.

paano mo matutulungan maka move on ang isang lalaki sa crush nyang babae
e sa tanong mong yan parang sinasabi mo na: “sana ako na lang”

paano mapapasayo ang taong mahal mo? at sweet nga kayo pero nagseselos ka pa rin at tsaka kinukulit niya pa ang friend mo..
mapapasayo sya kung papakitahan mo ng pagmamahal. at kung sinu-swerte ka, susuklian ka din nya ng pagmamahal.

bakit kahit mahal mo na ang isang tao pag niligawan ka na nya kahit gusto mo na di mo msgot, para bang may gumugulo sa isip
1. dahil natatakot kang masaktan
2. dahil may pumipigil
3. dahil may masasaktan
4. dahil alam mo na may iba syang mga “kalokohan”
5. dahil maraming hindi makaka-intindi

ano sa english ang ” pang ilang presidente ng Pilipinas si Manuel L. Quezon?
What is the ordinality of Manuel Quezon as President? sabi yan sa internet

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.