Bakitganun #43

tama po ba na bastusin ng asawa ko magulang ko?
ang pambabastos, in general, ay hindi magandang kaugalian, period!

kapag ba ang mahal mo may mahal ng iba… masama bang patuloy nah mahalin siya?
kung handa kang magpaka-tanga, sige lang, mahalin mo sya. wag kang aasa na susuklian nya yun ng pagmamahal.

may sakit ako pero im keeping it for myself
mas makabubuti kung sabihin mo ang nararamdaman mo sa iba. baka makatulong sila sayo.

Ayun me tanong ako! Bakit Hanggang ngaun bayani p din si Apolinario Mabini at Emilio Aguinaldo na nagpapatay ke Andres Bonifacio e sila ang mga kauna-unahang corrupt politicians na, dahil natakot sa military powers and influence ni Bonifacio, at dahil natakot sila at hindi sila magiging bida pag nagkaron ng new filipino government dahil baka manalong presidente si bonifacio, e pinapatay nila ito para ma-absorb nila ang military forces niya without much trouble? Bakit ganun? ^_^
May mga taong hindi itinuturing ang dalawa na bayani lalo na si aguinaldo

Bakit may BF na ‘ pAgdAting za iba mArAmI syAng cnasav yUng bAng mArami syang topic nA mAaarIng pAg kWen2han ‘ pero pag dating sa GF pArang nAgbAgo’ ang konte nya mAgkwen2 nI za tExt antipid magreply ‘ bAt gAnon?
baka naman nagsawa na sya sayo. tanungin mo sya kung nagsawa na sya sayo. wag kang maniwala kung sabihin nyang hindi pa.

obligasyon ba ng anak ang magulang after makapagtapos? dapat bang isumbat ng magulang ang mga naitulong nila sa anak nila?
bilang isang mabuting anak na may utang na loob, mas mabuting tumulong ka sa magulang mo o sa pamilya mo lalo na alam mo na makapagbibigay ito ng ginhawa sa magulang at pamilya mo. kahit di ka pa nila obligahin na gawin ito, mas mabuti na gawin ito ng kusang loob. meron namang mga pagkakataon, lalo na sa mga nakararangyang pamilya na hindi na nila tinatanggap ang binibigay na tulong ng kanilang anak dahil hindi na naman nila kailangan ito. meron akong kilala na iniipon ng magulang ang ibinibigay na pera ng anak na nasa abroad. ang ginawa ng magulang sa pera ay ipinambili ng bahay para sa kanyang anak kaya nagulat ang anak nya na meron na syang sariling bahay nung umuwi sya. masarap ang pakiramdam ng nagbibigay lalo na kung para sa magulang mo ito.

sa tingin mo magugustohan din ba ako ni crush?
alamin kung bakit hindi ka crush ng crush mo.

Ayos lang po ba na kunin yung number ni Crush kahit babae ka? I mean magtataka na ba agad siya na crush ko sya? HOLO! Salamat sa sagot.
ok lang yun. kung gusto may paraan. umisip ka na lang ng style kung paano mo makukuha ang number nya ng hindi nya masyadong mahahalata na type mo sya. kung ka facebook mo sya, mag status ka na nawala ang sim card mo at i-pm na lang nila sayo yung mga number nila. malay mo kumagat. walang imposible sa babaeng malandi maparaan.

i think im falling in love with my crush… gusto kong pigilan ang nararamdaman ko, prang wala din nman kasing chance pra magustuhan nya rin ako,.
wag mong pigilang ang nararamdaman mo. hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. malay mo gusto ka rin pala nya. 🙂

bkt lahat ng taong nakakatabi ko inuubo, kinakati, sinisipon, dumadahing at naiinitan sila pag katabi ako.. bkt gnun?? my sumpa ba ako? ito ang sumira sa buhay ko, 2 years ko na napapasin ganito ako.. kaya lagi ako nag sosolo. ayw ko sa mga tao.. dahil alergic lahat sila saakin., ewan ko kung bkt.. naiinis na ako sa sarili ko… d ko na alm gagawin ko
dapat sigurong baguhin mo ang pagtingin mo sa sarili mo. ang pinakamaganda mong gawin ay komunsulta sa isang psychologist. iyan ang makabubuti sayo.

dapat bang isantabi ang mga taong nagmamahal sayo para makapag-aral at mabigyan ka lang ng magandang buhay?
dapat mong pahalagahan ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sayo. ang hirap minsan ay mas importante pa sayo ang barkada kesa sa mga taong TUNAY na nagmamalasakit sayo.

ahmm tanung lang, sweet sya sa akin tapos lagi syang ngumingiti pag tinititigan ko sya… kya lang nung niligawan ko sya, ayaw nya. anu po ba meaning nito??? hanggng ngaun ganun pa din treat namin sa isat-isa pero bhira lang kami magkausap…??
na-friendzone ka tsong! simple lang, ibig sabihin nya, gusto ka lang nya as friend. hindi porket sweet sya sayo ay gusto ka na nyang maging bf.

bakit po may sperm ng guy na mapait ano ang dahilan nito?
painumin mo sya ng madaming pineapple juice at ng iba pang matatamis na inumin.

crush ko yung kapitbhay nmin..kaso pareho kmi busy lagi..gusto ko xa maging fren kaso dapat di obvious type ko xa..panu b un?
meron din akong crush na kapitbahay. naalala ko tuloy sya. hihi. sya yata ang pinakamaganda sa subdivision. parang ROSE na namumukadkad. tungkol sa kapitbahay mo, abangan mo yung paglabas nya ng bahay. tapos i-greet mo sya. sabayan mo na syang maglakad. ok lang kung mahalata nya na crush mo sya, dun din naman ang punta nun. minsan mas ok pa nga na nalaman nya na crush mo sya.

pa-fall ka din ba?
di ko naman siguro kasalanan kung madaming nafa-fall sakin. nanahimik lang naman ako dito. ganito lang talaga ako. sumpa yata ‘to. LOL

bakit nilalanggam ang keyboard ko? yung matinong sagot ha –j_gt_y
meron kang kinakain kanina nung nakaharap ka sa computer. mag-ingat sa pagkain sa harap ng computer, nakatataba.

bak8 kapag lumalaki ka pumapanget ka
hindi lahat. merong mga taong “bume-benjamin button”. yung bumabata/gumaganda/gumagwapo habang tumatanda.

mabisa ba yung buko juice at gatas para mag negative sa drug testing?
mas mabisa kung di ka na magda-drugs

I’m in college, meron akong boy na classmate nung first sem na talagang naguguluhan ako kung may crush sakin, madalas kong maisip na hindi niya ko type, pero sobrang daming positive signs na kong nakita at nafeel sa kanya. actually hindi talaga kami madalas mag usap, pagkailangan lang, at hindi rin naman niya ko pinapansin na wala rin siyang nakikita, bakit ganun? actually hindi rin naman ako interested kung may gusto siya sakin o wala, pero super curious lang ako kung ano ba talaga ang gusto niya sa akin, kasi hi di naman siya ganon sa ibang girls sakin lang! tuloy, hindi ko makausap na kagaya sa ibang noys kasi nga naiilang ako sa kanya, pero actually, crush ko siya, hindi ko lang siya type maging boyfriend. pls. help me!!!
hindi ka interested pero curious ka, malabo ka. iniisip mo na hindi ka nya type pero naguguluhan ka kung may crush sya sayo. minsan pag iniisip mo na may crush sayo ang isang tao, lahat ng ginagawa nya ay nabibigyan mo ng kahulugan. ang tawag dun ay feelingera. kung crush ka nga nya at crush mo din sya pero di mo sya type maging boyfriend at sinabi mo din na hindi ka naman intersted, wag mo na lang syang pag-aksayahan ng panahon. baka umasa lang sya sayo.

bakit ba nag ka crush ako sa isang tao samantalang may gf na sya?
madaming tao ang nagiging tanga dahil sa pag-ibig. ANG PUNO’T DULO NG PAG-IBIG

tips kung paano maibabalik ang dating init ng pagmamahalan
gawin mo ang mga bagay na ginagawa mo dati nung sweet pa kayo sa isa’t-isa at iwasan mo ang mga bagay na ginagawa mo na nagpalamig sa inyong pagmamahalan.

posible ba na malaglag ang baby sa sinapupunan (dahil sa pagkadulas) kahit isang linggo pa lang?
posible.

mga epekto kung bakit ang mga tao ay natatakot
ayaw nilang masaktan. ayaw nilang mapahiya. ayaw nilang mabigo.

paano malalman kung inlove sa iyo ang bestfriend mo
kapag niligawan ka nya.

Im anna at nkipagrelasyon po aq sa isang lesbian.. Pero my boyfrnd na po sya.. Sa ngayon tinatago po nmin ito sa lahat… Anu pong gagawin ko? Parang gusto ko na itigil na nmin ung relasyon nmin, pero love na po nmin ang isat isa.. Sana po mapayuhan po ninyo aq..salamat.
may boyfriend na pala sya tapos nakipag-relasyon ka pa. paano mong masasabi na love ka nga nya kung may karelasyon syang iba. wag mong gawing komplikado ang buhay mo.

paanu ba makaka move on pero hnd pa aq sure if kmi pa sabi lng niya wait ko cia hayaan ko muna cia ma aliw aliw
wag kang magpakatanga. sabihin mo sa kanya: aliwin mo ang lola mong panot! ano yun, makikipaglandian muna sya sa iba? let go. move on.

mahirap ba mamatay ang taong may anting-anting
namamatay din si ramon revilla sa mga palabas nyang tungkol sa anting-anting.

hari ng tondo
kay fpj ang tondo at kay ramon revilla ang cavite. kay rey malonzo ang coloocan.

bakit ganun ang simbolo ng gender ng mga babae at lalaki
ginagamit na ang mga symbols na ‘to mula pa noong panahon ng Renaissance na sumisimbolo sa planetang mars (male) at venus (female). ang female symbol daw ay ang mirror ni venus at ang male symbol daw ay ang shield and spear of mars.

paano nakakaapekto ang jejemon
nakaka-apekto lang sya kung magpapa-apekto ka. bayaan mo sila sa gusto nila. hindi lahat ng bagay ay aayon sa kagustuhan mo.

barkada, isang salik na nakakaimpluwensya sa isang kabataan upang magkaroon ng bisyo?
tama. isa sa pinakamalaking salik. piliin mo ang mga kaibigan mo. o kung may kaibigan ka na nalululong sa masamang gawain o bisyo ay ikaw ang tumulong sa kanila para makapagbago.

paano malalaman kung ang gf mo ay nakikipagtalik sa iba? anu ang emosyonal at pisikal na senyales
mas mabuti pang makipaghiwalay ka na lang sa girlfriend mo kung wala kang tiwala sa kanya. tamang hinala ka.

paano magmahal ang tomboy
tulad din ng mga straight.

ano ang dapat gawin kung ang asawa mong lalaki ay lulong na sa droga
seek professional help.

sa pangatlong pagtatalik ng isang mag partner, mabubuntis ba ang babae
kahit sa unang beses pa lang.

mga sign na may lalake ang asawa mong babae
alin sa mga sumusunod:

  • hindi na sya umuuwi sayo
  • amoy pabango ng lalake
  • walang gana

ang mga sagot na yan ay walang kasiguraduhan.

paano kung nakipagtanan ka sa isang lalaki at nalagyan ng cells ng lalaki. pagkatapos ng isang linggo nakipagtanan uli sa ibang lalaki at naglagyan nya rin ng cells sa vagina ng babae? cnu naman ang puweding mabuo sa dalawa
may kalandian din naman ang babaeng yan e ‘no? sa loob ng isang linggo e dalawang beses nakipagtanan at nakipag-sex. isa lang ang pwedeng mabuo.

buhayin mo si whitney
bawasan mo ang panonood ng mga zombie movies.

bat ang mga baog, mahilig mag sex?
kahit hindi baog.

bakit malaki ang cheekbone ni june?
may lahi syang italiano.

anu ba ang gagawin ko para mawala ang sama ng loob ko sa kuya at ina ko?
isipin mo na lang na iisang dugo ang dumadaloy sa inyong mga ugat. kahit baligtarin mo pa ang mundo ay kapatid at nanay mo pa rin sila.

bakit sa break ups madalas bitter ang ex lovers
sa showbiz lang nangyayari yung mga nagbi-break na nagpupurihan. pero kesa nagpapaka-bitter ka sa mga post mo sa facebook at twitter, mas mabuting manahimik na lang.

bakit ang utot minsan ay may kasamang tae?
minsan, may mga bagay na mahirap tantyahin.

Paano mo maalis sa utak mo na hindi ikaw ang nakauna sa babaeng mahal mo ? Sakit.
babaan mo pride mo. nabubugok ka na.

saan at kailan ba “advisable” na gamitin ang cellphone?
kung kailangan lang. wag gamitin ang iyong mamahaling cellphone para lang magpasikat at magpa-cute.

paano malalaman kung gusto ka ng babae

  • text ng text
  • tawag ng tawag
  • pacute ng pacute
  • like ng like sa mga facebook status at tweets mong walang kwenta

dapat ko bang tangapin kung aminin sakin ng asawa ko na bisexial cia?
wala ka ng iba pang magagawa kundi ang tanggapin. pagkatapos mong tanggapin, nasa sayo na ang desisyon kung ano ang gusto nyong mangyari sa relasyon nyo.

bakit po ang ilong ko ay laging may kulangot bakit po sa iba hindi naman baka po sakit na ito
uminom ka ng vitamin c para hindi ka siponin

sa tingin mo naka impluwensiya ba ng hindi tama sa pag sagot si vice ganda?
nasa taong nakikinig yan kung magpapa-impluwensya sya.

bkit ang ganda ko?
wag kang maniwala sa nanay mo.

ano ang tagalog ng carrots?
may nagsasabing karot at may nagsasabing kerot.

tama bang ipasa ang rh bill sa pilipinas
sang ayon ako sa rh bill. kung bakit, napakahaba ng sagot.

pano ko malalaman kung sex lang po ang habol sakin ng bf ko?

  • nakipag-break sya pagkatapos nyong mag-sex
  • binibigyan ka nya ng tip pagkatapos nyong mag-sex
  • nakikipagkita lang sya sayo para makipag-sex
  • yung iba magaling magpanggap kaya hindi mo malalaman

Paano mo malalaman na gumagamit ng droga ang isang tao?
adik ka ba?

bakit muntik nang mamatay si aling dionisia?
ang balita ko ay nakulam daw

Ano lalabas sa lotto?
tingnan mo sa dyaryo bukas.

paano kung may tinatong ka sa manliligaw mo tungkol sa past niya at iniwasan niya itong sagutin, ano kaya ibig sabihin nun?

  • baka may itinatago
  • baka ayaw nya ng maalala pa
  • may mga bagay na hindi na dapat pinag-uusapan
  • ayaw nya lang talaga, pakialamera ka

maganda ka ba talaga
kilala mo ba si anne curtis? wala, naitanong ko lang.

dapat bang sisihin ang magulang o mga kabataan mismo kung bakit sila mapupunta sa masamang barkada o masamang bisyo
hindi dapat lahat isisi sa magulang. minsan kahit parang sirang plaka na ang iyong mga magulang sa pagpapangaral sayo ay hindi mo naman binibigyan ng pansin. puro sarili mong kaligayahan ang iniisip mo. mas nakikinig at binibigyang halaga mo pa ang mga barkada mo kesa sa mga magulang mo na nag-alaga at nagpaaral sayo. saan ka makakakita ng taong handang gawin ang lahat ng bagay para sayo ng walang bayad. luto, laba, plantsa. may libreng bahay, damit, sasakyan. ang gagawin mo na lang ay maging mabuting anak, hindi para sa kanila kundi para sa sarili mo.

merong mga magulang na nagkaroon ng pagkukulang sa kanilang mga anak o sila mismo ay naging masamang halimbawa sa kanilang anak. pero naniniwala ako na iilan lamang ito.

anu ang ibig sabihin ng guy pag sinabi nyang pwede ba ako mag-apply as your apprentice ninja?
ang ilan sa mga katangian ng ninja ay ang mabilis, swabe, patalun-talon, palipat-lipat at biglang nawawala. sa madaling salita: malandi. ang ibig nyang sabihin ay gusto nyang makipaglandian sayo o gusto nyang sumama sa paglalandi mo.

6 thoughts on “Bakitganun #43

  1. Mahal ka ba ng asawa mo Kung konting bagay eh nagagalit sya sau.. Tanungin mo Kung kumain na ba sya o gusto kumain galit… Ano po ba dapat ko gawin

  2. Bakit ganun dti may stalker aq n super kulit n manliligaw na khit ngka bf nq at lahat lahat anjan pa rin tpos nung hnayaan q n lumabas labas kme eh friend lang tingin q tpos ngaun may gf na agad waw ha….pero nakakamiss pala kabaitan niya namisunderstood q lan..nkakabwisit nga eh naiisip q xa ng madalas grrr i hate it… i think i like him but its too late…may mababago ba qng sasabihin q? Qng sabagay mga 4yrs din xa nangulit…

  3. Ask ko lang po.. may pamahiin po ba tungkol sa panaginip. Kc ilang beses nako nananaginip na magkasama kami ng bf ko. Pero bigla bigla nalang syang nawawala sa panaginip ko-.. nawiwirduhan na kc ako bt pag mananagnip ako na kasama sya laging ganun ang ending..

  4. help Break na kami at pano ba mag move on sa ex Girlfriend kapag may halong sex ang nakaraan ninyo ?mahihirapan din bang maka move on si ex girlfriend dahil ako ang unang buminyag sa kanya ?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.