Bakitganun #1

panu b kalimutan ang isang taong naging mahalaga sau?
siguro hindi mo naman talaga kailangang kalimutan yung tao dahil gaya ng sabi mo, sya ay naging mahalaga sa ‘yo minsan sa buhay mo. kung sinaktan ka nya o may ginawa syang masama sa ‘yo, ang dapat mo lang sigurong kalimutan ay yung mga di magagandang pangyayaring yun. mahalaga din ang magpatawad. mahirap ang may itinatagong sama ng loob. baka magkasakit ka sa puso, mahal pa naman ang gamot. sa panahon ngayon bawal ang magkasakit. kaya ugaliing kumain ng tama, magpahinga at mag-exercise. yan, kung saan-saan na tuloy napunta ang sinasabi ko.

panu kung nataong isa ka sa mga pasyenteng may paramnesia, pano gagawin mo?
maraming klase ng paramnesia, pero kung yung tinutukoy mo ay yung tipong nagpapantasya na hindi na malaman kung ano ang totoo sa kung ano ang likhang isip lang… cguro mag-iingat na lang ako sa pagkwe-kwento. cguro itatanong ko muna sa kakilala ko kung totoong nangyari sa kin un. kung yung paramnesia naman na minsan ay inire-relate sa deja vu, ok lang siguro yun. lahat naman nagkakaganun. kung yung paramnesia naman na madalas makalimot sa meaning ng mga salita, siguro magdadala ako ng dictionary. wahaha!

bakit blue ang sky??
isipin mo na lang kung naging red ang sky, sakit sa mata nun. siguro hindi ka na lalabas ng bahay kung ganun ang nangyari. blue ang ating sky dahil ang kulay blue ay isang short wavelength na liwanag na nagiging dahilan para ito ay maabsorb ng mga gas molecules na sya namang nagkakalat nito sa ating kalangitan. medyo teknikal ang explanation dito. bakit kasi hindi ka nakikinig sa teacher mo nung naglelecture sya tungkol dyan. yan ang napapala ng laging natutulog sa klase. alam kong bawal mag-ingay pag may naglelecture sa klase pero wag mo namang tutulugan.

bakit mahal pa din natin ung 1 tao khit super cnaktan nia tyo?
dahil likas sa tao ang magmahal. nagmamahal tayo kahit na tayo ay nasasaktan, nagmamahal tayo kahit na ito ay mali. nagmamahal tayo kahit na alam natin na ito ay walang kapalit. kahit ano pa ang gustong sabihin ng iyong isip, iba pa rin ang tawag ng ating damdamin. ito rin ay dahil minsan may isang panahon na sya ay nagbigay sayo ng labis na kasiyahan. maari ding kelan lamang nangyari ito sa iyo kaya’t hindi pa rin naaalis ang nararamdaman mo sa kanya. lilipas din yan pagdaan ng panahon. sabi nga nila, “time heals”. ito ang mga panahon na kailangan mong mag-let go o move on na alam ko na hindi ganung kadaling gawin. naalala ko tuloy ang isang linya sa kanta ng eraserheads, “kahit na nasasaktan, hindi pa rin mahindian”. wala lang, na i-share ko lang.

alin ang mas masarap sa hany at flat tops?
haha! mukhang kilala ko kung sino nagtanong nito… ikaw ba yan _ e _? para sa akin, pareho silang masarap. kung gusto mo ng tsokalate pinoy-style, hany ang kainin mo. kung gusto mo ng tsokolate na tulad ng nakagawian nating tsokolate na lasang banyaga, flat tops ang tirahin mo. wahaha!

Continue reading