Bakitganun #46

pano ko sasabihin sa taong mahal ko na gusto ko sya
na-encounter ko tong site na ‘to dati.

5lovelanguages

basahin din ito: Learn the Language of Love

Bakit pag naglalakad tayo sumasabay ang kampay ng kamay naten? Di ba pwedeng wag nalang sumabay ung kamay?
for balance and stability. mas energy efficient din daw ito.

sino nasasarapan pagdating sa sex? babae o lalake?
dapat pareho kayong nag-eenjoy.

bakit hanggang ngayon hindi pa tumitigil ang menstration ko?
magpatingin ka na sa doktor

anu yong 7 (pito-pito) gamot ni ernie baron
ang pito-pito ay ang pinaglagaan ng pitong natural o organic na sangkap. sinasabing ito ay nakakagamot ng madaming sakit. ang mga sangkap na ito ay:
1. pandan (dahon)
2. manga (dahon)
3. banaba (dahon)
4. bayabas (dahon)
5. alagao (dahon)
6. anise (seeds)
7. coriander (seeds)

Continue reading

Bakitganun #45

mang admin nagtapos ako ng pag aaral sa kolehiyo sa emilio aguinaldo college. e dehins ko sya trip, pwede ko bang palitan ng andres bonifacio college yung alma mater ko? at paano? tips nga dyan! salamat!
mag-aral ka na lang ulit. Maghanap ka ng Andres Bonifacio College. Meron ka ng Aguinaldo meron ka pang Bonifacio

anong sentimyento mo sa pagrereformat ng multiply? yung niretrieve ko mga rare artists na lang.
lahat daw ng magagandang bagay ay may katapusan. Matagal ng naka-backup ang mga mp3 na inupload ko sa Multiply ๐Ÿ˜‰

bakit mas masarap bumarkada kesa mag review? kaso ayoko na pumila sa PRC next year!
apir! ๐Ÿ™‚

may kaso ba ang maagang mag-aasawa
madaming kaso

Kaylangan ba talaga na pasado ka sa lahat ng college entrance exam bago?
bago ano? Nabitin ako.

Continue reading

Bakitganun #44

Pano ko mapaparating sa isang dati kong classmate sa hs na crush ko sya ngayon? Di ko man lang sya type nung hs pero after so many years eh biglang nag-iba ang pagtingin ko sa kanya. Para sa kin, gwapo sya. Matalino at kakaiba. Wow. Hahaha. Pag tinext ko sya, sumasagot naman sya. Pero di ko alam kung type rin nya ko or hindi eh. Anong maipapayo mo? :p
wala naman sigurong masama sa pagkakaroon ng crush. crush lang naman diba. sinasagot nya ang mga text mo dahil siguro mabait at friendly naman talaga sya. mukha lang siguro syang suplado. baka ayaw ka rin nyang masaktan.

Bawal ba magdala ng viagra sa airport?
bawal kung kahong-kahong viagra ang dala mo.

nakaka apekto ba ang shabu sa sex
maaapektuhan ng shabu ang buong buhay at pagkatao mo. at hindi lang ikaw ang maaapektuhan, pati ang mga mahal mo sa buhay.

Bat Ganun.. pag tinignan mo si crush… titingin din siya saYo? Dude!! bakit ganun?
kilig na kilig ka naman. wag mong isipin na may crush din sya sayo. masasaktan ka lang. haha.

paano mabubuntis ang babae?
sabi ng mga matatanda, tulad ng mga palabas sa tv na black and white, mabubuntis daw ang babae kapag hinalikan sa labi. :p

Continue reading

Bakitganun #43

tama po ba na bastusin ng asawa ko magulang ko?
ang pambabastos, in general, ay hindi magandang kaugalian, period!

kapag ba ang mahal mo may mahal ng iba… masama bang patuloy nah mahalin siya?
kung handa kang magpaka-tanga, sige lang, mahalin mo sya. wag kang aasa na susuklian nya yun ng pagmamahal.

may sakit ako pero im keeping it for myself
mas makabubuti kung sabihin mo ang nararamdaman mo sa iba. baka makatulong sila sayo.

Ayun me tanong ako! Bakit Hanggang ngaun bayani p din si Apolinario Mabini at Emilio Aguinaldo na nagpapatay ke Andres Bonifacio e sila ang mga kauna-unahang corrupt politicians na, dahil natakot sa military powers and influence ni Bonifacio, at dahil natakot sila at hindi sila magiging bida pag nagkaron ng new filipino government dahil baka manalong presidente si bonifacio, e pinapatay nila ito para ma-absorb nila ang military forces niya without much trouble? Bakit ganun? ^_^
May mga taong hindi itinuturing ang dalawa na bayani lalo na si aguinaldo

Bakit may BF na ‘ pAgdAting za iba mArAmI syAng cnasav yUng bAng mArami syang topic nA mAaarIng pAg kWen2han ‘ pero pag dating sa GF pArang nAgbAgo’ ang konte nya mAgkwen2 nI za tExt antipid magreply ‘ bAt gAnon?
baka naman nagsawa na sya sayo. tanungin mo sya kung nagsawa na sya sayo. wag kang maniwala kung sabihin nyang hindi pa.

Continue reading

Bakitganun #42

may crush ako pero hindi nia ko crush bakit ganon?…
BASAHIN: Bakit ‘Di Ka Crush ng Crush Mo

1) bakit wala pang boyfriend si j_gt_y? 2) at bakit minsan na nga lang sya magte-take risk, dun pa sa pa-fall sya na-fall?
1) alin sa mga sumusunod:

  • A. masungit ka
  • B. hindi ka nag-aayos ng buhok
  • C. takot kang masaktan
  • D. masyadong mataas ang standards mo
  • E. malakas ka sa rice

2) masama man ang naging experience mo ngayon, hindi pa rin dapat matakot mag-take risk. wag i-HIDE ang nararamdaman sa mga taong gustong maging part ng buhay mo. ๐Ÿ™‚

1) KILALA MO BA KUNG SINO AKO? 2) ANO YUNG POTAMOPHOBIA???
1) ikaw ba si inday badiday?
2) sabi sa dictionary, potamophobia is the fear of rivers, flowing water. siguro takot ka sa mga taong namamangka sa dalawang ilog. hihi.

1) kumusta ang multiply mo? 2) may alam ka na bang downloading tool para mapabilis ang pagretrieve sa mga MP3 files ko doon?
1) buhay pa naman ang multiply ko. swerte ng mabuksan ko sya isang beses sa isang buwan.
2) wala akong makitang maayos na downloading tool para sa multiply.

Anong magandang ipost sa fb para sa 1st anniv. Namin ng bf ko. .ung sweet.
wag mo ng daanin sa fb ang pag-celebrate nyo ng 1st anniversary. madami lang maaasar sa inyo na mga single friends mo. hihi.

Continue reading