Bakitganun #7

whats ur ultimate secret? bawal ang sagot na secret! hahaha! and dont tell me na it defeats the purpose of being a secret pasg sinabi mo…sagot nlng…haha!
talagang dalawang beses mo pang tinanong ha… pag sinabi ko sayo wag mong sasabihin sa iba ha… meron akong super power. kaya kong maging invisible… kaya lang pag may tumitingin sakin, nagiging visible na ulit ako… wag mong pagkakalat yan…

Haaayy… ang dami kong kaagaw sa prof ko, crush pala siya ng college of science.. at may pagka flirt pa xa..
haha… goodluck na lang sayo!!! =)

nasisilaw ba sa pera ang mga bulag?
yung lola ko nga e may pagka-bingi pero pag pera ang pinag-uusapan e ang linaw-linaw ng pandinig. kaya hindi lang nakakasilaw sa mga bulag ang pera, nakapagpapatalas din sya ng pandinig ng mga bingi.

nanganganak ba ang mga bakla? kung hindi, bakit sila dumadami?
hindi sila nangnganak pero nakakahawa sila. meron akong alam na mga dating macho na ngayon ay mas mahinhin pa sa babae… meron din namang pinapanganak na sadya ng bakla… yaan mo, mababait naman yang mga yan…

bakit ang blackboard green?
hindi ka pa ba nakakakita ng blackboard na black? e whiteboard na yellow? ngayon yata e lahat ng bagay na sinusulatan ng chalk e tawag ay blackboard.

pano mapapatagal ang isang relationship? pano maging sweet?
madaming paraan para tumagal ang isang relationship. isa na dyan ang pagkakaroon ng tiwala sa isa’t isa. sinasabi na maganda na maging center ng relationship ang diyos (o kung ano man ang tawag nila sa kanilang sinasamba). wala namang perfect relationship kaya wag asahang magiging maayos lahat kaya mabuti rin kung magiging open ang communication sa isa’t isa. wag daanin ang lahat sa init ng ulo. haayy… mukha na naman akong si joe d mango nito… meron pa sana akong idadagdag kaya lang magmumukha naman akong si margarita holmes… haha!!!

bakit?
yan ay sa kadahilanang…

kilala mo b aq???
ikaw ba si inday badiday? alam mo ba na dyan sumikat sa linyang yan si inday badiday… sa pagtatanong nya kung kilala daw ba sya ng mga nawawalang bata, matanda, dalaga, binata, aso, pusa sa kanyang programang eye to eye… subukan mong gawing habit yan baka sumikat ka din…

akin na lang yung website mo.
ayuss ka ah… hehe… gawin bang christmas gift… πŸ˜‰

pwede bang mag-dinner pag mei dalang lunch box?
siguro mas maganda kung maghanap ka muna ng mabibilhan ng dinner box tapos saka mo sya dalhin ng dinner para hindi ka masyado mapagtawanan… haha…

san nanggagaling ang galit?paano ito mawawala?galit ka ba?
iba-iba ang pinanggagalingan ng galit. ito ay emosyon na sinasabi ng ating utak sa ating puso na nilalabas natin sa ating bibig… haha… pero yung iba ay hindi na nila inilalabas… sinasarili na lang nila ito para nga naman makatipid sa inuman… haha… pwede itong mawala o mabawasan man lang kung maisha-share mo ang pinanggagalingan ng galit mo sa iba… hindi na mahalaga kung mabigyan ka nila ng payo… ang mahalaga ay ang mapakinggan ka… ako, galit? sabihin na lang natin na meron akong kinaaasaran ngayon…

wats d essence of being a man!? nyaha
hanep… pang beauty contest yang tanong ah… pwede bang sa talent portion na lang ako? hehe…

opo nasagot nyo na..rated pg ba ito at nakablangko ang pangalan? pero that’s great hahaha
buti naman at nasagot ko na… sinisikap ko namang sagutin ang mga tanong nyo minsan nga lang ay natatagalan dahil sa dami ng iba ko pang ginagawa… salamat sa patuloy na pagtangkilik… tanong lang ulit… πŸ˜‰

ano bang magandang iregalo ngayon bukod sa rubix cube? san ba nakakabili ng magandang brown shirt? hahha..thanks
kotse… isang unit ng condo… cash… gadgets… wahaha… kahit ano basta galing sa puso… kahit na yung maliliit na bagay lang… basta pinag-isipan at pinagpaguran… yung tipong may personal touch… kahit wala nga e… basta maalala lang ako ayuss na!!! πŸ˜‰ brown shirt? punta ka na lang sa mall… kung gusto mong makipagsiksikan at makipagpalitan ng pawis, punta ka sa divisoria. ingat ka lang sa holdaper, snatcher at mga manlolokong tindero. kung magdadala ka ng sasakyan, mag-ingat ka sa mga pulis na nangongotong at sa mga nagbabaklas ng side mirror.

kuya sorry pinapatanong kasi yun hahaha si ____ ito hahhaha
ah okay… nasagot ko na ba?

bakit masakit mawala ang best friend mo?
mahirap mawala ang nakasanayan mo na. yun lang yun… hindi ko na papahabain… nalulungkot lang ako… =(

naisip ko lang… bakit nga ba masakit pa rin kapag kausap mo yung ex mo kahit 2 years na since nun magbreak kayo?
madami sigurong pwedeng dahilan. hindi pa nakaka-move on. mahal mo pa rin. masyadong masakit. masyado kang ginago.

ang lason ba pag expired na nakakalason pa rin?
ang alam ko, expired o hindi, malalason ka pa rin. baka mas mabilis ang epekto pag expired na… haha!

bakit ang tagal mo bago mag update hinihintay ko pa naman sagot mo sa tanong ko
tulad ng lagi kong palusot… madami kasi akong ginagawa e… busy-busyhan ganun… hindi na nga ako natutulog e… monday to tuesday hindi ako natulog… thursday to friday hindi ako natulog… tapos nung friday, puyat na lasing pa… yan tuloy… hindi ko na nagawa… mag-oonline pa nga dapat ako nun kahit 3am na ng saturday e kaya lang hindi ko na nakayanan talaga… pasensya na po…

ok lang ba sayo na babae ang laging nanlilibre sayo? pero gusto nya yun.
ok lang kung ate, tita o nanay ko sya. pero kung hindi naman, mas maganda na yung salitan o kaya share o go dutch.

Ano ang quantum mechanics?
ang alam ko lang na quantum ay yung nasa megamall.

pano pag ung babae lagi ang may gustong manlibre sa date? diba dapat lalake?
e kung sya naman yung yaya ng yaya e, ok lang siguro yun. pero mas maganda kung minsan yung lalake, minsan yung babae… o kaya e share na lang. go dutch. nakakahiya din naman yung laging nililibre.

excited na ba kayo mag paskuhan??? ano ba magandang abangan dun?
hindi ako excited dahil hindi na ako nakakapunta ng paskuhan. sana e may magyaya saken… haha! syempre ang inaabangan dun e yung free na pagkain, concert at ang fireworks display.

how would i know if a girl wants to have sex without asking?
mararamdaman mo na lang yun…

may crush akong prof, anong gagawin ko. i’m mesmerized.. akoy kinikilig. .yey!!
okay lang yan. crush lang naman pala e… basta importante na alam mo kung hanggang saan ka lang at hanggang saan lang sya. hindi ko rin naman sinasabi na masama magka-relasyon ang isang estudyante at kanyang prof pero depende pa rin sa sitwasyon yan… merong mga estudyante na mas matanda pa sa prof nila… alam kong may sinusunod na code of conduct ang mga guro tungkol sa ganyang mga bagay pero ako ay naniniwala na may mga pagkakataong hindi naman talaga masama kung bubuksan natin ang ating isipan. naalala ko tuloy ang isang taong special sakin. nagtuturo din sya (pero hindi sya talaga “teacher”). =)

NOTE: lahat ng sinasabi ko ay mga opinion ko lamang at hindi nangangahulugang tama.

pano mo daw sasabihin sa bf mo na hindi na sya sweet?na parang komportable na siya sa buhay na di mo na siya iiwan?
bakit may “daw” pa? sino ba ang nagpapatanong? haha! sabihin mo ng seryoso o kaya e sabihin mo ng pabiro. pili ka.

saan ba magandang magliwaliw ngaung x-mas break???
dun sa beach… walang masyadong pumupunta ng beach ngayon. baka makakuha pa kayo ng discount. pero kahit saang lugar pa kayo pumunta, mas masaya kung kasama mo ang mga taong espesyal sayo.

Tanga ba ang susunod na magpopost?
hindi naman siguro. tulad ng sinabi ko, hindi lahat ng nagtatanong ay bobo. siguro wala lang alam… haha… pero tingnan natin kung tanga nga… haha…

?
!

tuesday mo na naaupdate toh!
haha! pasensya na po… pag ganitong magpapasko e tambak ang aming gawain. ewan ko ba. hindi naman namin kamag-anak si santa claus pero pagdadating ang christmas season e ang dami naming ginagawa.

sobrang kapal ng buhok ko dude, ipakalbo ko na kaya yung sa may batok ko? hehe.
hindi kita pipigilan. gusto mo pati kilay mo e ipa-ahit mo. tapos magpa-tatoo ka ng bigote. diba cool yun?

Sa tingin mo magkakamartial law ba ngayon?
“di na ko papayag mawala kang muli. di na ko papayag na muling mabawi. ating kalayaang kay tagal nating mithi. di na papayagang mabawing muli.”

paano kung niloko ka ng gf mo for more than three times tapos sya pa yung nang-iwan sa’yo at ipinagpalit ka sa kakilala mo, then after seven months since break-up niyo ba eh magagawa mo pa syang patawarin?
kung mapapatawad mo sya e nasasa-iyo yan. gaano mo ba sya kamahal? minsan pag nagmamahal ka, hindi mo binibilang kung gaano kadami yung naging kasalanan nya sayo. sabi din naman ni william wallace sa movie na braveheart: “fool me once, shame on you. fool me twice, shame on me”.

astig ung lindol nung tuesday (nov 27), first tym ko nkramdam ng lindol sa buong buhay ko… kw, nramdaman mo b?
grabe! nasa 16th floor ako kaya ramdam na ramdam ko. yung kasama ko ngang girl e maiiyak na sa kaba. sabi nga ng kasama ko e “it’s a moving experience”. swerte mo at ngayon ka lang nakaramdam ng lindol. mas mababa ang risk mong magkasakit sa puso. haha…

how can i win my girl back? mahal ko talaga yun…
tulad ng lagi kong sinasabi — magpakatotoo ka. wag mong itago kung sino ka dahil mahirap kung magustuhan nya ang hindi totoong ikaw. kung magustuhan ka nya e di ayuss. kung hindi, sorry na lang o kaya next time na lang ulit. hehe…

bakit yung girlfriend ko pumapayag ma-flirt ng ibang guy. tapos sa kanya pa sumama.
e di maganda. wala ka ng problema ngayon. sana nag-flirt ka din sa iba. mahirap pigilan ang pag-uugali ng tao. mas maganda nga yan dahil mas maaga mo syang nakilala. hanap ka na lang ng iba kung gusto mo. madami pa dyan. wag mong sasabihing wala ka ng hinahanap na iba kundi sya. dahil sigurado pag may nakita kang iba sasabihin mong “sya na ang hinahanap ko”!

binili ku ng itim ginamet ku ng pula tinapon ku ng puti. anu itu?
sorry! color blind ako! pasensya na. haha!

bakit baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino? hehe
hehe… hindi ko pa sya nababasa e… pag nabasa ko na, ikekwento ko syo kung bakit. pero hindi ko sya uumpisahang basahin sa likod. dun ako mag-uumpisa sa harap. promise! =)

ano pangalan mo?
itatago ko na lang ang aking sarili sa aking tunay na pangalan na… haha… kala mo sasabihin ko dito… hinde ah… pero kung ikaw ay mapag-obserba at hindi mainipin… makikita mo din ang pangalan ko. at hindi lang ang pangalan ko ang matutuklasan mo.

masama ba maging selosa?
sa tingin ko ay may level ang pagiging selosa… merong selos na parang lambing lang… merong selos na lambing na may halong tampo o galit. meron din namang selos na puro galit lang. saka depende din siguro sa sitwasyon kung masama nga o hindi ang pagseselos. minsan may nagseselos ng walang dahilan… kung may dahilan man ay mali ang pagkaka-interpret nya sa mga sitwasyon. kung ang selos ay nasa pagitan ng love and hate, mas maganda siguro na mas malapit sya sa side ng love kesa hate.

anung saysay ng site na toh?? hehe
absolutely nothing! ito ang site na wala kang kapupulutang aral. this site is certified moral leson free! kung may mapupulot ka mang aral, ito ay hindi sinasadya. ang lahat ng sagot na mababasa nyo dito ay base lamang sa opinyon at experience ng isang ordinaryong tao, tulad ng mga taong nakakasalubong nyo sa daan… sumasabit sa jeep… nakikipagsiksikan sa mrt… nakikipag-unahan sa fx… nakikipaghabulan sa bus… nakikiangkas sa bike… naggagala… nagkukulong sa bahay… umiiyak… tumatawa… nagtatagumpay… nabibigo… gumagawa ng maganda… nanggagago…

magkano ang kilo ng tilapia?
depende yan kung saan ka bibili. sa amin, mas mura pa kung bibili ka sa sm kesa kung bibili ka sa palengke. magagastusan ka nga lang ng pamasahe. pero ok lang dahil mas maganda namang bumili sa sm (haha… sm talaga ah…), malamig na malinis pa.

NOTE: SM = kahit anong supermarket sa mall

mahilig ka ba kumain ng calamares??? lika, kain tayo sa dapitan! hehe.
oo, mahilig ako sa calamares. isama mo na ang camaron. pero yung calamares na tinitinda sa kalye, parang ayaw ko na sa kanya. napanood ko kasi yung pinalabas sa tv… eewww. haha! basta seafoods, champion sakin yan. actually kahit isda lang, tapos inihaw sya… grabe, pamatay na! tapos meron kang talong, bagoong at kamatis… damn!

uy taga bataan ka??? san ka dun? wahehe. bataenyo rin ako ehh..
oo, doon ako nabuo. doon din ako inilabas. dun kami sa limay. ang bahay namin ay isang sakay ng tricyle mula sa dating palengke. malapit sa dagat. hindi ko na alam ang itsura ng limay ngayon. bata pa lang ako nung kami ay umalis dun. minsan na lang din kaming umuwi dun. pero andun pa rin yung bahay namin… walang nakatira. sa ngayon, hindi ko na alam kung taga-saan talaga ako. kung saan-saang lugar na rin kasi ako tumira… at nakitira.

mag’wa’wan yir na kame, pero di ku na xa ‘maramdaman’, prang wula lng aku sknea, dpat ba kuhng manghinayang? ooh tapusin na?
wag mong ituloy ang isang relationship dahil nanghihinayang ka lang. ganun lang ka-simple yun.

given the chance to relive your life, would you still prefer to be filipino?
oo naman. hindi naman kasi ako naniniwalang nasa pagiging pinoy ang diperensya (hoo… lalim!). nasa ugali at diskarte yan ng bawat indibidwal. siguro may mali sa ating kultura pero lahat naman ay dumadaan sa pagbabago.

si superxienah
o?

panu ba malalaman na gusto ka ng guy?hahaha.. nakalimutan ko na kse eh.hahaha
gusto ko ang isang girl kung gusto ko sya laging kausap. kapag gusto ko sya laging makita. pag gusto ko sya laging kasama. kapag sya lagi yung iniisip ko. kung ganyan ang gusto ng isang guy sayo, malamang e gusto ka nya. =)

bakit kaya ang saklap ng buhay ko?
kung masaklap man ang buhay mo ngayon e wag kang magmukmok na lang dyan sa isang tabi. ang iyong buhay ay nasa iyong mga kamay. wag mong iasa sa iba ang iyong hinaharap. dumadating talaga sa buhay ang ganyan pero kailangan nating bumangon at lumaban. masarap ang tagumpay pag pinaghirapan.

what is the quantity equivalent to 16.301% litre per volume derived to cubic meter?
tumingin ka sa gilid ng pc mo. click mo yung START button. tapos click mo ALL PROGRAMS. tapos ung ACCESSORIES. tapos hanapin mo yung CALCULATOR dun. gudluck!

may gf ako ni rerespeto ko xia kaya indi ko kinuha kanyang pagka babae tapus nag break up kami for 7 months, tapus nung nagkabalikan na kami may kumuha na ng kanyang pagkababae, okey lng ba na ipagpatuloy kopa aming relasyun??? kahit 2nd hand na xia??
siguro kung nagdadalawang isip ka… wag mo na lang ituloy. para namang sobrang baba na ng tingin mo sa kanya. para sa akin, kung mahal mo ang isang tao… dapat mong tanggapin kung sino sya, kung ano man ang kanyang nakaraan, kung ano man ang kanyang pagkakamali, kung ano man ang kanyang kakulangan. ang pangit namang pakinggan ng second hand. walang second hand sa tunay na pagmamahal.

how can i find the first trigonometric function in terms of the second for tetha in the given quadrant: 1. cot, sin; tetha in quadrant II?
darn! hanggang ngayon ba hindi pa nakikita yan! madami ng humahanap sa kanya… bakit, kamag-anak mo rin ba sya?

If you were given the chance, why?
why not?!

ano ibig sabihin pag ang isang babae bigla na lang naging aggressive sayo? tapos she teases you more often and makes excuses to touch you often? na dati nama’y hindi?
sa panahon ngayon, dapat ay masanay ka na dahil normal na ang mga ganyan ngayon. wag mong isipin na ginagawa nila ang mga ito dahil ikaw ay “gusto” nila. baka gumuho ang mundo mo pag ikaw ay umasa at nalaman mo ang totoo na hindi naman pala. ibig sabihin din nito na sila ay komportable na sayo. bakit, ayaw mo ba na tina-touch ka ng mga babae?

totoo ba yung pasma-pasma?
sabi ni ernie baron, mapapasma ka daw kung ikaw ay galing sa mainit ng matagal tapos ay malalamigan ka. halimbawa daw nito ay yung matagal kang nagpaplantsa ng damit (pwede na ding buhok… haha), tapos e magbababad ka sa refrigerator. haha… basta, parang ganun. yun ang sabi nya.

aus na kmi ng bf ko…aku ung ngtanung kung bkit di ngpaparamdam bf ko..uhm..ask ku lan..bakit nambababae ang ibang lalaki kahit taken na sila?
buti naman at ayus na kayo. kwentuhan mo naman ako… haha! nasagot ko na ito sa ibaba pero uulitin ko ang ilan sa mga nasabi ko. isa dito ay dahil may hinahanap sila na wala o hindi naibibigay ng isa. isa pa ay feeling nila ay mas macho, gwapo at cool na cool sila. yung iba naman, trip lang. (wala ako sa mga yan… sige na, maniwala ka na… haha!)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.