Bakitganun #44

Pano ko mapaparating sa isang dati kong classmate sa hs na crush ko sya ngayon? Di ko man lang sya type nung hs pero after so many years eh biglang nag-iba ang pagtingin ko sa kanya. Para sa kin, gwapo sya. Matalino at kakaiba. Wow. Hahaha. Pag tinext ko sya, sumasagot naman sya. Pero di ko alam kung type rin nya ko or hindi eh. Anong maipapayo mo? :p
wala naman sigurong masama sa pagkakaroon ng crush. crush lang naman diba. sinasagot nya ang mga text mo dahil siguro mabait at friendly naman talaga sya. mukha lang siguro syang suplado. baka ayaw ka rin nyang masaktan.

Bawal ba magdala ng viagra sa airport?
bawal kung kahong-kahong viagra ang dala mo.

nakaka apekto ba ang shabu sa sex
maaapektuhan ng shabu ang buong buhay at pagkatao mo. at hindi lang ikaw ang maaapektuhan, pati ang mga mahal mo sa buhay.

Bat Ganun.. pag tinignan mo si crush… titingin din siya saYo? Dude!! bakit ganun?
kilig na kilig ka naman. wag mong isipin na may crush din sya sayo. masasaktan ka lang. haha.

paano mabubuntis ang babae?
sabi ng mga matatanda, tulad ng mga palabas sa tv na black and white, mabubuntis daw ang babae kapag hinalikan sa labi. :p

Nakakabuntis ba ang paglalaway ng ari ng lalaki?
oo.

paano magpapayat
mag-exercise. kumain ng tama. matulog sa oras. lumayo sa bisyo.

bakit ngayun ako nkakaramdam ng pagmamahal sa knya? after 3 years.. eto ako naghahbol sa kanya
minsan, nalalaman natin ang halaga ng isang bagay o tao kapag wala na sa atin ito. ingatan hanggang nandyan pa kesa magsisi kapag nawala na.

ano ang magandang isagot sa gf mo pag tinanong ka nya kung bakit gusto mo mkipag sex sa kanya na hindi sya magagalit
sabihin mo ang totoo. wag kang magsinungaling sa kanya dahil sa kagustuhan mo lang na “maka-score”

Paano kung buntis ka tapos iwan ka ng mahal mo
mahirap pilitin ang ayaw. isipin mo na lang ang magiging baby mo. alagaan mo syang mabuti. sigurado di ka nyan iiwan. šŸ™‚

lesbian po ku ung gf ku nag aaya ng sex anung gagawin ko
laging pag-isipan ng mabuti ang mga bagay na ayaw mong pagsisihan sa huli.

ikaw c vice ganda?? feel q lang
malayo. mali ang feel mo.

bakit pula ang ilaw ng mga cell site?
madaling makita ang pula. kung mapapansin mo, pula din ang kulay sa traffic light. ang mga tail lights ng mga sasakyan ay pula. ang ilaw sa eroplano ay pula. ang mga antenna ng mga matataas na building ay pula. ang itlog na maalat ay karaniwang pula.

bakit nangangati ang ilong?
may dumi. dinapuan ng langaw na dumapo sa tae.

bakit maraming kabataang nabubuntis
landi. libog. lasing. at ang hindi mo dapat paniwalaan, love.

don’t confuse love with lust

Ano ba yung tips para humaba agad yung buhok?
lagi kang magpupuyat.

<a href=”http://blackhair.about.com/od/basiccare/tp/tipstomakehairgrowlong.htm” target=”_blank” rel=”noopener>TIPS

wala akong lakas ng loob para manligaw
walang nabibiling gamot para dyan. wag mong hintaying may babaeng babagsak na parang bayabas sa harapan mo. pwera na lang kung kasing yaman mo si manny pacquiao. dagdagan mo ang lakas ng loob at kapalan mo ang iyong mukha. nakakatulong din ang makapal na wallet.

bakit ganun alam mo na may gusto sayo ang isang lalake bakit kaya nahihiya ka na humarap sa kanya o makipagusap?
natural lang na nangyayari yan. baka ayaw mong masabihan na nilalandi mo sya o pinagsasamantalahan ang pagkakaroon nya ng crush sayo.

anu ba yung lumabas sa ari ko parang puti ng itlog?
di mo naman sigurong sinubukang i-prito.

posible ba na mbuntis ang babae pag lasing ang lalake?
hahaha! madami ng nabuntis at nakabuntis dahil sa kalasingan.

totoo ba ang gayuma… pano ito maiiwasan?
hindi ako naniniwalang totoo ang gayuma. kung totoo ito, wala na sigurong taong bigo, sugatan at luhaan sa pag-ibig.

anu ang gamot sa kabag pag buntis
pilitin mong umutot.

pano pag pareho kayo na babae ng bestfriend mo tapos mahal mo siya?
isa lang ang ibig sabihin nyan, tibo ka!

paano mo ipapaalam ang kulay pula sa isang bulag?
nasagot na ito dati. medyo mahaba ang sagot kaya hanapin mo na lang. :p

may virgen ba na hindi nag durugo khit first time nya mkipag sex
hindi lahat ay nagdudugo.

pano malalaman ang lalakeng na vasectomy na
hanapan mo ng medical certificate. at bakit mo naman gustong malaman?

gusto ko magkaanak kaso bimale ako?
mag-alaga ka na lang ng aso. loyal pa yun. o kaya ay mag-alaga ka ng pamangkin o mga batang pinsan. try mo ding mag adopt kung mapapayagan ka ng batas.

ano ang mga dapat iwasang gawin para di magka kuliti?
iwasan ang pamboboso.

kelan ba malalaman ang sagot dito?
walang kasiguraduhan. di-tiyak. laging tandaan na hindi ko pinagkakakitaan ang website na ito. kailangan ko din namang magtrabaho. ibig sabihin, nakapagsasagot lang ako ng mga tanong sa aking free time. sa katunayan, gumagastos pa ako para ma-maintain ang website na ito. ganyan ko kayo ka-mahal. šŸ™‚ may mga nag-alok na dati na mag-donate at mag-maintain ng website pero hindi ko tinanggap. mas mape-pressure lang ako na magsagot ng mga tanong kung may natatanggap akong tulong, lalo na kung pera, sa iba.

makabubuting i-Like ang bakitganun.com facebook page o i-follow ang bakitganun twitter account para malaman kung merong mga bagong tanong at sagot. šŸ™‚

buntis ka tapos nakipag sex ka sa aswa mu..tapos lage nya sa luob pinupotok makakasama po ba ito sa baby mu nasa tyan
hindi ako eksperto pero sa tingin ko ay wala namang masamang epekto ito sa bata.

Ayos lang ba na makipag usap parin ang bf mo sa pamilya ng ex nya?
oo naman. lalo na kung magkapitbahay lang sila. wala naman sigurong masama sa pakikipagkapwa-tao.

saan kya mka-ka bili ng damit ng aking idol na si ELVIS PRESLEY ung knyang mga jumpsuits astig kce eh>>>>>>………………….?
try mo sa mga ukay-ukay. may sikat na ukay-ukay sa bambang sa may sta. cruz. gusto mo naman ay sa baguio. pwede ka din naman magpatahi na lang. sukat na sukat pa.

paano mo nalalaman na mahal ka ng lalaking minamahal mo?
pumapasok tayo sa isang relasyon para malaman natin kung nararapat nga tayo sa isa’t isa. kung hindi natin susubukan, hindi din natin malalaman ang kasagutan. minsan masaya at minsan masakit ang kalalabasan.

paano bumili ng matabang alimango
hindi ka makakasiguro hanggang hindi mo niluluto at kakainin

Sino ka
ako ay kapitbahay, kapitbahay nyo
laging handang tumulong sa inyo
kilala nyo ako, kilala nyo ako
ako’y isa sa kapitbahay, kapitbahay nin–yooo.

pang 9 na araw nag sex pinutok sa labas ng vagina mabubuntis ba?
hindi ka nakakasigurado.

nakipagbreak ako sa bf ko through text pero hinid sya nagreply at nagtatawag simula nung sinabi ko pero nabalitaan ko sa bestfriend ko na nagemail sya dun at nangungumusta at out of the clear blue sky, biglang nabanggit lang ng bff ko na anong nangyari sa amin eh wala naman akong kinukuwento dun sa kanya. eh ngayon eager malaman ng bf ko kung anong alam ng bff ko. anong ibig sabihin nun? help me plzzz.
ikaw naman ang nakipag-break e, wag mo ng alamin kung ano ang gustong malaman ng bf mo. wag mo ng paki-alaman yun. at kung anong ibig sabihin nun, wala. walang ibig sabihin yun. gusto nya lang makibalita.

anu ang pwedeng gawing problem sa thesis?
broad na sagot para sa broad na tanong. yung problemang kelangan ng kasagutan.

ano gagawin ku sa gf ku na ayaw neya maki pag sex sa akin?
wag mong pilitin kung ayaw. kelangan mong i-respect ang desisyon o paniniwala nya kung mahal mo sya. kung hindi mo kaya, humanap ka na lang ng iba.

Sinong mas pipilin mong makasama? Si Bobo o si Tanga?
siguro yung tanga. mahirap kasama yung bobo na nagdudunung-dunungan. nung bata ako, lagi ko naririnig sa AM radio ang salitang: di bale ng tanga, dakila naman.

pag hindi ba nilabasan baog na?
nilalabasan din ang baog

nakipaghiwalay ka sa bf mo sa txt lang pero hindi nagreply, at almost 1 week ng hindi kayo nagkakausap at hindi sya nagtitxt. anong ibig sabihin nun? sang-ayon ba sya sa desisyon mo or gusto lang manahimik para walang gulo.

  • 1. hindi nya na receive ang text mo. sisihin mo ang globe, smart o sun cellular.
  • 2. wala syang load. dapat pinasahan mo kahit sampung piso para makatext back
  • 3. kasalukuyang nagpapalamig sa sanlaan ang cellphone nya dahil na snatch nung papunta sya sa inyo
  • 4. naiwan nya sa isang fastfood ang cellphone nya at dinala na sa greenhills ng nakakuha para ipa-unlock
  • 5. namundok sya at nakibaka ng matanggap ang text mo

paano mawawala ang pasma
ang pasma ay isa lamang paniniwala ng mga pinoy na walang basehan sa science o medisina.

nag eenjoy ba ang mag partner kapag gumagamit ng condom?
mag-eenjoy kayo kung mahal nyo ang isa’t-isa

mahal ba talaga ako ni alvin
kung sya yung alvin na kilala ko, mahal ka nun.

kapag nag PT ba after 5 days magsex, malalaman na kung buntis?
maghintay ka pa ng 3 months. kahit di ka na mag pregnancy test.

bat ang panget ko šŸ™
di bale ng panget basta maganda ang kalooban. isipin mo na lang na madaming magaganda o gwapo na pangit naman ang ugali.

  • 1. hipon – patapon ang ulo pero maganda ang katawan
  • 2. lollipop – ulo lang ang mapapakinabangan dahil pangit ang katawan
  • 3. bulalo – pangit ang mukha, pangit pa ang katawan pero may utak
  • 4. buko – hindi na nga maganda, pangit pa ang katawan pero malinis ang kalooban

ano ang nakasulat na kasaysayn at hindi nakasulat na kasaysayan
ang nakasulat na kasaysayan ay mga pangyayari na naisulat malapit sa panahon ng pangyayari. yung mga hindi nakasulat ay yung mga pangyayari na kumalat sa pamamagitan ng pagke-kwento lamang. maraming mga hindi nakasulat na kasaysayan ang nakasulat na din ngayon. magulo ba? i-google mo na lang.

nalilito ako kung ano ang itatanong ko…..
marami ka pang time.

bakit lahat ng mata ay lumuluha
ang pagluluha o pagtutubig ng mata ay paraan ng ating katawan para protektahan ang ating mga mata.

panagingip na tinatawag pangalan ko?
wag mong susundan ang tumatawag sa pangalan mo.

dapat ba kong maki pag balikan
isipin mo kung saan ka magiging masaya.

bakit matagal labasan pag nakikipag sex
yung iba mabilis lang. hindi lahat katulad ng napapanood mong porn.

ordinaryong gamot para hindi mabilis labasan
walang ordinaryong gamot para dyan.

bkit masarap mkipag sex?
dahil tini-trigger nito yung mga pleasure zones ng utak mo.

ok lang ba makain ang tawas?
hindi ka naman siguro malalason kung may makain kang konte. wag mo lang papapakin, baka mamuti bituka mo.

anu ang mgandang product na effective magtanggal ng pimples?
hindi porket effective sa iba ay magiging effective na din sayo. try mo eskinol, yun ang ginagamit ni vilma santos.

my nanay pa na makipag sex sa anak?
tigilan mo na panonood ng porn.

paano mo malalaman kung may gusto sayo ang isang lalaki?
kapag niligawan ka nya.

Bkt ang pogi ko?
di ka lang pogi, sinungaling ka pa!

sanhi at epekto ng kawalan ng mgulang sa pag aaral ng mga bata?
walang gagabay sa bata. pero wag isisi sa kawalan ng magulang kung ano man ang kalalabasan mo sa hinaharap. may sarili ka pa ring pag-iisip at pagdedesisyon.

pamahiin ng koreano?
bawal kumain ng hindi naghuhugas ng paa.
imbento ko lang yan.

anu mga paraan para maging negative sa drugtest?
wag mag-drugs.

nanghihina ba ang babae habang nakikipagsex?
nakakapanghina ang mga gawaing nakakapagod. pero hindi siguro katulad ng panghihina na nararamdaman ng mga lalake matapos silang makipagtalik.

mahal pa kaya ako pero hindi na siya nag paramdam
kung hindi na sya nagpaparamdam, nakalimutan ka na nun. hindi ka na nya mahal. wag ka ng umasa.

epekto ng pagbabasa ng tagalog romance pocketbook
lahat ng nababasa, napapakinggan, at nakikita ay nakaka-apekto sa ating pag-iisip directly or indirectly.

ano ang laway?
yan yung tumutulo sa bibig mo pag masarap ang tulog mo. pampadulas din sya… kung kumakain ka.

panu ku mlalaman kung nagsasabi ng totoo ang bf ko?
kahit magpa-lie detector ka pa sa NBI, may mga taong sadyang magaling magsinungaling.

panu ba malalaman kung sex lang habol sau ng guy??
kapag binigyan ka ng tip pagkatapos nyo mag-sex. tuwing nagkikita kayo e lagi ka nyang niyayayang mag-sex. mas madalas pa kayong mag-sex kesa sa mag-usap.

paaano mo malalaman na talagang siya na ang taong para sa iyo habang buhay?
hindi natin malalaman hanggang hindi natin sinusubukan. kaya tayo pumapasok sa isang relasyon ay para malaman natin kung talagang kayo na para sa isa’t-isa. hindi tayo pumapasok sa isang relasyon para maki-uso o pampalipas oras lang. o pang display lang. wag ganun.

hello.,maari bang mahingi # mo? para nmn makamusta kita paminsan minsan?
pwede mo akong kumustahin sa facebook page at sa twitter. šŸ™‚

bakit wala kong crush
meron siguro. ayaw mo lang aminin sa sarili mo. ok lang yun, crush lang naman. gusto mo damihan mo pa.

bakit kelangan pa makita ng ibang girl yung ex ng boyfren nila?
baka gusto nyang i-compare yung sarili nya dun sa ex ng bf nya. o sigurista yung girl na yung bf nya ay hindi na nakikipag-landian sa ex nya.

bakit ganun, single pa din ako hanggang ngayon? šŸ™‚

  • 1. pihikan ka
  • 2. masama ugali mo
  • 3. sadyang hindi pa dumadating yung taong magugustuhan mo

hintay-hintay lang. kung hindi makahintay, landi-landi lang.

bakit ba nauso pa ang insecurities??
hindi ko alam kung bakit nauso yung insecurities. di pa ako ipinapanganak andyan na yan.

bakit ganun mas gusto ko pa katxt ung ex ko kaysa s bf ko
baka mahal mo pa ang ex mo.

Bket pag love mo ang 1 tao plgi mo ciang nahiisip
kasi sya ang “buhay” mo. tulad ng pagtibok ng puso, pag nawala ang tibok, wala na din ang buhay mo.

panu para di mabuntis
wag makipag-sex

may posibiledad po ba na buntis ako, kz po dapat magkakaron na po ako nung 19-20 of feb pero wala po inantay ko po until march 1 wala pa din po, nagtst naman po ako kanina umaga negative naman po, tapos sumasakit po puson ko na parang my lalabas na pero 1 week ko na po ito nararamdaman antil now wala pa din po ako, gusto ko na po magkababy kaya natatakot na ako mgpt kz bka neg na naman..tulong nmn po oh? salamat po
laging mas mabuti ang kumonsulta sa doctor kung may nararamdamang may kinalaman sa kalusugan. šŸ™‚

itim daw ako nakikita ako sa asukal nakikita din ako sa gatas pero wala ako sa kape,lalo na sa timpladung kape madalas ako makita sa ulap ano ako?
utouto

9 thoughts on “Bakitganun #44

  1. Anu po magandang isagot sa tanong na bakit kayi nag break. Yung safe na sagot na di mkaka offend sa inyo pareho. Madami kc chismosa sa work kya pinaghahandaan ko isasagot ko

  2. Posible bang maging baog ang lalaki kahit na nagkaroon na sya ng anak sa dati nyang GF hndi kasi dw nbubuntis yung present gf nya šŸ˜€ haha

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.