FAQ

Mga sagot na madalas sa aking itanong na madalas ay hindi ko na sinasagot.

  1. Ikaw ba si Bob Ong? Hindi ako si Bob Ong.
  2. Ikaw ba ang kumanta ng “Baboy” o ng “Gin Pomelo”? Hindi pero idol ko yun. Mga kanta nila ang aking pinapakinggan nung una kong maisipang mag-blog. Livejournal pa ang uso nun, parang diary. Wala pa sa isip ko ang bakitganun.com.
  3. Lalake ka ba o babae? Kung nasundan mo ang bakitganun.com mula sa umpisa, magkakaroon ka ng idea kung ako ay lalake o babae.
  4. Bakit mo naisipang gawin ang website na ito? Na-bored sa Friendster (kung naabutan mo pa ang site na ‘yun). Nabasa ko ang isang blog post ni “superxienna” at madaming nagtatanong sa kanya sa comment section kaya naisipan kong gumawa ng website na puro tanong at sagot.
  5. Bakit ang tagal mong sumagot ng tanong, busy ka ba? Meron din akong full time job. Minsan ay busy din sa ibang hobby. Meron ding time na sira ang laptop/computer.
  6. Pwede bang mag-donate sa website mo? Kahit malaking tulong ito, naisipan ko na mapipilitan akong mag-post ng mag-post. Nakakahiya naman na may nagdo-donate sa akin pero wala akong mga bagong posts.
  7. Bakit walang advertisements sa website mo? Gusto kong malinis at magandang tingnan ang website. Hindi ako expert sa paggawa ng website. Pag-aaralan ko muna kung paano ko ito ma-eexecute ng maayos.

MORE SOON!