Bakitganun #9

maganda bang magplano o mas maganda ba ang on the spot?
pareho silang maganda. pag nagplano ka… mapag-iisipan mong mabuti ang mga pwedeng mangyari. pag on the spot naman, yun ang mga madalas na natutuloy. lalo na sa mga gimikan. sugod agad. wala ng isip-isip kung ano mangyayari. bahala na mode.

bat ang cute ni maria sharapova?
kanya-kanya lang ng taste yan. kaya lang masyado syang matangkad, hindi kami bagay. hehe.

anong gagawin pag may lumalandi sa gf ko?
nagpapalandi naman gf mo. baka naman friendly lang yung tao (tulad ko). friendly din naman siguro yung gf mo. o insecure ka lang. pwedeng iba lang ang interpretasyon mo sa mga nangyayari.

uso na ba ang single ngayon? bakit?
mahal na kasi ang bigas ngayon. tapos nagtaas pa ang price ng gasolina. magastos ang panahon ngayon. haha. saka madami na rin ang naka-rerealize na hindi ang pagkatapos ng pag-aaral ay ang pag-aasawa.

Bakit di pa updated itong blog mo? hahaha.
yan… ina-update ko na… pasensya na po.

bkt ang dami n ng bading ngaun e ndi nman sila nanganganak?
nasagot ko na ito dati. andun sa baba.

ano ba ang the best linya para mapalapit sa isang complete stranger? no common friends or nakita mo lang somewhere?
mahirap yan pwera na lang kung ikaw si mister suave. mag-isip ka na lang ng isang sitwasyon na pwede nyong pag-usapan. talking points sabi nga nila. kunyari yung sobrang init. o kung umuulan e yung baha. wag ka ng mag-isip ng pick-up lines kasi bistado na nila yan. wag yung masyadong pa-cute o yung masyadong pa-impress. pag hindi kumagat, dun ka na magpa-cute. LoL.

Pwede mo ba akong tulungan, Saan ba ako pwedeng makahanap ng murang saxophone? Salamat.
magtanong ka sa mga retiradong tumutugtog sa mga banda (musiko) sa mga bara-barangay. yung tumutugtog tuwing may fiesta. yun lang ang naisip ko na mabibilhan mo ng mura.

sang-ayon ka ba na i-take-over ng gobyerno ang management ng MERALCO?
kung meron ng company na hinawakan ang gobyerno na maayos ang naging pamamalakad e sang ayon ako dito.

may kulang pa ba sa buhay mo?
madami pa… madami pa. kumpleto ka na ba?

pano mo malalaman na mahal ka ng isang tao kahit na hindi nya ito sinasabi?
malaking parte ng pakikipag-communicate ay non verbal. mas totoo ang mensaheng ipinaparating ng mga kilos at galaw kaysa sa mga salita. minsan taliwas sa mga sinasabi ang totoong nararamdaman. (yan ang sabi ng isang taong malapit sa puso ko… i luv cheese.)

siguro kahit hindi man nya sabihin, mababasa mo ito sa kanyang mga ikinikilos.

pno bah mklimutan ang taong minahal mo na ng sobra pero iniwan ka?
mahirap kalimutan ang taong sobra mong minahal. maaaring humanap ka ng ibang makapag-aabalahan pero hindi maiiwasan ang mga pagkakataong sya pa rin ang nasa isip mo. napagdaanan ko na yan. sinubukan kong libangin yung sarili ko pero wala ring epekto minsan. haayyy… ang drama ng buhay.

okay lang ba ang 7 years and above na age gap? mas maganda ba un o panget?
tulad sa sagot ko sa naunang tanong tungkol sa age gap. tingnan ang sagot sa ibaba ng tanong na ito.

maganda ba na ang age gap nyo ay more dan 5 years?
sabi ng iba age doesn’t matter. siguro nga. basta you’re both of legal age. wag namang 12 ka at 7 sya. o 18 ka at 12 sya. wag ganun! 😉

pano tatanggalin ang stage fright kapag nagrereport ka na sa maraming tao sa trabaho?
tulad din ng sagot ko dati (andun sa baba, pakihanap na lang). ang kaibahan lang ngayon, ang maaaring nanonood sa iyo ay ang boss mo, clients o mga ka-opisina. isipin mo na lang na ginagawa mo to sa ngalan ng malaking sweldo.. haha! bawal magkamali. hindi tulad nung estudyante ka pa. pagnagkamali ka nung estudyante ka, bagsak ang grades mo. sa trabaho, pagnagkamali ka, baka matanggal ka sa pwesto… ang masama, matanggal ka pa sa trabaho. kaya pag-aralang mabuti ang irereport.

Bakit kapag naririnig ko yung kantang monobloc ng pupil eh lagi kong naalala yung (mga) ex ko?
mukang ang dami-dami mo ng naging ex ah. sayang hindi ko kilala yung (mga) ex mo. baka maisip ko din sila pag nadinig ko yung kantang monobloc ng pupil.

paano ba magsabi ng Mahal Mo Sya?
yung iba dinadaan sa biro. yung iba seryoso. may special effects pa yung iba. siguro kahit paano mo sabihin basta siguraduhin mo lang na galing ito sa puso. as in galing talaga sa puso. yung sigurado ka. yung walang halong pag-aalinlangan.

paano mo i-explain sa bulag ang kulay na pula?
mahirap mag-explain sa tao lalo na kung hindi nya pa ito nakikita. minsan, nagkaka-idea lang ang isang bulag sa isang bagay kung nahahawakan nya ito. pero dahil sa hindi nya nahahwakan ang kulay, mahirap ipaliwanag ito sa kanya.

pano ba makipagbreak ng maayos? yung di mo masasaktan yung partner mo? yung pwede pa kayo maging good friends..
eto yung classic: its not you, its me. pero madalas hindi na pinapaniwalaan yan. i-explain mo na lang ng maayos kung bakit nagkaganun. siguro mas maganda kung ganun. at wag mong daanin sa text. pero hindi ibig sabihin nun ay hindi mo masasaktan ang partner mo tulad ng gusto mong mangyari. masakit makipag-break. masakit ang iniiwanan… kahit ng isang kaibigan lang.

bakit di ko makita yung itinanong ko? huhu..anyway ito yun: Do you believe in the quotation “time will tell”?
hindi mo talaga makikita dahil ngayon ko pa lang sya sinagot. andun na sa baba. 😉

1+1=? bkt?
wala bang mas mahirap dyan? syempre 1+1=3. (haha! corny ko)

ano nga ba ang probisyon ng IFRS sa mga leased land and building na magkaiba ang lessor company?
IFRS? LNTK!

Totoo ba ang kasabihan na time will tell?
ahm… sa tamang panahon malalaman mo din kung totoo nga ang kasabihang yan. sabi nga nila: time will tell. ;p

lahat ng bagay tumataas. panty nalang bumababa. minsan nga tumataas pa. bakit ganun?!
halos lahat nga ng bagay ngayon tumataas. presyo ng bigas, asukal, kamatis, mais, kamote, kuryente, langis at iba pang mga pangunahing produkto. tumataas na rin ang halaga ng piso na hindi naman nararamdaaman ng mga ordinaryong tao. tumataas na rin ang mga players ng basketball lalo na yung mga bini-breed sa china. pero yung pagtaas ng bilihin, kasalanan na din yan ng pagbaba ng panty. kapag bumababa ang panty, lumulobo ang populasyon. at sa paglobo ng populasyon, unti-unting nauubos na ang ating mga resources na dahilan ng pagtaas ng bilihin. kaya hindi ako sang-ayon sa sinasabi ng iba na pwede kang mag-anak ng mag-anak basta kaya mong buhayin.

bakit ang elepante pag namatay nilalangam, samantalang ang langgam di naman ineelepante pag namatay?
bakit ikaw gusto mo bang elepantehin kapag namatay ka? kahit langgamin ayoko. 😉

pwede bang magtanong?
haha! first time mo ano? sige pag-iisipan ko. :p syempre pwede. 😉

bat mas madali kang makakatulog pag nagdedaydream kesa pag me problema?
stressed ka pag may problema ka. mas relaxed ka pag nagde-daydream. yun ang sa palagay ko.

pano mo malalaman kapag gusto ka ng torpeng guy friend mo? XD
malalaman mo kung tatanungin mo siya. pero malaki ang posibilidad na hindi nya ito aminin dahil nga torpe siya. gudluck na lang sayo.

anong cnabe ni thermometer kei graduated cylinder?
uhmm… you may have graduated but i’ve got many degrees. 😉

ang lamok bah pag natutuLog nilalamok din?
sa pagkakaalam ko laging gising ang lamok sa gabi. kapag natutulog sila sa araw, sila ay nilalangaw.

ilan ang jolibee stores sa buong pinas?
pagsinagot ko ba magpapa-cheeseburger ka? cheeseburger! cheeseburger!

pano ba maging perfect na boyfriend? haaay…. 🙁
tao lang tayo.

malalaman mo kung gaano ka kamahal ng gf mo kung kaya ka nyang tanggapin sa kabila ng iyong kakulangan o imperfections.

sino si Eros P.?
sya yung terror na prof dati sa arki na kinatatakutan at iniiwasan ng mga estudyante. mahilig syang magbigay ng grade na 3.75 at 4.25. pag napag-tripan ka nya, singko abot mo. pero wag mag-alala, kahit puro 3.75 at 4.25 ang nakukuha mo sa mga plates mo, malaki pa rin ang pag-asa mong makapasa.

nanood ka ba ng concert ng duran duran? XD
hindi nga eh. gusto ko sana manood kaya lang wala akong makasama. tsk! kaw, nanood ka ba?

bakit mahal mo sya?
pag mahal ko ang isang tao, hindi ko na kelangan ng dahilan. o maaaring hindi kayang ipaliwanag ng dahilan ang aking nararamdaman. (mushy…)

uhm,,aq yung ngtanong sa litong lito n q,,,,
naliwanagan ka na ba?

bat napapanis ang laway pag umaga kung nagtoothbrush ka naman bago matulog?
mapapanis talaga ang laway mo pag hindi ka nagsasalita. kung nagsasalita ka habang tulog, baka hindi ka mapanisan ng laway.

bakit luv mo ang cheese daga ba u?
ako ay parang daga na nagsasaya kung merong keso at walang pusang nakabantay. 😉

bullshit ka ba?
paminsan-minsan. eto pa ang ilang sinsabi nila kung ano ako: hayup ka!
langya ka!
animal ka!
shit you!
you bastard!
asshole!
s.o.b!
ilan lang yan… meron pang iba.

bakit magaling ako sa tekken lalo na pag si steve fox gamit ko?
siguro may dugong pacquiao ka. ako, peborit ko si xiaoyu!

bakit anpangit mu?
kelan ka pa natutong magsinungaling?!

di ka ba kasama sa MAGIC JR….?
huh? hindi e. ano b yun?

bakit kapag hinila mo ang buhok sa kili-kile ikaw ay napapakit?
sinubukan ko ito sa isang kaibigan… hindi lang sya napapikit, napaaray din sya. nalaman ko din na pag ginawa ito ay maaari ka ring magkaroon ng black-eye.

anu bang mgandang gawin pag wala kang mgwa?
“walang masama kung walang magawa”
“di bale ng tamad, hindi naman pagod”
sana ay na-encourage kang tumunganga sa mga ibinigay kong quotes.

mas msarap b tlga ang kiss kesa s sandwich?
depende kung sino yung ki-kiss. kung ang ki-kiss sa akin ay ang boss ko, kakain na lang ako ng sandwich kahit walang palaman.

bakit nung nagtanong aq eh d nmn na-post?… huhuh….
ano ba yung tanong mo? kelan mo ba sya itinanong? baka nasagot ko na ngayon. matagal lang akong hindi nakapag-update dahil ako ay nasa “bakasyon”. kung hindi ko pa sya nasagot, paki-tanong na lang ulit. 😉

hey, uhm my friend told me about your site…. na-enjoy q reading the materials.. heheh, kktuwa… uhm can u help me making a site like urs? ung ganito lng much like urs…. email me at (his email here)@yahoo.com….. thanks! and keep it up…. simple but super cool site… name’s ian nga pla…
salamat salamat! nakakataba naman ng puso. salamat din sa friend mo. pero baka hindi kita matulungan. pasensya na. masyado na kasing madami akong ginagawa sa ngayon. baka hindi ko rin magawa ng maayos yung gusto mo kung masyado akong madaming pinagkakaabalahan. madami na rin ang humingi sa akin ng tulong at nag-alok pa ng bayad pero tinanggihan ko din sila. hindi ko na talaga kaya kasi na magdagdag pa ng trabaho. at isa pa, hindi rin naman ako ganung ka-eksperto sa paggawa ng mga websites. alam kong madami pang makakatulong sa iyo at mas magagaling pa. sana ay maintindihan mo ako. isa uling pasasalamat at paumanhin. 😉

patay na ba si paul mccartney?
hindi pa. “paul is dead”, yan daw ang sinasabi ng binack-masked (backmask) na kanta nila dati. yan ang sagot ko ngayon. pero kung tatanungin mo ulit ako after 20 years, baka iba na ang sagot ko.

bakit ako iniwan ng mahal ko?
madami na akong nasaksihan na ganyan. nabasa sa libro, magazine, dyaryo, komiks at internet. madami na din akong napanood na ganyan. ang masakit sa lahat ay yung mga personal na pangyayari kung hindi man sa akin ay sa mga taong malalapit sa akin at sa iba pang mga kakilala.

bakit eyeball ang tawag sa pagmimeet?
eye = mata
ball = pagtitipon
dahil ba ito ay pagtitipon ng mga mata o pagkikita-kita?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.