Bakitganun #41

dapat ko pa rin bang itxt ung crush ko na binasted ko pero cnbe ko sa knya na frnd lang kami at ibibigay ko yung pgmamahal ko bilang isang kaibigan, nag paparamdam ako sa kanya nagtitixt pero de n niya ako tinitxt paminsan minsn lang kasi busy daw xa…. pero di ba masama n txt ako ng txt sa knya araw2x den xa minsan lang nag txt. hmmmm minsan ang weird kc para aqng tanga wlng kausap hahaha.
siguro may katangahan ka nga ng konte dahil binasted mo ang crush mo. crush mo tapos babastedin mo? well, siguro hindi ka pa ready at mas madami ka pang pina-prioritize tulad ng pag-aaral. mabuti yan. sa isang banda ay napabilib mo din ako dahil hindi ka nagpadala sa tawag ng iyong damdamin. balik sa tanong mo, bigyan mo muna ng time yung crush mo na namnamin yung sakit, pait at kirot ng pagbasted mo sa kanya. hindi mo sya masisisi kung paminsan-minsan o hindi na sya mag-txt sayo. nasaktan mo ang tao. mag move on na kayo pareho.

paanu kung sabihin sau ng gf mu na “you can break me anytime” anu gagawin mu
sasabihin ko: WOW

pano reglahin after i stop from breast feeding.
basahin mo ito: Breastfeeding And Menstruation

mainit ba sa tiyan ang sperm cell ng lalake
kahit anong nanggaling sa loob ng katawan ng tao ay mainit.

bakit ba ayaw sakin ng crush ko, maganda naman ako? at saka piling ko may feelings din cia sakin ayaw nia lang ipagtapat??
hindi lahat naghahanap ng maganda. yung iba naghahanap ng mayaman. haha. maganda ka nga kung masama naman ang ugali mo. isa pa, wag ka masyadong feelingera. siguro kung crush ka ng crush mo ay niligawan ka na nun dati pa lalo kung alam nya na crush mo sya.

bakit di ako maka move-on 1yr na nkaplipas bakit sxa padin mahal ko ?? 🙁
hindi ka maka move on dahil nga mahal mo pa rin sya. let go na.

Saan makakabili ng Crown Skinless Skin Condoms?
parang longganisa lang ah. hindi ko nakikita yan sa mga tindahan dito sa pinas. try mo na lang online.

pwede bang magpahula sa cards po ninyo
pumunta ka na lang sa gilid ng simbahan ng quiapo. baka andun pa sila.

ano ang magandang mensahe sa nanalo?
isang matamis na congratulations at masigabong palakpakan.

Pwede bang kainin ang tawas?
subukan mong tikman. balitaan mo kami.

meron kang articles tungkol sa pagbasa at pagsulat sa ibat ibang disiplina?
malas mo, wala.

saan makakabili ng materials sa paggwa ng hikaw.. at bracelet? yung mura ah
hanap ka sa divisoria. sigurado meron dun.

mabubuntis ba ang babae pagnaninigarilyo
mas mahirap daw mabuntis o makabuntis ang isang taong naninigarilyo.

bket ang ganda mu?
salamat. 😉

anung mawawala sa babae kapag nakipagsex siya sa bf niya?
virginity ba ang tinutukoy mo? sa isang banda, kapag nakipag-sex ka sa isang tao, ibinibigay mo sa kanya ang sarili mo. ang dignity mo. hindi naman sya nawala kundi ibinigay mo sya sa iba. hindi naman ibig sabihin nito na makipag-sex ka ng makipag-sex dahil gusto mong ibigay ang sarili mo, ang dignidad mo, ang buong pagkatao mo sa taong mahal mo. dapat ay pahalagahan mo rin ang sarili mo. may pagkaka-iba pa rin ang pagmamamahal sa pagiging tanga.

bakit tinutubuan ng tigyawat
dahil sa dumi ng katawan.

bakit ganun gusto mo syang hiwalayan pero ayaw ko, ang gulo?
kasi mahal mo.

ano ang matinding pangkonsensiyang salita sa asawang nagloloko
di mo sya kelangang konsensyahin. dapat ang pagsisisi ay sa kanya mag-umpisa.

sikat na linya tungkol sa maagang pagbubuntis?
dami-daming exam na pwedeng pumasa, sa pregnancy test pa.

pag ba pinuntahan ka ng isang lalaki mahal ka niya?
pinuntahan ka lang mahal na agad. di ba pwedeng naniningil lang ng utang.

paano mo malalaman na loyal sayo ang GF mo?
kapag ex-girlfriend mo na sya dahil wife mo na sya ngayon.

paano makakaapekto ang age difference in relationships sa ibang tao?
maaaring magkaiba ang maging pananaw nila sa buhay. maaari namang mag-adjust yung isa o gabayan yung isa para mas magkasundo sila.

bat ganun kung ang babae mag holding hand sa kapwa babae ay ayus lang pero pag ang lalaki ay nag holding hand sa kapwa lalake ehhh nakaka bastus???? bakit ganun?
depende sa kultura. may mga kulturang natural lang na nagho-holding hands ang mga kalalakihan.

bakit ang pera may tao, at ang tao walang pera?
masakit na katotohanan.

anu ang iisipin ng lalaki kung sinagot mo sya tru phone with in 2 days?
siguro ay iisipin ng ibang lalaki na ikaw ay easy to get. yung iba naman, wala silang paki-alam. ang mahalaga sa kanila ay sinagot mo sya.

ano po bang pwedeng gawin sa taong mayayabang?? ung tipong minamaliit na ung iba..
kaltukan mo. o kaya, hiritan mo ng wala yan sa lolo ko…

hello po. ask ko lang po, bakit hindi ako nilalabasan kapag nagsesex kami ng bf ko? bakit ganun? posible po ba ako mabuntis kahit ndi ako nilalabasan?
malaking percentage ng kababaihan ay hindi nakakaranas ng orgasm sa kanilang pakikipag-talik. maaari ka pa ring mabuntis.

pwede bang mabuntis ang isang babae kapag nakadamit sila during sex
basta pumasok. lol

pag nakipagbreak ba sayo bf mo at naging sila ulit ng ex nya may possibilty pa na maging kayo ulit?
sila nga nagkabalikan bakit hindi pwe-pwedeng kayo? pero mas ok kung humanap ka na lang ng iba. ano yan, commercial ng alak?! tini-testing nya kung anong mas masarap, brand A ba o Brand B?

maaari mo bang bigyan ako ng isang halimbawa ng gayuma?
isulat mo daw sa papel ang pangalan ng crush mo tapos ilagay mo sa ilalim ng unan mo pag natutulog ka. wala pang statistics sa gayumang ito.

ano ang meron sa dota na naadik ang mga kabataan
nalilibang sila. nagkakaroon sila ng sariling mundo kung saan sila ay malakas, matalino at superior sa iba.

what is the right time to take a medicine memo plus
hindi ko pa nasubukan ang memo plus. sabi ng mga kakilala kong nakasubok na, hindi rin nila alam kung may epekto ba o wala ang pag-take nila ng memo plus.

rape na bang masasabi kung bigla kong KINULANGUTAN ang crush ko?
kung against sa kanyang will. lol

pano mang asar ng mataba
wag mo na syang asarin. isipin mo na lang pag nagkaroon ng tag-gutom, buto’t balat ka na, sya payat pa lang.

pwd ba manligaw kahit may syota na sya
kung naghahanap ka ng gulo at sakit ng ulo, ituloy mo lang.

mga bgay na dadalhin pra swertehin sa negosyo
sipag, tyaga at ambisyon.

lagi akong inaasar netong kaklase ko na matahimik din naman.. lagi nya pa akong inaasar na bubuntisin nya daw ako.. ano ibig sabihin nun?
na-e-L lang sya sayo.

kapag nag pa laglag ba yung babae na buntis maari din mamatay yung nag bubuntis?
OO

bakit ba mas pinipili ng lalaki ang dota kesa sa mga gf nla e wala naman kaming pagkukulang ah lahat na ata ginawa namin para sa kanila
kung sa tingin mo ay mas mahal pa ng bf mo ang pagdodota kesa sayo e humanap ka na lang ng iba na mas bibigyan ka ng pagpapahalaga at atensyon. syotain nila ang dota nila.

bakit ang ganda ko?
ilusyonada. 🙂

nakaka dry ba ng skin ang palaging mag sex?
Sex makes you look better. Sex releases hormones in you which make your skin and hair softer and shinier and tone your physique.

Mahal ba ako ni michelle garcia
ayon sa aking ginawang toss coin, hindi. pasensya na.

bakit why??
dahil because.

bakit tayo nilalabasan ng bulate sa puwet
dahil may mga duming nakapasok sa ating katawan.

ako ay nasa italia at yung babaeng mahal ko nasa pilipinas papaano ko mapapanatili na masaya siya sa akin?
communication.

Bakit dinadamitan ang kabayo
para makilala sila, palatandaan, sa karera, sa digmaan at iba pa.

pakikialam ng magulang sa relasyon ng anak at hindi ako sang-ayon… bakit po kaya?
hindi ka man sang-ayon, wala kang magagawa. magulang mo yun. hangad ng magulang ang ikabubuti ng anak. wag ipag-walang bahala ang payo nila. at lalong wag ipag-walang bahala ang magulang.

pag ba nasa ibabaw ka ng lalake at nakikipagsex pwede ka pa rin ba mabuntis kahit iputok pa?
kahit sa ibabaw, sa ilalim o sa gilid ka pa, pwede ka mabuntis.

paano ba ko makasiguro na hindi ngchi’cheat sakin bf ko at ako lang mahal nya?
masakit mang madinig pero wala kang kasiguruhan. kahit sumumpa pa syang tamaan sya ng kidlat o itaga man sa bato, hindi ka pa rin nakakasiguro.

kasingkahulugan ng sugal
sapalaran. (ex. wag mong isugal/ipag-sapalaran ang buhay mo)

bakit pag natutulog ako nilalabasan ako?
may tinatawag silang wet dreams.

ano bang dapat gawin pag cool off kayo ng girlfriend mu
dapat cool ka lang din muna. wag mo muna syang masyadong guluhin. kadalasang dinadahilan sa paghingi ng cool off ay ang paghingi ng space dahil sya ay nasasakal na

8 thoughts on “Bakitganun #41

  1. bakit HND ako nilalabasan tuwing nag sesex kami ng asawa ko? kahit na ilang beses na sya rin ang nakauna sakin may anak na din kami ngaun pero bakit HND padin ako nilalabasan?

  2. bakit po hnd agad binreak ng bf ko young ex nya nung maging kami? kahit na mahal na mahal nya ako saka nya lang break nung medyo tumagal na kami

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.