Bakitganun #49

huwag pa-fall.

anu ba ang dapat gawin ng lalaki pag nahuli na ni misis at ni kabet?
humingi ng tawad. magpakabait ka na at makuntento sa isa.

pagkatapos nyo magtalik kinabukasan nagkaroon ka ng regla ngunit sa sumunod na buwan ay di kana nagkaroon, buntis kya sya?
ang mga nabibiling pregnancy test kits ay sumusukat ng pregnancy hormones sa iyong katawan. mabisa daw itong gamitin pagkatapos mong ma-missed ang iyong period. bili na sa iyong suking drugstore.

ang pag iihi ng madalas ay nakakasira ba ng katawan?
nailalabas ang dumi sa loob ng ating katawan sa pamamagitan ng pag-ihi. kung madalas ang iyong pag-ihi ay mas madami ka ding mailalabas na dumi sa iyong katawan.

ano ang siguradong dahilan ng pagkawala ng virginity ng isang babae?
may nagsabi dati: “virginity is a state of mind”
Panoorin ang video tungkol sa virginity ayon sa isang eksperto.

ano ba talagang problema mo???
problema ko ay kung paano sasaguting lahat ng problema ng ibang tao na itinatanong sakin

bakit ang nagkakagusto sa akin ay karamihan hindi ganoon kaganda o panget???
lumandi ng naayon sa ganda. yung iba na feeling nila na hindi sila ganoong kaganda so humahanap lang sila ng hindi rin ganung ka-gwapo. pero aanhin mo pa ang kagandahan kung pangit naman ang kalooban.

bakit ganun may mahal na syang iba pero di ko parin sya makalimutan?
lilipas din yan. food trip ka na lang. mag-extra rice.

bakit nakalimutan nya monthsary namin?
baka ikaw lang ang nakakaalam na “kayo” na.

bkit mabilis labasan ang mga lalaki?
ang mga napapanood mong porn ay mga kathang-isip lang

busy ka ba?
lagi. minsan feeling ko kulang ang oras manood ng tv. kulang ang oras para gumala. kulang ang oras maglaro. 😀

ilan ba talaga butas ng skyflakes?
Fifty-four. 3(3 x 6)

mahal ba ako ni elika?
ikaw ba si lichard?

Matagal kaming naging magka mutual understanding, bakit nung naging kami na naging komplikado lahat?
Baka kulang pa ang time. O baka hindi pa time. Nakuntento ka na lang sana muna sa mutual understanding. Walang aminan pero may selosan.

paano mo malalaman kung lesbian ka?
kung nagkakagusto ka sa kapareho mong kasarian

pano kung matanda sayo ng 6 yrs bf mo?
Wala namang kaso siguro yun. Wag lang yung 18 sya at 12 ka. Hinay-hinay sa paglandi.

si vice ka ba??
Nope. Not Vice Ganda. Not Bob Ong. (Pero idol ko yang si Bob Ong)

Matagal ba talaga mabuntis ang babaeng may u.t.i?
Wala namang epekto ito sa chance ng iyong pagbubuntis pero makabubuting gamutin muna ito. Marami pa nga sa mga nagbubuntis ay nagkakaroon ng UTI dahil sa pagbabagong nagaganap sa kanilang uterus. Ang hindi paggamot sa UTI ay maaring mag-sanhi ng kidney infection. Maaaring magdulot din ito ngmasamang epekto sa iyong baby kung ikaw ay buntis.

source: Can You Get Pregnant If You Have A UTI? Here’s What You Should Know

Ano bang gamot kapag nagpapawis ang kamay at paa mo?
Depende ito sa klase at tindi ng pagpapawis. Maari itong malunasan ng antiperspirants na nabibili sa mga drugstores, ng botox injections, ng surgery at iba pa. Kumusulta sa doktor.

anong gagawin ko, lumabas lahat ng tigyawat ko ng gumamit ako ng silka papaya. na try ko na din ang maxi peel wla pa rin
Maaring hindi type ng balat mo ang paggamit ng mga produkto na yan. Minsan mas mabuti pang palipasin na lang. Sumangguni sa reputableng dermatologist, hindi sa mga skin care clinic na nagsusulputan lang kung saan-saan.

di ba masama na kainin ang sperm cell ng lalaki? tulad ng nakikita ko sa mga porn movie?
“Semen is only one percent sperm; the rest is composed of over 200 separate proteins, as well as vitamins and minerals including vitamin C, calcium, chlorine, citric acid, fructose, lactic acid, magnesium, nitrogen, phosphorus, potassium, sodium, vitamin B12, and zinc.”

Superfood or Supergross? The Truth About Semen

niloko ni jowa ang unang gf so sino ba ang kawawa? ang unang gf o yung pangalawa?
pareho silang kawawa kasi pareho silang niloko. pareho silang biktima.

paano ko aayain ang kapwa ko lalaki na makipag sex sa akin?
Rubber shoes.

paano manligaw sa kapwa teacher?
E di TURUAN mo syang magmahal. Nye!

paano mo malalaman kung sino nagnakaw ng cellphone mo?
Wag ka ng umasa. Tulad ng pag-asa na mamahalin ka ng crush mo.

Paraan para matagal labasan ang lalaki pag nakikipatalik?
Wag masyado excited.

pwede bang maligo sa swimming pool kahit may menstruation?
Pwede naman, gumamit ng tampon o menstrual cap instead of pads and pantyliners.

what new product do you force starbucks offering in the near future and why?
Wala naman akong gustong i-force sa kanila. Sana lang ay mas mura ang kape nila.

READ: The Starbucks Principle

paano ko malalaman na may gusto sa akin ang lalaki kahit di kami close at di nag-uusap at minsan pag kinukwento ka sa kanya, tumatawa cya at tingin ng tingin?
ang problema ay hindi mo naman alam ang totoong rason kung bakit siya tumitingin sa ‘yo at tumatawa. natural sa tao ang paniwalaan ang gusto nyang paniwalaan. dahil gusto mo na may gusto siya sa ‘yo, iniisip mo na gusto ka nya tuwing tumitingin sya sayo.

posible bang magbago ang mga babaero?
lahat naman ng tao capable na magbago pero meron ding iba na binabalikan ang dati nilang bisyo.

1 month ng delay ang mens ng gf ko since nag sex kami. first time nmin pereho.. wlang condom pero di ko pinutok sa loob.. kinakabahan lng ako sa precum.. wla pa nmng signs na buntis sya pero may yellow mens daw na lumalabas sa kanya.. buntis na kaya siya..?
wag pumasok sa hindi kayang labasan. laging isipin at maging handa sa epekto ng iyong mga ginagawa. komunsulta sa doktor kung kinakailangan.

Paano mo malalaman kung sino ang tumitingin sa facebook mo o sa profile mo?
hindi mo malalaman dahil walang ganitong feature ang facebook. wag kang mag-assume na tinitingnan ng crush mo ang profile mo.

Ako si Francis Anthony V. Semana, mahal ba ako ni sarah jane cagara?
sana makita ni sarah jane cagara ang tanong mo.

mahal ba ako ni francis anthony v. semana?
sana makita ni francis anthony semana ang tanong mo.

ano ang totoong pangalan ni jose rizal?
José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. uso itong itanong nung nasa elementary ako.

ano epekto ng shabu pag nakipag sex?
masama ang epekto ng shabu sa isisp at katawan ng tao.

bagay na hindi alam ng babae sa ibang lalaki?
daig pa ng mga babae mag imbestiga ang NBI o FBI. Siguradong malalaman din nila kung ano man ang mga itinatago ng mga lalaki.

bakit may kuliti ang tao?
ayon sa matandang paniniwala, epekto ito ng pamboboso. ang totoong sanhi ng kuliti (o stye sa english) ay ang pagbara ng dumi sa mga oil glands ng iyong eyelids. dahil dito, unti-unting namumuo ang mga bakterya sa loob ng ating eyelids.

mahal ka ba ng isang tao kung madalas ka nyang saktan?
sinasabing part ng pagmamahal ang masaktan pero wag mong i-equate na ang pananakit ay nangangahulugan ng pagmamahal. may mga sakit na dulot ng kawalan ng pagmamahal. timbangin mo.

paano ko malalaman na crush din niya ako?
alamin na lang natin kung bakit hindi ka crush ng crush mo. ayon kay Ramon Bautista, hindi ka crush ng crush mo dahil: i-click ang link

pag naligo ba ng malamig na tubig ihi ng ihi?
madalas akong umihi kapag nilalamig ako.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.