Bakitganun #8

bakit hindi iniiskandalo ng mga jeepney drivers yung mga balasubas na pasaherong hindi nagbabayad? kung tutuusin may karapatan silang magreact dahil hanapbuhay nila ang maghatid sa atin sa kung saan natin gustong pumunta. siguro yung mga pasosyal na nagsstarbucks nagwa-1-2-3 sa jeep para may pangkape sila mamaya! XD
haha! kawawa naman ang mga nag-sstarbucks. baka sabihin inaapi ko sila. nagpupunta din naman ako dun minsan, pero hindi ako pasosyal. haha… totoo yan, hindi talaga ako pasosyal! (defensive ba?) ngayon tungkol naman sa mga jeepney drivers. yung iba hindi nila ginagawa ang mang-eskandalo dahil minsan hindi rin naman sila sigurado kung hindi ba talaga nagbayad ang pasahero. yung iba namang drivers, ang style nila ay ang magparinig. ganito ang sinasabi nila: “o yung mga hindi pa nagbabayad dyan magbayad na!!!” o kaya pag meron silang hinala kung sino ang hindi pa nagbabayad, ganito naman ang sinasabi nila: “o, yung mga nasa bandang hulihan, magbayad na!!!”. madalas kasi na sa hulihan ng jeep umuupo yung mga mahilig mang-1-2-3. madali kasing bumaba dun. gusto naman ng ibang mga mahilig mang-1-2-3 ay ang sumabit sa jeep. minsan ay masyado nga lang obvious kasi gusto nilang sumabit kahit hindi naman puno ang jeep. yan yung mga matitigas na talaga yung mukha. wahaha! meron namang mga pasahero na sadyang nakakalimutan lang ang magbayad.

bakit mo b ako biglang iniwan sa ere? bakit di ka na bumalik?
huh?!? wrong send yata.

what if my mahal ka kaso busy xa sa sarili nya ok lang ba na magentertain ng iba?
hay… iba-iba ang klase ng lalake. merong ok lang sa kanila na mag-entertain yung gf nila ng iba. yung karamihan naman e ayaw. kung sa tingin mo ay napapabayaan ka na nya dahil busy sya, siguro pag-isipan mo kung dapat mo pang ituloy ang relasyon nyo o hindi na.

di ako kinakausap ng ex bf ko.. pero wala kaming formal break-up.. pero parang ayw nya ko kausapin.. ano ang gagawin ko?
siguro wag mo ng kausapin kung ayaw kang kausapin… yun na siguro yung magfoformalize nun.

do you engage in casual sex?
ahh… ehh… uhmm…

pano po kung nafafall na ko sa guy bestfriend ko? guy din po ako
hmm… e alam nya ba na gay ka? kung hindi… delikado ka dyan. kung alam na nya… dapat e pakiramdaman mo muna siguro ang sitwasyon. bestfriend mo naman yan, siguro kilala mo na ugali nya.

panu ko malalaman na nagsisinungaling ang syota ko sa akin?
kapag hindi sya nagsasabi ng totoo. :p

may tanong bang wlang sagot?

e buo na uli ang rage against the machine! kaso hindi na sila gagawa ng mga kanta. pero astig pa rin sila no?
kung sa astig sila, astig talaga sila at kakaiba. mahirap ng mapantayan.

ang astig ng site na ito.haha..paano mo malalamn kung plastic ang kausap mong tao?
salamat! buti naman at napadalaw ka… pag tumatawa sya pero hindi masaya ang mukha nya. pag umiiyak sya ng walang luha. minsan, mahirap talagang malaman kung sino ang mga taong plastic dahil yun ang talent nila, ang magpanggap. para yang yung mga tao sa starbucks. hindi mo na malaman ang mga totoong sosyal sa hindi. wahaha!!!

ano po un MAGIC JR.?
anak ba sya ni magic sr.? o apo? hmm…

paano sumisikat noon ang mga singers tulad ni april boy regino? gusto mo ba siya? XD
trip-trip lang yan… pwedeng yung trip mo ay hindi trip ng iba o yung trip nila ay ayaw mo naman. wala lang sanang magkaka-bad tripan… baka mauwi kayo sa last trip… mas maganda kung lahat tayo ay good trip lagi. kung tinatanong mo kung gusto ko sya, hindi ko sya trip. =p

paano mo malalaman kung ang amo mo ay bading?
uhmm… pag mahilig syang magkwento tungkol sa basketball pero yung topic nya ay kung gaano kagwapo at kamacho yung mga players hindi kung gaano sila kagaling… wahaha… saka kapag bigla na lang syang pupunta sa likod ng empleyado nyang lalake at hihimas-himasin ang balikat nya… wahaha… parang may kilala akong ganun ah!

nakita ko kayo magkasama. kayo na ba?
huh?! meron na namang nakakita saken. hmmm… sino ka kaya dun? ibig sabihin ba pag magkasama e sila na. madami naman akong sinasamahan e… ako ay isang pala-kaibigan na tao. dati, karamihan sa mga nagtatanong dito ay mga hindi ko kakilala. ngayon, mukhang nadadagdagan na sa mga nagtatanong ay kakilala ako. nagiging personal na ang mga tanong. haha!

NOTE: hindi pa man napupublish ang sagot sa tanong na ito ay umamin na sa akin kung sino ang nagtanong. =)

paano ba natin malalaman kung ilan ang mga totoong sosyal at mga nagpapasosyal na pumupunta sa starbucks? XD
mahirap malaman ang mga nagpapanggap sa totoo. hindi mo sila makikilala sa mukha. hindi mo sila makikilala sa kulay. hindi rin dahil nag-iingles sila ay sila ang mga totoong sosyal. hindi rin dahil sa nakataas ang mga paa nila o kahit may dala pa silang laptop at mga naka-display na naggagandahang celfones, ipod, psp at kung anu-ano pang gadgets ay sila na nga ang sinasabing sosyal.

ano gagawin mo pag wala nang nagtatanong dito?
siguro ay tutunganga na lang ako. uupo sa gilid ng kama at tititig sa pader.

bakit pa ko nasasaktan hanggang ngayon sa nakaraan kong pag-ibig? kahit n meron n kong ibang mahal,,? litong lito n ko,,, help!!!!
hindi kaya mahal mo pa rin sya? o sobra ka nyang niloko? kung mahal mo pa rin sya, nagiging unfair ka sa mahal mo ngayon. at kung dahil sa niloko ka nya… siguro ay mas maganda kung susubukan mong kalimutan na sya.

hahaha! nde po tau magkilala.. =) salamat sa pagsagot sa pnakauna kong katanungan. uu nga nman mahal ko cia.. pero bkit CIA pa? khit alm mong nde na cia pwede? :s
siguro ganun talaga pag nagmahal ka ng totoo. pag nagmahal ka ng sobra. pag nagmahal ka ng mas higit pa sa sarili mo… mahirap bumitiw… wow, bigat nito. pang Maalaala Mo Kaya.

bakit keso?
luv ko kasi yung cheese. =)

nakikinig ka ba ng metal?
bukas ang isip ko sa pakikinig ng iba’t ibang uri ng musika. siguro ay mas madalas nga lang akong makinig ng rock (in general) at ang kanyang mga sub-genres pero nakikinig din ako ng ibang uri ng musika. mas masaya kung mas madami kang napapakinggan. at mas makakarelate ka din sa ibang tao. ako, natuto akong makinig ng RNB dahil ang ilang taong nakapaligid sakin lalo na ang mga babae kong kaibigan ay puro ganun ang pinapakinggan. minsan kailangan mong makibagay. hindi ikaw ang laging pinapakibagayan. yan ay para sa mas magandang samahan. sabayan mo pa ng ilang bote ng beer, ayus!!!

ano masasabi mo andaming foreign act dito sa pilipinas ngayon? pupunta ka ba sa incubus?
ayos sakin na pumupunta sila dito kesa sa ako ang pupunta sa kanila. hehe… nakakuha na ako ng tiket sa incubus! alam mo ba na ang huli kong pinuntahang concert ng isang international artist ay ang rage against the machine pa. buti na lang at napanood ko sila bago sila maghiwa-hiwalay. napapanahon ng bumalik ako sa concert scene.

tanong: bakit cia? :S
e bakit naman hindi… e mahal ko yun e… sandali, kilala mo ba ako? may nalalaman ka ba sakin? at.. at bakit cia? ang cia ba na sinasabi ko at cia na tinutukoy mo ay iisa? at bakit… bakit ako ang nagtatanong? may karapatan ba akong magtanong? o taga-sagot lang talaga ako ng mga tanong nyo… siguro meron… wala naman kayong magagawa eh… =)

comment: i like your blog.. pti eto.. kulet.. nkakatanggal ng stress.. hehe 🙂
maraming salamat at ikaw ay naaliw ko kahit papaano kahit na sa mga panahong ako ay dumadanas ng matinding pagsubok. sana dumami pa kayong tumatangkilik sa site na ito! ipamalita! mabuhay ka!

bakit masarap ang burjer ni abalos??
dahil ang sangkap nito ay binili galing sa mga kinickback na tax ng taong-bayan. masarap lasapin ang mga bagay na pinaghirapan natin. masarap din namang kumain ng libre! hehe…

anong puno ang kinakain??
makapuno?

pano tatanggalin ang stage fright?
isipin mo walang nanonood. isipin mo nagpeperform ka lang sa harap ng aso mo. kung wala kang aso, isipin mo na ang nanonood sayo ay ang kapatid mong mahilig mang-asar. magpractice din. magpractice ng magpractice. practice makes permanent.

pano ako gagaling magreport?
madali lang magreport kung alam mo kung ano ang irereport mo. dapat din ay alamin mo kung ano ang maaari nilang itanong sayo para mapaghandaan mo ito. at dapat wag kang kakabahan. kung sanay ka na ng napapahiya, wala kang dapat ikatakot. ok din kung may reputasyon ka sa klase na tamad, bobo at joker. at least hindi sila mag-eexpect ng malaki sayo at hindi ka nila seseryosohin. wahaha!

describe the local underground scene.
sa tingin ko ay ok naman sila. minsan mas ok pa sila kesa sa mga nadidinig at napapanood mo sa radyo at telebisyon. wag lang sila magpapakain sa sistema.

my kuliti me! u? anu ba gamot dun?hehe
ako wala. may gamot ba dun? baka pagnagsabi ako sayo ng gamot baka lalo pang lumala yan. kung may 500+ pesos kang sobra, pumunta ka sa doktor. kung wala naman, dumiretso ka na lang sa mercury drug. itanong mo dun kung meron silang gamot para sa kuliti (guliti?). at kung walang-wala talaga, magtanong ka na lang sa mga kapitbahay mo kung alam nila ang gamot para dun at kung meron sila nito, manghingi ka na lang.

i22loy q pb o hndi na?
sayang naman kung hindi mo itutuloy. malay mo ok pala. malay mo maganda ang kalalabasan. paano mo malalaman kung hindi mo susubukan.

how do you like your eggs?
gusto ko yung merong nasa ibabaw. na asin?

bakit ganito ang site na ito?!
ahh… ehh… ano bang problema? hindi mo ba gusto ang kulay? maliit ba ang font? wala pa rin bang banner? gusto mo bang mapalitan na ang mga yan? mukhang malabo pang mangyari yan sa ngayon. pagtyagaan mo na lang muna. =)

bday mu? hapi bday!=)
salamat! next year birthday ko ulit!

paano sumuntok ang mga komang?
pareho din kung paano sumuntok yung mga taong hindi komang. kaya lang sila, yung katabi ng susuntukin nila yung tinatamaan nila…

paano mabuksan ang third eye hihiwain ko ba ung noo ko?
hindi, sibakin mo yung ulo mo.

How many cups of sugar does it take to get to the moon?
ako 3 cones lang ng ice cream nasa langit na ako… =)

pano ba mag buff sa flyff??
ganito gawin mo… tingnan mong mabuti yung nilalaro mo… dapat walang expression yung mukha mo… ganyan ginagawa ko pag naglalaro ng pusoy dos! wahaha!!!

inaasar kc nila ko sa isang girl… e ok lng nman skn, mganda nman ung girl eh… =) d nman naiilang ung girl, may gusto kya un skn? hehehe…
hindi porket hindi naiilang e may gusto na agad. baka game lang sya sa mga ganung bagay… wag mag-assume. mahirap mapahiya.

bakit napaka-oily ng mga safety handrails sa loob ng MRT? bakit sa LRT hindi ganun?
madalas akong sumakay ng mrt. sa lrt, huli akong sumakay dyan nung hinuhulugan pa sya ng token. hindi ko napapansin noon sa lrt kung oily ang handrail o hindi. ang napapansin ko lang ay pagmalakas ang aircon ay malamig ang handrail at mainit naman ang handrail kung matindi ang sikat ng araw. at kung matindi din ang araw ay maasim ang amoy ng mga pasahero lalo na kung siksikan. napansin ko rin na maraming mahilig pumwesto at makipagsiksikan sa may bandang pintuan kahit na maluwag naman sa gitna. siksikan din kapag rush hour. nag-uunahan din ang mga tao palabas ng turnstiles. halos wala rin namang pinagkaiba sa mrt. medyo malagkit ang mga safety handstraps. yung iba ay sira na. madaming bumababa at sumasakay sa end stations at sa magallanes, ayala, guadalupe, ortigas, shaw, cubao at q ave. masarap ding sumakay sa gabi, yung tipong last trip na dahil wala ng masyadong sumasakay. pwede ka ng humiga sa upuan dahil wala ng mga tao. mahirap ding umakyat sa hagdan kung sira ang escalator at elevator. masarap kasabay sa umaga ang mga estudyante at mga nag-oopisina dahil siguradong fresh pa ang amoy nila. amoy fresh pa rin naman sila sa gabi, fresh na isda.

kelan ang birthday ng mga manok?
depende kung kelan sila lumabas ng kanilang shell… hehe!

paano natutulog ang mga kuba, yung sobrang-sobrang kuba ah!
nakapikit? yung sobrang-sobrang kuba ay sobrang-sobrang nakapikit? haha!!!

bakit kamukha mo si , ummm si ano ung nagsasabi ng “rock nd roll” sa enteng kabisote?
rakenrol!!!

bakit tumatahol ang mga aso?
matakot ka pag nag-meow yan.

bakit bigla ka nalang lalayuan ng dating person na close na close sau o baka naman sakin lang nangyari un
lahat ng maibibigay ko sayong sagot ay puro baka… baka galit sya, baka galit ka sa kanya, baka nagtatampo, nagseselos, naiinggit, walang oras, baka akala mo lang o baka trip nya lang na gaguhin ka paminsan-minsan. mas maganda siguro kung tanungin mo sya kung iniiwasan ka ba nya talaga… (itatanong ko nga rin pala yun… buti pinaalala mo).

ansunget mu sken .. huhuh .. do yuu hate me?
masungit ba ako? hindi!!! baka akala mo lang yun… hindi mo pa lang ako kilala… mabait ako (kulog at kidlat sa background)! mahal ko kayong lahat… pero meron akong pinakamahal. parang gusto ko kumain ng queso ngayon… haha!

panu nga b mging sweet?
iba-iba ang definition ng pagiging sweet sa bawat tao. pwedeng ang sweet sayo ay hindi naman sa kanya. yung iba e sweet sa kanila kapag lagi silang “naaalala” ng isang tao. yung iba ay sweet sa kanila pag binibigyan sila ng regalo at atensyon. yung iba ay dinadaan sa salita, kanta, tula ang pagiging sweet. para sa akin, sweet sa akin ang malaman kong nagca-care sakin ang isang tao. higit pa yun sa anumang regalo. =)

ka-ano ano mo po si madam auring?
hindi ko sya ka-ano ano. kahit na kamag-anak na malayo e hindi ako related sa kanya. ang alam ko lang ay may pwesto sya dun malapit sa pinasukan kong school dati. dun sa may a.h. lacson na dating governor forbes. ewan ko kung andun pa yung pwesto nya hanggang ngayon. o baka kasama ng tinangay ng baha sa espana.

naniniwala ka ba dito: never diss a band, unless you can prove you’re better than them.
hindi! naniniwala ka bang kelangan mong maging director para sabihin mong pangit ang isang pelikula? kelangan mo bang mabasa para sabihing umuulan? kelangan mo ba ng himala para maniwalang may diyos?

naniniwala ka bang posers hate posers?
diba sabi nga nila e galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw… siguro ganun din dito… alam mo, dapat wag mo ng problemahin kung posers ba sila o hindi… ang dapat mong alamin kung ano ka… kung totoo ka ba sa sarili mo…

astig ba?
ano astig? ako? hindi ako astig pero kakaiba. haha… 😉

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.