Bakitganun #6

ano si grimace sa mcdo? ala namang kamote dun
ayon sa kwento sa akin nung ako ay bata pa, nung mga panahon na ang alam ko lang na kainan ay ang mcdo at jollibee… bago pa man naging bestfriend ni ronald mcdonald si grimace, sya ay isang magnanakaw kasama ang dalawa o tatlo pang characters sa McHood(?). si grimace daw ay matakaw at mahilig magnakaw ng mga milkshakes. siguro kaya ganon ang itsura nya. mukhang milkshake. pero kung bakit ganun ang kulay nya ay isang malaking misteryo. wala din naman akong alam na milkshake na kamote flavor o sundae na grapes. eto ang nakakatakot… nagkalat pala ang masasama sa McHood. hehe… at ngayon, bestfriend pa nya si ronald mcdonald. di kaya si mcdo ay kabilang na din sa mga masasama.

Girls are weird sometimes. Do you agree?
yes, they are weird sometimes. and sometimes… all the time. haha! pabago-bago ng isip. may “period” na masungit. pag na late ka sa usapan e galit na galit. pag sila ang na-late, dadaanin ka lang sa pa-smile smile ayus na. pagkatapos gamitin ng lalake ang toilet bowl e gusto nila na ibaba natin ang toilet seat pero pag sila na, hindi naman nila itinataas ang seat pagkatapos nila gamitin. hayy… mahaba pa ang listahan pero ititigil ko na. lagot na naman ako nito. ganyan talaga ang mga babae. nakakatuwa. nakaka-asar. pero kahit gaano pa sila ka-weird, mahal pa rin natin sila. =) haha… yan, pambawi…

ei aNo mSsbi Mo sA wEb nammEn??!! www.yabangpinoy.com
ayuss! ituloy nyo ang mga ginagawa nyo. ipagmalaki ang lahing pinoy. salamat din at napadaan kayo sa munti kong site… sana ay balang araw ay maipagmalaki nating lahat ang ating pagka-pilipino.

sinong artistang babae gusto mo? one local and one foreign.
wala akong peborit pero madami akong gusto. gusto ko si audrey tautou para sa foreign at si mylene dizon sa local… nakatuwa kasi si audrey sa movie nyang amelie… si mylene dizon naman… uhm… basta gusto ko sya… bakit ba?! hehe…

bakit xa inspiration mo? inde si angel locsin?
hindi ko rin alam kung bakit sya ang nagustuhan ko. sabi ko dati, ayoko ng ganyan. pero nung unti-unti ko syang nakilala, napag-isip isip ko na hindi pala lahat ng ayaw mo e hindi mo talaga gusto. magulo ba? kailangan kasama mong gustuhin ang mga ayaw mo dahil hindi mo pwedeng kunin ang mga gusto mo lang. pwede nyo namang baguhin yung mga hindi nyo gusto sa isa’t isa. hindi yan parang ulam na pipiliin mo ang mga ayaw mong kainin. pwede din namang ibahin mo ang pagkakaluto para umangkop sa iyong panlasa. teka nga muna… sino bang “xa” ang sinasabi mo? wahaha! pasensya na hindi ako fan ni angel locsin.

BAT AKO NA AADIK SA SITE MO?lol
haha! ayuss lang yan… sana ay madami pa ang maadik sa site na ‘to! hindi naman ‘to nakakasama sa katawan e. medyo nakakasira lang ng ulo minsan. gawing habit ang pagpunta sa site na ito.

am i losing my self-respect when i keep on loving the person who always hurt my feelings?
sabi ng aking horoscope, astrology at sari-saring mga psychological tests, ako daw ay isang romantikong tao. siguro nga. wala kasi akong pakialam kung ano man ang itawag sa akin. pwede nilang sabihing wala akong self-respect, tanga, bobo, at kung anu-ano pa pero pagmahal ko ang isang tao — mahal ko sya kahit ano pang mga salita ang itawag nila sa akin. siguro romantiko nga ako. isang malaking sirang romantiko. wala akong ibinigay na diretsong sagot sayo pero ang sinabi ko ay kung ano ang nararamdaman ko sa ganyang klase ng sitwasyon.

san ka nagbakasyon?
sa wala masyadong istorbo. yan, ang igsi na naman ng sagot ko… baka may magalit na naman… hehe…

ano pangalan ko?
ginawa mo naman akong manghuhula. wala pa naman akong pwesto sa quiapo. yaan mo, pag pinamana na sakin ng lola ko yung bolang crystal nya e huhulaan ko ang name mo…

love kaya ako ni christian? hahaha
love ka siguro nun… lahat kayo love nun… pero meron syang isa na pinaka-love. haha! my…

dude, sino si superxienah? gerlpren mo ba?
hehe… isa sa mga inspirasyon kaya nabuo ang site na ito…

ano ang emo?
scroll down po… pakihanap na lang sa bandang baba… may nagtanong na nito e… nakipag-debate pa nga weh… kaw ng bahala kung kanino ka maniniwala… wala namang pilitan dito. =)

Can you be my textmate?
sige, pag nahulaan mo ang number ko! =)

nagtatagal ba ang online relationship?
merong mga nagiging successful pero sa tingin ko e mas madami ang hindi… yung iba kasi nagtatago sa ibang pagkatao… kunwari mabait, kunwari ganito, kunwari ganyan… kunwari lalake, kunwari babae… at syempre mahirap din na ang way nyo lang ng communication e thru online…

ewan lang kung me nagtanong na nito.. alin ba ang nauna, ang itlog o ang manok?
yan ang walang kamatayang tanong. panahon pa yata ng mga tatay ng mga lolo natin sa tuhod e pinagtatalunan na yan… haha… pero sa aking palagay, mas nauna siguro ang manok. ang pangit kasing pakinggan kung sasabihin na “ang Diyos ay gumawa ng itlog”. di ba?

anung dahilan bakit di ngpaparamdam skin ang bf ko?binibigay ku nmn laht s aknya?bakit gnun?5 days straight syang wala..at nabalitaan kung nkikipag secret on sya sa iba..anung gagawin ko?im so stoned:[.
binigay mo lahat sa kanya?!? hmm… swerte naman ng bf mo… hindi ba nagpaparamdam? baka walang load… walang pamasahe… walang pang-gasolina… nagkasakit… naputulan ng landline… sira ang dsl… tinatamad maglakad… na snatch ang celfone… o baka meron na ngang iba… hmm… maganda mo sigurong gawin e kausapin mo sya. magsumpaan kayo na ang magsinungaling e hahaba ang ilong. kung sa tingin mo na tama ang hinala mo e dapat siguro ay mag-isip isip ka na.

monday na di kpa din nag uupdate!!! asan kna!!?
pasensya na po… tulad ng lagi kong excuse, madami akong tinatapos na trabaho. nag-iisip na nga ako ng ibang excuse para maiba naman. wag sana kayong magsasawa sa mga excuses ko… haha..

naging irreg ka na ba?
naging irreg ako sa P.E. naubusan kasi ako ng slot e. pero lagi akong bagsak o drop sa ROTC. ayoko kasi talagang magmartsa every sunday. kahit every sem e ini-enroll ko sya e hindi ko naman sya pinapasukan… wahaha! kaya pumasok na lang ako as an artist nila, parang light duty… dun lang ako sa office tapos ung kalahati ng natitira kong ROTC e binayaran ko na lang…shhh… hehe… alam mo bang natapos lang ang ROTC ko nung malapit na akong grumaduate… haha!

panu b mag build ng website isang brief lecture nga jan pls!? (note: may onte naman meng alam s html at wag k mag alala ndi ku tatapatan tong site mu, hahAa!)
mas mapapadali ang paggawa mo ng website kung gagamit ka ng mga software programs na tulad ng Dreamweaver o kaya ay Frontpage para madali mong mai-prepreview ang ginagawa mo. para naman mapublish mo ang ginawa mo e kelangan mo ng webhost. ang ginagamit ko naman ay Notepad++ pero pwede na rin ang Notepad ng PC.

aba! mabenta n u ngaun parang dati lng aku lng nagttnung d2 nyahaha! anu feeling?! pa autograph naman nyahaha
hehe… salamat sa walang sawa mong pagtangkilik… sana e ituloy mo pa ang iyong pagbabasa at pagtatanong sa site na ito… masaya ang feeling pag madaming nagtatanong kahit na walang kwenta ang mga sagot ko… hehe… basta ang importante ay ang kwento!

masarap ba yung tae
taena. hindi pa ako nakakain ng tae. wala rin akong balak tikman sya. pasensya na.

why do i feel like i’m useless? why did i say “oh i’m happy for you.so, kelan ang kasal?”…if deep inside i was hurt…a lot?-_-
i think we all feel useless sometimes. nasasabi mo siguro yan dahil meron kang nararamdaman na gusto mong pagtakpan. ayaw mong malaman ng ibang tao lalo na ng taong nakasakit sayo. gusto mong ipakita sa kanya na kaya mo kahit na sobra kang nasasaktan. ayaw mong ipakita ang iyong kahinaan. pwedeng isang defensive mechanism o kaya’y isang paraan para maka-cope sa sitwasyon…

galit ka ba sken?
ano ba ang dahilan para magalit ako sayo? ano bang nagawa mong kasalanan? kahit na may nagawa kang kasalanan, alam mo namang hindi kita matitiis… haha!

ngunit bakit? bakit… ang ikli ng iyung sagot..??.. nagmamadali kah bah?? .. aheh, choosy?!
ito’y dahil! dahil siguro yun lang ang kailangan na sagot. dahil yun lang siguro ang nakayanan ng aking kaalaman. dahil siguro inatake ako ng katamaran… dahil siguro nagmamadali ako… dahil siguro hanggang dun lang talaga… tulad ng sagot ko dito, hanggang dito na lang talaga… kahit na mag-isip pa ako ng ibang dahilan ay wala na talaga akong maidahilan…

ano ang explanation kung bakit natutulala ang isang tao?
shock. mangha. madaming iniisip. malungkot. inaantok.

baket ‘twing monday ikaw nasagot ng mga tanong?
yan ay sa kadahilanang maraming gawain tuwing weekdays kaya ako ay nagsasagot ng mga questions nyo tuwing weekends at pina-publish ko sya every monday. pero minsan hindi rin ako nakakapag-update kaagad tuwing monday dahil nga sa ibang bagay na kailangan ko pang ayusin.

para kang c bob ong .. aheheh .. kamaganak mu bah c bob ong? kapitbahay? kakLase? ooh baka ikaw xa.. wula lng.
hindi ko sya kamag-anak, kapitbahay o kaklase. at lalong hindi ako si bob ong…

anu pung course ni’te’take/ni’take mu?
arkitektura po…

waw, an daming nagtatanong sa’yo. ang saya naman. pwede ka bang dumaan dito ->www.nealyn.tk check mu na lang siguro yung blag at multeeplay
salamat din sa pagdaan dito… ang saya nga pag madaming nagtatanong. pinuntahan ko na ang site mo… =) ayuss!

Bakit nakakaadik mag-rub ng eyes?
lahat yata ng makati e masarap i-rub. nakakaadik talaga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.