Bakitganun #42

may crush ako pero hindi nia ko crush bakit ganon?…
BASAHIN: Bakit ‘Di Ka Crush ng Crush Mo

1) bakit wala pang boyfriend si j_gt_y? 2) at bakit minsan na nga lang sya magte-take risk, dun pa sa pa-fall sya na-fall?
1) alin sa mga sumusunod:

  • A. masungit ka
  • B. hindi ka nag-aayos ng buhok
  • C. takot kang masaktan
  • D. masyadong mataas ang standards mo
  • E. malakas ka sa rice

2) masama man ang naging experience mo ngayon, hindi pa rin dapat matakot mag-take risk. wag i-HIDE ang nararamdaman sa mga taong gustong maging part ng buhay mo. 🙂

1) KILALA MO BA KUNG SINO AKO? 2) ANO YUNG POTAMOPHOBIA???
1) ikaw ba si inday badiday?
2) sabi sa dictionary, potamophobia is the fear of rivers, flowing water. siguro takot ka sa mga taong namamangka sa dalawang ilog. hihi.

1) kumusta ang multiply mo? 2) may alam ka na bang downloading tool para mapabilis ang pagretrieve sa mga MP3 files ko doon?
1) buhay pa naman ang multiply ko. swerte ng mabuksan ko sya isang beses sa isang buwan.
2) wala akong makitang maayos na downloading tool para sa multiply.

Anong magandang ipost sa fb para sa 1st anniv. Namin ng bf ko. .ung sweet.
wag mo ng daanin sa fb ang pag-celebrate nyo ng 1st anniversary. madami lang maaasar sa inyo na mga single friends mo. hihi.

obligasyon ba ng mag partner ang mag post ng araw araw sa wall mo.
tulad ng pagsusuot ng couple shirts, hindi mo obligasyon ito.

Hello ano po number mo? Joebarracuda may tanong ako sau seriously.
hindi ako si jobarracuda. si jobarracuda ang may-ari ng picture ni manang, ang orig at nag-iisang poster girl ng site na ito.

gusto mu ba mag sex tayo?
kung estudyante ka, pagbutihin mo ang pag-aaral mo. kung nagtratrabaho ka, galingan mo sa ginagawa mo. gaganda ang future mo.

after 6 mos, sa wakas nakita ko na ang sagot sa tanong ko ukol sa tindera ng balot. at mali ang sagot mo. haha
salamat at nakahintay ka sa sagot ko. tulad ng nasa disclaimer, hindi nangangahulugan na ang mga sagot sa tanong dito ay tama. yung iba, kalokohan lang. haha.

parang orange and lemons ang dating ng mga soundtrack dito ang pogi 🙂
parang yung mga tumatangkilik ng site na ‘to, mga pogi’t magaganda! 😉

Tanong lang po, panu pag nhawakan na ng guy ung ari ng gf nya, pero hindi nman naipasuk sa butas. Virgin pa po ba un?
PANOORIN MO ITO: Ask Margie

anO gagawin ko para di na mahIya bf ko sa akn
sa tingin ko ay kelangan nyo pang magsama ng matagal.

tama ba mkipagrelasyon sa kapwa mo bakla?
walang pinipili ang pag-ibig. kapag tinamaan ka ng pana ni kupido, yari ka.
ANG PUNO’T DULO NG PAG-IBIG

bakit kung sino pa ung panget sya pa ung MANLOLOKO!!?
kaya mo siguro nasabing panget kasi niloko ka nya. hehe. wala pa namang statistics sa dami ng panget versus sa dami ng gwapo/maganda tungkol sa panloloko.

totoo ba na ang isang nilalang na hindi nakikita ay posibleng magkagusto sa tao?
wala akong barkadang nilalang na hindi nakikita kaya wala akong mapapagtanungan.

pwd patulong gumuwa ng thesis??
tuwang-tuwa ako nung naka-graduate ako sa pag-aaral. ngayon papatulungin mo kong gumawa ng thesis? mas masarap daw ang tagumpay kapag pinaghihirapan.

paano magkaka-gusto ang isang lalake
may kanta si donna cruz: kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito.

advantage ng pagpapa sex change
kapag maganda ang suot mong damit o gusto mo ang ayos ng iyong buhok ay mas confident ka, siguro ganun din ang epekto nun sa mga nagpapa-sex change. may balak ka ba?

bakit maraming kabataan ang nahihilig na manood sa mga porn sites?
una, curious lang. sunod, adik na.

pag pinutok ba ng lalaki ang sperm sa loob at hindi pa nilalabasan ang babae mabubuntis ba ito?
oo. lagot ka!

paano magtimpla ng masarap na kape?
ayon sa aking kakilala, mas masarap daw ang kape kung nilalagyan ng konting asin. dagdagin mo na din ng konting pawis ng pagmamahal.

ilan ang bilang ng mga pilipinong marunong bumasa’t sumulat mula gulang 10 pataas
hindi masama ang mag-google. eto para sayo: LITERACY RATE

paano sasagutin ang manliligaw?
oo. yes. mahal din kita.

bakit ang mga taong di marunong, sila pa ang nakikitang magaling ng mga boss
most of the time ay hindi totoo yang sinasabi mo. baka nakatsamba lang yun. para saan pa at nag-aaral tayo.

nakakatulong ba ang musika sa pag-aaral?
oo at hindi. nasa klase ng tao din yan kung paano nya i-treat yung musika para makatulong sa pag-aaral nya. kung yung pinapakinggan mong musika ay puro tungkol sa paglalaslas ng pulso, baka isang araw na may bumagsak ka lang na subject e naghahahanap ka na ng blade. yung mga sinasabi nung kanta, alam mo dapat kung alin ang dapat at di-dapat seryosohin.

makakapasa kaya ako kung matataas exam ko pero marami akong absent
kung sa elementary or high school ka, may pag-asa kang makapasa. iba na sa college. meron silang limit kung ilang beses ka lang makakapag-absent at male-late para ka makapasa. meron din namang ilang mababait na mga professor na kahit puro bagsak ang mga exams mo ay ipapasa ka basta kompleto ang attendance mo. bawasan mo na lang ang paglalakwatsa mo. mahirap ang naghahabol sa prof o teacher. at ang pinaka-importante, maawa ka sa magulang mo. nagpapakahirap silang mapalaki, mapakain, mapag-aral ka para magkaroon ka ng magandang future.

koneksyon ng musika sa pag-aaral
tulad ng nasabi ko dati, according sa isang study, may certain type of music daw na mas nakakatulong mag-improve sa ating pag-aaral at ito ay ang classical music.

bakit bawal ang pagkain ng pakwan sa may hika?
mali. READ

paano makipag phone sex
syempre ang una ay dapat alam mo ang number na ida-dial mo. tapos bigyan mo ng pambungad na hhhellhhow. dapat yung pabulong at puro hangin. parang yung boses ni inday garutay. tapos itanong mo kung ano ginagawa nya. sabihin mo na din na ikaw ay nakahiga ngayon sa malambot at malaki mong kama. i-describe mo sa kanya kung ano ang suot mo at itanong mo na din kung ano ang suot nya. ikaw na ang bahala sa mga susunod.

pano ko malalaman kung mahal talaga ako ng bf ko at hindi siya ngloloko? lage niya kc sinasabe sken na hayaan dw namin na panahon yong mgaayos samen?
kapag after 50 years ay kayo pa rin, walang duda mahal ka nun. sapat na ba ang ganyang kahabang panahon?

ano ang kaibahan ng cool off sa break? pwede pba ako tumawag sa kanya kahit cool off kami
kahit break na kayo, pwede ka pa ring tumawag sa kanya. walang pumipigil sayo.

kadalasang ang mga humihingi ng cool-off ay yung mga gustong magkaroon muna ng space sa kanilang dalawa. yung break e yung hiwalay na talaga. para sakin, wala na dapat yung cool-off. break kung break. dahilan lang ang cool-off para makapaglandi ka sa iba. at kung hindi mag-work yung pakikipaglandian mo, balik ka sa kacool-off mo.

bakit may itlog ang manok
kung walang itlog ang manok, wala na ding manok.

saan ba nakikita sa dugo ba o sa ihi ng tao pag gumagamit ka ng shabu
sa ugali. maitago mo man sa ihi o sa dugo ang trace ng drugs, hindi mo ito maitatago sa iyong pag-uugali. tigilan mo na yan.

damdamin ng nagsasagot ng slambook
hindi ako mahilig sumagot ng slambook. kung sumagot man ako, hindi ko siniseryoso.

anong sakit ang nakukuha ng babae pag ang ari ng lalaki ay may nilagay na bulitas?
ang paglagay ng anumang uri ng foreign object sa katawan ng tao ay maaaring maging sanhi ng infection. kaya maaaring ma-infection sya, at ikaw na rin.

Totoo ba ang gayuma
hindi ako naniniwala dyan kung ako ang tatanungin. baka kung totoo yan, lahat siguro ng tao ngayon ay nagmamahalan.

bakit may mga taong laging nakikialam sayo?
pakialamero agad? baka concern lang.

mga mabuting idinudulot ng pagkuha ng kursong engineering
madaming mga bagay sa paligid mo na gawa sa tulong ng engineering. mula sa gamot hanggang sa tulay. mula sa bisikleta hanggang sa eroplano.

bakit laging panalo si boy pick up.. kahit la naman silbe mga pick up line nya
tulad sa pelikula, merong mga tinatawag na bida at kontrabida.

masama ba sa buntis ang madulas
kahit sa hindi buntis.

ano gagawin ko, pumatol bf ko sa gay
wag kang malungkot kung mas mayaman sayo yung sinamahan nyang bading. isa pa, baka bading din ang bf mo. pabayaan mo na sya sa gusto nyang buhay. humanap ka ng lalaki na babae ang hanap.

bakit tinitext pa rin ako ng bumasted sa akin
para iparamdam sayo ang sakit na dulot ng pagkaka-friendzone. malamang ay tinatawanan ka nya ngayon.

bakit nahihilig ang mga babaeng may asawa sa fone SEX?
baka hindi nabibigay ng asawa nya ang hinahanap nya. saan mo naman nakuha ang impormasyon na yan?

bakit masarap pakinggan ang tsismis?
dahil balot ito ng intriga.

pano kung niloloko kana pala ng bf mo di mu pa alam?
ang problema mo ngayon ay kung paano mo malalaman na niloloko ka nga ng bf mo. kapag napatunayan mo na niloloko ka nga nya, madali na lang ang mga sumusunod na steps. yan ay kung hindi ka tanga.

pano matanggal ang blackheads
tirisin mo. tiis ganda.

may sakit ba na nakukuha kapag nkipag sex ang tomboy s kapwa babae na mayroon menstration?
lalaki, babae, tomboy, o bakla ay maaaring mahawa o makahawa ng sakit kung hindi gagawin ng responsable.

gumamela
nung bata ako ay pumipitas ako ng bulaklak at dahon nyan, dinidikdik at ginagawang palobo. organic plastic balloon.

Mali bang makipagrelasyon sa taong kasal pero wala na sila?
legally speaking, mali (yata). pero maraming mag-asawa na pagkatapos maghiwalay ay wala na silang paki-alaman sa kung anumang mga ginagawa ng mga dati nilang asawa lalo na kung mutual ang kanilang desisyon na maghiwalay.

test lang halow…:]
is it me you’re looking for? gumagana diba?

anu bang dapat gawin kapag binasted ka ng isang girl..
move on. humanap ka ng iba. pagbutihin ang pag-aaral at sipagan sa pagta-trabaho para hindi maging taong grasa.

Pano magi2ng makinis ang mukha sa natural na paraan? Pimples and acne worst tlga.
ugaliing mapanatiling malinis ang mukha. iwasang kumain ng mamantikang pagkain. kumain ng mga sariwang prutas at gulay. uminom ng madaming tubig. kung hindi makuha sa sinabi ko, pwede kang tumawag dito: 819-BELO

bakit marami ang naadik sa laro sa computer
ang mga bagay na nakakalibang ay nakaka-adik din.

makipag sex sa matandang babae edad 73
ilang taon ka na ba? kung kakayanin ng sikmura mo. maawa ka sa lola.

panu magmahal ang pangit?
tumingin ka sa salamin. joke lang, hihi. baka mas masarap magmahal ang pangit. takot kasi siguro silang ipagpalit ng jowa nila sa pang-model ang itsura. (cue andrew e’s humanap ka ng panget)

ano bang dapat sabihin kapag nagtampo ang bf mo?
gusto nya lang na landiin mo sya. huwag basta-bastang kakagat.

paglaganap ng pick up lines sa internet
lahat ng uso ay malalaos din. pwede kang sumakay o pwede kang humanap ng sarili mong ipapa-uso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.