Bakitganun #5

why do men have nipples?
sa pagkakaalam ko e lahat ng mammals e may nipples. at ayon sa science, tayo ay isang uri ng mammals.

bakit kay kuya eddie tayo nagsasabi ng sama ng loob? (..napakasakit, kuya eddie..)
dahil yan sa mga lolo at lola natin na mahilig makinig sa mga drama sa radyo na ipinasa sa ating mga magulang na binabalak na ipasa sa atin. buti na lamang at dumating si joe d mango. pwede nyo rin sakin sabihin ang mga sama ng loob nyo pero hindi ibig sabihin nun e bibigyan ko kayo ng payo pero at least nailabas nyo ang sama ng loob nyo at napakinggan kayo. haha!

ano magandang gawin sa isang date? ung sweet. ung romantic.
iba-iba tayo ng definition ng sweet at romantic. para sa akin, sweet and romantic yung magkasama kaming dalawa. malayo sa mga distraksyon sa buhay. naglalakad ng magkasabay kahit hindi nag-uusap. pinapakinggan ang bawat hininga, ang bawat pintig ng puso. minamasdan ang bawat galaw. nag-uusap sa mata. hinahawi ang buhok na tumatabing sa mukha. haayy… ka-inluv naman.. (so mushy ahh…)

its not where but who you’re with that really matters

kelan mo binuo ung site na to?
matagal-tagal na din… less than 6 months na siguro syang naka publish… pero medyo matagal ko muna syang pinag-isipan kung ano ang ilalagay ko… pero naisip ko na maging simple na lang ito at direct to the point… wala masyadong arte… focus lang sa tanungan at sagutan… =)

ano ung first, second and third base?ano ba ‘to, baseball? hehe…
depende yan sa sitwasyon… ako ang first base ko e yung ma-infiltrate ko ang kanyang circle of friends… tapos bahala na… haha! sa tingin ko e ok kasi kung ok ka sa mga friends nya e…

pamparegla ang shoktong db…so therefore, pwd b itng mgng pampalaglag ng bata?
kung sino man ang kakilala mong may balak na maglaglag ng bata ay sabihan mong wag ng ituloy ito. ayus ba?

ngayong 1st year ako at sembreak, pano ako kikita ng pera?
hintayin mo na lang ang 2nd sem! wahaha!

masama bang gawing basis ng relationship ang sex?
hindi siguro maganda kung puro sa sex mo lang ib-base ang isang relationship. dapat siguro ang sex ay “pampainit” lang ng relasyon.

bat ang mga lawyer maraming anak?
hindi naman siguro lahat. baka nagkakataon lang na yung mga kilala mong lawyer e madaming anak. ako nga may kilalang lawyer e wala naman siyang anak. kaya lang wala pa rin siyang asawa.

bigyan mo ako ng magandang porn site!
haha! hindi kasi ako nagpupunta sa mga ganyang site e… saka sinungaling ako…

may trabaho ka ba o nag aaral ka pa???????
may trabaho ako. nag-aaral ako ng iba’t-ibang bagay.

andmi-dming nanliligaw xken pno ko ba mlalaman kung cnu sasagutin ko???
mafee-feel mo naman kung sino talaga ang gusto mo e. hindi naman kelangang gwapo, hindi naman kelangang mayaman. kung sino yung mahal mo, kung sino ang nakapagpapasaya sayo.

totoo ba ang love at first sight? o baka nman lust at first sight lang ito? ano sa tingin mo?
attraction or crush at first sight siguro. pero pwede din yang sinasabi mong lust at first sight. madami akong kilalang ganyan.

sun? gLobe? smart?
smart. globe.

San magandang gimikan sa makati?
hindi ako madalas sa makati pero i-try mo ang saguijo baka ma-tripan mo. =)

bakit sa nothern hemisphere lang nakikta ang aurora borealis?
kaya nga sya tinawag na northern lights dahil sa northern side of the earth sya makikita. meron din naman syang counterpart sa south na parang mirror image nya.

oi tagal a
ayan na nga e… sensya na po.

May alam ka bang ospital na nag oopera ng ACL tear? at saka Magkano ang magagastos ko kung magpapaopera ako? May ACL tear ksi ako eh…
siguro naman e karamihan ng mga naglalakihan at sikat na ospital e gumagawa ng ganyang operasyon. siguro gagastos ka ng humigit kumulang. 🙂

totoo bang nakakabulag/nakakalabo ng mata ang pagtulog ng basa ang buhok?
hehe, hindi po. lagi nga akong natutulog ng basa ang buhok e. hindi naman lumabo ang mata ko. sa umaga nga, pag sumakay ka ng fx, andami mong makikitang natutulog kahit basa ang buhok e. hindi rin naman siguro lumabo ang mata nila dahil dun.

wala ka bang magawa sa buhay kaya mo ginawa itong website na ito? bukod sa pagsasagot sa mga katanungan, ano pa ang ibang pinagkakaabalahan mo?
alak, sugal…alak, kape…
alak, sugal, kape, babae…
araw-gabi, tumodo kami…
sa alak, sugal, kape, babae…

haha! madami naman akong ginagawa. late na nga lagi akong nakakapag-update sa site na to dahil sa dami kong ginagawa e. umuuwi na nga lang ako sa bahay para matulog e. tapos bitin pa! madami naman akong ginagawa talaga. pag wala ako sa harap ng pc, nasa harap ako ng tv. pag wala ako sa harap ng tv, nasa loob ako ng mall. pag wala ako sa loob ng mall, nasa labas ako ng metrowalk. nagmamasid. nag-aapreciate ng “magagandang bagay” na dumadaan sa aking harapan. tapos bumibili ng mga inumin na pampasaya. tapos matutulog kung saan-saan.

cnu c superxienah?
isang dahilan kaya nabuo ang site na ito. =)

nasan ako ngayon?
ikaw ay nasa harap ng computer, nagtatanong. ngayon, binabasa mo na ang sagot.

pareng _______, si ______ toh! sikat ka na pala ah… hehehehe… musta na?
haha… hindi naman ako sikat. wish ko lang… haha! ayuss lang naman ako. ikaw? (dito ba magkumustahan…)

panu pag mahal ku pah xa per0h di ku nah kaya magpatawad?????????
wag na lang. mahirap kasi yun e. mahal mo pero may sama ka ng loob sa kanya. ibig sabihin ba nun e habang magkasama kayo e dala-dala mo yung sama ng loob mo sa kanya. pag napatawad mo na saka mo na lang ulit mahalin.

bakit b bawal magmahal ng kadugo? bkit b ganun? bakit p sya, bakit!!!! pano ko pipigilan ang feelings ko???
dahil ito ay mali sa batas ng tao at batas ng diyos. magdasal ka (ako ba ‘to?). humanap ka na lang ng iba. siguradong madami kang makikita dyan.

maganda b yung nbsa mong booK? ung kay bob ong?
maganda naman. madaling maka-ride sa mga sinasabi nya. mga pamilyar na tanawin at sitwasyon para sa tulad ko.

bakit hanggang ngayon mahal ko parin sya,,,???
dahil meron syang katangian na nagustuhan sa kanya. kung ano man iyon, tanging ikaw lang ang makaksagot. 😉

sino po ang unang tomboy?
absent ako sa school ng tinuro yan… haha!

SINO ANG UNANG BADING?
kachurvahan yang chenes na yan… tarosh! (huh?!?)

ano masarap gawin sa mga bespren na nanunulot ng syota?
hindi rin mangyayari yun kung hindi rin gusto ng “syota” mo. kahit anong panunulot pa ang gawin ng bespren mo kung ayaw ng syota mo eh walang mangyayari.

papi or joey?
wala… si bossing vic na lang o kaya si chairman edu. wahaha!

Umuutot ba ang mga langgam?
yung itim ba o yung pula? haha.. sa ngayon, hindi pa ako nakakadinig ng utot ng langgam. hindi pa rin ako nakakaamoy ng utot nila. pero ilang beses na akong nakagat. lintek na langgam yan!

baket kalbo lahat ng player ng ust?
hindi ko nakita e. baka gusto nilang ipakita na united sila. o baka sacrifice blah blah… o baka uso lang…

tama ba ang hatol ke erap?
sa aking opinyon e tama lang yun dahil sa mga ginawa nyang kasalanan sa bayan (yan ay opinyon ko). pero sana lahat ng iba pang nagnakaw sa bayan ay maparusahan din. isa sana ako dati sa magrarally sa malacanang nung pinapag-resign si erap kaya lang tinatapos ko ang thesis ko nun kaya hindi ako nakapunta.

sayang naman ang cheerdance, pero ndi naman ibig sabihin nun ay laos na ang ust sa cheerdance dba?
ayus lang yun. ganyan talaga. minsan panalo, minsan hindi. tulad ng lagi kong sinasabi, madami pang next time. =)

tanong lang… its kinda stupid to say that there is an emo fashion dahil sabi mo galing xa sa hardcore… and hardcore dont have fashion… sure kb sa mga sinasabi mo.. kasi ako natatawa lang ako sa mga pinagsasabi mo
haha… sure ako!!! sige tawa ka lang.

cute aQ!!! may reklamo ka?? 😛
sige na nga cute ka. sinungaling naman ako! 😛

how can i get someone out of my mind, kung lagi syang sumasagi sa isip ko?
naging problema ko na rin yan. langya! asar talaga. tapos kung kelan iniiwasan mo na saka magpaparamdam. tapos balik na naman sa dating sitwasyon. sakit na naman ng ulo. para kang tinotorture… eto na lang gawin mo, hanap ka ng iba. ang ibig kong sabihin e hanap ka na lang ng ibang mapaglilibangan para maalis sya sa isipan mo. well, madali lang syang sabihin kesa gawin. pero try mo na lang.

pano nadidissolve ang isang section/block? may pagasa pa ba kaming maging magkaklase ng crush ko next sem?
kadalasan nadidisolve ang isang klase dahil nuubos ang mga estudyante. may nag-dropped, bagsak, lumipat ng iba o bigla na lang nawala. hindi pa naman siguro katapusan ng mundo mo kung hindi kayo maging magkaklase ng crush mo. magkikita pa rin naman siguro kayo kahit magkaiba kayo ng section. sabi nga nila, pag gusto mo, madaming paraan.

bakit may mga atheist na poser?
haha… kelangan pa ba ng mga poser na atheist… kung ayaw mo ng isang bagay, dapat wag mo na lang syang gawin. kahit ano pa to.

ikaw naman ang magtanong, naubusan na ko eh. ^^
eto ang tanong ko: ano ang gusto mong itanong?

ano po ba ung pinakamahabang word?
napakahaba nya para isulat. =)

san ba talaga nanggaling ang itlog?
haha… ang itlog ay kung saan-saan nanggagaling. halos lahat yata ng itlog ay galing sa hayop tulad ng mga ibon, isda, mga kalahi ng buwaya (hindi yung nasa gobyerno ha…) at iba pa. meron din naman akong isang alam na hindi galing sa hayop (pero minsan ay tinatawag din syang hayop lalo na kung may nagawa syang malaking kasalanan… hehe). ang itlog na ito ay ang pinakamahalagang itlog sa lahat ng itlog… wahaha… bahala na kayong mag-isip. =)

tol, sa palagay mo, bading b tlga c keempee de leon? icpin mo, ang galing nya mgacting na pambading…. tska anong tingin mo sa mga actors na ngbabadingbadingan, bading b tlga cla???
lam mo tol, sa tingin ko hindi naman. magaling lang talaga siguro syang magbading. sa mga actors na nagbabading-badingan, trabaho nila yun e. ginagawa lang nila yung sinasabi sa kanila. hindi ibig sabihin nun e bading na talaga sila. kelangan lang nilang gawin yun para kumita.

teka lang wala akong maisip na tanong….
madami na kayong ganyan… ayus lang yan. hindi ka nag-iisa.

ikaw may gusto ka bang itanong? dapat malufet ah
pag nagtanong ba ako e sasagutin mo? o ako din ang sasagot?

anu no. moh? haha
091_36_4_0_. fill in the blanks. =) (edit: hindi na yan ang number ko ngayon)

pano magedit sa daydream?
meron instructions dun di ba… pag na-download mo na yung file (usually zip file… unzipped it),i-open mo yung file na may html or htm extension sa dreamweaver o kaya sa frontpage para mas madali mag-edit ng HTML. kung wala ka nun, sa notepad na lang.

sino c lucy? homo erectus ba siya? hehe
dalawa lang ang kilala kong lucy… si lucy tores-gomez at yung lola ng anak ng asawa ng kapatid ko. si lucy tores, sabi nila e klepto sya… hindi ko rin alam kung totoo yun.

napaganda muh ang araw koh, tnx at nag update ka nah!
salamats! napapaganda nyo rin ang araw ko pag nagse-send kayo ng mga tanong at feedbacks! pasensya na kung medyo na-late ang update ko.

Lilinawin ko lang. Ang emo ay HINDI EMOTIONAL OR EMOTIVE. isa itong GENRE na nagevolve mula sa hardcore punk noong 80’s. ang mga original na emo ay ang mga bandang tulad ng FUGAZI at RITES OF SPRING. hindi siya emotional ok? Kung emotional ang emo e di dapat kabilang sa genre na yung ang mga westlife at backstreet boys etc. dahil emotional ang lyrics nun diba? tsssss….
kung babasahin mong mabuti ang kanyang tanong… tinatanong nya kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang EMO. ang sabi ko naman na ito ay hango sa salitang EMOTIONAL. alam ko na ang EMO ay isang GENRE ng music (at fashion). oo, galing ito sa mga hardcore punk artists noong 80’s kaya nga tawag sa kanila dati ay EMO-core. at tinawag silang EMO dahil they tend to be EMOTIONAL pag sila ay nagpeperform. madami sa mga artist noong panahon na iyon ang ayaw na i-tag sila as EMO dahil nga ibig sabihin noon e yung ibang mga artist e hindi na EMOTIONAL. para sa kanila, lahat naman sila ay EMOTIONAL. kung hindi galing sa EMOTIONAL ang salitang EMO e saan ito galing? =) salamat sa feedback!

crush ako ng crush ko. pero pag kami kami na lang, nagkakahiyaan kami pareho. ano dapat kong gawin?
kailangan mo lang ng lakas ng loob. magtanong ka sa mercury drug kung nakakabili sa kanila nun. swerte mo kaya, crush ka ng crush mo. konting tulak na lang bibigay na yun. kaya lang wag masyadong presko, baka ma turn-off bigla sayo.

kung may horsemen..meron din bang horsewomen?
oo, meron din. damot mo naman. gusto mo men lang. dapat pantay-pantay. =)

normal ba sa isang teen na gurl na maghanap ng cute na guy???….kc nde aq naghahanap…bka abnormal aq…ohnoe…(=.=)
yun ang normal, ang maghanap ang isang teen gurl ng isang guy na gusto nya. darating ka din siguro sa point na yan. wag kang mainip. wag kang mag-alala. baka wala lang talaga ikaw na magustuhan ngayon o kaya e masyado kang abala sa ibang bagay o pwede rin na may ibang bagay ka na mas binibigyan ng halaga sa ngayon kesa sa paghahanap ng cute na guy. o baka naman hindi guy ang hanap mo… hmm…

inspirasyon mo ba si ka ernie baron (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa)?
haha! hindi naman. pero naimpluwensyahan siguro kahit papaano. pero hindi naman kami pareho ng style. saka hindi ako kasing galing ni ka ernie.

isalibro mo kaya tong website na to? tingin mo?
ayoko tingnan… haha… naisip ko na din yan dati… pero sa ngayon hindi pa siguro. kung madami na sigurong tumatangkilik sa site na ‘to baka sumagi ulit sa isip ko na gawing libro ito. saka kung meron akong “resources”. sa ngayon, isa lamang syang panaginip. =)

gawa ka na ng footer at banner…harhar
saka na. katamad… hehe…

.. ui, di aku maLiit aa, ai maLi, maLiit pLa ku .. 5’3″..??.. aheh, per0h maLiit aku hUmakbang.. chuLamat sah pag damay .. tanung ku, uhmmmmm, ba’t gene0n, atensy0n LnG naman hinihingi ku, di pah nea mabigay .. =[[
baka madami syang pinagkaka-abalahan kaya hindi ka nya nabibigyan ng pansin. subukan mo kayang wag mo muna syang masyadong bigyan ng pansin. baka sakaling mapukaw (naks! lalim) ang kanyang atensyon. minsan binibigyan lang natin ng halaga ang isang bagay pag nawala na ito.

bat masarap ang sex?
ayon sa napanood ko sa national geographic channel, pag nakikipagsex ka daw, natritrigger nito ang ating mga pleasure hormones sa ating utak. ganito din ang epekto ng ilang pinagbabawal na gamot sa ating utak. pero wag kayong magda-drugs… makipag-sex na lang kayo… Oops! haha!

sino si bob ong?
si bob ong ay isang likhang isip lang yata… yan ang pagkaka-alam ko. parang bob ong pinoy… bob ong pinoy… bobong pinoy… yun yata yun e… pero ako, hindi ako likhang isip. totoo ako. nahahawakan, nasasaktan, nalulungkot, natutuwa… =)

buhay ka pa pa ba? joke lang. naiinip lang ako tagal mo sumagot e
haha! buhay pa naman. masyado lang busy. pasensya na sayo saka sa lahat ng pinaghintay ko. salamat na din sa concern mo… haha!

bakit na miss kita ng sobra?
bakit nga ba? ano ba meron saken at na-miss mo ‘ko… hmm… baka naman may magselos nyan…

PANO AKO TATANGKAD? (anything except growee. gusto ko ung exercise. ayoko ng iniinom)
naitanong mo na ‘to. scroll down mo na lang sa baba, hanapin mo sagot ko.

bakit may babaerong lalake? at bakit may lalakerong babae?
natural lang yun. pangit tingnan yung lalakerong lalake e. pero madaming ganun. wahaha! pati mga babaeng nambababae.

MEDYO SERYOSO: siguro hindi sila satisfied sa isang girl. may hinahanap sya na wala sa isa nyang girl. yung iba naman e mas feeling nila e macho at ubercool sila pag madami silang chicks. iyan ay ayon sa aking mga nakakausap. hindi ko po yan personal experience. haha!

.. bakit anliit ku humakbang? isang hakbang mu daLawang hakbang ku .. naLuLungkut tuLoy aku .. =[[
baka maliit kang tao kaya maliit din hakbang mo. kung maliit hakbang mo, bilisan mo na lang ang paghakbang. at sino ang tinutukoy mong “mu”? ako ba? kung ako, hindi naman ako malaki humakbang e. wag ka ng malungkot. dadamayan kita sa paghakbang mo ng maliit.

iyogyug mo o itaktak mo?
iyuyugyog ko muna ng iyuyugyog saka ko itataktak.

mahirap bang maging panakip butas?
mahirap din siguro pero masarap din naman magtakip ng butas. mahirap kasi alam mo na hindi talaga ikaw ang “pinaka-gusto” nya. kumbaga e ikaw ay second, third, o kung pang ilang choice ka lang nya. masaya dahil sa iba e basta makasama lang nila yung minamahal nila e ayus na sa kanila yun. ganun siguro nila kamahal yung taong yun.

anong deadlines? ano ba trabaho mo?
ako ay isang hamak at mababang uri na manggagawa na nagbabayad ng tamang buwis na napupunta din naman sa wala.

bakit ang tanong ay nagtatapos sa tandang pananong?
para malaman mong tanong ito. baka kasi akala ng magbabasa e nagulat sya pag nilagyan nya ng exclamation point yung sentence nya. saka para alam mo kung ano ang dapat na emotion pag binabasa mo yun. saka para mas madali hanapin pag nagmamadali ka.

masaya ka ba pag walang pasok?
masaya at hindi. masaya kasi walang gagawin. pwede ka magpahinga. pwede ka maglakwatsa. hindi masaya dahil hindi mo makikita ang mga gusto mong makita. mahirap namang puntahan mo sila lahat sa mga bahay nila. pero ang gusto ko sa lahat e yung may pasok pero wala ka namang gagawin. di ba para kang may pasok na wala namang pasok… wahaha!

marami bang insecure sau?
wala naman silang masyadong ikaka-insecure sakin e. hindi naman ako TALL, hindi naman ako DARK, hindi naman ako HANDSOME, at hindi din naman ako RICH. ako yung exact opposite ng (the so called) “ideal man”. ang tanging maipagmamalaki ko lang ay ang aking personality. nyeks!

ang corny moh
pasensya na. inaamin ko naman na corny ako minsan (o madalas?). minsan ok naman yung corny… sa sobrang ka-cornyhan nya e matatawa ka.

joke lang ndi ka corny!!!
kasasabi mo lang na corny ako e… ok lang yun! welcome lahat ng opinion nyo. =)

bakit ndi ka updated ngaun? dahil ba sa bagyo?
hehe. wala namang kinalaman ang bagyo kaya hindi ako nakapag-update. madami lang talagang ginagawa. sobrang busy lang talaga ngayong month na to. sana next month hindi na masyado.

bkit wala ka paring banner? ihihiwalay ko ang tanong sa footer
haha… wala pa ring banner hanggang ngayon… kelan ko nga kaya maiisipang gumawa nun. sana e sipagin na ako. super busy talaga.

bkit wala ka paring footer
tulad din ng sagot ko sa banner… haha! salamat sa iyong concern. =)

pano nya na-afford magpa-salon?
baka nakapag-asawa ng mayaman. o kaya galante ang boyfriend. madaming raket… o may kaibigang beautician.

lasing ka ba parekoy?
haha! hindi ‘tol! hindi ako nagsasagot ng mga tanong nyo paglasheng ako… HIK!!!

bakit bigla na lang akong nasali sa away samantalang magpapaload lang naman ako? sana ‘di sumakit ung panga ko hindi ba? o kaya bakit nawala ‘yung cellphone at wallet ko? san na napunta ‘yun?
baka naman mahilig kang pumapel kaya ka nasali sa away. o baka mahilig kang sumingit. nakikialam ka siguro sa kanila. sana hindi nga sumakit panga mo. wag kang masyadong kakain ng bubblegum. saka sabihin mo sa nanay mo, palambuting mabuti yung baka para hindi mahirap nguyain. yung cellphone at wallet mo e baka namisplaced mo lang o kaya e nadukutan ka na. sinubukan mo na bang tawagan ang cellphone mo? pag may sumagot, itanong mo kung ini-snatch nya ba yun sayo. at least alam mo.

pwede ba magtanong? haha
uu, pwede! sige try mo ulit… =)

pano mo ba malalaman na mahal mo ang isang tao? or kung ngmamahal ka na? is there a certain feeling or description of how it feels when in-love?…(we’re so alike in so many ways…i never knew someone could be like me,,nice to know!)
pag-tipong hindi mo na mai-describe yung feeling mo pagkasama mo sya o pagnakikita mo sya o kahit pag naiisip mo lang sya. pag-ayaw mo ng matapos ang mga sandali pag magkasama kayong dalawa. yung paggising at pagtulog mo e sya ang una at huling nasa isip mo. minsan pati sa panaginip mo e andun pa din sya.

how to make a website?
hindi rin naman ako expert sa paggawa ng website pero at least dapat ay may alam ka sa HTML para makagawa ka ng isang basic webpage. may mga softwares na pwedeng makatulong sayo para makagawa ng isang webpage tulad ng Dreamweaver, Frontpage, o kaya e ang ever reliable Notepad.

Paano ipinaplot sa lewis dot structure ang CO, na mayroong odd number of electrons? at bakit minsan natataaasan ng mga molecules na may 3 na quantum number ang may nga 2 lang?, pahabol lang…bakit nakakainis yung titser ko sa chenone(chemistry)? may halaga ba un sa course ko?makakatulong ba sa buhay kung alam mo ang rydberg constant? kailangan ba talagang kompyutin ang number of moles ng chickenjoy? At Kung matalino talaga si einstein…bakit hindi nya lam yung ‘haircut’ ? naglalaro ba c einstein ng dota? nakaka-killing spree kaya sya? kalaro nya kaya c Garci? bading ba c garci? tao ba sya? ewan.
nampusa! hindi ko pa nami-meet si lewis dot structure na yan. saan ba nakatira yan? mas mataas talaga ang 3 sa 2, natural lang yun. saka yung titser mo sa chenone, hindi ko alam kung may halaga sya sa course mo. wahaha! sa tingin ko e lahat ng pwede mong malaman e makakatulong sa iyong buhay kahit ano pa ito. ang alam ko lang sa chickenjoy ay kung paano sya kainin. hindi naman siguro nakakabawas sa lasa ng chickenjoy kung hindi ko alam ang number ng moles nya. si einstein, hindi naman sya matalino talaga, mga bobo lang tayo. wahaha! o sige, ako lang pala. hindi ko na kayo idadamay. hindi sya naglalaro ng dota, ang nilalaro nya ay Dance Revolution. makakalaro nya si Garci kung tatawagan nya ito… Hello? hello garci? siguro sa galaxy far far away, in a parallel world. huh?! ano ba sinasabi ko. Hindi ko alam kung bading si Garci. siguro nga. ano sa palagay mo? bago bang tsismis yan? hindi na kasi ako nakakapanood ng The Buzz e. haha!

bakit malakas ang ulan?
ayon sa pag-asa, malakas ang ulan dahil sa naranasan nating matinding tag-tuyot. epekto ito ng la nina at el nino phenomenon. mukha na ba akong si ernie baron? o si kuya kim atienza?

bakit yung mga tanong nila sinagot moh, yung sakin last week ndi mu sinagaot. badtrip!
wag ka ng ma-badtrip. lahat ng tanong nyo ay sinasagot ko. wala pa akong natandaang tanong nyo na hindi ko pa sinasagot. kita nyo naman na kahit hindi ko talaga alam ang sagot e sinasagot ko pa rin kahit na sa paanong paraan. kung hindi ko pa nga sya nasagot e itanong mo na lang ulit para maalala ko. ok ba yun? 😉

bakit ka nakakatuwa?
salamat naman at natutuwa ka. sana ay natatawa ka rin. balik ka lagi dito… 😉 bookmark me… and tell your friends. cheers!

bakit ang dami mong alam?
akala mo lang yun… sa totoo nyan, madami pa akong dapat matutunan. hindi naman lahat ng sinasabi ko ay tama. kung ano lang ang nasa isip ko o nasa puso ko, iyon ang sinasabi ko pero hindi ibig sabihin nun ay tama ang sinasabi ko.

nakakalasing ba talaga pag nilagyan ng vetsin? e ng abo ng yosi?
hindi ko pa nasusubukan e. sabi nila nakakaantok daw o nakakahilo pag madaming vetsin. kahit aso bumibigay sa vetsin e. sa yosi naman, usok pa nga lang nakakahilo na e. mas malakas siguro ang tama kung pati abo e lalaklakin mo. haha!

Kanan o Kaliwa?
kanan tapos kakaliwa.

san ako magkakatrabaho agad? industrial psych o clinical psych?
ayus ah… hanapan na rin pala ako ng trabaho ngayon. haha! yung office admin namin psycho… este psychology graduate. baka pwede kang ganun, sa HR. kung gusto mo naman e magtayo ka na lang ng sarili mong clinic. ikaw pa ang boss! uso pa din yata ngayon ang mga call centers, baka gusto mo lang i-try kung gusto mo ng mabilis na trabaho.

nung isang sabado nakita ko na naman yung mga tambay sa megamol. andami nila sobra! it’s like syiiiit!
nasa mega din ako nung saturday kaya lang hindi ako dumaan sa ilalim. baka nagkasalubong na tayo hindi pa natin alam. =)
(NOTE: Halos araw-araw dumadaan ako ng mega, galleria, podium at shangrila kahit walang binibili. haha! walang hilig sa mall.)

What is psychotic love?
yun siguro yung sobrang obssessed ka na sa isang tao na kahit ano gagawin mo na kahit masama ang nagiging epekto nito sayo o sa taong gusto mo. yung wala ka ng pakialam kung gusto ka nya o hindi basta ang mahalaga sayo e yung makuha mo sya sa kahit na anong paraan.

penge chicks! hihi
hehe… para kang nanghihingi ng candy ah. mas maganda yung paghihirapan mo muna bago mo makuha. mas masarap kainin… i mean mas masarap ang feeling.

PANO AKO TATANGKAD? (anything except growee. gusto ko ung exercise. ayoko ng iniinom)
meron akong nakita sa tv dati yung sinusuot sya sa paa. tini-trigger daw nito yung mga growth hormones mo sa paa. sabi naman ng friend ko kailangan daw lagi kang naglalambitin… parang sa monkey bars. saka maaga kang matutulog, wag magbubuhat ng mabigat. saka inom ng gatas kaya lang ayaw mo ng iniinom.

bakit ang lakas ng UE?
wild guess: malakas lineup nila at meron silang teamwork. pasensya na hindi ako masyadong nakakanood ng uaap ngayon e. bayaan mo pag nakasalubong ko si quinito henson e itatanong ko sa kanya bakit malakas ang UE.

bakit parang hollywood stars yung iba kong prof? ang hirap hagilapin. kelangan pang habulin.
kasi alam nilang may kailangan ka sa kanya. at bakit mo naman kelangang habulin yung prof mo? siguro may bagsak ka ‘no? siguro hindi mo pa nababayaran yung ticket sa play na ibinebenta nya na pag hindi mo pinanood e ibabagsak ka nya.

anong gusto mo sa girl?
madami. gusto ko yung matalino kasi hindi ako matalino. gusto ko yung maganda kasi hindi ako gwapo… wahaha… sa totoo lang, minsan lahat ng sine-set nating standards ay nawawala pag nakita natin yung tao na gusto natin. yung akala mong ayaw mo e yun pala ang magugustuhan mo.

“because in love there are no rules”

alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng salitang emo?
ang salitang emo ay galing sa salitang emotional. yan, ipagkalat mo sa mga friends mong emo na hindi naman alam kung ano ang salitang emo na ang tanging ginawa e makisakay sa kung ano ang uso.

bakit every monday ka lang nakakapag update?
kasi wala akong pasok ng saturday and sunday kaya iyon lang ang time ko para maayos ko ‘to. tapos monday ko sya pina-publish. saka mas maganda kung maipon muna yung mga question. minsan nga hindi ko na alam kung pano ko isisingit ‘to sa sked ko kasi minsan sobrang dami kong ginagawa.

bakit mukhang alien si renren ritualo? pero idol ko yun a!
siguro dahil sa shape ng kanyang mukha. yan ang sabi ng kaibigan ko.

ano ba tlga ibig sabihin ng mga tunay na rockers sa “poser”?
mahirap i-define ang tunay na rocker sa poser. depende yan sa perspective ng tao. meron nagsasabing rocker sila dahil sa porma nila. pero puro porma lang naman. meron nagsasabing rocker sila dahil sa music na pinapakinggan nila. merong rocker dahil sa lifestyle nila. siguro combination na rin nito yung ibang rocker. marami naman akong napansin na kung sino pa ang mga simple at tahimik ay yun pa pala ang mga true-blooded rockers.

BAKET MAS GUSTO NYA UNG FREND KONG MY GF NA , KAYSA SAKIN NA GINAGAWA NA ANG LAHAT PRA SA KANYA?
mapaglaro ang pag-ibig. mapang-asar pa minsan. haha! pag gusto talaga natin kahit ano tinatanggap natin. kahit na alam nating masasaktan tayo. kahit na alam nating mali. sa tingin ko nga e masyado ka ng nasasaktan, naka-all caps ka na. haha!

im a girl, i can’t understand na ang nangyayari sa akin “bakit ang hilig ko sa hotdog”?
i’m a guy, bakit ang hilig ko sa mani? madami namang kababaihan ang nahihilig sa hotdog. yung iba nga footlang pa. wag mo lang aaraw-arawin baka lumobo ka. malakas makataba yan.

binabawi ko na yung sinabi ko last time bout sa weakness ng UST TIGERS BBLLMENS== hehe== nakakabawi na tayu ngaun, bkit kaya? manuod ka nga ng basketball!
sabi ko sayo umpisa pa lang naman ng season e. sana nga e magtuluy-tuloy pa ang panalo nila para lalo kang matuwa. nanunuod naman ako ng basketball pag merong time.

baket kea natutuwa aku sah mga sagut mu?? [kea pabalikbalik aku dito] v(o,0)v
salamat naman at natutuwa kah sah mga sagut ku. aku din ay natutuwa sayo. sana ay hindi ka magsawa sa pagpapabalik-balik dito. kung wala ang isang tulad mo ay wala din ang site na ito. salamat ulit ng madami! cheers!

marami ba talagang katanungan ang hanggang ngayon ay wala paring kasagutan?
madami. madami rin ay walang sagot na matino… tulad na lang ng mababasa mo dito.

sino si banker?
yan ang dapat nating abangan… kung makikilala natin sya. magkamag-anak kaya sila ni big brother? sa tingin ko, kamag-anak din nila yung mga magulang ni cow & chicken. =)

bakit ganito ang kulay ng webpage mo? may meaning ba para sa iyo ang ganitong color scheme?
walang meaning ang kulay nito. kung meron man, hindi ko pa alam. meron kasi akong ginawa dati na ganito ang kulay. e tinatamad akong mag-isip ng kulay kaya ginaya ko na lang ang kulay nun. kahit banner nga wala pa e… hehe…

hmmm.. bat nakalink itong question and answer sa friendster mo? ito ba ay para malaman mo kung sino ang nagtanong? bakit andami kong tanong? ano ang problema ko?
wala namang dahilan kung bakit nakalink ito sa friendster ko. hindi naman siguro maganda kung sa iba ko i-link ang site na ‘to. saka hindi ko na rin kelangang malaman kung sino ang nagtatanong sakin. ang gusto ko talaga dito ay yung makapagtanong kayo ng hindi nyo na kelangang magpakilala. saka hindi naman lahat ng tao ay may friendster, kahit walang friendster pwede dito. (edit: hindi na naka-link sa friendster, “wala” na ding friendster)

madami kang tanong kasi marami kang hinahanap na sagot at iyan din ang problema mo.

if sa up ka nagaaral, sasali ka ba ng frat at sasali sa oblation run?
hindi ako sasali ng oblation run. baka ikagulat ng madami ang aking pagsali dun! baka madaming ma-insecure. wahaha! hindi rin siguro ako sasali ng frat kahit pa anong school ako nag-aaral.

may frat ka bah? ano ba bagay saking frat?
wala akong frat. hindi ko naman siguro kailangan nun, madami naman akong friends. hindi ko alam kung ano ang bagay sayong frat. siguro pumili ka ng frat na may magandang reputation (kung meron mang frat na ganun) o kaya wag ka na lang sumali sa frat. maghanap ka na lang ng ibang org na makabuluhan, yung tipong makakatulong ka sa ibang nangangailangan tulad na lang ng Gawad Kalinga.

long hair o kalbo?
sa babae, mas gusto ko long hair kesa sa kalbo. pag lalake, ok lang kahit ano.
(NOTE: long hair ako)

magpapakalbo, magpa mohawk, magpa long hair kaya ako?
tapos magpa-tattoo ka. yung nakakatakot. yung dragon. dapat meron kang boots na converse para sa slam dancing. cool yun di ba? tapos bili ka ng t-shirt ng nirvana. hindi yung yellow ha, yung red!!! tapos pag lingo, punta ka ng megamall. bubugbugin mo yung mga nakatambay dun. dun sa baba, sa tapat ng timezone. wahaha! kaya lang iba na yata ang mga tumatambay dun ngayon. $#*+! na kay lola pa pala ang tape ko ng pantera.

ok ba?
ayuss lang. ikaw, ok ba? ang buhay natin, kaya pa ba? e kung hindi, paano na? ewan mo ba? bahala na.

masama bang maging inutil?
kung naging inutil ka dahil sa isang sakit o aksidente e hindi naman siguro masama yun. kung sinasabihan ka naman ng inutil dahil ikaw ay likas na tamad, yan ang masama.

bakit ang kulit ng mga sagot mo?:)
wag kang ganyan… seryoso ako!

bakit may bangs n parang hook si superman?
sa pagkaka-alam ko kaya sya may bangs na pa-hook ay para hindi sya makilala na sya si superman pag sya ay bumabalik sa pagka-clark kent. sinusuot nya din ang super kapal nyang eyeglasses para lalo syang hindi makilala. subukan mong mag-bangs na pa-hook, baka wala ding makakilala sayo.

bakit kailangang maholdap muna bago madala?
mahirap kasing madala ka muna bago ka maholdap… ganun talaga pagkakasunod nun! ang hirap namang sabihin na nadala ka na tapos hindi pa naman pala nangyayari sayo yun. pwede siguro, mag-ingat ka o umiwas ka para hindi ka madala.

turuan mo nga ako manligaw, ung mga moves na pampakileg
ganito yan… kumain kayo sa labas. dyan sa may kanto, libre mo ng fishball o kaya kikiam. syempre may kasamang softdrink na nasa plastic yun. syempre, share kayo sa straw. pag medyo madami kang pera, kain kayo sa carinderia. yung value meal… may ulam, may kanin at may libre pang soup. tapos, manood kayo ng movie. yung double feature… isang ticket, dalawang palabas. di ba nakatipid ka na naman… tapos dalhin mo sa isang romantikong lugar… tulad ng divisoria o kaya baclaran. tapos kung medyo galante ka, ibili mo ng damit. dun sa may ukay-ukay sa bambang… 3 for P100. wahaha!

seryoso: wag magpanggap. kung ano ka, yun ang ipakita mo. dapat ang magustuhan nya ay kung sino ang tunay na ikaw. hindi ang nagpapanggap na ikaw.

bakit ang daming emo ngaun???
madami kasing mahilig makisakay sa kung ano ang uso. na-uso emo, lahat puro emo. na-uso bossa, lahat puro bossa. nakakatamad na nga silang pakinggan dahil wala na talaga silang pagkakaiba. hindi mo alam kung sino ang sino. tapos, tayo dito sa pilipinas, gaya naman tayo ng gaya sa kanila.

nakakalungkot dahil ndi nakatapak sa 2008 beijing olympics ang basketball team ng ating bansa…
o, ano tanong mo? haha! sige na nga magco-comment na lang ako. nakakalungkot talaga pero ganyan talaga. meron pa namang next time. pagkatapos ng next time, meron pa uling next time… saka next time pa ulit. madami pa namang next time kaya wag ng masyadong malungkot. kalamayin mo ang iyong kalooban… wahaha!!! sana din, ang binibigay nating support sa basketball ay ibigay din natin sa iba pang sports.

bakit ang hirap ng ANATOMY? as in khit nag-aaral k n ng mabuti, ang hirap talaga nya,,,, as in hAAARRRDDD!!!!!
ibig sabihin nyan mag-aral ka pang mabuti… study hard… as in hAAARRRDDD!!!!!

gitara
G-Em/C-Cadd9-Dsus-D-D9-D. siguro sinusubukan mo kung gumagana yung submit button no? first time mo siguro. haha!

bakit ang sarap ng sisig sa almers?
dahil ito ay sinahugan ng pawis ng pagmamahal!

panu papabanguhin ang utot mo?
subukan mong kumain ng sampaguita. haha! sabi nila pag mabaho ang utot mo ibig sabihin daw nun masarap ang kinakain mo. kaya wag kang mahiya kung mabaho ang utot mo. haha! wag ka lang uutot pag kasama mo ko…. wahaha!

pano mo sasabihin sa katabi mong may Body odor sya nang hindi nasasaktan ang kanyang damdamin? ung katabi ko kasi e….
sabihin mo sa kanya may bagong promo yung isang deodorant. sabihin mo i-try nya… tapos bili ka ng dalawa. tig-isa kayo para hindi halata. ipakita mo sa kanya na iyon din talaga ang ginagamit mo… basta parang ganung epek…

nagyoyosi ka ba?
repapips, mga ‘tol, mga tsong… dehins ako nagyoyosi… masama yung masyadong madaming bisyo… magastos pa! haha!

pno ba aq popogi?
himala… kasalanan bang… humingi ako sa langit ng… isang himala. buti na lang hindi ko masyado yang pino-problema. wahaha!

bakit parang mahirap mabasa ng mga answer? maliit ung font
maliit ba? pasensya na. mukha kasing cute pag maliit. i-zoom mo na lang. saka kakain ka ng gulay, yung pampalinaw ng mata. 😉

bakit ba kailangan nating magtanong????
para magkaroon ng sagot. hindi lahat nababasa sa libro, yung iba dito mo mababasa. wahaha! =)

may gag0 ba sa likod ko?
uhm… wala naman ako sa likod mo… siguro wala naman.

tarantado si chano?
hindi lang tarantado, gago pa! sa lahat ng pinaka yun ang pinaka. grabe… buti nga may nakaktiis pa dun e. ah, ehh… sino ba yun?

Bakit building ang tawag sa building eh tapos na naman itong gawin?
siguro dati hindi pa nila alam kung ano yung bini-build kaya tinawag na lang muna nilang building hanggang sa nakasanayan na siguro nila yun o kaya tinamad na silang palitan. yung apartment nga e magkakadikit pero apartment tawag nila.

pano maalis ang katorpehan?
hindi ko lang alam kung merong nabibiling sabon para maalis yang katorpehan. yung iba dinadaan sa biro, yung iba dinadaan sa beer. at yung iba dinadaan sa dasal… kung ano man ang makapagpapalakas ng loob mo e yun ang gawin mo… goodluck!

given that teta is the angle of a triangle, find teta if: cos teta= 0.4975.. aheheh ,, assignment ku pu ean sah trigo .. hehe ..
ahh… eh… uhm… kasi ganito yan e… … … … … ahh… uhmm… x=y+3(%5$**7@#^) … ahh… ehh… sige, 48 na lang. pwede na yan… basta ipilit mo sa teacher mo yan ang sagot. wahaha!

paano maging magaling sa dota?
practice lang yan saka kakain ka ng madaming iodized salt. tapos sa gabi mag-eexercise ka. tapos wag mong kakalimutang kumain ng gulay lalo na ng carrots, pampalinaw ng mata yan.

If dog is man’s bestfriend and you’re my bestfriend, are you my dog?
aw aw aw! aw aw aw! aw aw aw! aw aw aw!aw aw aw! aw aw aw! aw aw aw! (akala ko beer is man’s best friend…)

ano masarap/paborito mong toma? ako, ok na ako sa empoy!
kahit ano basta nakakahilo, talu-talo na! tapos may sisig… s#*+!

bakit kaya adik ako sa cream’o?
mabuti naman at sa cream’o ka lang naaadik… mabuti na yan kesa sa ibang bagay ka pa maadik. ako rin minsan naadik dyan saka sa iba pang mga pagkaing may tsoklate…

bakit kaya ang sarap makipag sex? pero bakit panandalian lang ang sarap? hehehe…
pwede naman patagalin yun e… basta ba gagalingan mo… saka nadadaan din yan sa praktis… (mga bata… wala kayong nabasa ah…)

bakit hindi ka pa nag-aasawa?
naku! wala pa sa isip ko yan… ang nasa isip ko lang ay maglaro. haha!

deal or no deal?
no deal!

mahal mo na ba tlaga?!
oo na, sige na… wak kna makulet! sandali, sino ba? si… si… c… c…

pag gusto mo ba ang isang tao ganun kadali mo n lang ba sya iiwanan?bhaha
capital H-I-N-D-I. hindi madali yun lalo na pag malalim na ang feelings mo sa kanya. yung celfone mo nga hindi mo maiwan-iwan e tapos yan pang taong gusto mo. saka bakit mo naman iiwan kung gusto mo sya? may problema ba? meron bang humahadlang? ipaglaban mo kaya… (hmm… personal experience ko ba ‘to?)

bakit di ka na lang nag-philosophy at architecture ang kinuha mo, e magaling k nman pla sumagot ng katanungan ng mundo?
pinanganak na kasi akong “pilosopo” pero hindi naman ako pinanganak na arkitekto.

One thought on “Bakitganun #5

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.