Bakitganun #47

Bakit sumasakit puson ko pag umiihi?
isa sa pinaka-common na sanhi nito ay ang pagkakaroon ng urinary tract infection. makabubuting kumunsulta sa doctor kung patuloy itong nararamdaman.

masama bang magmahal ng kapareho ang kasarian
depende sa kung ano ang pinaniniwalaan mo. iba-iba ang pananaw ng mga tao tungkol dito.

ano gagawin ko kasi cool off na kami ng gf ko
hindi ako naniniwala sa cool off. kung gusto mo ng space, mag-astronaut ka.

bakit ang tao ay makasalanan? 
dahil tayo’y mga tao lamang na madaling matukso. at ito ang susukat sa ating katatagan, mga paniniwala at prinsipyo.

kapag ba daan ng daan ang babae sa harap mo, may gusto na agad sayo?
assuming ka masyado. baka naman kelangan nya lang talagang dumaan dun.

malayo boyfriend ko tapos minsan lang magtext o tumawag, pag umuuwi naman nagmamadali din bumalik sa work, kapitbahay kasi kame, tapos mahal ko sya pero nagdududa ako if busy lang ba sya sa work? Or whatever, pero he promised na ako lang daw yung girl sa buhay nya.. ano ba dapat kong gawin?

  • una, wag kang masyadong maniwala sa promise nya. lahat ng lalaki sasabihin yan. at baka hindi mo alam na habang sinsabi nya sayo yan ay meron pa syang ibang mga pinagsasabihan nyan. gagawin ng lalake ang lahat para makuha ang gusto nila, kahit magsinungaling pa sila.
  • pangalawa, marami ng mga nasirang relasyon dahil sa pagdududa. mahirap humusga ng walang sapat na basehan o ebidensya. tandaan mo din na ang pagdududa ay isang sign na nawawala na ang tiwala mo sa kanya.
  • pangatlo, mahalaga ang komunikasyon sa anumang relasyon. bigyan nyo ng oras ang isa’t isa para makapag-usap.

“Constantly talking isn’t necessarily communicating.”
Eternal Sunshine of the Spotless Mind

ano ibig sabihin ng asawang lalake pag sinabi nya na iba ka sa mga babae ko?
bukod sayo, meron pa syang iba. ang dapat mong gawin ngayon ay humanap ka ng matigas na bagay na ipupukpok mo sa ulo mo para magising ka na sa katotohanan na niloloko ka ng asawa mo.

bakit po naiihi ako tuwing nakikipag sex? bakit po ganun sa twing magtatalik kami ng bf ko pag alam ko na lalabasan na ko pinipigilan ko na sya kasi pakiramdam ko maiihi ako?
hindi kadalasang nangyayari ito habang nakikipag-sex maliban na lamang siguro kung meron kang bladder control problems. baka napapagkamalan mo lang na pag-ihi ang orgasm.

ibig sabihin ng halik sa panaginip?
at dahil hindi naman ako manghuhula o dream interpreter, basahin ang ibig sabihin ng iyong panaginip sa website na ito: HALIK

ilan ang butas ng kulambo? cge nga
ito ay depende sa laki. samantala, 54 ang butas ng skyflakes.

masama ba ang epekto ng tamod sa katawan pag nakakain ka non
wala namang masamang epekto ito. ang isang kutsarang sperm ay merong 5 calories.

pano mo malalaman kung mahal pa ng bf mo ung ex niya?

  • pag sya pa rin ang bukang bibig nya 
  • lagi ka nyang ikinukumpara sa ex nya

signs na may gusto sayo ang tomboy pero ikaw ay lalaki
sa pagkakaalam ko, ang gusto ng tomboy ay babae.

Tama bang mahalin sya kahit alam m0ng wala nang kahahantungan?
bakit ka magsasayang ng panahon at emosyon sa mga bagay na wala namang pupuntahan. 

Paano nalilibugan ang isang babae?
kapareho din kung paano malibugan ang mga lalaki.

bakit ang bilis ako nakalimutan ng ex ko?
mag-ex na kayo, wag mo na sya pakialaman. move on ka na din.

bakit pkiramdam ko di talaga ako mahal ng asawa ko?
tanungin mo ang sarili mo. kung wala kang nararamdamang pagmamahal sa asawa mo, dapat mo pa ba siyang mahalin? 

nakakalabo ba ng mata kapag nagkaka-sore eyes?
siguro lulmalabo ang paningin mo dahil nagluluha ito at punung-puno na ng muta. hilamos hilamos din. wala naman akong alam o nabalitaang permanenteng paglabo ng mata dahil sa sore eyes.

saan po makakabili ng mga porn DVDs sa metro manila
punta ka lang sa paborito mong matataong sidewalk. lumalabas sila madalas pagsapit ng dilim.

pwedi mag sex ang lalaki sa bakla
may kanya-kanyang trip ang mga tao. kelan lang ay may lumabas na balita na isang lalaking nang-rape ng baka.

Hadlang po ba sa relasyon ang l0ng distance relationship tapos minsan lang my c0mmunication kayo ng mhal mu?
may mga taong kayang tiisin ang ganitong mga bagay alang-alang sa mga mahal nila. meron akong kaibigan na nagkaroon ng ganitong sitwasyon at ngayon ay kasal na sila at meron ng masayang pamilya.
isa pang halimbawa nito ay ang mga magulang natin na handang mangibang-bansa para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya. kaya wag sayangin ang paghihirap nila dahil hindi biro ang pinagdadaanan nila maibigay lang ang ating mga pangangailangan. kung ikaw ay pinag-aaral, mag-aral ng mabuti. kung ikaw ang humahawak ng pera, gastusin ng tama. 

bakit ang tagal mo sagutin ang tanong ko? super busy ka ba?
y3sz ph0ewz. pxenxa nA.

Bakit madaling lumambot si Manoy during sex?
baka tumatanda ka na. may mga gamot dyan pero mag-ingat sa pag-inom nito. minsan naman e nadadaan din sa practice yan.

bakit may mga tao sa work mo na mahilig manulot?
hindi lang sa work, nagkalat sila. mag-ingat dito. at tandaan mo na kahit ano pang sulot, kung ayaw magpasulot ng tao, ay wala ding mangyayari sa panunulot. senyales na din ito ng katapatan ng isang tao.

paano nyo sinagot boyfriend nyo? / paano ka sinagot girlfriend mo?
“i love you, too.”

san makakabili ng parsley leaves
sa iyong suking grocery store at palengke

panu malalaman kung meron ng iba ang gf mo
Kapag hindi na ikaw ang idini-date nya

ang tawas ba ay gamot sa virgin
dati ay may maliit na tindahan ang aking lola. ang karamihan sa mga bumibili ng tawas ay para magpaputi ng kili-kili o sa paglalaba ng damit. wala akong nabalitaan na bumili para magpasikip ng…

bkt ng malaman nya na mahal ko sya tsaka nmn sya lumayo 

  • di ka nya type. mas gusto nya na friends lang kayo
  • ayaw nyang umasa ka
  • meron syang ibang mahal
  • awkward

mahal ba ako ni julie
dahil hindi mo alam, sa palagay ko ay hindi

paano ba malaman pag seryoso sayo crush mo
crush pa lang gusto mo seryoso na?! minsan mahirap basahin ang utak ng tao. may mga taong magaling magtago ng kanilang totoong ugali. ang masakit ay yung binigay mo ang lahat pagkatapos ay iiwan ka lang. kaya ang masasabi ko lang ay wag magpabigla-bigla at kilalanin munang mabuti ang isang tao bago magdesisyon. nasa huli ang pagsisisi. 

paano mo malalaman kung hindi kana mahal na taong mahal mo?

  • Kapag di na sya interesado sayo
  • Kapag hindi ka na nya pinapahalagahan
  • Kapag meron na syang ibang mahal

sobrang namimiss ko na misis ko.. anu gagawin ko?
Bakit, nasaan ka ba? Bakit di mo kausapin. 

Paanu ko ba makakalimutan ang taong mahal ko?
Kalimutan mo muna syang mahalin. 

paano ba mag effort sa girlfriend mo
Kung ano man ang gagawin mo ay wag mo na lang isipin na malaking effort yun. Isipin mo na iyon ay bunga ng iyong pagmamahal.  

paano mababalik ang babae sayo na nainlove sa tomboy
pabayaan mo na lang sya kung ano ang trip nya. baka mas doon sya mas magiging masaya. move on na.

sabihan kang bading
wag mong intindihin ang mga sinasabi sayo na alam mong hindi naman totoo. mas kilala mo ang sarili mo.

yayaman ba ako?
Yayaman ka kung:

  • Tatama ka sa lotto
  • Makakapag-asawa ka ng mayaman
  • May malaki kang makukuhang mana
  • Kung mag-aaral kang mabuti at magsisikap sa buhay

3 signs kung yung guy tlaga para sayo
minsan akala natin yun na ang tao para sa atin pero hindi pala. sundin ang sinasabi ng damdamin na may tamang gabay ng tamang pag-iisip at pagpapasya. pabiro ngang sabi ng iba: “how many soulmates have you met”

ako ba ay tanga

  • yung sinaktan, pinaasa at niloko ka sa unang pagkakataon, – hindi. Pero yung inulit nya ‘to ng pangalawa, pangatlo at ilang ulit pa, – isang malaking TANGA. 
  • yung alam mong bawal pero ginawa mo pa din, – oo. 
  • yung wala kang natutunan sa nakaraan, – tanga ka pa rin. 

Sabi ng isang pari, ang mga kabataan daw ngayon ay iniisip nila na kung ano ang masarap at kung saan sila masaya ay iyon na ang tama.  Tama naman ang sinabi nya. Hindi ibig sabihin na dahil sa masaya ka sa ginagawa mo ay iyon na ang tamang gawin. Minsan, mas pinipili lang talaga natin ang magpakatanga. 

kapag merong kunting naiputok sa loob ng babae my cause po bng mabuntis ito.
oo, meron. kabahan ka na.

nagiging mas mahilig daw sa sex ang babae after tubal ligation?
wala naman akong nabalitaang ganung epekto ng tubal ligation. ang sinasabi ay pwede kang maging sexually active ng hindi ka dapat na mag-alala na mabuntis. pero may napakaliit pa rin na porsyento na nabubuntis pagkatapos ng tubal ligation kaya hindi ito na 100% assurance ng pagbi-birth control. mga 99.9% lang. may natitirang napakaliit na porsyento na parang mikrobyong di mapatay-patay tulad ng mga nasa tv advertisements.

paano kung may boobs ka at wala naman yung nipple
may iba’t ibang klase ng boobs at yung iba dito ay ang hindi pagkakaroon ng prominent nipple.

pag sumasagi sa isip mo iniisip ka rin ba nya?
hindi, wag kang masyadong assuming.

totoo ba na kapag nakipaghalikan ang babae ay mabubuntis?
paniniwala yata yan ng mga lola nung panahon ng hapon. nakakatulong ang pag-aaral ng mabuti at hindi puro landi ang alam. #aralnowlandilater

anong dapat gawin pag masakit ang puson?
depende sa sakit ng puson. may mga pagsakit ng puson na kelangan mo lang uminom ng gamot at meron namang kelangan mo ng komunsulta ng doktor.

bakit gnun kapg umuulan ma-trapik? pero kpg uma-araw hindi nmn?
kung nasa edsa ka, umulan man o umaaraw ay laging trapik.

paano maging magaling makipagsex ang babae sa lalaki?
wag mag-alala, matututunan mo din yan. makipag-usap sa partner.

paano mu haharapin kung ang jowa mu ay may anak na pala?!
ang mas dapat mong intindihin ay kung kaya mo pa ba syang mahalin na alam mong may anak na sya? kung hindi, dapat mo ng maghanap ng iba. kung magmamahal ka sa isang taong meron ng anak, tandaan mo na dapat ay tanggapin at mahalin mo rin ang kanyang anak. ituring ito na sa iyo.

posible bang magkagusto sayo ang lalaki na hindi pa kayo nagkikita?
madami na tayong nabalitaang nagkagustohan sa pagiging textmates. meron din sa pakikipag-chat sa internet. sa email. at kahit sa mga internet gaming sites. noon naman ay nauso ang penpals at phonepals.

Buntis ba ang isang tao kapag sumasakit ang nipple ng boobs?
13 Signs You May Be Pregnant

One thought on “Bakitganun #47

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.