Bakitganun #36

sawang kumain ng tao dito sa pilipinas
si Robinson, ang kalahating tao-kalahating ahas na kakambal ni Robina ng Gokongwei Family na pinapaniwalaang nakatago sa loob ng Robinsons Galleria.

10 Urban Legends That Drove Pinoys Crazy

bakit ang dami mong alam?
mas madami akong di alam 😉

paano ko malalaman kung may kabet ang boyfriend ko
tulad ng mga nauna kong sinabi, hindi yan aamin hangga’t hindi mo nahuhuli. yung iba nga nahuli mo na sa “akto” hindi pa rin aamin e. ano yun, natalisod tapos na-shoot?!

bakit ang pilipinas ay madalas makaranas ng pagputok ng bulkan
dahil meron tayong mga bulkan. kung wala tayong bulkan hindi tayo makakaranas ng madalas na pagputok nito. :p

Artikulo tungkol sa maagang pakikipagrelasyon, san ako mkkhanap? Tnx.
O eto, ang kulit mo e.
ayan at ayan pa

Continue reading

Bakitganun #35

kung ikaw ay lalaki pano ka manunuyo sa iyong minamahal? sagot agad ha assignment namin eh
dalhin mo sya sa isang malayong lugar. sa isang beach, sa walang masyadong tao. at sa ilalim ng liwanag ng buwan at init ng apoy na nanggagaling sa mga sinigaang tuyong kahoy, ipaghanda mo sya ng masarap na pagkain at espesyal na wine. hayaan mong mag-usap ang inyong mga puso habang pinapakinggan ang lagaslas ng alon ng dagat sa dalampasigan at mga huni ng mga kuliglig na nakatago sa mga dahon ng puno na basa ng hamog. isandal mo ang kanyang ulo sa iyong dibdib habang dahan-dahang hinahaplos ang kanyang buhok. kantahan mo sya ng pabulong habang hinahaplos ang makinis nyang mukha hanggang sa sya ay dalawin na ng antok. palipasin nyo ang magdamag sa ilalim ng kalangitan at sa pagsikat ng haring araw ay gisingin mo sya ng iyong matamis na halik.

at sa inyong pag-alis… linisin mo yung kalat nyo. ;p

bakit hindi mabuksan ang mga notification ko sa fb?
baka sira ang facebook o baka sira ang pc mo. try mo ipahinga. maghapon-magdamag ka ng nakababad dyan sa computer mo.

ano ang gamot sa 1 month delay na menstration?
kung dahil buntis ka, ingatan ang sarili at kumonsulta sa doctor.

alam mo ba to? may tatlong taong bumili ng balot na nagpasobra ng isa. pagtingin niya sa basket walang natira. bakit ganun?
kinain na ng tindera.

magkano ang sweldo ng mayor
mas malaki pa ang sweldo ko pero mas malaki ang mga nakukurakot nya.

Continue reading

Bakitganun #34

paano ko sasabihin sa babaeng katabi ko na mabaho sya na hindi ko sya magagalit?
hiritan mo ng pickup lines. kunyari:
taga-paombong ka ba? amoy suka ka kasi.
tanghali na ba? amoy araw ka kasi.

paano mo masasabing nahanap mo na ang tamang trabaho para sa iyong tinapos na kurso?
kung may kinalaman sa natapos mong kurso at masaya ka sa trabaho mo. kahit gaano pa kalaki ang sweldo mo kung hindi ka naman masaya sa ginagawa mo, hindi ito ang tamang trabahong hinahanap mo.

saan ba makakita ng gintong itlog
hanapin mo muna yung golden duck. wag yug silver swan, toyo yun.

gusto ko manghingi nang sorry sayo
ano ba ang kasalanan mo? kung ano man yan e pinapatawad na kita. 🙂

bakit may amoy ang pekpek
hindi naghugas. Continue reading

Bakitganun #33

paano ko aalamin na may ibang babae ang boy friend ko?
kahit tanungin mo yan, hindi yan aamin. galingan mong manghuli.

paano makikita kung sino sino ang bumibisita sa facebook mo..
hindi mo makikita ang mga bumibisita sa facebook mo. wag kang mag-assume na binibisita ng crush mo ang facebook mo :p

sang ayon ka ba sa ban sa paninigarilyo sa pampublikong lugar? kung sakaling hindi ano dahilan mo?
sang-ayon ako kahit ipagbawal na nila ng todo ang paninigarilyo. pampublikong lugar man o hindi. bakit natin pinapabayaan ang alam naman nating nakakasama.

anong panahon ang hindi fertile ang babae?
kapag dry season.

ganu kadalas umihi ang babae?
depende sa dami ng na-take nilang liquid. hindi lang ang na-inom, meron ding mga pagkain na naglalaman ng madaming tubig. Continue reading

Bakitganun #32

excited ka sa pag hhntay sa girlfriend mo kc my i-ikwento ka.. tapos tinwagan mo. mllaman mo sinundo sya ng bestfriend nya na ex nya. ano mafe-feel mo at ano mggng reaction mo kinabukasan or later on na mg usap n kau ng girlfriend mo?
uupo ako sa gilid ng kama, tititig sa pader at magmumukmok. kapag nag-usap na kayo sabihin mo foul yun, may technical pa… sa susunod ma-o-out of the game ka na!

anong division ng malaki sa labas kesa sa loob
math ba yan? next question… ;p

ano masasabi mo sa marijuana? drugs ba to para sayo?
sya ay halamang gamot na may mabuti at masamang epekto sa katawan o pag-iisip kung hindi magagamit ng maayos.

pde m bng ituro skn kng panu ndi masaktan s love??
kahit ano pang tips ang sabihin ko siguradong pagdadaanan mo pa rin ang masaktan sa love. 😉

pano ko ba makukuha ang lalaking mahal ko sa ibang babae?
baka kulang ka pa sa landi. laging tandaan: daig ng malandi ang maganda.

paano ko malaman kung may gusto siya sa akin?
kapag tumitingin sya sayo ay may kasamang paglabas ng dila. at may kasama pang kindat minsan. Continue reading