Bakitganun #45

mang admin nagtapos ako ng pag aaral sa kolehiyo sa emilio aguinaldo college. e dehins ko sya trip, pwede ko bang palitan ng andres bonifacio college yung alma mater ko? at paano? tips nga dyan! salamat!
mag-aral ka na lang ulit. Maghanap ka ng Andres Bonifacio College. Meron ka ng Aguinaldo meron ka pang Bonifacio

anong sentimyento mo sa pagrereformat ng multiply? yung niretrieve ko mga rare artists na lang.
lahat daw ng magagandang bagay ay may katapusan. Matagal ng naka-backup ang mga mp3 na inupload ko sa Multiply 😉

bakit mas masarap bumarkada kesa mag review? kaso ayoko na pumila sa PRC next year!
apir! 🙂

may kaso ba ang maagang mag-aasawa
madaming kaso

Kaylangan ba talaga na pasado ka sa lahat ng college entrance exam bago?
bago ano? Nabitin ako.

Angela Lee: Paano ko masasabi sa crush ko na crush ko sya? Bakit ang hirap atang magsabi, lalo na babae ako, i-text ko kaya?
sige, try mong i-text. Tapos ihanda mo ang sarili mo at magdasal ng taimtim

affected ako sa sinabi mo, hindi ibig sabihin na humingi ng cool off e lumalandi (excuse me m–l) hindi ba pwedeng gusto lang nya ng time para mag isip dahil may nakita sya saung kakaiba na hindi usual sa iba? )
haha. Affected talaga. Gusto nya ba ng space? Bakit, astronaut ba sya? Lol 😉

paano mag file ng reklamo kapag hindi naibigay sa takdang panahon ang 13th month pay?
magreklamo ka muna sa kumpanya mo. Pag nagreklamo ka agad sa dole e malamang mawalan ka na din agad ng trabaho.

Ano po ba ang Ibig sabihin kapag nag “po” at “opo” sayo ang isang babae na kasing edad mo lang? 15 plang po ako…

  • 1. Magalang lang talaga sya
  • 2. Di ka nya type
  • 3. Wala sa mukha mo na 15 years old ka lang

bakit may mga lalaki (at babae) na kung kelan nakakamove on kana dun pa sila nagpaparamdam/
+@ng-!n@ no?

Mahal ka ba ng asawa mo Kung konting bagay eh nagagalit sya sau.. Tanungin mo Kung kumain na ba sya o gusto kumain galit… Ano po ba dapat ko gawin
baka di ka masarap magluto. Haha. Kausapin mo sya ng maayos. Tanungin mo sya kung ano ang problema. Tanungin mo sya kung gusto nya ding maging astronaut.

ano pwede ipang banat para sa mga taong insecure?
magmumukha ka ding insecure kung babanatan mo din sila. Tandaan mo ang kasabihang takot ang pulis sa kapwa pulis.

tama ba na sabihin ko sa tao na mahal ko sya kahit merun na syang iba
may mga bagay na mas mabuting sarilihin na lang. May mga sitwasyon na dapat alam mo kung hanggang saan ka lang. Respeto yan sa iba at respeto na din sa iyong sarili. Kung babaligtarin ang sitwasyon, isipin mo kung ano magiging reaksyon mo kung sa mahal mo gagawin yun.

ano ba ang gagawin mo kung wala ka ng halaga sa pamilya mo at sabihan ka ng iyong asawa na walang silbi. ganyan ang ginawa sa akin ng mga anak ko. matapos ko silang palakihan winalang halaga nila ako. dahil wala akong pera di nila tinignan kung paano ko sila pinalaki. kung paano ko sila inalagaan buong buhay ko binigay ko sa kanila. tapos ngayon alila nila ako. ganun din ng mga asawa nila. sa asawa ko nagtiis ako ng hirap sa kanya di ko xia iniwan kahit madaming dumating sa aming pagsubok andito pa rin ako. pero bakit ng magkapera na xia . puro babae na ang inatupag nya ni hindi ako nakatikim ng sahod nya nagpagawa siya ng haus silang mag aama my sariling kuarto ako dito sa baba ng haus sa sopa natutulog. anung klaseng familya meron ako.
wag mong kaawaan ang sarili mo. Kung merong dapat kaawaan, sila yun. Hindi nila nakita ang pagmamahal, paghihirap at sakripisyo mo sa kanila. Kung sa palagay nila ay wala kang silbi, bakit hindi mo subukang humiwalay na lang sa kanila. Gusto mo bang nakikita na lagi ka na lang niloloko ng asawa mo.

bakit ayaw mo sabihin yung real name mo? bakit ganun?
secret na malupet.

masama bang makipagtalik?
isang malaking DEPENDE.

bkit naguguilty ako dahil hndi ko sinagot ung friend ko kahit mlaki n ung effort nya. ngayon tuloy nag iiwasan kme. pno b iibalik ung friendship nmin
kahit gaano pa kalaki ang effort nya kung wala ka namang feelings para sa kanya ay tama lang na hindi mo sya sagutin. Wag mong pahirapan ang sarili nyo. Natural lang na magka-ilangan kayo ngayon. Madalas, yan ang nagiging kapalit pag “pinormahan” mo ang friend mo. Pero hindi ko masisi ang mga lalaki (o babae) na niligawan ang kaibigan nila. Malupit ang pana ni kupido.

Im lay from subic. Tanung ko lang po, may nanliligaw kc sa akin. bata po siya ng isang taon sakin. i think mature naman siya mag isip and stick 2 one. kaya lang never pa kc ako nagseryoso sa love life ko at 19 pa lang naman ako. gus2 ko xa sana sagutin kya lang alam ko na hindi ako papayagan ng parents ko.. Hmm ewan ko lang, wala pa naman kc ako sinasabi sa kanila!! Natatakot po kc ako na mangyari na maloko ako sa manliligaw ko kaya kinokontra ko yung feelings ko sa kanya.. Anu po ba magandang gawin. nasa getting to know stages pa lang kme and sa fb lang kme nagkakilala???
una, sa tingin mo kelan ka papayagan ng parents mo. Pero ang mas mahalaga, kung kelan sa tingin mo ay handa ka na. Handa ka na emotionally at intellectually. Mahirap magbigay ng edad kung kelan dadating yan. Hindi masamang makipag-relasyon basta alam mo ang priorities mo. Kung nag-aaral ka, wag pabayaan ang pag-aaral. Ang masama ay pumasok ka sa isang relasyon dahil sa peer pressure. Yung iniisip mo na lahat sila “meron” na kaya dapat “meron” ka na rin.

Pangalawa, yung sa natatakot ka maloko. Lahat naman tayo natatakot maloko. Hindi natin hawak ang pag-iisip ng ibang tao. Ang mahirap ay yung alam mo na niloloko ka na pero patuloy ka pa ding nagpapaloko.

At pangatlo, getting to know you stage pa lang kayo at sa facebook lang kayo nagkakilala. Ang maipalayo ko lang ay habaan nyo pa ang getting to know you nyo. At sana hindi lang sa facebook kayo nag-uusap. Goodluck sayo!

sex me
Text me. Lol

kapag time na ndi ko katext gf ko or busy ako, nahuli ko na naghahanap cya ng ibang katext sa FB na boys…bakit ganun?
alam mo yung kasabihan tungkol sa nararamdaman ng palad mo kapag magkakapera ka daw. #makati

bakit nonsensse dito?
sobra ka ng “s”

masama bang tumanggi sa alok na round 2 ng birthday dinner? pagkain din yun e lol
kung di ka concious sa figure mo, sige lang. 😉

kupal ba yung mga mahilig magtago at laging may itinatago?
depende kung ano ang itinatago. May mga bagay na dapat na itago na lang. Pero kung ang itinatago nya ay isang paraan nya para makapang-goyo sya ng iba, kupal nga yun.

kung ang karaniwang essay ay maaring matapos sa loob ng isang oras, ilang oras ito matatapos ng isang jejemon? /wrist
mas mabilis matatapos ito ng isang eksperto sa j3jEw0rdZ. Kumbaga, shorthand writing sa kanila ‘to.

sinabihan ako ng DKK, ano yung DKK? ay, ako din pala ang nagsabi sa sarili kong DKK ako. lol /wrist
para sa di nakaka-alam, ang DKK ay Dami Kong Kilig. DKK ka ako DKD. Dami Kong Drama. Lol.

may boyfriend ako, mahal daw niya ako. ewan, sa simula pa lang binalaan na ako ng mga kapatid niya na madame siyang babae pero hindi ako nakinig kase svi niya magkaron daw ako ng tiwala sa kanya. hindi daw niya ako lolokohin. ako naman ginawa ko yun, tapos andaming mga naging issue. may isa pa pla siyang gf at matindi don, takteh, katabe ko pa ang room. mas maganda ako sa babaeng yun, pero parang ang lalaking un hindi sya namimili ng babae basta nangongolekta lang ata siya. sinabi ko lahat sa knya ng nararamdaman ko kase sobra akong nsaktan sa ginawa niya. napakagaling niya. habang lumilipas ang araw, yung mga kalokohan niya pakiramdam ko wala na sakin. parang nasanay na ako sa mga ginagawa niya. wag daw ako maniniwala sa mga nalalaman ko tungkol sa knya kasi wala naman daw ako ebidensya. matagal na daw silang wala ng babaeng yun. nalaman ko balitang un sa close friend ko. nakatext daw niya un girl, sila pa daw. sinasabi lang skin ng lalaking yun wala na daw sila. ewan, pero ang magagawa ko nalang ai maniwala sa lalaking yun eh. mahal ko eh. lahat ginawa ko, pinagpalit ko lahat sa knya pti un sa mga kaibigan ko na balita sa knya. akoy tanga na eh sa sobrang pagmamahal sa kanya, pero sympre hindi ko binibigay pti pagkababae ko. mdalas naiisip ko iwanan na siya at may dahilan na ako para iwan siya e, pero kapag kaharap ko na hindi ko na masabi. ako daw ang mahal niya hayy, napapagod na ako eh pero hangga’t kaya ko go pa din? pero kailangan ko na ba sumuko? ano po ba dapat kong gawin?
minsan nakaka-TANGA ang pag-ibig. Pero ang pagiging TANGA ay hindi kasing-kahulugan ng pag-ibig. Ang kasing-kahulugan ng TANGA ay TANGA. Tanungin mo sarili mo kung gusto mong maging TANGA habang-buhay. Ngayon, i-highlight mo yung mga salitang naka-all caps. Basahin ng paulit-ulit. Iyan ka.

masasaktan ba yung taong nagmahal sa u ng totoo tapus malalaman niya pinag 33pan mo lang pala sia… masakit ba yun???
kung di mo alam ang sagot dyan, basahin mo ang sagot sa tanong na nasa taas ng tanong mo. I-highlight mo din ang mga salitang naka all caps at basahin ng paulit-ulit. Yun ka din.

nasaan kana bah? namimis na kita ng sobra….
miss you, too. Sino ka ba? 🙂

premarital sex, kapabayaan ba ng magulang o katangahan ng anak?
ayokong isisi sa ibang tao lalo na sa magulang ko kung ano man ang naging ako. May sarili tayong pag-iisip. Madaming paraan para matuto. Ayokong isumbat sa iba kung may kamalian man akong nagawa. Tatanggapin ko ang kapalpakan ko. Minsan pa nga, kahit pinagsabihan ka na, gagawin mo pa din. Tapos ngayon maghahanap ka ng pagsusumbatan.

Ang father ko ay nasa ospital. Tinutulungan kami ng mga tiyahin namin na nasa canada. Akala ng father ko bukal sa kalooban ng mga tiyahin ko ang tumulong pero hindi niya alam na habang ginagamit niya yung pera nila para sa gamot at other medical expenses, ako ang sinusumbatan ng mga tiyahin ko. Ako kasi ang panganay na anak at ginagawa ko naman ang lahat para makapagbigay ng pera pero galit pa rin sila. Bakit daw inaasa sa kanila ang solusyon sa problema. Hindi naman ako actually ang humingi ng tulong sa kanila.Yung father ko. Pero grabe nila ako pagsalitaan. Nung sinagot ko e-mail nila mayabang daw ako magsalita. Ano ba ang dapat kong gawin?
magpakumbaba ka na lang alang-alang sa ikabubuti ng father mong may sakit. Gawin mong challenge ito sa sarili mo. Pagbutihin mo ang mga ginagawa mo kung nag-aaral ka man o nagtatrabaho. I-motivate mo ang sarili mo na sa sipag, tyaga at ambisyon, ay masusuklian mo din ang mga nagawa nila sa iyong pamilya.

yong kachat ko na lalaki umuwi na galing kuwait, sweet xa at maraming plano para sa amin dalawa though ang sinasabi ko sa kanya if he open up about it na hindi pa dapat sinasabi ang mga ganun kasi d pa naman sure if magugustuhan namin ang isa’t isa pag nagkita kami. Ngayon eh andito na siya sa pilipinas pero bihira na xa magparamdam at hindi pa xa nag-exert ng effort para magkita kami. 1 week na xa rito. Ang sabi niya busy lang daw xa. dapat ba akong maniwala?

  • baka naman busy lang talaga. Hintay ka pa.
  • baka naman naiinip lang sya nung nasa kuwait sya at ikaw ang napaglibangan nya
  • baka nakahanap na sya ng iba pagdating nya dito
  • may pamilya na sya at nung umuwi sya ng pinas, napag-isip-isip nya na mas mahal nya ang pamilya nya kesa sayo

okay lang ba makipagrelasyon sa OJT namin? he is 23 I am 24, do you think tinitake advantage nya lang ako?
sa tingin ko ay nasa “tamang” edad na naman kayo para mag-desisyon. Mahirap mag speculate sa intensyon nya.

AY… NAUBOS KO NA LANG BASAHIN LAHAT HINDI KO PARIN MAHANAP SAGOT SA TANONG KO-DI XA NAGREREFLECT DITO ;-(
inuna ko ng sagutan ‘to para masabi sayo na baka nakapila pa ang tanong mo. Pero isang malaking pasasalamat para sa matiyagang pagbabasa dito. Apir! 🙂

2 thoughts on “Bakitganun #45

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.