Bakitganun #1

panu b kalimutan ang isang taong naging mahalaga sau?
siguro hindi mo naman talaga kailangang kalimutan yung tao dahil gaya ng sabi mo, sya ay naging mahalaga sa ‘yo minsan sa buhay mo. kung sinaktan ka nya o may ginawa syang masama sa ‘yo, ang dapat mo lang sigurong kalimutan ay yung mga di magagandang pangyayaring yun. mahalaga din ang magpatawad. mahirap ang may itinatagong sama ng loob. baka magkasakit ka sa puso, mahal pa naman ang gamot. sa panahon ngayon bawal ang magkasakit. kaya ugaliing kumain ng tama, magpahinga at mag-exercise. yan, kung saan-saan na tuloy napunta ang sinasabi ko.

panu kung nataong isa ka sa mga pasyenteng may paramnesia, pano gagawin mo?
maraming klase ng paramnesia, pero kung yung tinutukoy mo ay yung tipong nagpapantasya na hindi na malaman kung ano ang totoo sa kung ano ang likhang isip lang… cguro mag-iingat na lang ako sa pagkwe-kwento. cguro itatanong ko muna sa kakilala ko kung totoong nangyari sa kin un. kung yung paramnesia naman na minsan ay inire-relate sa deja vu, ok lang siguro yun. lahat naman nagkakaganun. kung yung paramnesia naman na madalas makalimot sa meaning ng mga salita, siguro magdadala ako ng dictionary. wahaha!

bakit blue ang sky??
isipin mo na lang kung naging red ang sky, sakit sa mata nun. siguro hindi ka na lalabas ng bahay kung ganun ang nangyari. blue ang ating sky dahil ang kulay blue ay isang short wavelength na liwanag na nagiging dahilan para ito ay maabsorb ng mga gas molecules na sya namang nagkakalat nito sa ating kalangitan. medyo teknikal ang explanation dito. bakit kasi hindi ka nakikinig sa teacher mo nung naglelecture sya tungkol dyan. yan ang napapala ng laging natutulog sa klase. alam kong bawal mag-ingay pag may naglelecture sa klase pero wag mo namang tutulugan.

bakit mahal pa din natin ung 1 tao khit super cnaktan nia tyo?
dahil likas sa tao ang magmahal. nagmamahal tayo kahit na tayo ay nasasaktan, nagmamahal tayo kahit na ito ay mali. nagmamahal tayo kahit na alam natin na ito ay walang kapalit. kahit ano pa ang gustong sabihin ng iyong isip, iba pa rin ang tawag ng ating damdamin. ito rin ay dahil minsan may isang panahon na sya ay nagbigay sayo ng labis na kasiyahan. maari ding kelan lamang nangyari ito sa iyo kaya’t hindi pa rin naaalis ang nararamdaman mo sa kanya. lilipas din yan pagdaan ng panahon. sabi nga nila, “time heals”. ito ang mga panahon na kailangan mong mag-let go o move on na alam ko na hindi ganung kadaling gawin. naalala ko tuloy ang isang linya sa kanta ng eraserheads, “kahit na nasasaktan, hindi pa rin mahindian”. wala lang, na i-share ko lang.

alin ang mas masarap sa hany at flat tops?
haha! mukhang kilala ko kung sino nagtanong nito… ikaw ba yan _ e _? para sa akin, pareho silang masarap. kung gusto mo ng tsokalate pinoy-style, hany ang kainin mo. kung gusto mo ng tsokolate na tulad ng nakagawian nating tsokolate na lasang banyaga, flat tops ang tirahin mo. wahaha!

bkt wla akong maicp na itanong na maayos?!
dahil wala sa ayos ang isip mo. wag kang mag-alala, pareho lang tayo. =) hindi mo naman kailangan magtanong ng maayos. kahit anong ayos pa ng tanong mo ay sisikapin kong bigyan ng kasagutan. ayos ba?

anouh phou bang tagalog ng ‘cake’, ‘rollercoaster’ at ‘toothpaste’??? di phou kc masagot ng filipino titser q0uh, bka
skaling alm neo..

haha! sinusubukan mo ang aking kakayahan. tulad ng naipangako ko e sisikapin kong bigyan ng kasagutan ang mga tanong ninyo. eto ang kanilang tagalog translation:

cake = tinapay na pamberdey; pwede ding tinapay na pangkasal; actually, madami pang ibang translation yan. depende sa okasyon.

toothpaste = ang literal na tagalog nito ay pandikit sa ngipin. totoo namang ito’y nakapagpapatibay at nakapagpapadikit ng ngipin di po ba. maaari rin sigurong panlinis ng ngipin. (edit: nalaman ko kay kuya kim atienza na ang tagalog ng toothpaste ay pasimada)

rollercoaster = maaari mo itong tawaging tren na pampahilo, tren na paikot-ikot, o kaya nama’y tren na pampakaba.

sa katunayan, sabi nung aking teacher na si mrs. dizon nung ako’y gradeschool pa, may mga salitang banyaga na walang kasing-kahulugan sa tagalog at ito ay tinatawag natin na mga salitang-hiram. marami sa mga salitang ito ay hango sa mga salitang kastila at ingles. minsan naman ay ginagawa lang nating tagalog ang ispeling nito. akala siguro nila cool yun! =)

nakakainis, anong gagawin ko para sumaya?
madami kang maaring gawin para sumaya ngunit unang-una, dapat mong malaman ang dahilan ng iyong kalungkutan. eto ang ilan sa maaari mong gawin:

STEP 1
alamin mo kung anu-ano ang mga bagay na binibigyan mo ng halaga. binibigyan mo ba ng halaga ang isang uri ng trabaho, materyal na bagay, relasyon, oras para sa sarili, oras para sa ibang tao, oras para sa pagiging malikhain, oras sa pagbabasa, sa musika, at sa kung anu-ano pa.

STEP 2
isipin mo ang mga panahon na ikaw ay naging masaya. nasaan ka ng mga panahon na iyon. sino ang iyong kasama. ano ang mga ginagawa nyo.

STEP 3
pag-ukulan ng mas maraming panahon ang mga bagay na importante at nagbibigay ng kasiyahan sayo.

STEP 4
magsimula sa maliliit na bagay na mkapagbibigay ng kasiyahan sayo tulad ng pagbabasa ng libro, paglalakad, pagtawag sa kaibigan. maaari ding bumili ng mga bagay na magbibigay ng saya sa iyo sa tuwing ito ay iyong ginagamit tulad ng sabon, shampoo, scented candles o kape.

STEP 5
mag-focus sa mga positibong aspekto sa iyong sarili. maaari mo rin itong isulat sa isang journal.

STEP 6
dapat mong i-appreciate ang anumang mga magagandang bagay na nangyayari sa iyong buhay.

PAHABOL
wag kakalimutang ngumiti. paligiran ang sarili ng mga kaibigan at pamilya. wag i-compare ang sarili sa iba.
sana ay maging masaya ka na. gudluck! =)

TANDAAN: ANG MGA SAGOT KO SA TANONG NYO AY AYON LAMANG SA AKING NALALAMAN AT OPINYON AT HINDI GALING SA ISANG DALUBHASA O EKSPERTO.

bakit natanggal si wendy sa pinoy big brother?
sya ay natanggal dahil:
a. madaming naaartehan sa kanya
b. madaming nayayabangan sa kanya
c. madaming insecure sa beauty nya

saan pumupunta ang araw pag gabi na?
sya ay naliligo sa may tabing dagat para magpalamig. ikaw man ang maghapong nagliliyab siguradong maiinitan ka din. kung gusto mo ng mas detalyadong sagot, hanapin mo na lang dito. baka sakaling makatulong sayo.

saan po ba pwede magtanong?
nampusa! nagtanong ka na nga. sa mga gustong magtanong, isulat sa box sa side ang inyong tanong at pindutin ang submit button.

bakit mahilig mambola ang mga lalake?
iyan ay sa kadahilanang gusto ng mga babae ang binobola sila.

saan ba may mga murang libro?
kung ikaw ay nasa maynila o malapit sa maynila, pumunta ka lang ng recto. maglakad-lakad ka lang dun, sigurado makikita mo sila. kung malayo ka naman sa maynila, magtanong-tanong ka na lang sa mga kaibigan mo… baka meron sila ng hinahanap mo.

sino sa tingin mo ang mananalo sa election ngayon?
kung sino man ang nangunguna sa bilangan ngayon ay iyon ang siguradong mananalo sa aking palagay.

ano gagawin mo kung nalaman mo na adopted child ka?
tulad ng ibang adopted child, cguro itatanong ko kung sino magulang ko, kung saan ako galing. paano at bakit ako napunta sa kanila at iba pang tanong na may kinalaman sa aking nakaraan. bakit, adopted child ka ba?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.