POP QUIZ (Tito and Tita Edition)

(2018 ngayon, kung ikaw ay 18 years old or below, malamang mahirapan kang sagutin ang mga tanong dito)

dati, hindi pa uso ang cable. wala pang dvd at vcd. wala pang may access sa internet. sa katunayan, iilan pa lang ang may computer noon sa pilipinas. ang uso pang laruan ay ang game & watch. iilan pa lang ang channel sa tv. sikat pa ang channel 4 dahil sa pba. naglalabasan ang mga tao kapag brownout at naglalaro ng taguan. uso rin yung text dati, yung text na maliit na baraha na ginawang komiks ng mga paborito mong pelikula. sikat pa ang cartimar. wala pang ukay-ukay. kulay dilaw pa ang taxi at ang r&e ang pinakasikat. chocolate boys pa ang tawag sa mga pulis. ang tubig na iniinom ay yung galing sa gripo. meron pang red phone. rotary ang pag-dial. uso ang partyline. nagta-type ka sa makinilya (typewriter). uso pa ang telegrama. pebble washout ang labas ng bahay at marmol ang sahig. jalousy ang bintana. mongol ang lapis at rabbit ang eraser. panda ang ballpen (scented and unscented). pwede ka pang manghingi ng patis sa kapitbahay. uso ang topsider na sapatos at acidwashed na pantalon. sikat ang betamax at cassette tapes. adik ka daw pag long hair ka. madami pang nagtitinda ng sweepstakes sa quiapo. uso pa ang malalaking audio component system na kung ilang patong (equalizer, tuner, amplifier, cassette deck, etc). mura pa ang storck. kung inabutan mo ang panahon na ‘to, siguro alam mo ang ilan sa mga sagot sa mga tanong sa ibaba. goodluck!

  1. Sinu-sino ang cast ng Bagets? Ng Bagets 2?
  2. Sinu-sino ang cast ng Ninja Kids?
  3. Sino ang kumanta ng theme song ng telenovelang Agila at Valiente?
  4. Sino ang bida sa telenovelang Agila?
  5. Sino ang original cast ng Palibhasa Lalake?
  6. Sino ang bida sa pelikulang Super 1-2-3?
  7. Sino ang kumanta ng Tatlong Bentesingko?
  8. Sino ang kumanta ng Mister Kupido? Ng Mister Dreamboy?
  9. Sino ang kumanta ng Kapag Tumibok ang Puso?
  10. Sino ang gumanap na ‘14’ sa teen-oriented program na 13-14-15?
  11. Sino ang host ng Young Love, Sweet Love?
  12. Anong group ni Caselyn Francisco sa That’s Entertainment?
  13. Ano ang title ng Sunday show ni German “Kuya Germs” Moreno?
  14. Ano ang title ng noontime show nina Randy Santiago, Toni Rose Gayda, at Tina Revilla?
  15. Sino ang host ng Katok mga Misis?
  16. Saang sitcom lumabas sina Herbert Bautista at Eula Valdes?
  17. Sino ang sidekick ni Don Robert sa tv sitcom na Ober da Bakod?
  18. Sino ang love interest nina Mokong at Bubuli sa Ober da Bakod?
  19. Sino ang tatay ni Jennifer Sevilla sa tv sitcom na Abangan ang Susunod na Kabanata?
  20. Sino ang bida sa telenovelang Mga Batang Yagit?
  21. Ano ang binili ni Joey sa tv commercial ng Royal True Orange?
  22. Ano ang kinanta ni Lilet sa commercial ng Coke?
  23. Ano ang akala ni Pong Pagong ng makalunok siya ng buto ng santol?
  24. Sino ang main storyteller sa Batibot?
  25. Sino ang kapatid ni Ate Ging Ging sa Batibot?
  26. Sino ang ka-partner ni Alibangbang sa Batibot?
  27. Sino ang manghuhula na may-ari ng perlas na bilog sa Batibot?
  28. Sino ang kumanta ng Isda-da-da-isda sa Batibot?
  29. Sino ang bida sa tv show na Pandakekoks?
  30. Sino ang bidang mag-asawa sa Chiks to Chiks?
  31. Sino ang mga pamangkin ni Doc Aga sa Okidokidok?
  32. Sino ang anak ni Azon sa Home Along da Riles?
  33. Sino ang original cast ng T.G.I.S.?
  34. Sino ang original cast ng Gimik?
  35. Saang mga lugar sa Maynila tumira sina Richard Gomez sa Palibhasa Lalake?
  36. Sino ang host ng Eye to Eye?
  37. Sino ang mga original anchors ng TV Patrol?
  38. Sino ang may-ari ng canteen sa Iskul Bukol?
  39. Ano ang meaning ng T.O.D.A.S.?
  40. Saang gag show lumabas sina Earl Ignacio, Smokey Manoloto, Michael V, Carmina Villaroel, at Jelli de Belen?
  41. Saang Japanese game show “nag-host” sina Smokey Manoloto at Anjo Yllana?
  42. Sino ang C3PO counterpart sa BIOMAN?
  43. Sino ang babaeng ka-partner ni Shaider?
  44. Sino ang tatay ni Steve, Big Bert, at Little John?
  45. Anu-ano ang mga kulay ng lion robots sa Voltron?
  46. Saang anime ang characters na sina Richard and Erica?
  47. Sino ang anak ni Goku?
  48. Sinu-sino ang bida sa Ghost Fighter ( Yuyu Hakusho )?
  49. Ano ang theme song ng Bagets?
  50. Sino ang bestfriend ni Sarah sa cartoon na Sarah, Ang Munting Prinsesa?
  51. Sino ang bida sa pelikulang Super Islaw?
  52. Sino ang artistang gumaganap na alter ego ni Herbert Bautista sa pelikulang Captain Barbell?
  53. Sino ang hosts ng Ang Bagong Kampyon?
  54. Sino ang tatay ni Lito Pimentel sa tv sitcom na Ang Manok ni Si Pedro?
  55. Sino ang cast ng Champoy?
  56. Sino ang kumanta ng Iodized Salt (Mag-iodized Salt Tayo)?
  57. Sa show na Batibot, anong hayop si Puti?
  58. Ano ang title ng theme song ng Ninja Kids? Sino ang kumanta nito?
  59. Sino ang bida sa pelikulang Last Two Minutes?
  60. Sino ang nanliligaw kay Shirley sa tv sitcom na John ‘n’ Marsha?
  61. Sino ang mga duwende sa movie na Inday Bote?
  62. Ano ang title ng movie ni Maricel Soriano at Randy Santiago?
Tagged:

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.